Chapter Four

1203 Words
ILANG Lingo na ang nakalipas mula ng mangyari ang halikang naganap kina Ruby at Alvaro, pero hanggang ngayon ay hindi iyon maalis ni Ruby sa sistema niya. Parang minuminutong bumabalik sa ala-ala niya ang naging halikan nila ng binata. Alvaro's kiss was gentle and passionate... malambot ang mga labi nito at kaysarap na humalik. Mariing napapikit si Ruby kasabay ni'yon ay mabilis niyang pinilig ang ulo. "Ruby, ano ka ba! Get your self together! Kalimutan mo na ang halik na 'yon! Isipin mo na lang na isa 'yong bangungot!" aniya sa sarili. "Ma'am Ruby?" "Ay bangungot!" nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto sa opisina niya. "Pasensya na, Ma'am. Kanina pa ho kasi ako nakatok pero hindi kayo sumasagot. Ayos lang ho ba kayo?" Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "May kailangan ka?" "Dumating na ho pala yung inorder ninyo pong gown para sa birthday party ni Chairman," pagbibigay alam nito. "Okay. Pakipasok na lang dito." Pagkasara nito ng pinto ay muli siyang napabuntong-hininga. Dapat na talaga niyang kalimutan ang halik na 'yon bago pa siya masiraan ng bait. Marahil kaya siya ganito ay dahil wala pa siyang experience sa edad niyang ito. Paano ba naman iyon ang unang halik niya! Isa pa ang dapat niyang isipin ay sanay si Alvaro sa ganu'ng mga bagay. Kaya hindi dapat siya maapektuhan sa nakaw na halik. Nasisiguro niya na baliwala lang dito ang naganap ng gabing iyon kaya dapat ganu'n din siya. Inabala na lang niya ang sarili sa trabaho sa buong araw na iyon. Effective na sana pero hindi niya inaasahan ang bisitang dumating sa opisina niya. It's Alvaro! "A-anong ginagawa mo rito?" Inilibot nito ang buong tingin sa opisina niya bago itinuon sa kanya. "Anong oras ang uwi mo?" Kinunotan niya ito ng noo. "Bakit mo tinatanong?" "I'd like to invite you out to dinner." "Bakit?" "Hmmm... for peace offering? For kissing you-" Tinaas niya ang kanang kamay. "Shhh! Don't say it. Wala na 'yon, and I want you to forget it." Seryosong tumitig sa kanya si Alvro. "What if I don't want to forget it? And what if I want to kiss you again?" Nanigas si Ruby sa pagkakaupo niya. Hindi niya alam kung ano ang irereak niya sa sinabi nito. Lumapit ito, dumukwang sa lamesa niya at inabot ang baba niya. "I can't forget the kiss we shared, Ruby," anas nito. Tinabig niya ang kamay nito. "Kung gusto mo akong mapabilang sa mga naging babae mo, puwes mabibigo ka lang. I'm not one of those women na halos lumuhod maangkin mo lang. Isa pa, galangin mo 'ko dahil mapapangasawa ako ng kapatid mo, Alvaro." Tumaas ang sulok ng labi nito. "I understand. I'm sorry. So, sasama ka na ba sa'kin kumain sa labas?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Ayoko." Simpatikong ngumiti ang mokong. "Natatakot ka sa'kin?" "Why should I be afraid of you?" "So, sasama ka? I promise I won't do anything you don't like unless you ask me to kiss you again." "Hindi ka talaga titigil eh no?" Tumawa ito. "Fine, I won't tease you again. Kain tayo sa paborito mong kainan." Nag-isip siyang mabuti kung sasama ba siya o hindi? Nagtatalo pa ang isipan at sarili niya pero sa huli ay nagpaunlak siya sa imbitasyon nitong kumain sa labas. For his peace offering. "BAKIT dito mo 'ko dinala?" nagtatakang tanong niya nang dalhin siya nito sa market kung saan may iba't ibang street foods. Tiningnan siya nito. "Naaalala mo nung college pa tayo? at sa tuwing nasa bahay ka, lagi mo nire-request sa kanya na bilhan ka niya ng kwek-kwek, fish ball at squid ball pero hindi ka niya binibilhan dahil madudumi raw ang mga iyon. Then, I saw you one day, you came here to eat street food." Natigilan siya. Hindi niya akalain na naalala pa nito ang tagpong iyon. At hindi niya akalain na nandoon si Alvaro ng mga panahon na iyon at naririnig ang mga request niya kay Aldrich. "Kaya naisip mo na favorite kong kainan 'to?" tanong niya. "Yep. Hindi mo ba nagustuhan?" ngiting tanong nito. Bumilis ang tahip ng puso niya sa hindi niya malaman na dahilan. "H-hindi naman." "Kung gusto mo sa iba na lang tayo kumain." "No. Gusto kong kumain dito. Matagal na rin mula ng kumain ako ng street foods." "Great." Umibis ito sa sasakyan at umikot sa gawi niya para pagbuksan siya ng pintuan. "Thank you," aniya. Tanging wallet lang niya ang dala niya para hindi maging sagabal sa pagkain niya. Excited siya na muling makakain ng mga street food. Una nilang kinain ay kwek-kwek. Nakailang dagdag sila bago sila nagpasyang magbayad. "May problema ba?" tanong niya kay Alvaro nang makita niyang tila may nawawala rito. Naka ngiwing napakamot ito sa ulo. "I left my wallet in the car. Sandali at kukunin ko lang." "No need. Ako na ang magbabayad," aniya. "No, nakakahiya." "It's okay." Dinukot niya ang isang libo at inabot sa tindera. "Keep the change po," aniya. "Ay salamat, ineng!" tuwang sabi ng ale. Nginitian niya lang ito at hinila si Alvaro sa bentahan naman ng ihaw. Pagkatapos nilang kumain ng ihaw, sunod nilang binili ay halo-halo at pagkatapos bumili rin sila ng corn dog. "Ahh! I'm full." natatawang reklamo ni Alvaro habang hawak ang tyan. "Mukhang pagagalitan ako nito ni Jerby dahil bukas na ang passion model." Natawa siya. "Kasalanan mo. Dito mo ba naman ako yayain kumain eh." "At least I saw you smile again," seryosong sabi nito. Nahihiyang umiwas siya ng tingin dito. Ayaw niyang makita ang pamumula ng mukha nito. "Nakakahiya lang kasi ikaw nagbayad ng lahat. Don't worry babawi ako sa'yo next time." Next time? May susunod pa? "It's okay. Nag-enjoy naman ako." "Masaya ako kung ganu'n." Tiningnan niya ito. "Thank you, Alvaro for bringing me here. Masyado akong stress nitong mga nakaraang araw." "Don't mention it." "Hindi ba si Alvaro Fortalejo 'yon?" nahimigan nilang sabi ng isang babae kasama ang ibang grupo hindi kalayuan sa kanila. "Oo nga. Siya 'yun!" At sa isang iglap halos paulanan na sila ng flash na nagmumula sa camera. "s**t!" narinig niyang mura ni Alvaro. Ipinasuot nito sa kanya ang suot nitong sumbrero. "Let's go." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila paalis sa lugar na 'yon. "Alvaro, sino yang babaeng kasama mo?" "Pwede bang pa-picture?" Ilan sa mga tanong na pinapaulan kay Alvaro. Halos napapalibutan na sila ng mga kababaihan. But Alvaro don't mind them and he never let go of her hand until they reach the parking area. "I'm sorry," hinging paumangin nito nang makasakay na sila sa sasakyan nito. Hinubad niya ang sumbrero. "For what?" Nagbuntong-hininga ito. "Akala ko walang makakakilala sa akin dito," sabi nito. Nahihimigan niya ang pagkainis sa boses nito. "Naiintindihan ko naman 'yon." Binalik niya ang sumbrero nito. "Sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo?" "Nakakainis lang kasi." "It's okay." Muli itong nagbuntong-hininga. "Ihahatid na kita." "Pwede mo naman ako ibalik sa office. Ako na lang ang uuwi mag-isa para hindi ka na mapalayo." "No. Gusto ko ihatid kita," tila batang giit nito. Hindi niya mapigilan ang matawa. "Okay, if you insist." Hindi na ito nagsalita pa. Binuhay nito ang ignition at tahimik na minaniobra ang sasakyan paalis sa lugar na 'yon. Ruby had a great night with Alvaro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD