CHAPTER 39 - Stop BUMAKAS ang naguguluhang ekspresiyon sa mukha ni Tita Maureen nang maabutan ako sa opisina niya. Sinadya ko pa siya rito sa pagmamay-ari na bar para lang makita nang personal. Matipid akong ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Ginantihan din niya ang ngiti kong 'yon ngunit nananatili ang pagkagulo sa mukha. "Haelynn," banggit niya sa pangalan ko nang tuluyang makalapit. Naupo siya sa kaharap kong upuan bago muling tumuon ang atensiyon sa akin. "What brings you here?" Nang marinig ang tanong niya ay awtomatikong bumaba ang tingin ko sa sahig. Kinagat ko ang ibabang labi at pinaglaruan ang mga daliri ko. Hindi ko malaman kung paano sisimulan ang gustong sabihin sa kanya. "Haelynn, tell me. What's wrong?" Nabakasan na ng pag-aalala ang boses ni Tita Maureen nang si