PH1 #5: Ace

3116 Words
CHAPTER5 "Anong klase ng patakaran ang pamamalakad sa hospital na hinahawakan mo Kanye?" Galit na tanong ko kay Kanye ng sagutin nito ang tawag ko. Dahil sa pagpapakuha ko ng impormasyon tungkol kay Elijah ay napag-alaman ko na sa hospital kung saan si Kanye ang namamahala na itinalaga ni lolo na confine ang mama nito. At ganun na lang ang inis ko ng malaman na may ganun palang itong patakaran. "What do you mean?" Baliwalang tanong naman nito sa akin. Kung gaano ang pagkadisgusto ko dito ay ganun din ito sa akin. Ewan ko na lang kung galit na galot din iyo ngayon. Pero sabi nga ng lolo siya ang pinakamasunurin sa aming apat na inalagaan niya. "Isa sa magulang ng empleyedo ko ang nakaconfine doon ngayon at napag alaman ko na hindi pinayagang operahan ang mama niya dahil wala itong maibigay na sapat na kabayaran para sa operasyon?" "What?" Halatang nagulat ito sa sinabi ko. "Wala akong patakaran na ganyan Ace kaya huwag kang mangbintang. Saka si papa ang derector manager ngayon doon. Nakiusap ito sa akin na siya ang mamamahala muna doon kaya pinagbigyan ko." Mahabang paliwanag nito "Damn it. Sabihin mo sa papa mo, kung hindi niya aayusin ang pamamahala sa hospital, I swear I will take back the hospital from you. At huwag lang magkakamali ang papa mo na gumawa ng mas ikakagalit ko dahil hindi ako mangingiming ipakulong siya sa ganyang pamamalakad niya." Galit na banta ko dito. Hindi ko na ito hinintay na makasagot ay binabaan ko na siya ng telepono. Naisuntok ko na naman ang kamao ko sa lamesa ko habang sapo naman ng isang palad ko ang sintido ko. Nakakapang init ng ulo ang mga nangyayari. Nagsimula ito dahil sa kagagawan ng lolo na bigla na lang nagpasya para sa akin. At ngayon napag alaman ko na hindi pala maganda ang pamamalakad sa hospital na binitawan ko at ibinigay naman iyon ni lolo kay Kanye. Pero hindi ko lubos maisip na hahayaan naman ni Kanye ang papa niya na pamahalaan iyon ng wala ang pagsang-ayon ko. Ewan ko na lang kung alam iyon ni lolo. Pero kung alam iyon ni lolo malamang gaya ng nasa isip ko ay babawiin niya iyon dito. Damn it again! Speaking of lolo. Nasaan ba ang matandang iyon at ayaw magpakita sa akin. Sabi sa akin ni Atty. Hermosa ay nasa bahay bakasyonan daw ang lolo sa probinsya at malayo sa kabihasnan. At talagang nagtatago siya sa akin dahil alam nitong hindi ko kayang sumunod doon dahil hindi ko maiwan ang mga negosyo ko. Not in a minute, a day pa kaya. Tatlong katok ang nakapagpatingin sa akin sa pintuan kaya naman nawala sa utak ko ang mga iniisip ko. Ang secretary ko na may dala dalang mga dukomento. "Heto na po ang list ng mga report ng mga taga PR department Sir. Narito na din ang report para sales department at heto po ang mga deal na kailangan niyong permahan. At 1 pm po, may meeting po kayo kay Mr. Ramulez para sa darating na mga guest sa susunod na araw. Napasabi ko na din sa AA Hotel na ihanda ang mga hotel room para sa mga bisita. And about the restaurant. Ire-rekomenda po ba natin ang restaurant na hawak ni Mr. Kanye, Sir?" Mahabang paliwanag nito sa akin at inisa isa niyang inilapag ang mga iyon sa lamesa ko. "No! Hindi na kailangang magpunta sa Restaurant ni Kanye. Sabihan mo na lang na magdagdag ng recipe sa Hotel Restaurant kung ano ang mga paborito ng mga guest natin. Kung kailangang magdagdag kayo ng chef para doon magdadagdag tayo." Sagot ko dito. "Sige po Sir." Yumuko ko ito at humakbang ng ilang beses paatras bago muling tumuwin ng tayo. "At tungkol sa pagpapaopera sa magulang ni Elijah ay naayos ko na po lahat. 8 am po ang exact time para sa operasyon." "Good. Sige, makakalabas ka na." "Yes sir. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo. Mauuna na po ako." Agad kong kinuha ang mga report na ibinigay nito at binasa ang mga iyon. "Mga walang kwenta, kaya naman pala nilang pagbutihin ang mga report nila bakit kailangan pang ipaulit ko sa kanila." Galit na inilapag ko ang ilan sa mga iyon. Sinunod ko ang report ng sales department. Kahit papaano ay malaki ang pumapasok na pera sa mga kompanyang hawak ko. Sa akin din minsan napupunta ang copy ng mga sales sa kompanyang hinahawakan ni Kanye at ang dalawa ko pang pinsan. Dahil bukod kay lolo ay sa akin niya itinalaga ang mga iyon para i-monitor kung maayos ba ang pamanalakad ay sales ng mga hawak nila. Naging abala na ako sa pagbabasa ng naturang pa dukomento. At sangkaterbak na pipirmahan para maabrubahan ang ilang mga proposal ng bawat department ng kompanya. Ang iba, ibinasura ko dahil walang mga kakwenta kwenta. Sa pag aanalisa ko sa mga iyon ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga oras, hanggang sa muling kumatok ang sekretarya ko para ipaalala ang meeting ko kay Mr. Ramulez na siyang nakahawak ng bigtime businessman na dadalaw dito sa pilipinas. At malaking oportunidad iyon para mas makilala ang AA Hotel And Restaurant. "Elijah, Lets go." Tawag ko kay Elijah ng tumayo ako sa pagkakaupo ko sa swealchair ko pero walang sumagot. Saka ko lang naalala na umalis din pala siya kanina ng mabasa ang nga dukomento para sa aming dalawa. Damn! Nasanay na akong bubuntot buntot siya sa akin. At parang kulang na na wala akong nauutusan na nasa tabi ko lang. Naiiling kinuha ko na ang black suit ko at isinuot iyon. Kung nandito si Elijah ay siya mismo ang dadampot niyon at ipapasuot sa akin. Iyon ang trabaho niya bilang PA ko. Gawain niya lahat. Maliban na lang sa minsan na siya mismo ang uutusan ko na kolektahin ang mga report ng bawat department ng kompanya. Nag aaplay siya na isa lang interm sana dito sa kompanya. Pero ng makita ko na maganda naman ang marka niya sa pag aaral kahit hindi pa ito nakapagtapos ay kinuha ko siya bilang personal assistant ko. Inalok ko siya ng malaking halaga at agad naman niyang tinanggap. At may kotrata na ako lang ang dapat magtanggal sa kanya at hindi siya pwedeng magresign hanggat sa hindi natatapos ang walong buwan na trabaho niya sa akin. At ngayon siya lang ang nagtagal sa akin na PA ko. Na sa mga nagdaang PA ko ay nakakapang init ng ulo dahil isang bulyaw ko lang ay iiyak na at bahag na bahag na ang mga buntot. Pero siya, nakikita ko na natakot siya noong una pero hindi naglaon ay nakasanayan na niya ang lagi kong pagsigaw. Nakalagay din sa resume niya kung bakit napili niyang magtrabaho dito at kung ano ang dahilan niya. At nakalagay doon para makapag ipon para sa muli niyang pagpasok sa eskwelahan sa huling baitang sa kolehiyo. Pero ngayon napag alaman ko na hindi pala iyon ang tunay na dahilan dahil gusto nitong makapag ipon para sa perang magagastos sa operasyon ng kanyang ina. Pero hindi iyon ang mas nakatawag ng pansin ko kundi kung paano niya nakilala ang lolo? Paano sila nagkakilala? At ang isipin iyon ay naramdaman ko na naman ang galit para sa kanya at sa lolo? Anong nakita ng lolo sa kanya na wala namang especial maliban sa ganda ng mukha nito? At bakit siya ang napili nito na pakasalan ko. Damn it again! Gaya ng sabi ko. Kung babae siguro siya ay malamang hindi ganito ang pagrerebelde ko at mas matatanggap ko pa. Mas madaling makipagdeal sa mga babae kaysa sa isang lalaki na wala man lang natapos sa buhay at maipagmamalaki. "Nancy samahan mo ako." Sabi ko na lang sa secretary ko ng matapat ako sa lamesa niya. "Yes sir." Mabilis na kumilos ito, dala dala ang ilang papeles na kakailangin sa pakikipag usap kay Mr. Ramukez "Pagkatapos natin kay Mr. Ramulez may ka business meeting pa ba ako?" Tanong ko dito habang bagtas na namin ang daan papunta sa AA Hotel. "Wala na po Sir Ace." "Good." Hindi na ako muling nagsalita. Pupuntahan ko si Elijah sa Hospital at makita mismo ang kalagayan ng mama nito. At ng hindi na siya makatanggu sa mga plano kung pagpapaikot sa will ng lolo. At para narin makausap ko mismo ang papa ni Kanye kung nandoom man ito ngayon. Narating namin ang AA at agad akong sinalubong ng mga pagbati sa mga empleyado ko na nandoon. Namataan ko si Mr. Ramulez na ngayon ay nakaupo sa isang VIP set sa restaurant kaya naman agad akong lumapit dito. "Magandang hapon Mr. Ramulez." may ngiti sa labi ko na pagbati dito na agad namang tumayo at nakipagkamay sa akin. "Magandang hapon din Mr. Anderson." "Shall we." Sabay alok na muli itong umupo. Umayos na din ako ng upo. "What do you want Mr. Ramulez. Order what you want. Sigurado naman ako na hindi ako mapapahiya na ipatikim ang mga meal na nandito sa Restaurant ko." "Thank you Mr. Anderson. I know it! Dahil minsan na kaming nagawi dito ng buong pamilya ko at satisfied naman kami lahat. At sa mga empleyado mo na talaga naman magagalang at hindi ka bibiguing pagsilbihan sa magandang asal." "Thank for the compliment Mr. Ramulez." Nakangiti kong pasasalamat dito. Tinignan ko ng Secretary ko na nakatayo lang malapit sa akin. "You may take a sit Nancy." Sabi ko din dito. Nagtaka siguro siya dahil hindi naman talaga ako nag aalok. "Salamat po sir Ace. But I insist to stand next to you." Magalang nitong sagot at bahagyang yumuko. "Okay! If you say so." At sinabayan ko ng kibit balikat. Nagpatuloy na nga kami sa pag uusap ni Mr. Ramulez matapos itong mag order ng pagkain. Napag usapan namin ang detalye tungkol sa mga darating naming bisita para i close ang deal about the clothing business na pwedeng maibenta sa mga nasabing negosyo ng mga bisita namin. Napag usapan na din namin kung ano ang mga gusto at ayaw ng mga ito na pwedeng gawin at iwasan para mas mapadali ang pagsasarado ng deal namin kung sakali. Inabot kami ng higit isang oras lang sa pag uusap. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nagkasundo sa mga gagawin. And also kung ilan ang magiging share niya kapag nagtagumpay ang deal sa susunod na araw. "Thank you for your time Mr. Ramulez." "Ako dapat ang magpasalamat Mr. Anderson. Muli, salamat. Mauuna na ako." "Yeah! Sure. Ingat sa pag uwi mr. Ramulez." Kumaway pa ito bago tuluyang makalabas ng restaurant. Agad akong tumayo at inayos ang suot ko. Binalingan ko Nancy na nakasunod lang sa akin. "Bumalik ka na sa kompanya. At siguraduhin mong maayos ang lahat ng nasa lamesa ko bago ka umuwi." Utos ko dito. "Yes sir." Agad kong tinalunton ang kinapaparadahan ng kotse ko at agad na umalis sa AA. Bagtas ang daan papunta sa AA Hospital Ang una kung pinuntahan ay ang opisina mismo ni papa ni Kanye. At dahil kilala ako doon ay hindi na ako pinigilan ng nagbabantay sa mismong pintuan ng opisina nito. At ang magaling kong tiyuhin ay parang walang pinag aralan kung makaupo dahil nakataas ang mga paa nito mismo sa ibabaw ng lamesa nito. Nagulat pa ito ng makita ako at agad na ibinaba ang mga paa. Tumayo saka ako sinalubong. Umiwas na lang ako ng tangkain niya akong bigyan ng yakap bilang pagbati. "Napasyal ka yata pamangkin." Nakangiti nitong tanong at hindi ipinahalata ang pagkapahiya sa pag iwas ko. Hindi ako plastik na tao kahit asawa pa siya ng kapatid ng papa ko. Kung tutuusin ay hindi siya ang kadugo ko kaya masasabi kong sampid lang siya sa pamilya namin. Dahil nag iisang anak nila na lalaki si Kanye ay ipinasunod ng lolo ang apelyedong Anderson dito at ang dalawa namang anak nilang babae ay sa kanya nakasunod ang apelyedo. At ang papa ang panganay na anak ng lolo pero sa kasamaang palad maagang namatay ang papa at panganay na kapatid ko dahil sa isang aksidente noong labing anim na taon ako. At ang papa noon ang paborito ng lolo kaya ng nawala na ito ay sa akin na natuon ang pansin niya. Pinag aral niya ako sa may mataas na kaledad ng pagtuturo para sa mga negosyo niya. At sa edad kong 18 ay sinimulan ko ng aralin ang pasikot sikot sa mga kompanya ng lolo na pinagsasabay ko sa aking pag aaral. Kaya hindi nila ako masisisi na ganito ako ngayon. Dahil sa buong buhay ko at labing isang taon na iginugol ko sa kompanya ay masasabing kong akin na sila kahit kay lolo parin iyon nakapangalan dahil ako na mismo ang nagpalago sa mga negosyo niya. At ngayon, ang walang kwenta kong tiyuhin at gagawa pa ng ikakasira ng mga negosyo namin dahil sa klase ng pamamalakad niya ng hospital. Pwes, hindi uubra sa akin ang ganitong pamamalakad niya. "Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na baguhin ang dating patakaran ng hospital. Public hospital ito at ginawa para sa mga mahihirap na tao. Hindi iyong iipitin mo ang mga pasyente para lang magkapera kayo." Panimula ko at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Alam ko, masama akong tao. Kung negosyo, negosyo lang. Walang personalan. Pero ipinagawa ito ni lolo para sa mga mahihirap. Dahil maawain ang lolo. Mabait sa mga taong naghihirap. Kaya nga hindi ko ito hinawakan dahil hindi naman ito kumikita ng malaki. Tanging ang nag tratrabaho lang sa hospital ang kumikita. Dahil ginawa ito ng lolo na Hospital for the aged. At ngayon, binago nito ang patakaran na iyon ng lolo. Anong karapatan niya? "Ganito kasi iyon pamangkin. Gusto ko lang naman kasing kumita ang hospital ito ng malaki laking halaga. Kasi sa kinikita nito sa isang buwan ay sapat lang sa mga dapat bayaran at swelduhan. May natitira nga para sa atin pero hindi iyon sapat." "At hindi pinagawa ng lolo ang hospital na ito para sa malaking pera. Naiintindihan mo ba. Kaya umayos kayo, kung ayaw niyong mawalan ng sustento at mawala lahat ng yaman na tinatamasa niyo." Banta ko dito. "Paunang banta lang iyan tito. Dahil kapag ipinagpatuloy niyo iyan, doon tayo magkakaalaman." Pagpapatuloy ko saka ko sinabayan ng pagtalikod dito. "Good day tito. At sana naintindihan mo ang ibig kong ipahiwatig sa inyo." Hindi ko na hinintay na makasagot ito. Deretso na ako sa paglabas. Nakakaubos ng pasensya ang mga pinaggagagawa nila sa mga hinahawakan nilang negosyo. Kung ako lang ang masusunod, kukunin ko ang mga iyon sa kanila para hindi na nila pakinabangan ng tuluyan. Iwinaksi ko na ang isip ko sa ibang bagay. Saka na lang ako ulit gagawa ng hakbang para sa kanila. Sa ngayon, kailangan kong makita at kumustahin ang mama ni Elijah. Para masiguro kong maayos lahat at naayon sa plano ko. "Dito po Mr. Anderson." Sabi ng nurse na pinagtanungan ko kung saan ang ward ng mama ni Elijah. Tumango na lang ako at iwinagayway ang kamay ko na pwede na siyang umalis. Agad na natanawan ko ang mama ni Elijah na ngayon ay napatingin sa gawi ko ng pumasok ako. "Anong maipaglilingkod sayo hijo?" Tanong nito sa akin. Halata sa boses nito ang nahihirapan. At halos buto't balat na ito dahil sa karamdaman. "Gusto ko lang tignan kong nasa maayos kayong kalagayan. Ako nga pala ang boss ng anak niyo. Nasaan si Elijah?" Sagot ko at tanong nadin ng hindi ko makita na sa loob si Elijah. "Lumabas si Elijah para sa part time job niya hijo." "Part time job? Bakit hindi pa ba sapat ang ipinapasahod ko sa kanya?" May inis na saad ko dito na hindi naman dapat. Nagulat pa ito dahil sa biglang pagtaas ng boses ko. "Never mind. Sabihan niyo na lang siya na huwag ng pumasok sa part time job niyang iyon. Dahil hindi naman na niya kailangan ang mag ipon para sa pagpapagamot sa inyo." Binabaan ko ng kaunti ang boses ko. Hindi ko ugaling humingi ng tawag kaya bahala na ito kung ano ang iisipin sa akin. Wala na akong pakialam. At lalong wala akong pakialam sa sasabihim ng ibang tao sa akin. "Gustuhin ko man hijo pero ayaw niyang magpapigil. Kasi sabi niya. Ang naiipon na niya ngayon ay para na sa pag aaral niya." Napabuntong hininga ako. Hindi ko na pinansin ang sinabi nitong iyon. "Sige, mauuna na ako. Huwag na kayong mag alala. Gaya ng sabi ko. Gastos na lahat ng hospital ang mga gagastusin at mga gamot niyo para sa pagpapagaling." "Sige hijo. Maraming salamat sa magmamagandang loob mo sa amin ng anak ko." I just wave my hand to her at walang lingong likod na lumabas na ng ward. Hindi na ako nagtagal pa sa hospital. Umuwi na lang ako ng bahay ko para makapagpahinga. At bukas, pagkatapos ng operasyon ng mama niya. Maniningil naman ako, kapalit ng pangalan niya. TO BE CONTINUED:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD