CHAPTER 38 - Her Past "WALA akong mahanap na kahit ano, Tita." Naramdaman ko agad ang paghaplos ni Tita Maureen sa likod ko na tila inaalo ako. "Ayos lang 'yan, Haelynn. Hindi naman madali ang ginagawa mo. Kung tuusin, inilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan," aniya. Frustrated akong tumingin sa kanya. "Oo, Tita. Hindi madali at delikado. Pero sumusugal pa rin ako kasi nga gusto kong makakuha ng hustisya para sa pamilya ko. Pero ngayon..." Hindi ko na naituloy ang sinasabi nang hindi na makayanan. Sa mga lumipas na araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang maghalungkat ng impormasyon tungkol kay Mrs. Alvarez at sa mga masasama niyang ginawa. Sinubukan ko na rin pasukin ang kwarto niya ngunit nabigo ako dahil naka-lock 'yon. Nang may mapasok naman akong opisina noong una ay wala ako