CHAPTER 37 - Search "GOOD morning, Ma," bati ni Domino sa ina nang maabutan namin ito sa salas. Nang bumaling sa akin si Mrs. Alvarez ay peke akong ngumiti. "Good morning, Tita. How are you po?" Kaagad na sumilay sa labi niya ang isang ngiti dahil sa naging pagbati ko. "I'm fine, Haelynn." Biglang bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "Kayo, bakit ang aga nyo?" Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Domino bago tugunin ang tanong ng ina. "I'm going to teach her." "Ng ano?" "Taekwondo, Ma." Bumakas ang pagkamangha sa mukha niya. "Really?" Mabilis kong ibinalik ang ngiti sa labi nang bumalik ang tingin niya sa akin. "Yes po, Tita. Nabigla po kasi ako nang malamang marunong pala nito si Domino, kaya nang magboluntaryo siyang tuturuan ako ay pumayag po ako." "Oh, yes. Magaling siya