PH1 #2: Elijah

3134 Words
CHAPTER2 "Elijah Lawrence." Sigaw na nakapagpagising sa aking kamalayan. Napakurap pa ako bago ako tumingin sa kanya. "Y-yes sir?" "Ano bang nangyayari sayo?" Galit na tanong niya sa akin. "How many times that I called your name pero hindi mo naririnig? You are out of your mind nowaday? Sabihin mo lang kung ayaw mo na ng trabaho mo at makakaalis ka na. Hindi ako nagpapa sweldo sa mga taong laging nililipad ang isip." Mahabang lintaya niya sa akin kaya naman napayuko ako dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya. "S-sorry po sir. Hindi na po mauulit."tanging sagot ko na lang. Ewan ko pero simula ng umuwi kami galing sa birthday party ni Daniela ay palagi na lang akong nawawala sa katinuan ng isip ko. Nililipad sa kung saan ang imahinasyon ko. Kasalanan niya! Oo, kasi binigla niya ako ng araw na iyon at hindi na ako makatulog ng maayos dahil doon. Laging lumilitaw sa balintataw ko ang kanya na halos masagi na ng mukha ko ng binihisan ko siya habang kausap ang lolo niya. Gawain ko naman talaga iyon. Pero hindi sa ganung bagay. Na pati underwear niya ay ako pa ang magsusuot mismo sa kanya. At iyon ang dahilan kung bakit niya ako laging nasisita na hindi ko naman masabi ang tunay na dahilan kung bakit ako laging natutulala. Im not gay! I know that. But... What the f**k? Hindi mawala sa isip ko iyon. Na parang nasa harapan ko parin hanggang ngayon. Umiiwas na nga ako na magtama ang mga mata namin baka makahalata siya. At baka lalong mawalan pa ako ng trabaho dahil sa nararamdaman ko. "Dapat lang. At kung maulit pa na hindi ka nakafucos sa mga sinasabi ko. Mas mabuti pang maghanap ka na lang ng ibang trabaho." "Yes sir." Kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magpanic. Kailangan ko lang na ibaling sa iba ang isip ko. Hindi iyong ganito na palaging iyon ang nasa isipan ko. Nagmumukha pa tuloy akong pervert dahil doon. Damn me again! Kumilos na ako para ayusin ang mga gamit niya. May pupuntahan daw siya at hindi ko na daw kailangang sumama kaya naman maaga ako makakauwi ngayon. Ito din ang isa sa gusto ko sa trabaho ko. Dahil kung may pupuntahan ito na hindi niya ako kailangan ay hindi niya ako isasama. Papauwiin na lang niya ako. Kaya naman nagkakaroon ako ng time na mabantayan ang mama at makapagpahinga kahit papaano. "Agahan mo na lang ang pagpasok mo bukas. Hindi ako papasok dito sa opisina pero pupunta ako sa A.Place. Sasama ka sa akin." Tumango na lang ako. Palagi kong naririnig sa kanya ang ANDERSON PLACE na iyon. Sa loob ng subdivision na pagmamay ari nila at nandoon ang sarili niyang bahay at hindi ang tinitirahan niya ngayon. Himala at isasama ako. Ewan ko lang kung ang tinitirahan niya ngayong bahay niya ay doon niya ipinupunta ang mga babaeng naho-hook sa kanya o di naman kaya sa AP house niya dinadala. Hindi ko pa naman siya nakikita na nag uuwi siya ng mga babaeng kumakalantari sa kanya. "Yes sir." Muli kong sagot sa kanya. Ng tumayo siya ay awtomatikong ipinasuot ko sa kanya ang black suit niya na tinatanggal niya sa tuwing nasa loob siya ng opisina at kung walang mga bumibisita sa kanya. Tanging ang puting polo na lang ang suot niya. "Let's go. Sabay na tayong lumabas. Bahala na si Nancy na mag ayos ng mga kalat dito." Sabi niya at ang tinutukoy ay ang secretarya niya. Agad naman akong sumunod sa kanya. Ng mapadaan kami sa lamesa ni Nancy ay binilinan na nga niya ito na ayusin ang mga kalat niya sa loob at siguraduhing naka lock ang opisina niya. "Yes, Sir Ace." Magalang na sagot nito ng tumayo at bahagyang yumuko. Hindi na niya inimik ito at tumalikod na lang. Ako naman ay nginitian na lang si Nancy at kumaway para narin magpaalam. Narating namin ang parking lot kung nasaan ang kotse niya. Yumuko pa ako ng magpaalam ako dito at sabihan narin ng mag ingat. Tango na lang ang naging sagot niya bago tuluyang minaneho ang sasakyan palayo. Doon na ako nagpakawala ng malalim na hininga ng hindi na siya tanaw ng mga mata ko. Para kasing sumisikip at nahihigit ko ang hininga ko dahil sa presensya niya at nagsimula ang pagkailang ko dahil nga doon sa nangyari. "Nababaliw ka na Elijah." Kausap ko pa sa sarili ko habang palayo na din ako sa naturang building ng kompanya ni Sir Ace at tinungo ang paradahan ng tricycle na may bente metro ang layo. Exclusive kasi ang naturang area ng gusali ng kompanya ni Sir Ace kaya hindi nakakapasok sa bantang iyon ang mga tricycle o ano pa ang hindi related sa kompanya niya. Agad akong sumakay sa nakapilang tricycle. At dahil sagot naman ni Sir Ace ang transportation ko ay agad na umarangkada paalis ng sinabi ko driver na arkela ko na iyon. "Kuya dito na lang ako." Sabi ko sa driver ng marating namin ang maliit na pamilihan malapit lang sa hospital. Bibili ako ng prutas na pwedeng ipakain kay mama. Agad akong bumaba, tinungo nga ang bilihan ng prutas. Orange at kalahating kilo lang ng grapes ang binili ko. Gusto ko man sanang damihan ay saka na lang. Basta ba mayroon lang akong ipapasalubong kay mama ay ayos na ito. Nakangiti pa akong naglalakad lakad ng maagaw ang pansin ko ang isang matanda na inaagawan ng kung ano ng isang binatilyo. Nakikipag agawan ang matanda na halata na wala ng kalakas lakas kumpara sa binatilyo. Wala man lang nag abalang tulungan ito kaya naman ako na ang lumapit pero nagtagumpay na ang binatilyo at tinangay nga ang naturang maliit na bag ng matandang lalaki at hindi lang iyon. Natumba pa ito sa at lumagapak sa semento. Kaya naman mas binilisan ko ang paglapit dito at tinulungan. Pero ganun na lang ang pag aalala ko ng mapansin kong parang inaatake pa ito ng kung ano dahil sa klase ng paghinga nito. Hindi na ako humingi ng tulong sa iba at agad na tumawag ako ng tricycle at nagpatulong na lang akong isakay ang matanda at dinala ko sa hospital kung saan din ako papunta. Agad na inasikaso naman ng mga nurse at may doctor agad na tumingin dito. "Kayo ba ang guardian ng pasyente Sir?" Tanong ng nurse sa akin. "Tinulungan ko lang siya. Hindi ko siya kilala." Totoong sagot ko dito. "Ganun ba. Paano ba iyan. Tinatanong namin siya pero wala naman itong alam kung sino ang guardian niya. Tanging ang pangalan niya ang alam niya at ni hindi alam ang apelyedo." "S-sige. Ako na lang ang pipirma para sa guardian niya." Alanganing sagot ko dito. Hindi naman sa ayaw ko pero iniisip ko din na ang perang pangbabayad ko sa bill ng matanda ay mababawas sa iniipon kong pera para sa operasyon ng mama. "Pakipermahan na lang po ito sir. At pakibayaran na rin sa counter ang bill para sa magagastos ng pasyente niyo." Sabi pa nito at magalang na nagpaalam sa akin. Wala naman ako nagawa kundi pirmahan nga ang naturang papel para sa matandang lalaki. Saka ako nagtungo sa counter para bayaran ang bill nito. Ng matapos ako dito ay saka ko tinungo naman ang kwarto kung nasaan ang mama. Siguro babalikan ko na lang ang matanda mamaya. Tulog pa naman ito ng pinuntahan ko para sabihin sana na hindi na nito proproblemahin ang gagastusin sa pananatili ng ilang araw sa hospital. "Kumusta na mama." Nakangiting lumapit ako kay mama ng mabungaran ko itong kampanteng nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama nito. Humalik ako sa pisngi bago ako inayos ang binili kong prutas para dito. "Maaga ka yatang nakauwi ngayon El, anak." "Opo mama. May pinuntahan kasi ang boss ko at hindi ako pwedeng sumama kaya pinauwi na niya ako. Pero mamaya naman papasok parin ako sa restaurant diyan sa malapit." "Masyado mo yatang inaabuso ang sarili mo El, hayaan mo na lang kaya ako. Isipin mo naman ang sarili mo." "Ano ba iyang sinasabi niyo mama? Bakit ko naman kayo hahayaan at hindi ipapagamot? Mama, hanggat magagamot pa ang sakit niyo, gagawa ako ng paraan para maipagamot ko kayo." Sagot ko dito. Kumuha ako ng orange at ipinagbalat ito. "Mayroon pala akong tinulungan kanina sa labasan mama. Nakaconfine din ngayon dito." Pang iiba ko ng usapan dahil ayaw kong ipagpilitan nito na pabayaan ko na lang at huwag na itong ipagamot. "Anong nangyari?" "Hinablot yong bag niya kanina mama. Ewan ko ba minsan sa mga tao sa paligid. Nakikita na ngang nahihirapan ang matanda kanina wala man lang tumulong sa kanya." "Ganun naman talaga El, anak. Minsan talaga ayaw na nilang makialam sa isang gulo para hindi na sila madamay pa." "Alam ko naman iyon mama. Pero hindi ko naman matiis iyong matanda kanina. Tapos inataki pa sa highblood. Iiwan ko na nga sana kanina pero hindi daw alam ang pangalan kahit na isa sa mga kamag anakan." "Ganun ba anak. Napakabuti mo talaga." "Nagmana lang ako sayo mama. Hala, kainin niyo na po ito. Maya maya lang ay papasok pa ako sa pinag e-extrahan ko." Tango ang naging sagot ng mama. Kumain ng orange na binalatan ko para dito. Ng matapos itong kumain ay nag ayos na din ako ng sarili ko para sa pagpasok ko. Siguro mamaya ko na lang bisitahin ang matanda pag uwi ko galing trabaho. = "Kumusta po ang pakiramdam niyo lolo?" Tanong ko sa matanda ng makauwi ako galing sa trabaho. Gising na ito at nakaupo na sa gilid ng kama. "Huwag na po muna kayong masyadong mag gagagalaw lolo, baka mahilo kayo at baka matumba kayo." Paalala ko sabay lapit at inalalayan umayos ng pagkakaupo sa kama. "Salamat apo." Mahinang boses na pasasalamat nito sa akin. "Walang anuman iyon lolo." Nakangiting sagot ko naman dito. "Sabi pala sa akin ng nurse na tumingin sa inyo kanina na ayaw niyong kumain. Tamang tama po. Nag uwi ako ng makakain na bigay ng boss ko sa restaurant kanina." Ipinaghain ko ito ng pagkain. "Dapat po kumain kayo para agad po kayong lumakas." Tinanggap naman nito ang tray ng pagkain. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig nito sa akin. "May problema po ba sa mukha ko lolo." Bahagyang akong nailang saka nag iwas ng tingin dito. "Napakaganda mong bata." "Ho!" Bigla naman akong natawa sa sinabi nito. Nawala ang pag kailang ko dahil doon. "Si lolo naman. Nagpapatawa pa kayo. Hindi po ako babae para tawaging maganda." "Pero totoo iyon apo. Kung babae lang siguro ang boses mo hindi ka na makikilala bilang lalaki." "Hala! Oo na lolo. Sige. Maganda na ako. Pero sa ngayon ay kainin na muna niyo iyan para magkaroon kayo ng lakas sa katawan. Pupuntahan ko pa kasi ang mama ko na nasa kabilang silid lamang." Sabi ko na lamang. "Anong nangyari naman sa mama mo apo?" "May sakit po siya sa kedney lolo at kailangang maoperahan. Pero sa ngayon nag iipon muna ako ng pera para sa operasyon." "Ganun ba." "Opo. Siya nga po pala, wala ba kayong matandaan kahit ni isang pangalan sa mga kamag anakan niyo?" Pagkuway tanong ko habang inaayos ang ibang binili ko para dito at ito naman ay nagsimula ng kumain. Nakita kong umiling lang ito at hindi na nag abalang nagsalita. "Paano po iyan. Kung palalabasin na kayo ng doctor? Saan kayo pupunta?" "Ulyanin na kasi ang lolo apo. Pero naaalala ko naman sila minsan. Pagpasensyahan mo na ako at nagdagdag pa ako sa alalahanin mo." Sagot nito. Tumigil sa pagsubo ng pagkain at tumingin sa akin. "Okay lang iyon lolo. Wala iyong anuman sa akin. Ang inaalala ko ay kung saan kayo uuwi pag na discharge na kayo." "Napakabuti mong bata. Sana pagpalain ka sa kabaitan mo." "Salamat po lolo. Pinalaki kasi ako ng mama sa mga mabubuting pangaral niya. Kaya po ako ganito." "Maswerte ang mapapangasawa mo kung nagkataon. Ipapanalangin ko na sana makatagpo ka din ng mag aalaga sayo at magmamahal sayo ng buong puso. Kung naging babae ka lang siguro apo. Maswerte ang lalaking mamahalin mo at natitiyak kong mamahalin mo siya at aalagaan." "Haha! Si lolo talaga. Kaso lalaki po ako at hindi ako babae. Pero salamat parin po." Totoo ang mga ngiting gumuhit sa mga labi ko habang nakikipag usap dito. Kahit papaano ay magaan ang pakiramdam ko dito at hindi ako nagsisisi na tinulungan ito. "Sige po lolo, magpahinga na po kayo. Babalikan ko na lang po kayo bukas para kumustahin bago ako pumasok sa trabaho ko." "Sige apo. Salamat muli." Nagpaalam na ako dito ng maayos at lumipat ako sa kwarto ng mama. Naabutan ko itong tulog kaya naman hindi ko na inabalang gisingin. Magpapahinga na din ako para hindi ako antukin bukas sa trabaho ko ng hindi na ako masita ni Sir Ace. = "Damn it!." Sigaw na mura na naman ni Sir Ace habang papunta na kami sa ANDERSON PLACE. Tinignan ko na lang ito sa gilid ng mga mata ko habang nagmamaneho. Napansin ko pa ang pagsabunot niya ng sariling buhok at kung hindi lang siguro kami nasa loob ng kotse niya ay nagwala na naman siya at makahagis na naman ng mga bagay na mahawakan niya. "Paanong hindi ako makakapagmura kung minamanipula niyo na naman ako." Sigaw na sagot na naman niya. Nakakabingi tuloy ang pagsigaw niya sa loob ng kotse niya. "Look at you, old foggy brain. Hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo." Ilang sandali pa ay hindi ito nagsalita habang nakikinig sa kausap. Ang lolo niya marahil iyon dahil ang lolo lang naman niya ang hindi natatakot sa kanya. Kundi ang lolo niya mismo ang nagmamanipula ng buhay niya gaya ng narinig ko kanina. "Damn it! Damn it." Sunod sunod na mura niya nag marahas na binitawan ang cellphone niya. Nagulat pa ako ng bigla niyang suntukin ang Glove compartment sa harapan niya. "Damn you old man. Damn you." Gigil na kuyom pa niyo ang kamao. Kinabahan man ako bigla sa biglang pagbabago ng mood niya ay nagpatuloy parin ako sa pagmamaneho. Bigla tuloy uminit sa loob ng kotse niya dahil sa galit niya. Ako pa tuloy ang nakakaramdam ng panggigigil niya sa lolo niya na kung siguro nasa haparan lang niya ang lolo niya ay baka nag aaway parin sila hanggang ngayon. Binabaan siya ng cellphone at iyon ang isa sa mga pinakaaway niya. Sa mag iisang buwan ko na siyang kasama ay halos alam ko na kung anong ugali ang mayroon siya. "Ibalik mo sa companya." Pagkuway utos niya sa akin na agad ko namang sinunod. Nagpakawala pa siya ng malalalim na buntong hininga saka sumandal sa upuan niya. Pumikit habang marahas parin ang bawat paghinga niya. "Sir, nandito na tayo." Nagmulat siya ng mata, mula kasi kaninang pabalik kami ay hindi na siya nagmulat pa kaya naman napagmasdan ko pa siya ng ilang minuto bago ko siya tuluyang ginising. Bumaba na ako at pinagbuksan siya ng pintuan. "What now?" Tanong niya sa isang lalaki na ngayon ko lang nakita simula ng naging PA niya ako na naabutan na namin mismo sa loob ng opisina niya. "Eto ang dukomento para sa naturang Will ng lolo mo Mr. Anderson. At nakapaloob na diyan ang lahat ng kasunduang gustong mangyari ng lolo mo. Ikaw na ang bahalang bumasa." Sagot naman nito at ibinigay sa kanya ang brown emvelope na hawak nito na agad naman niyang kinuha. Umupo sa swielchair at inilabas lahat ang laman ng naturang emvelope at sinimulan ng binasa. Isa, dalawa o tatlong minuto mahigit ang lumipas at tahimik lang na binabasa ang mga iyon. Pero habang nakatingin ako dito ay unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Ang kaninang magkasalubong ng mga kilay ay mas lalong nagsalubong at nadagdagan ng kunot ng nuo at naging marahas na tumingin sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit niya ako tinitignan ng ganung katalim na tingin. Hawak ang isang maliit na papel na tantya ko ay isa iyong larawan. Ipinaglipat ang tingin niya doon at sa akin. "What the f*****g hell is this?" Dumagundong na tanong niya at padabog na tumayo. Pabalibag na isinandal ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa niya. "And you! Who the hell are you at bakit nadamay ka sa Will ng lolo ko?" Galit na lumapit siya sa akin at pahampas na ibinigay sa akin ang hawak na larawan na ngayon ay nalaglag na sa lapag. "S-sir Ace. A-ano pong kasalanan ko?" Nahintakutan ako dahil sa talim ng tinging ipinukot niya sa akin. Naging marahas ang paglingon naman niya sa lalaking nagbigay sa kanya ng mga papel na iyon. "This is nonsense. Sabihin mo sa lolo na hindi ako kailanman magpapakasal. At lalong hindi ako magpapakasal sa kanya." sabay duro sa akin. Wait! Kasal? Anong nangyayari? Anong kasal ang tinutukoy niya? Ano ba kasi ang nabasa niya sa will ng lolo niya? At bakit ako nasali doon? Ang daming katanungan sa isipan ko kaya naman pinagtuunan ko ang pansin ang larawang nalaglag na sa sahig at kinuha iyon. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mapagsino ang nasa larawan. Ako ito! TO BE CONTINUED:
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD