Chapter 35 - Call

2077 Words

CHAPTER 35 - Call "WOW," mahina kong usal habang ang mga mata ay abala sa pinapanood sa telebisyon. "Ang galing nila!" Napatingin ako kay Domino na nasa tabi ko nang marinig ko ang pagngisi niya. Tumaas ang kilay ko sa inakto niya. "Beginner pa lang sila. Kita mo 'yong white belt na nasa baywang nila? Iyan ang patunay." Tumango ako. "E 'di mas nakakamangha sila, kasi kahit bata at baguhan pa lang ay ang galing na nila." Ngayong araw, dahil wala kaming magawa at tinatamad na lumabas ay napagpasyahan na lang namin ang tumambay sa bahay ko hanggang sa maisipang manood ng telebisyon. Napadpad kami sa isang channel na may movie tungkol sa pagta-taekwondo. "But their skill is not that great like what you think. Marami pa silang kailangan na mapagdaanan." Humalukipkip ako sa harapan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD