Makalipas ang dalawang araw naihanda na niya ang lahat ng kailangan, para sa pakikipagkita niya kay Zandro. Buong tapang at lakas na loob na rin niyang inihanda ang sarili sa pagharap kay Zandro De Guzman. Buo na ang pasya niya sa plano. Wala nang makakapigil pa sa kanya sa paglapit kay Zandro. Ang binata ang natatanging susi sa kalayaan nilang mag ina. Ito ang magpapabagsak kay Julio.
Huminto ang kotse niya sa tapat ng malaki at mataas na gate na may arkong De Guzman Farm. Sa loob ng dalawang araw inalam niya ang lahat tungkol kay Zandro. Kung saan ang opisina nito, kung kailan at anong oras ito nasa trabaho. Sinubukan din niyang humingi ng appointment sa secretary nito ngunit nang tanungin siya kung sino siya, at para saan ang appoitment, ay hindi na lang niya tinuloy. Kaya heto siya sinadya na niya ng personal si Zandro sa mismong farm nito.
Bumaba siya ng kotse para magtanong sa guard na naroon sa gate. She wear her best business attire look, para magmukha siyang matalino at nais makipag business deal kay Zandro.
"Pwede po ba kong pumasok sa loob? Kakausapin ko lang po sana si Mr. De Guzman," sabi niya, matapos magalang na batiin ang gwardya na mukhang nasa kwarenta pataas ang edad.
"Alam na po ba ni Sir Zandro?" Tanong nito.
Bahagya siyang nagpa cute. Para sana hindi na dumaan pa sa maraming tanong, tanong.
"Actually hindi pa po," nakangiting sagot niya.
"Ah," tanging sabi nito. At sinulyapan siya, pati na ang mamahaling kotseng dala niya. Regalo ni Julio sa kanya ang mamahaling sasakyan na iyon pagkagraudate niya. Kahit alam niyang galing sa masama ang pinambili nito ay tinanggap na lang niya, kesa sa awayin pa siya ni Julio.
"Sige po Ma'am, pumasok na po kayo," sabi nito matapos siyang masuri at ang kotseng dala.
"Sundan niyo lang po ang mga nakalagay na sign patungo sa sa resthouse kung saan nag-oopisina si Sir Zandro," turo sa kanya ng guard.
"Salamat po," nakangiting pasalamat niya.
Mabilis siyang bumalik sa kotse. Buti na lang wala ng kung anu-ano pang tanong. Pinaandar niya ang kotse at pumasok sa gate na binuksan pa ng guard para sa kanya.
Tinatahak na niya ang malawak na farm ng mga De Guzman. Sa pagkakaalam niya dalawang magkapatid ang mga De Guzman si Zandro at ang isa ay babae. Sa mga nabasa niya matagal ng may pamilya ang kapatid na babae ni Zandro. Kaya marahil si Zandro na lang ang nag-aasikaso sa farm ng mga ito.
Pinagsawa niya ang mga mata sa napakagandang paligid. Malinis at puno ng mga tanim. May nadaanan din siyang tila isang mansyon sa kalagitnaan. Marahil iyon ang bahay ng mga De Guzman.
Makalipas ang ilang minuto narating din niya ang resthouse na tinutukoy ng gwardya. Isa pa sinundan naman niya ang mga arrow na nagtuturo patungo sa resthouse, kaya natitiyak niyang hindi siya naligaw.
Nakatayo ang malaking resthouse sa tabi ng ilog na may katamtamang laki. Napapalibutan ito ng mga malalaking puno. Gawa ito sa kahoy at mukhang presko. Pinarada niya ang kotse sa tabi ng isang mamahaling sasakyan. Marahil sasakyan iyon ni Zandro. Mas mamahalin kesa sa dala niya.
Bumaba siya ng kotse bitbit ang mamahaling bag at isang brown envelope. Tiningala ang napakapreskong resthouse. Humugot siya ng malalim na paghinga. Handa na siya sa gagawin. Buo na ang pasya niya. Kung pagtawanan man siya ni Zandro sa alok niya ay ok lang. At least sumubok siya.
"Excuse me,"
Narinig niya ang isang baritonong tinig mula sa likuran. Napalingon siya at hindi napaghandaan ang nakita niyang kagwapuhan ng lalaking nakatayo roon at nakamata sa kanya.
Zandro De Guzman, mas gwapo pala ito sa personal at sa malapitan. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong pants. Simpleng- simple pero sobra-sobra naman ang lakas ng appeal nito, na kahit sinong babae ay mabubulabog pag tumingin ito.
"Hi," bati niya. Matapos ang ilang secundong pagtitig sa kagwapuhan nito na nagpawala saglit sa katinuan niya.
"Hi,' nakangiting bati nito sa kanya. Mas gwapo pala ito pag nakangiti at nakalitaw ang mapuputing ngipin na pantay-pantay.
"I'm Ziyah. Ziyah Alcaraz," pakilala niya.
"Ziyah Alcaraz?" Kunot noong tanong nito. Apelido ni Julio ang gamit niya, dahil pinakasalan nito ang Mommy niya, bago pa siya maisilang. Si Julio ang nakalagay na ama sa birth certificate niya.
"Yah, I'm Ziyah, and you are Mr. Zandro De Guzman right?"
Tumango ito sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya si Zandro, at tila hindi siya handa sa nakikitang kagwapuhan nito.
"I came here. Para sa proposal ko sa iyo," lakas loob na sabi niya.
Kumunot ang noo nito. Saka lumabi. Napatingin siya sa mga labi nitong maganda na tila masarap halikan. Mabilis niyang winaksi ang ano mang naisip. Never in her life na naisip niya ang bagay na iyon sa isang lalaking kaharap.
"Ok, let's get inside sa loob tayo mag-usap," anyaya nito sa kanya at tinuro ang daan.
.
"Coffee or tea?" Tanong nito ng makapasok sa loob ng resthouse.
"Tea, please," sagot niya.
Nakita niyang sumensya ito sa babaing nakaupo sa tapat ng isang mesa malapit sa pintuan. Marahil iyon ang secretary nito na nakausap niya at ang daming tanong.
"Dito tayo Ms. Ziyah Alcaraz," banggit nito sa pangalan niya. Nakaramdam siya ng kakaiba sa simpleng pag banggit lang nito sa pangalan niya. Hindi na muna niya pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon.
Pumasok sila sa loob ng opisina nito. Tinuro ang sofa at agad siyang naupo. Sumunod naman itong naupo sa tapat ng kinauupuan niya.
"What, Ms. Ziyah Alcaraz doing in my farm alone?" Tanong nito at sinulyapan siya.
Pansin niyang tulad din niya ay tinititigan siya nito. Kaya nakakaramdam siya ng pagkailang. Bukod sa pagsuot ng pormal na business attire, ay sinigurado niyang maganda siyang haharap kay Zandro.
"Here," sagot niya. Saka inilatag ang brown envelope sa mesa.
Sakto naman ang pasok ng secretary na may dalang tsa-a. Binaba ng secretary ang tasa sa tapat nila ni Zandro, saka nakangiting nagpaalam sa kanila. Hinintay muna niyang makalabas ang babae bago muling nagsalita.
"I am Ziyah Alcaraz. Julio Alcaraz is my stepfather not my father,' simula niya. Sinabi na niya ang totoong relasyon niya kay Julio. Para sa simula palang malinaw na rito ang lahat.
"I see,' sagot nito. Pero halata ang pagtataka.
"Here," sabi niya at iniusog ang brown envelope palapit rito. Nalipat ang mga mata nito sa envelope.
Pakiramdam niya hindi siya makahinga ng buksan nito ang envelope at hilahin ang papel sa loob. Saka siya muling sinulayapan, at muling binaling sa papel ang mga mata nito.
Galing sa OB-gyne ang papel na iyon. Katunayan na siya ay birhen, na malinis siya. Nakita niya ang pagkunot sa noo nito at sinulyapan siya.
"What is this all about?" Kunot noong tanong nito.
"Mr. Zandro De Guzman. I offer myself, my virginity, to you. Kapalit ang pagtakbo mo bilang Mayor sa bayan na ito, at kalabanin ang stepfather ko na si Julio Alcaraz,"