Napatda na ang aking mga mata sa driver nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Mabagal pa na iprinoseso ng aking utak ang mga sinabi niya. Hindi doon sa part na makakalimutan na siya ah. Doon banda sa ilang beses na akong nagpahatid. Ibig lang sabihin nito dati pa ay mahilig na akong tumambay or magtungo sa mga coffee shops. Favorite coffee shops? Hindi nga? Baka noon iyon dahil sa ngayon ay mas gusto ko na ang breakfast kumpara sa tasa ng kape lang. “Sana nga may maalala ako habang nasa loob ng coffee shop. Baka ito na ang gigising sa akin.” Ngumiti lang ang driver at saka tumango. Nang tumigil na ang sasakyan ay iginala ko sa paligid abmng mga mata. Gaya sa ibang lugar na mga pinuntahan namin, hindi rin sa akin iyon familiar. Hays, mukhang bokya na naman ako sa pag-asa. Kakaun