PH1 #3: Ace

3240 Words
CHAPTER3 Hindi ko mapigilang umalpas ang galit ko matapos kong mabasa ang will ng lolo na nagsasaad na kailangan kong pakasalan ang napili niya para sa akin. Ni hindi ko na tinapos iyon basahin dahil napuno na ako ng galit. Magagalit talaga ako kay lolo dahil minamanipula niya ang buhay ko. Gusto niya akong magpakasal na dahil hindi na daw ako bumabata. At ngayon kumilos na ito para isakatuparan ang mga plano nito para sa akin. Magpapakasal ako at mapapasaakin ang kalahati ng kayamanan nito na dapat ay mahahati sa apat na mga apo nito. Isa na ako sa mga iyon. At kung hindi ko naman nasunod ang gusto nito ay walang mapupunta sa akin ni sentimo sa kayamanan nito na halos ako na mismo ang nagpalago ng mga iyon simula ng hawakan ko ang pamamahala ng mga negosyo nito. And damn him! Inipit niya ako ngayon dahil lagdado na niya ang Will na ipinakita sa akin ni Atty. Hermosa na siyang family Lawyer namin. At ang hindi ko matanggap ngayon na lalong nagpaigting ng galit ko ay ang malamang hindi babae ang ipapakasal sa akin. Oo, galit na ako kaninang tumawag siya sa akin habang papunta sa na ako sa A. PLACE kung saan lahat kaming apo, anak ng lolo ay doon nakatira at walang ibang pamilya maliban sa amin ang nakatira doon. Exclusive lang ang village na iyon para sa amin. Muli akong napatingin kay Elijah. Na mag iisang buwan palang na PA ko. At hindi ko lubos maisip na siya ang napili ng lolo na pakasalan ko. Ang tanong.. bakit siya? At ano ang mayroon sa PA ko at siya ang napili nito? At paano nakilala ng lolo ang PA ko? Ano ang ginawa ng PA ko sa lolo ko at bakit ganito na lang kabilis na nagpasya ito na agarang may Will ng may lagda niya? Iyan lang ang ilan sa mga tanong ko na nabuo sa utak ko at muli na namang nag umigting ang galit ko habang nakikita ko ang balisa ding mukha niya na ngayon ay hawak ang larawan at nanlaki pa talaga ang mga mata nito ng mapagsino iyon. Syempre dahil siya mismo ang nasa larawan. Siya mismo at wala ng iba. Galit na muli ko siyang nilapitan at pasakal na hinawakan sa leeg na napasandal na sa pader ng isadsad ko siya doon. "Sino ka talaga? Paano mong nakilala ang lolo ko?" Galit na tanong ko sa kanya na dahil sa gulat sa pagkakasakal ko ay hindi siya nakasagot agad at halos maluha na sa ginawa ko. "Mr. Anderson bitawan mo siya." Kampante na lumapit naman si Atty. sa amin at hinawakan mismo ang kamay ko na nakasakal kay Elijah. "Alam kong nabasa mo ang nakasulat sa will ng lolo mo. Na hindi mo pwedeng saktan ang napili nitong mapangasawa mo." Sabi nito sa akin at ipinaalala talaga ang mga nabasa ko sa will ng lolo. Nanggagalaiti at halos mangilo pa ako dahil sa pagkimpian ng ngipin ko sa pinipigil kong galit na huwag siyang gilitan ng leeg ngayon. Matalim na muli akong tumingin dito na umiiwas na magtama ang mga mata namin. Patulak pa na binitawan ko siya. Wala na akong pakialam kong nasaktan siya dahil dinig na dinig ko pa ang pagkakauntog niya sa pader at padaosdos na naupo sa sahig na hindi alam ang gagawin. Galit na nilayuan ko siya at hinarap naman ngayon ang abogado ng lolo. "Gusto kong makausap ang lolo ngayon din." "Pero ayaw niyang makausap ka ng personal mr. Anderson. Nasa sa iyo na iyan kung ayaw mong tanggapin ang nakasaad sa will ng lolo mo. Pero sana nabasa mo ang nasa hulian ng will nito. Na kung hindi ko papayag ay ipapasa kay mr. Kanye Anderson ang Will at siya ang magmamana ng kalahati ng kayamanan nito na sana ay mapapasaiyo kung tutuparin mo ang nasa will ng nito."mahabang paliwanang nito na siyang nagpadoble ng galit na nararamdaman ko. Isa pa iyon sa nagpapagalit sa akin. Ang wala akong pagpipilian man lang. Na kung tatanggi ako ay mawawala sa akin ng tuluyan ang mga pinaghirapan ko. Kung tutuusin naman kahit kunin nga naman ng lolo ang mga kompanyang ipinahawak niya sa akin dahil may sarili na akong ipon at kaya ko ng higitan ang iba nitong negosyo. Pero hindi ako makakapayag na mapunta sa iba ang halos ako na ang nagpalago. Na mapupunta lang iyon sa pinsan kong si Kanye kung hindi ko susundin ang Will ng lolo. And damn him again ang again. "You may go to hell." Sigaw ko na lang dito at itinuro ang pintuan palabas. "At inuulit ko Mr. Anderson. Gaya ng nakasaad sa will ng lolo mo, hindi mo pwedeng saktan ang napili ng lolo mo. O pagbuhatan ito ng kamay. At gaya ng nakita at nasaksihan ko kanina, makakarating iyon sa lolo mo." Sabi pa nito. "Good day Mr. Anderson. Mauuna na ako. Your grandpa give you 12 hour to think. Kung nakapag isip ka na, tawagan mo na lang daw siya." Dagdag pa nito bago tuluyang lumabas ng opisina ko. Galit na nilakumos ko ang Will ng lolo na alam ko naman copy lang iyon ng original na Will nito saka ko iyon ibinato. Hanggang sa nabaling na naman ang pansin ko kay Elijah na halata na nanginginig na yata sa takot sa akin na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakaupo niya sa sahig kanina. Aba dapat lang siyang matakot dahil kung papayag man ako sa kagustuhan ng lolo ko ay hindi ibig sabihin non ay magbubuhay prinsipe siya kapag pinakasalan ko siya. Kundi ipaparanas ko sa kanya ang buhay kung ano ang buhay sa empyerno. Wala man akong pagpipilian, magagawa ko parin ang gusto ko kung sakali man. Mabagal na naglakad ako palapit sa kanya na napaatras pa siya at muling napasandal sa pader. Galit na hinawakan ko siya ng mahigpit sa magkabilang pisngi gamit ng isang kamay ko. "S-sher, u-hmm. H-hama nha foh." Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos sa higpit ng pagkakahawak ko sa pisngi niya pero wala akong pakialam. "Paano mo nakilala ang lolo ko?" Iyon ang unang lumabas na tanong ko sa kanya. "At bakit ka kilala ng lolo? Anong ginawa mo sa lolo ko at bakit ganun na lang ang kagustuhan niyang maikasal ako sayo. You, disgusting dumbass gay." Gigil na mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa pisngi niya dahilan para tumulo na ang namumuong luha niya sa kanyang nga mata. "Ganyan ba ang ginawa mo? Ang iyakan ang lolo ko sa harapan niya? O may kung anong gayuma ang ipinainum mo sa kanya kaya ikaw ang napili niyang ipakasal sa akin? Sabihin mo sa akin, huwag mo akong dramahan dahil hindi iyan uubra sa akin." Sunod sunod na tanong ko sa kanya. "S'sher pleash. L-lhet mhe gho." "Kung babae pa siguro ay mas matatanggap ko pa at hindi ganito ang galit ko ngayon." Patulak na binitawan ko na siya ng hindi na siya tumigil sa pagluha. "Get out, bago pa magdilim ang paningin ko at mapatay pa kita." Sigaw ko sa kanya na agad na tumalimang patakbo palabas ng opisina ko. Malakas ang bawat pagtaas baba ng dibdib ko habang malakas na humuhugot ng paghinga dahil sa galit na nararamdaman ko. Parang mainit na tubig lang na pinapakuluan ang dugo ko dahil sa mga nangyari. Damn it! "Ahhhhhhhhh." Sigaw ko at lahat ng mahawakan ko ay ibinato ko. Wala akong pakialam kong masira lahat ng mag gamit ko sa opisina. Basta gusto kong magwala ng mailabas ang galit ko. Nasa ganun akong ayos ng biglang tumunod ang red line na kumukunekta sa numero ng lolo. Marahas ang naging galaw ko at agad iyong sinagot. "You f*****g old foggy. You can't manupulate me whenever you want." Iyon agad ang ibinungad ko dito at hindi ko itinago ang galit sa boses ko. Pero sa pagsigaw ko sa kanya ay tumawa lang ito. "Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo apo." Nasa boses pa nito ang pagkakalmante gayong ako ay parang bulkan ng sasabog ang galit ko. "This is not funny anymore. Kung babae pa siguro matatanggap ko pero ang malamang kung sino ang gusto niyong ipakasal sa akin‐... Damn it! What's with your foggy brain, old man." "Kahit kailan talaga ang tabas parin ng dila mo at hindi ka parin nagbabago. Pero ito ang tatandaan mo young man, huwag ko lang malalaman na sasaktan mo ang taong napili ko dahil isang pagkakamali mo lang apo ko, mawawala sayo ang mga pinaghirapan mo." Sabi niya at hindi pinansin ang galit ko sa kanya. "By the way, may mapagpipilian ka naman apo, iyon ay ang kalimutan at i-give up mo ang pamamahala sa mga negosyong hawak mo at ibigay iyon kay Kanye, sigurado ako sa isang iyon na hindi niya ako matatanggihan." Mahabang dagdag pa niya. Kung hindi lang siguro matigas ang hawak kong reciever ay kanina pa iyon nayupi sa higpit ng pagkakahawak ko. Magmumura na naman sana ako pero hindi na niya ako hinayaang makapagsalita. "12 hours apo. Sabihin mo lang kung ayaw mong tanggapin ang kasunduan ko. Magpapakasal ka at mapapasayo ang kalahati ng kayamanan ko o hahayaan mo na lang ang testamentong ginawa ko at ipapamahala kay Kanye ang lahat. Dibali apo, kung hindi mo man tatanggapin iyon ay may matatanggap ka parin namang 10 % sa lahat ng asset ko. Bye apo. Good luck." Ni hindi na ako talaga nakasagot dahil end tone na ang narinig ko. Pabalibag na binitawan ko ang reciever at sunod sunod na napamura. "Ahhhhhhhh! You fricking, old foggy." Sigaw ko ng pagkalakas lakas. Wala na akong pakialam kung marinig ako sa buong companya ko. It's none of their damn f*****g business. They are just my employee. = "What the long face mean bud?" Tanong ni Dexter sa akin ng nakapasok ako ng HX Bar na pagmamay ari naman nito na isa sa kaibigan ko. Dito na ako tumuloy para magpalipas ng galit ko kay lolo at kaninang matapos akong magwala sa opisina ko at ang lintik na Elijah na iyon ay hindi ko na nakita. Nahintakutan na siguro sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya. "Where is Gill? Hindi ba siya pupunta dito?" Tanong ko kaysa sagutin ang tanong nito. Deretso sa Liquor Cabenet at kumuha ng isang wine doon at binuksan. Inabutan naman ako ni Lambert ng baso na ngayon ay nasa stand naman ng mga wine glass. Ganito kami sa bar niya. Open kaming gumalaw sa loob. May sarili kaming pwesto kapag narito kaming lahat. "Anong kailangan mo naman sa isang iyon? Nagtanong ka pa. Nakakalimutan mo yatang bihira lang siya nagagawi dito." Sabi nito at umupo sa katabing upuan ko. Nakaupo sa paikot na desk ng mini bar sa loob malapit lang sa A. Place ang naturang bar nito. Nagsalin ako ng wine ng malagyan naman ni Lambert ng ice ang mga baso namin. "Kailangan ko ng tulong niya para alamin ang back ground ng bwesit na taong napili ng lolo para sa akin." "Hahaha! Nangangamoy bye bye Bachelor na ba tayo? Saka ayaw mo nun, matitikman mo na ang sinasabi nilang lutong bahay." Tanong naman ni Saint na kapapasok lang ng HX room namin. "Shut up! Hindi ko iiwan ang pagka bachelor ko para lang sa walang kwentang tao." "Nah! Nah! Hindi mo masasabi iyan Ace Anderson." Si Lambert na binanggit pa talaga ang buo kong pangalan. "Why can't I?" "Dahil wala ka naman magagawa laban sa lolo mo." Sagot nito. "Anong wala? Kaya kong labanan siya kung iyon ang inaalala niyo." "Iyon na nga Ace, bud!. May sarili ka namang pera, may sariling negosyo. Bakit ayaw mong i give up ang negosyo ng lolo mo kung ayaw mong manipulahin niya ang buhay mo." - Lambert "Ako na ang humawak ng mga negosyo niya simula noon at ako na ang nagpalago ng ilan sa mga iyon. Kaya hindi ko hahayaang mapunta lamang sa mga walang kwentang pinsan ko ang negosyong pinaghirapan ko." "Yeah! Nandoon na tayo. Ikaw ang nagpalago, pero sa lolo mo parin nakapangalan ang lahat ng iyon. Kung kukunin niya at magdidisisyon na ipamahagi na sa iba ang mga iyon ay wala kang magagawa. Kaya nasa kanya parin ang disesyon na hindi mo kayang matanggihan." Marahas na napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito. Tama si Saint doon. Dahil kung talagang gugustuhin ng lolo ko na kunin sa akin ang pangangalaga na ng kompanya ay wala akong magagawa unless sundin ko ang gusto niya. Pero.. "Damn it! I can't marry a guy! I't disgusting." Padabog na inilapag ko ang baso ko ng minsanan ko ng nilagok ang laman niyon. "Your mouth bud. My Baby is not disgusting." Si Saint na may galit naman na pagtatama niya sa sinabi ko. Oo nga naman, bakit ko pala sasabihin iyon sa harapan nito gayong patay na patay siya sa kasintahan. Hindi ko pa man nakikita iyon ay hindi naman kaila na lalaki ang baby na tinutukoy niya. Kaya hindi ko talaga masabi na nakakadiri iyon para sa akin. I'm not into men. Kung babae pa siguro ang napili ng lolo ay mas matatanggap ko pa pero...... "Damn it!." Muli ay isa na namang malutong na mura ang lumabas sa bibig ko at muling nagsalin ng alak sa baso ko na agad iyong itinungga. Siya naman dumating si Gill na totoong pakay ko kaya ako nagawi sa HX Bar. "Kumusta Bud." Halos panabay na bati nina Saint at Lambert dito. Na gaya ng dati he just lift up his hand and wave. Hindi naman ito palasalita. Lumapit sa amin at naupo naman ngayon sa kanang bahagi ko. Awtomatiko namang inabutan ni Lambert ito ng baso. "I need your help." "Speak it out." Malalim na boses na sagot nito at nagsalin ng alak sa baso. "Gusto kong mangalap ka ng impormasyon sa taong napili ng lolo ko para sa akin. As soon as you can." Seryusong sabi ko dito. Itinungga muna nito ang alak sa baso niya bago tumingin sa akin sabay lahad ng kamay. "Money first." "f**k! Can you just gather imformation first before asking for money." May pagkainis na sabi ko. Isa pa ito. Pera muna bago trabaho. "Money came first." Muling tipid niyang sabi. Naiiling na may pagkainis na kinuha ko sa bulsa ng suit ko ang tseke ko. "How much?" "1 milyon." "Ganid ka talaga." Naasar man ako ay nilagdaan ko parin ang tseke at ibinigay iyon dito. "Kailangan ko iyan ng hindi lalagpas ng labing dalawang oras." Sabi ko saka ko sinabayan ng pagtayo. "Hey! Where are you going?" Tanong ni Lambert ng maglakad na ako palayo't palabas ng HX. "In hell." Sagot ko na hindi ko na inabalang lumingon sa kanila and just waving my hand back. = "Useless." Wala sa loob kong binitawan ang mga papel na naglalaman ng impormasyon sa buhay ng PA ko dahil kung ano ang nakalagay sa resume niya ay iyon din mismo ang mga nakalagay sa ibinigay sa akin ni Gill "You can't blame me. Your Elijah is just an ordinary." Sagot nito saka may kung ano pang kinuha sa bulsa nito at ibinigay iyon sa akin. "You can take it back. I gotta go." Ni hindi na niya ako hinintay na makasagot at umalis na ito. Tunog ng pagsarado ng pinto ang sumunod kaya naman napatingin ako sa ibinigay niya sa akin. Naiiling na inilagay ko sa gilid iyon. Ibinalik niya ang tsekeng ibinigay ko sa kanya kanina. Tumayo ako at humarap sa bintana at tumanaw sa labasan. Sa taas kung saan ang opinina ko ay halos tanaw ko na ang mula sa kinatatayuan ko. Hawak ang baba ko at pabalik balik ang naging lakad ko. Hindi nakalagay doon na naincounter niya ang lolo? Pero paanong nangyari na PA ko mismo ang napili ng lolo ko. Binabantayan ba lagi ng lolo ang bawat galaw ko? At paanong ang isang hamak na PA ko lang ang nagustuhan niya? Diba dapat isa ding mayaman ang napili niya para mas maging malakas ang kompanya kung magsasanib ang dalawang pamilya? Pero... Ano ang mayroon sa PA ko? Na ordinaryong tao lamang. May inang inaalagaan sa hospital na may malalang sakit at kailangan ng maoperahan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil wala akong ibang maisip na dahilan ng lolo. Kuyom ang isang kamao ko. "What's with you old man. Damn you." ****** ****** At Gill side, pauwi na din siya galing sa Palace. Hindi na din kasi siya nagtagal ng umalis na si Ace doon. Pasakay na siya ng kotse niya ng may tumawag sa kanya sa private number niya na ang tanging nakakaalam ay ang mga kaibigan niya. Nangunot ang nuo niya na hindi naka regester doon kung sino ang tumatawag sa kanya. Ayaw man sana niya iyong sagutin pero naulit iyon. May galit na sinagot na niya iyon. "Who the hell are you?" "Name your price Mr. Gill Amber. This is Alejandro Anderson. I know that my grandson making a move na hindi naaayon sa mga plano ko. At dodoblehsn ko ang ibinayad niya sayo huwag mo lang ibigay ang buong impormasyon ng taong napili ko sa kanya." "You know me as well Mr. Anderson. 2 Milyon. And I will follow the lead." "Yeah! Send me your account number and I will transfer your money all the way. Bye Mr. Amber." Hindi pa man siya nakakasagot ay naputol na ang linya. Naiiling na muli niyang ibinalik ang cellphone niya sa bulsa niya at ipinagpatulot ang naudlot na pagsakay ng kotse kanina. "Wala akong pakialam sa kanila. Kaibigan ko si Ace, but I need money." Naibubulong na lang niya habang paarangkada na siyang paalis. Dahil sisimulan niya ang ipinag uutos ni Ace sa kanya pero para na rin sa lolo nito. Na ang nasa isip, bahala na ang mag lolo sa problema nila. Ang sa kanya ay trabaho ang mas mahalaga. TO BE CONTINUED:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD