PH1 #6: Elijah

2969 Words
CHAPTER6 "Salamat po ate. Mauuna na ako." Nakangiting paalam ko sa may ari ng maliit na restaurat na pinagtratrabahuan ko ng ilang oras sa gabi. Pero kanina lang ako napahaba ng oras dahil wala naman akong ginagawa. Kaninang alas tres pa lang ay nandito na ako kaya naman, may extra pa ang bayad niya sa akin ngayon. At hindi lang iyon. Ipinagtabi na naman ako nito ng pagkain para daw may maibigay ako kay mama. Kaya laking pasasalamat ko talaga dahil mabait ito sa akin. "Sige Elijah! Mag ingat ka sa pagtawid sa kalsada." Paalala naman nito sa akin. "Oo ate. Salamat ulit dito sa pagkain. Aalis na ako." Nakangiting kumaway na lang ito sa akin kaya naman nagtuloy na ako sa pagbalik sa hospital. Malapit lang, bente metro lang ang layo sa mismong harapan ng hospital sa restaurant na pinagtrabahuan ko. "Are you Elijah Lawrence?" Tanong ng lalaking nakasalubong ko na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Napatango na lang ako bilang sagot dito. Ngumiti naman ito ng makomperma na ako nga ang taong binanggit niya. "Ako nga pala si Kanye. Napag utusan lang ako na kumustahin ang kalagayan ng mama mo. Kumusta na siya?" Tanong nito. Naguguluhan man ako kung sino ang nag utos sa kanya ay hindi ko na pinansin iyon. "Maayos naman kahit papaano. Sa awa ng Diyos ay maooperahan na siya bukas." "Mmm, ganun ba. So can I walk with you and check your mother?" "Yeah! Sure." Pag sang ayon ko na lang dito. Hindi ko naman nakitaan ito ng masama dahil palangiti ito at magaan ang boses nito at hindi naman kahina hinala. Hanggang sa marating na nga namin ang silid ng mama at kaagapay na pumasok ang lalaki. "Kumusta ang pakiramdam niyo mama?" Tanong ko agad dito ng malapitan ko. Hinaplos sa pisngi at dinampian ng halik sa nuo. "Maayos naman anak. Ikaw, hindi ka ba pagod sa trabaho mo?" "Hindi naman mama. Maayos lang din ako. Heto nga ipinagbalot na naman ako ni Ate Cecil ng pagkain kaso hindi na kayo makakakain dahil sa operasyon niyo bukas." "Okay lang anak, dalhin mo na lang sa lolo mo iyan." Sabi naman nito na ang tinutukoy ang lolo na tinulungan ko. Nasabi ko na din kasi dito na kung makakalabas na bukas ang lolo ay sa amin na ito titira pansamantala habang inaalala ang mga kamag anakan nito. "Sige mama, pero mamaya na siguro. Aasikasuhin ko muna kayo." Sabi ko dito. Saka ko naalala ang lalaking kasama kong pumasok. Kaya naman binalingan ko ito "Siya ang mama ko." Pagpapakilala ko dito. Ngumito ito saka binalingan ang mama. Nilapitan ng lalaki ang mama saka nilahadan ng kamay. "Kumusta po, Kanye po pala ang pangalan ko. Nandito po pala ako para personal na humingi ng tawad." Panimula nito na nakapagpakunot ng nuo ko. Tawad? Bakit may kasalanan ba itong nagawa sa amin? Tinanggap naman ng mama ang pakikipagkamay nito. "Para saan naman hijo." "Nalamam ko na dumalaw ang pinsan ko kaninang hapon sa inyo. Para ipaalam na siya ang nagpaayos ng operasyon niyo." Bagkus sabi nito kaysa sagutin ang tanong ni mama na kung para saan ang paghingi nito ng tawad. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko na may dumalaw kay mama kanina. Di kaya si Sir Ace iyon? At sabi nito na pinsan. Ibig bang sabihin na si Sir Ace din ang pinsan niya? Pero malayo naman ang feature look nila sa isa't isa. "Pinsan mo ang boss ko?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin iyon dito. "Yeah! I'm Kanye Anderson. And Ace Anderson is my cousin." Nakangiting sagot nito. Palangiti ito hindi gaya ni Sir Ace na hindi yata alam ang salitang ngiti. "Siya ang nag paayos ng lahat kaya naman narito ako para kumustahin ang mama mo." "Inutusan ka niya?" "No! Hindi namam siya ang nag utos sa akin. Ang lolo namin ang nag utos sa akin." Nabanggit na naman ang lolo nila. Sino ba kasi ang lolo nila? Iyon ang paulit ulit na tanong sa isipan ko na hindi ko naman alam ang kasagutan. "P-pwede ko bang makita ang larawan ng lolo niyo?" Tanong ko dito. Nakalimutan ko tuloy na nasa harapan lang namin ang mama pero mas mahalaga sa akin ang malaman at makita kung sino ba talaga ang lolo nila na gumulo ng tahimik kong buhay. Kunot nuo naman na tumitig ito sa akin. Kahit ba ito ay hindi naniniwala na hindi ko kilala ang lolo nila? Pero saglit lang ang pagkakunot ng nuo nito at saka muling ngumiti. "Sure, mayroon naman akong larawan niya na magkakasama kami." Sagot nuto pagkuway inilabas ang cellphone. Ilang sandali pa ay ipinahawak niya iyon sa akin. "Siya ang lolo namin. Mag kahawig sila ni Ace." Sabi nito at itinuro ang nakaupong matanda sa pinakagitna ng family picture nila. Nailing ako dahil hindi ko talaga matandaan na nakasalamuha ko na ng landas ang lolo nila. Dahil sigurado ako, hindi ko pa ito nakikita ng personal. "Nakikilala mo ba siya?" Tanong nito pagkuway. Umiling ako bilang sagot dahil iyon naman ang totoo. Nagkibit balik naman ito sa naging sagot ko. Hindi din yata kumbinsado na hindi ko kilala ang lolo nila. "But he knows you. Sinabihan ako ng lolo na asikasuhin ang lahat para sa operasyon ng mama mo. Pero naunahan na ako ni Ace. Kaya imomonitor ko na lang ang kalagayan ng mama mo." "Sandali nga anak? Sino ba kasi talaga ang lolo nila at bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?" Singit naman ng mama na tila naguguluhan na din sa napag uusapan naming dalawa. "Hindi ko din po kilala mama." "Hindi kaya iyong tinulungan mong lolo ang lolo nila?" Sabi pa nito. "Tingin ko iba naman ang tinulungan ko mama. At malayong malayo ang hitsura ng lolo nila sa lolong tinulungan ko." "That's okay. Kung hindi niyo naman kilala ang lolo ay ayos lang. Saka imposebleng ang lolo ko ang natulungan mo kung sakali dahil nakausap ko lang ito kanina bago ako nagpunta dito." Sabi naman nito. Napatango na lang ako. Marami pang nasabi sa amin ang lalaki. O mas maganda ng tawagin kong sir Kanye ito. "Ihahatid ko lang po siya sa labasan mama. At dadalhin ko na rin ang pagkain na ito para kay lolo." Sabi ko kay mama ng magpaalam na si Sir Kanye na aalis na. "Sige lang anak." "Tara na po sir." Aya ko dito. Kaya naman magkaagapay na kaming lumabas. "Maraming salamat po pala sa pagtulong niyo. At sa lolo niyo. Pakisabi po sa kanya. Na salamat nadin." Sabi ko dito habang naglalakad. "Okay lang sa akin iyon. At kay lolo naman. Mabait lang talaga siyang tao. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko nagustuhan ang pasya niya. Alam ko, natutulungan ka nga niya pero naiipit na ngayon ang buhay mo. Ang kalayaan mo. Tama ba ako?" Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Sir-." "I know. Alam ko lahat ng plano ng lolo tungkol sa will na ibinigay niya kay Ace. Dahil kasali ako sa will niyang iyon. Na kung hindi papayag si Ace sa kasunduang iyon ay sa akin niya ipapasa ang naturang will." "Kung ganun, isa ka din sa naghahangad ng kayamanan ng lolo mo kaya ka ngayon nagpakita sa akin. Sa totoo lang, hindi dapat ako magpasalamat sa lolo mo dahil sa ginawa niya. At gaya ng sinabi mo kanina lang. Nadamay ako sa kalukuhan niya." Nakaramdam na ako ngayon ng galit dito dahil doon. Naghahangad din ba ito ng mas hihigit pa sa yamang tinatamasa nila. Kaya siya ngayon nandito. "Huminahon ka. Dahil hindi iyon ang intinsyon ko kaya ako narito ngayon, para sa akin ay sapat na ang kung anong meron ako ngayon. Hindi ako gaya ng pinsan ko na negosyo lang ang importante sa kanya. Nandito ako dahil sinusunod ko lang ang utos din ng lolo na tignan kung nasa maayos ka lang kalagayan. At kung may mga bagay na masamang ginawa sa iyo ang pinsan ko, huwag kang mangingiming lapitan ako." Mahabang lintaya niya saka nagpakawala ng buntong hininga. "Pasensya ka na, dahil sa kagustuhan ng lolo ko na makahanap ng mabait na mapapangasawa ang pinsan ko ay ikaw pa ang napili niya. Gusto ko mang kontrahin ang lolo sa mga gusto nito at gusto kitang tulungan hindi para lang sa mama mo. Kundi para sana maiwasan ang gusto ng lolo. Pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang kontrahin ito. Nagtataka din ako at napapatanong, bakit ikaw pa? Sa dinami dami ng babae na nakapaligid sa pinsan ko ay ikaw pa mismo ang napili ng lolo na pakasalan nito." "Iyon na nga eh. Hindi ko kilala ang lolo niyo. At ipinagpipilitan ng pinsan mo na kilala ko ito. Na kung ano bang ginawa ko at bakit ako ang napili ng lolo niyo." Naiinis na sumbat ko at hindi ko na talaga napigilan ang magtaas ng boses dito. Doon ko lang napagtanto na nasa pasilyo pala kami ng hospital kaya naman napahiya ako at napayuko dahil pinagtitininginan na kami ng mga taong napapadaan. "Ako na ang humihingi ng tawad para sa kapangahasan ng lolo ko. Pasensya na talaga sa pwerwesyong naging dulot niya sa pagpapasya niya para sa pinsan ko." Lumunok muna ako dahil parang biglang may bumara na sa lalamunan ko dahil sa pagkapahiya ko. Gumawa pa tuloy ako ng eksena na hospital ng wala sa oras. "Hindi na kita maihahatid sa labasan." Sabi ko na lang dito at binuksan na ang pintuan sa kung saan naman nananatili ang lolo na tinulungan ko. Pero hindi ito umalis bagkus sumunod ito sa akin papasok. "Nandito ka na apo." Nakangiting sabi ng lolo ng makita ako. Kampanteng nakaupo ngayon ito sa ibabaw ng kama. "May kasama ka pala apo." Pagkuway tanong niya ng bumaling kay Sir Kanye na nakasunod lang sa akin. "Kumusta po kayo." Magalang naman na pagbati nito kay lolo. "Mabuti naman ako." sagot naman ng lolo sa tanong nito. "Kilala mo ba siya apo?" Baling na tanong naman nito sa akin. Umiling ako bilang sagot at inilapag na ang dalang pagkain sa katabing mesa sa kama nito. "Nakilala ko lang po sa labasan lolo, at napag alaman ko na pinsan niya ang boss ko na tumulong sa pag aasikaso sa pagpapaopera ng mama, lolo." "Ganun ba apo." "Opo lolo. Paalis na din naman po siya. Diba sir Kanye?" Sabi ko ng balingan ito. "Ah opo. Napasunod na lang po kasi ako dito sa kanya dahil sabay kaming lumabas sa kwarto ng mama niya. Kaya po, mauuna na din ako. Sige, Elijah. Mauuna na ako." Halata man na ayaw pa nitong umalis at parang marami pang gustong sabihin sa akin ay wala naman na din itong nagawa. Pilit ang ngiti na tumango at magalang na nagpaalam na sa amin. "Sige, salamat na lang ulit." Hindi ko na ito sinamahang lumabas ng silid. Ng wala na ito ng tuluyan ay saka ko naman hinarap ang pagkaing dala ko para kay lolo. "Kain na muna tayo lolo. May dala na naman akong pagkain galing sa trabaho ko." Nakangiti kong alok dito at sinalinan nga ito ng pagkain sa isang paper plate. Bumaba na ito sa kama at umayos ng upo kaharap ako. "Salamat apo." Nakangiti nitong kinuha sa akin ang inabot kong pagkain. "Apo, nahihirapan ka ba?" Pagkuway tanong nito sa akin ng magsimula na kaming kumain. "Ho!." Napatingin ako dito. Hindi ko naman alam kung para saan ang tanong na iyon. "Ano pong ibig niyong sabihin?" "Nakikita ko kasi sa mga mata mo na nahihirapan ka apo. Nakangiti ka nga pero hindi naman abot sa iyong mga mata." "Si lolo talaga." Nakangiting naiiling na lang na sabi ko dito. "Medyo pagod lang ako lolo. Pero papasaan bat mawawala din ang pagod ko dahil hindi ko na aalalahanin ang pagpapagamot kay mama. Kaya lolo, huwag niyo akong aalalahanin." "Nagiging pabigat ba ako sayo apo?" "Lolo, huwag niyong sasabihin iyan. Kung iniisip kong nagiging pabigat lang kayo sa akin ay hindi na sana ako nandito ngayon." Hinawakan nito ang kamay kong may hawak ng kutsara. "Napakabuti mong bata apo." "Lolo talaga, kumain na lang tayo. Huwag na nating pag usapan ang mga bagay na ganun." Nakangiting sagot ko dito. Tumango na lang din ito saka muling ipinagpatuloy ang pagkain. Naging magana naman kami sa pagkain at sinamahan na din ng kaunting kwentuhan. Hanggang sa muli na naman akong nagpaalam dito para naman magpaalam din kay mama na uuwi muna ako sa bahay. Hindi ko naman aalalahanin na walang bantay sina lolo at mama sa hospital dahil may mga nurse naman na nakatalaga sa kanila na magbantay sa mga ito. Kahit papaano ay nakakapagpahinga ako sa bahay ng maayos. Pasalya akong nahiga sa kama ko ng makauwi na ako. Papikit na ang mga mata ko ng makatanggap ako ng message galing kay sir Ace. Pasado alas diyes na ng gabi. Ano naman kaya ang nilalaman ng message niya sa akin. Pero ganun na lang ang panlulumo ko ng makitang isa copy iyon ng marriage cert. Nakalagay doon ang pangalan niya at pangalan ko. Ang kulang na lang ay lagda namin pareho. Come at the office tomorrow morning at seven. Don't be late. I need your signature for the marriage certificate. Kasunod iyon ng message niya sa akin. No, hindi pa ako pumapayag. Pero may magagawa pa ba ako? Nakasalalay sa kanya ang buhay ng mama ko. Padapang isinubsub ko ang mukha ko sa unan. At kusang tumulo ang akin mga luha. Bakit? Mas gugustuhin ko pa ang masigawan niya araw araw kaysa iyong ganito na buong pagkatao ko ay nakasalalay sa kanya? Ano ang gagawin ko? Dahil alam ko na ginagawa lang ito ni Sir Ace dahil ayaw niyang mawala sa kanya ang mga negosyo niya. Na nakalagay sa kasulatan ng lolo niya na kapag hindi niya ako pinakasalan ay wala na siyang magiging karapatan sa mga negosyo nila. At ngayon, alam ko na namumuhi sa akin si Sir Ace dahil nakasalalay sa akin ang lahat. Nakasalalay sa akin ang magiging parte niya sa mga kompanyang hinahawakan niya. Kaninang umaga, ipinabasa din niya sa akin ang ginawang kontrata para sa aming dalawa. Na ako ay magpapakasal sa kanya bilang kabayaran ng pagpapagamot nito sa aking ina. At nakasaad doon na dapat ako lang ang nakakaalam ng kasulatang iyon dahil kung hindi ay mapapahamak ang mama ko. At gagawin niyang mas meserable ang buhay ko. At ang iba pa ay tungkol sa magiging parte ko bilang asawa niya. Sa papel lang at walang involve about physical contact. At walang magbabago sa magiging role ko sa buhay niya. Isa parin akong dakilang alalay niya hanggang sa matapos naman ang walong buwang kontrata ko sa interm ko sa kompanya nila. And about sa s*x life niya ay hindi din ako makikialam kahit kasal na kami. Dahil kung ano ang dati niyang ginagawa noon ay ganun parin kahit kasal na siya sa akin. Pero ang masaklap, siya lang ang pwede sa lahat ng iyon. Dahil nakasaad din sa kasulatan na hindi ako pwedeng makipagkita sa kahit na sino o makipagdate. Babae man o lalaki. At kung may kasintahan man ako ay dapat makipaghiwalay na ako. At ang bisa ng kasal namin ay hanggang sa maipangalan na sa kanya ang kalahati ng kayaman ng lolo niya. At pag napawalang bisa na ang kasal ay nakasaad doon ang mapupunta sa akin bilang parte ko sa kayamang namana niya. Alam ko, negosyo lang ang mahalaga sa kanya. At hindi iyon mababago pa. I can do this. Kasal lang naman ang madadagdag. Dahil hindi naman magbabago ang role ko sa buhay niya. Dahil iyon naman talaga ang dapat. Iisipin ko na lang. Na ginagawa ko ang lahat ng ito para kay mama. Oo, para sa kanya lang. Sa aming dalawa ni mama. TO BE CONTINUED:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD