PH1 #4: Elijah

2995 Words
CHAPTER4 Nanginginig ang buo kong katawan ng pumasok ako kinaumagahan matapos ang nangyari kahapon na halos mawalan na ako ng hininga dahil sa pag kakasakal sa akin ni Sir Ace. At ngayon tumawag siya sa akin na pumasok ako pero kahapon pa ako nakapagpasya. Na mag re-resign na ako. Kaya heto ako, nakatayo sa harapan ng pintuan sa opisina ni Sir Ace. Hindi na ako nagpunta sa bahay niya para sana sabay kaming pumasok gaya ng nakagawian ko ng gawin. Hinintay ko na lang talaga na makapasok ito sa opisina niya mismo. Tatlong katok na halos hindi yata sumayad ang kamay ko sa pintuan bago ko iyon binuksan. Napayuko ako agad ng magtama ang mga mata namin na ngayon ay nagkatingin mismo sa akin papasok. Saglit man ang pagtatama ng mga mata namin ay nakita ko doon ang walang kaemo emosyon gaya ng dati. "Huwag ka basta tumayo diyan." Galit na sita niya sa akin dahil hindi ko na muling inihakbang ang mga paa ko palapit. Lumunok muna ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko bago lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko na inilapag ang resignation letter ko sa ibabaw ng lamesa niya. "What is this?" tanong niya ng kunin iyon. "Oh! A resignation letter. But I can't accept it. Baka nakakalimutan mo na ako lang dapat ang mag sasabi kong kailan ka aalis sa pagiging PA ko. Nakasaad sa napirmahan mong kontrata na hindi ka pwedeng mag resign maliban na lang kung ako mismo ang nagpapatalsik sayo. Dahil kung mag reresign ka ngayon, babayaran mo mismo ang cost ng kontrata mo." Seryusong sabi niya sa akin at muling ibinalik sa akin ang resignation ko. "Make tea for me." Utos niya na parang balewala lang sa kanya ang nangyari kahapon habang ako ay takot na takot parin sa kanya hanggang ngayon. "P-pero-." "I said make tea for me." Sigaw niyang muli na nakapagpapiksi sa akin. Kusang kumilos ang mga paa ko para magtungo sa maliit na kusina nito sa opisina at gumawa ng tsaa niya. Hindi ko na naman mapigilan ang maluha dahil doon. Hindi naman ako ganito simula ng nagsimula akong magtrabaho sa kanya na kahit sigaw sigawan niya ako o di kaya naman ihampas mismo sa akin ang mga papel kapag may hindi siya nagustuhan ay ayos lang pero iba na ngayon, dahil naranasan ko na mismo ang bigat ng kamay niya na halos ikamatay ko na kahapon. At iyon ang iniiwasan ko. Kaya sana mag re-resign na ako para maiwasan siya pero bakit hindi parin niya ako payagan. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat ng nangyari kahapon. Ang dami pang katanungan sa isipan ko? Katulad ng., ano ang kasal na tinutukoy niya? Sino ang lolo niya at bakit ako nito kilala? At anong kinalaman ko sa will ng lolo niya at bakit ako nadamay sa will nito? "Elijah, saan ka ba nagtitimpla ng tsaa at bakit hanggang ngayon ay hindi parin tapos?" narinig kong sigaw mula kay Sir Ace na nakapagpapukaw ng mga iniisip ko at nakapagbalik sa kasalukuyan ang isip ko. Binilisan ko ang naging kilos ko at ipinagtimpla na nga siya. "Eto na po Sir." Nakayuko parin akong lumapit at inilapag ang tsaa sa mismong harapan nito. "By the way, ipinayos ko na ang gagastusin sa operasyon ng mama mo. At bukas na bukas din ay ooperahan na ito." "Ho!." "Kahit kailan talaga ang bagal gumana ng kukote mo. Nakita ko ang papel na iyon." Sabay turo ng mga papel na nasa maliit na mesa sa gilid kung saan tumatanggap siya ng bisita. "Basahin mo iyan para malaman mo ang nangyayari. At kapag nabasa mo na. Permahan mo na lang ng matapos na ang kalukuhan ng lolo ko." Sabi pa niya. "Dali, ano pang hinihintay mo." Sigaw na namam niya. Dahil sa takot ko, agad kong tinungo iyon at isa isa iyong tinignan. Binasa ang mga nilalaman ng naturang mga papel. At ang mga katanungan ko sa isipan ko ay nabigyan na ng kasagutan. Pero ang hindi pa malinaw sa akin ay kung sino ang lolo niya at bakit ako ang napili nito na ipakasal sa kanya na isang lalaki gayong ang daming magagandang babae ang nasa paligid ng apo at kilala pa sa lipunan. "Nakalagay diyan ang bawat sagot sa mga katanungan mo, pero hindi ibig sabihin niyan ay hindi ka na magtratrabaho sa akin. Magpapakasal tayo, pero sa papel lang para maipakita sa lolo iyon. At ikaw parin ang PA ko. Kung ano ang trabaho mo noong wala pa ang mga kasulatang iyan ay iyon parin ang magiging trabaho mo." Paliwanag niya at lumapit sa akin kaya naman napatingala ako sa kanya ng nasa mismong harapan ko na siya. "P-pero bakit ako sir.? Anong kinalaman ko dito? Ni hindi ko po kilala ang lolo niyo." Sagot ko sa kanya. Nahihiwagaan ako sa mga nangyayari. Hindi ko talaga lubos maisip na bakit ako kailangang madamay sa Will ng lolo niya. "Wala mang nakalap na impormasyon ang binayaran ko ay alam kong kilala mo ang lolo ko. At iyon ang aalamin ko pa kung paano mo siya nakumbinsing ikaw ang pakasalan ko." Nang-uuyam na sabi niya sa akin at nasa mga mata parin nito ang nakita kong galit kahapon na kung nakamamatay lang siguro ay kanina pa ako bumulagta sa sahig. "Saka boss mo parin ako, at hindi kita binigyan ng karapatan para tanungin ako. Ilagay mo sa lugar ang sarili mo. At sisiguraduhin kang wala ka ding mapagpipiliin kundi ang permahan ang mga papel na iyan dahil nakasalalay na sa akin ang buhay ng mama mo." Napalunok ako na muling binawi ang tingin ko sa kanya at itinuon sa mga papel sa harapan ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang isang kontrata na nagsasaad doon ang magiging kasunduan namin. Bakit? Bakit nangyayari sa akin ito? Totoong nagkaroon ako ng paghanga sa boss ko pero hindi ko hinangad na makasal sa kanya dahil lalaki parin kaming pareho. Wala na ba akong karapatan na tumanggi? Bakit kailangang madamay ako sa gulo nila ng lolo niya. "S-sir, hindi niyo kailangang idamay ang mama ko dito. Dahil ginagawa ko pa ang lahat ng makakaya ko para lang mapagamot ito." "It's none of my f*****g business kung ano man ang ginagawa mo para makapag ipon ng pera sa operasyon ng mama mo. Pero hindi mo ba naisip na habang naghihintay ka na makaipon ay siya namang unti unting nanghihina ito at bago ka pa man makapag ipon ay baka tuluyan ng mamatay ang mama mo at mawawalan ng silbi ang sinasabi mong pag iipon. Minsan ba natanong mo sa doctor ng mama kung kaya ba na maghintay pa ng mama mo hanggat sa makapag ipon ka? Sa tingin ko hindi dahil hindi mo alam kong gaano na kalala ang sakit nito." Mahabang lintaya niya na nakapag isip sa akin ng malalim. Alam ko naman na malala na ang sakit ng mama at tama siya, hindi ko natanong sa doctor kung hanggang kailan makakapaghintay ang mama sa operasyon nito. Dahil lagi kong sinasabi na kaunti na lang. Makakapag ipon na ako. At ang kaunting iyon ay hindi ako sigurado na makakahintay nga ang sakit ni mama. Bigla akong nanlumo. Lalong nanginig ang kamay ko na nakahawak sa papel na pinapapermahan niya sa akin. Bakit ba hindi ko naisip iyon? Binitawan ko iyon at tumayo ng tuwid. "Sorry Sir. Hindi ko po mapipirmahan ang mga iyan." Sagot ko sa kanya at bahagyang yumuko. "Mauuna na po ako. Kailangan ko pong pumunta sa hospital ngayon." Hindi ko na siya hinintay na makasagot pero hindi din naman niya ako pinigilan kaya nagpatuloy ako sa paglabas ng opisina niya. Kailangan kong malaman mismo sa doctor ng mama kung ano na ba talaga ang kalagayan ng nito at bakit ganun na lang kasigurado si Sir Ace na nakasalalay na sa kanya ang buhay ng mama. = "Anong maipaglilingkod Mr. Elijah?" Tanong agad ng doctor sa akin ng makapasok ako sa maliit na opisina nito. "Gaano na kalala ang sakit ng mama ko doctor?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa para tanungin iyon dahil doon din naman ang patungo ng usapan kaya ako ngayon narito. Napansin ko ang pagbuntong hininga nito kaya naman mas bumigat ang pakiramdam ko dahil doon. Kung ganun tama si Sir Ace na malala na nga ang sakit ng mama. "Mr. Elijah, sa totoo lang ay nagbilin sa akin ang iyong mama na hindi talaga ipaalam sa inyo ang kanyang kalagayan. Pero ngayon na nabuksan niyo ang usaping iyan, wala na akong magagawa pa at hindi ko na dapat pang ilihim ang lahat." Seryusong sagot nito sa akin. "Bakit doctor? Kailangan ko ding malaman iyon noon pa dahil ako na lang ang natitirang kapamilya ng mama ko. Karapatan ko iyong malaman." Ayaw ko man sanang pag taasan ito ng boses pero kasalanan din nito. Doctor siya at responsibilidad niya na ipaalam sa akin ang kalagayan ng aking mama. Kampante pa naman ako na nag iipon ng pera pero iyon pala.. "Ipagpatawad mo Mr. Elijah. Pero kagustuhan ng mama mo ang ilihim sa iyo ang kalagayan niya." Sabi nito. Ipinaliwanag na nito ang kalagayan ng mama at mas nadagdagan ang panlulumo ko dahil sa sinabi nito. Kung hindi na pala o operahan sa lalong madaling panahon ang mama ay hindi na aabutin ito ng isang buwan. "Damn it." Mahinang mura ko. Ewan ko na lang kung narinig niya iyon. "Pero wala ka na dapat pang ipag alala sa ngayon Mr. Elijah dahil may nagbayad na para sa operasyon ng mama mo. At naka schedule na ang operasyon bukas ng alas diyes. Kaya ipanatag mo na ang loob mo dahil sisiguraduhin ko namang magiging matagumpay ang operasyon nito." Hindi ako makaimik. Parang tinakasan ako ng katinuan sa isip dahil sa mga nangyayari ngayon? Bakit bigla bigla na lang nagkaganito ang sitwasyon. Ano ang naging kasalanan ko at bakit ako pinagkakaitan ng tadhana na makapamuhay ng normal at payapa. "Doctor Suarez, oras na po ng operasyon." Narinig kong sabi ng nurse na pumasok sa opisina nito. Tumayo na ito at inayos ang damit. Patapik pa na hinawakan ako sa balikat. "Ikaw parin naman ang magdidisesyon Mr. Elijah kung ayaw mong ipatuloy ang operasyon. Pero kapag pinatagal pa natin iyon ay simulan mo ng mamaalam sa mama mo dahil araw na lang ang bibilangin mo. Sige Mr. Elijah. Kung iyong mamarapatin, mauuna na ako sa iyo. Pag isipan mong mabuti ang magiging pasya mo." Pagkasabi niyon ay naglakad na ito palabas. "Pakisara na lang ang pintuan pag alis mo." Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko dahil hindi parin ako makapaniwala. Anong gagawin ko. Naiipit ako sa sitwasyon ko ngayon. At sino ba talaga ang lolo ni Sir Ace at ginawa niyang komplikado ang lahat. At sa dinami dami nga ng babae sa mundo bakit ako pa. "Damn it.!" Nanghihina ang mga paa ko na naglakad palabas ng opisina ng doctor. Tinungo ang silid ng mama. Naabutan ko itong natutilog kaya hindi ko na ginising. Pinagmasdan ko na lang siya. "Anong gagawin ko mama? Hindi ko alam kong tama ba ang magiging disesyon ko kung sakali mang pumayag ako sa kasunduan sa boss ko. Pero kung hindi ko gagawin iyon ay susundin ang gusto niya ay ikaw naman ang mawawala sa akin. At iyon ang hindi ko pa kayang tanggapin. Ikaw na lang ang natitirang taong mahalaga sa akin mama." Naluluha akong kinakausap ito kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Nandoon parin sa loob ko ang panlulumo dahil sa mga mabilisang pangyayari. At sa isang iglap lang ay nabago na ng tuluyan ang pagkatao ko. Nabago na ang sempleng takbo ng buhay ko. = "Kumusta na ang pakiramdam niyo lolo?" Tanong ko sa matandang tinulungan ko. Pilit na nilangkapan ko ng ngiti ang mga labi ko dahil ayaw ko naman ipakita dito ang lungkot na nararamdaman ko. "Maayos ayos na ang pakiramdam ko apo. Sabi ng doctor pwede na akong lumabas bukas." Pagbabalita nito. "May problema ka ba apo? Matamlay ka yata?" "Naku! Medyo pagod lang ako lolo. Huwag niyo akong alalahanin." Sagot ko dito. "Kung hindi niyo po maalala ang kung saan kayo nakatira pwede muna kayong mamalagi sa bahay namin." Sabi ko dito. "Ooperahan na din kasi ang mama bukas. May mabuting tao po na umako ng gastusin sa operasyon." Pagbabalita ko naman dito kahit na ang totoo ay hindi parin ako sang ayon na si Sir Ace ang magbabayad ng operasyon ng mama ko. Dahil malaking halaga iyon at ang kapalit ay ang pumayag sa gusto niya para lang mapagbigyan ang lolo nito. "Ganun ba apo. Kung hindi naman ako magiging pabigat sa inyong mag ina, gusto kong makitira sa inyo." Nakangiti nitong sagot. "Oo naman po lolo. Welcome kayo sa bahay. Basta kung maalala niyo na ang mga kapamilya niyo sabihan niyo lang po ako para matawagan natin sila." "Sige apo. Maraming salamat, napakabuti mong bata." "Heto po pala, nagdala ako ng mga prutas para sa inyo." "Nag abala ka ba apo." "Ayos lang po iyon lolo, hindi na kasi makakain muna ang mama ngayon dahil sa operasyon niya bukas kaya sa atin na lang po ito. Tayo na lang ang kakain." Inabutan ko siya ng orange na binalatan ko. Agad naman nitong kinain iyon. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil may nakakausap ako. At magaan ang loob ko sa matanda and at the same time naawa ako dito dahil wala man lang kamag anakan nito ang naghahanap sa kanya. "Kumusta naman sa trabaho mo apo? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong nito ilang sandali pa ng nasa kalagitnaan na kami ng paglantak sa nga prutas na binili ko. Napatingin ako dito ng wala sa oras? Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dito. Bigla ko namang naalala ang mga pangyayari, kahapon at kanina. "Maayos lang po ang trabaho ko lolo." Sagot ko. Totoo namang maayos dati ang trabaho ko. Kahapon lang nagbago dahil biglang gumulo ang sitwasyon dahil sa lolo ni Sir Ace. "Hindi ka naman ba nahihirapan doon apo?" "Hindi naman po lolo. Saka, maayos naman ako simula nong una ako sa trabaho ko. Sa katunayan nga po, mag iisang buwan na ako doon at masasabi ko namang madali lang angbtrabaho ko." Pagsisinungalin ko pa. Hindi na ito muling nagtanong pa at muling ipinagpatuloy ang pagkain namin ng prutas. Hanggang sa muli akong nagpaalam dito para lumipat naman sa silid ng mama. Gising na ito. At hindi ko napigilan ang sarili ko na sumbatan ito dahil sa paglilihim sa sakit nito sa akin. "Patawarin mo ako anak." "Alam niyo naman na kayo na lang ang naiwan sa akin. Tapos naglilihim pa kayo. Paano kung nahuli na ng malaman ko. Mama naman eh." "Tahan na El, anak." Pang aalo niya sa akin habang nakayuko na ako habang hawak ang kamay niya at umiiyak na naman ako. Naging emosyonal na yata ako simula kahapon. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko na ngayon ay mabilis na lumalabas sa mga mata ko. Dala ba ito ng nangyari kahapo. Dahil sa pagsakal sa akin ni Sir Ace? Malamang ganun na nga. Dahil doon ko lang naranasan ang pagbigatan ng kamay na halos ikakitil na ng buhay ko. At hindi ko na mapigilan ang hindi matakot sa kanya. Na tumatak agad sa isip ko na baka maulit na naman iyon. "Yeah! Dapat nga maging masaya ako dahil sa wakas maooperahan na kayo." "Salamat anak." "May mabuting tao lang na gustong tumulong sa atin mama. At gastos na niya lahat iyon sa operasyon, treatment at iba pa na kakailanganin sa pagpapagaling mo mama." Saka ko na lang sasabihin dito na ang boss ko mismo ang nagbayad ng gagastusin sa operasyon. At ang kasal naman na bigla na lang lumabas sa will ng lolo niya ay saka ko na lang din sasabin baka mas gugustuhin pa nitong huwag na lang paoperahan kaysa sa sarili ko mismo ang kabayaran. Pero hindi ibig sabihin na si Sir Ace ang gumastos ay hindi na ako makikipag agrue sa kanya sa isue ng kasal. Pakikiusapan ko na lang siya na kung pwede ay babayaran ko na lang ng paunti unti. Baka kung kausapin ko ito ng mabuti ay mapapayad ko pa siya. Sana nga! Pumayag siya. TO BE CONTINUED:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD