Chapter 22

1909 Words

Malakas na nagpumiglas si Eloise sa hawak ng mga tauhan ko. Nagawa niyang makawala at hindi napigilan na patakbong lumapit sa amin upang awatin ako. Pabalya at malakas niya akong itinulak papalayo pa sa nanghihina at duguang katawan ni Danny. Ilang suntok ko pa dito at paniguradong papanawan na ng ulirat. Umiigting pa rin ang panga ko sa galit na halos ay mandilim na ang aking paningin sa kanya. “Jusko naman, Israel! Tama na. Gulpi na si Danny sa'yo. Gusto mo bang maging kriminal? Gusto mong makulong? Tingnan mo nga ang ginawa mo sa kanya! Kulang na lang ay patayin mo siya!” “Paano kung sabihin kong oo, iyon nga ang plano ko? May magagawa ka ba Eloise? Sino ba ang pinag-ugatan ng lahat? Ikaw di ba? Kasalanan mo ang lahat kung bakit ako nagkakaganito! Binigyan na kita ng warning! Hindi ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD