CHAPTER 36 - Bonding "MRS. Alvarez." Kaagad na sinalubong ng mga tao si Mrs. Alvarez nang mapansin ang presensiya nito. Napatago ako sa likod niya nang maging abala siya sa pagbati sa mga taong sumalubong sa kanya. Nang matapos, nakaramdam ako ng pagkagulo nang bumaling sa akin si Mrs. Alvarez dahilan para mapatingin din sa akin ang mga tao. "Everyone, meet Haelynn Lopez, she's my son's girlfriend," pagpapakilala sa akin Mrs. Alvarez sa mga taong nakapalibot sa amin. Bahagya akong nabigla, pero kinalaunan ay mabilis na ngumiti lalo na nang isa-isa na nila akong batiin. "Ang ganda naman niya," komento ng isa sa kanila. Malawak na ngumiti si Mrs. Alvarez sa taong nagsabi nito. "I know. Isa pa, mabait siya." "Buti naman at mukhang nagtino na si Domino." "Ganyan talaga kapag tinamaan