Habang nasa labas ng hotel ay muntik na akong mawalan ng kontrol sa sarili. Nagngingitngit na ang loob ko habang panay ang panunukat ng tingin sa mataas na building ng hotel. Ilang dipa ang layo dito ang paradahan ng aming sasakyan. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang kami pumasok doon at mag-caused ng kaguluhan. Baka makasuhan kami kapag ginawa namin ito. Maraming mga negatibong bagay ang patuloy na pumapasok sa aking isipan. Iyong tipong kahit na pilitin kong itaboy ay ayaw akong lubayan. “Mayor, ano na po ang gagawin natin?” Itinaas ko ang isang palad sign na hintayin ang magiging desisyon ko sa aming sitwasyon dito. What if wala naman talaga siya sa loob at may kumuha lang sa cellphone niya kaya narito ito? Okay nga sana kung ganun ang nangyari eh. Paano kung siya talaga ang