Chapter Five

1545 Words
IT'S BEEN three weeks mula nang huling pagkikita at pag-uusap nila ni Alvaro. Ang huling nabalitaan niya ay abala na ito sa trabaho at lumipad ito papuntang Paris para sa malaking event na magaganap doon. Naging abala rin siya sa trabaho at sa pag-aasikaso ng birthday party para sa ama niya na magaganap ngayong gabi. Aminin man niya sa hindi ay nakakaramdam siya ng pinaghalong kaba at lungkot. Kinakabahan siya dahil ia-announce na mamayang gabi ang pagpapakasal nila ni Aldrich. At nalulungkot siya dahil makukulong na siya sa sitwasyon na hindi naman talaga niya gusto. "You look stress right now, Ma'am Ruby," untag sa kanya ni Mona. Inilapag nito sa lamesa niya ang tinimpla nitong tsaa. "Inumin mo 'to. Makakatulong 'yan para ma-relax ka." "Salamat, Mona." Buntong-hiningang kinuha niya ang tasa at marahang ininom ang tsaa. "Kung wala ka ng kailangan, aalis na ako—" "Nagmahal ka na ba, Mona?" tanong niya na nagpahinto sa iba nitong sasabihin. "Po?" Tiningnan niya ito. "Have you ever been in love?" "Umg... yes. Bakit mo natanong, Ma'am?" "Ano ba taaga ang pakiramdam kapag nagmamahal ka?" Mahina siyang natawa. "Well, honestly, hindi ko alam kung tama pa ba itong pinapasok ko. Hindi ko alam kung pagmamahal pa ba itong ginagawa ko." Saglit nitong kinagat ang ibabang labi. "Hmm... Ang lalaki ba 'to ay si Sir Aldrich?" "Just answer my question, Mona." "Demanding, Ma'am? Well... kapag kasama ko siya bumibilis ang t***k ng puso ko, masaya ako kapag nakikita ko siya o kapag kasama ko siya. Parang tumitigil ang oras kapag magkasama kami. Ma'am, kung hindi ka na masaya ay wala kang nararamdaman ni isa sa mga nabanggit ko, huwag mo na pong ituloy kung ano man ang relasyon mo sa taong ito dahil kapag pinagpilitan mo ilaw lang ang masasaktan at mahihirapan sa huli. Tingnan mo ko, nagsisisi ako kasi hindi ko siya pinaglaban. Ngayon ikakasal na siya sa iba." "Ikakasal siya sa iba? What do you mean? Pinaibig ka lang niya? Pinaasa?" Nangiwi ito. "Hindi po sa ganu'n, Ma'am. Magkaibang mundo po kasi ang ginagalawan naming dalawa. You know, langit siya at lupa ako." "Bakit hindi mo sinubukang ipaglaban siya? Hindi man lang ba niya sinabi sa'yo na mahal ka niya?" "H-he did but I chose to push him away. Hindi kasi kami bagay." "Dahil lang sa mayaman siya at mahirap ka?" Nayuko si Mona. "Ayoko ho kasi masaktan yung kaibigan kong pakakasalan niya." "That's a stupid reason! You must fight for him or you will be miserable for the rest of your life," aniya Nagtaas ito ng tingin sa kanya. "P-po?" "Kung ako ang kaibigan mo, hindi ko gugustohing makita kang nasasaktan. Umuwi ka na, puntahan mo ngayon 'yung tangang lalaki at sabihin mo sa kanya na mahal mo siya. Kung hindi ka man niya piliin at least you tried at wala kang pagsisisihan sa huli." "N-ngayon na?" "Ngayon na. Go! Ako na ang bahala rito." "Pero..." "Ako na sabi ang bahala rito." Matamis na ngumiti ang sekretarya niya. "Maraming salamat, Ma'am Ruby!" Saglit pa siyang niyakap nito bago nagmamadaling lumabas sa opisina niya. Nawala tuloy sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Mona about sa love. Napaisip siya kung may damdamin ba siyang nararamdamang ganu'n sa tuwing kasama niya si Alvaro. Natigilan siya. Bakit si Alvaro ang nasa isip niya? Pinilig niya ang ulo at minabuting tapusin ang ginagawa para maaga siyang makauwi at makapaghanda sa magaganap na party mamaya. PAGSAPIT ng ala-sais ng gabi ay isa-isa nang nagsisidatingan ang mga bisita ng ama ni Ruby. Malalapit na kaibigan, kamag-anak, kasosyo sa negosyo, at ang iba ay mga politika. Inaabangan niya ang pagdating ni Aldrich. Kino-contact niya ito pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Hindi niya maiwasang kabahan dahil hindi naman ito ganito. Kung ma-late man ito ugali nitong tumawag o mag-text, pero ngayon ni isang text o tawag ay hindi nito ginawa. Humugot si ng hininga nang makita niyang lumapit sa kanya ang kanyang ama. "Where's Aldrich?" tanong nito sa kanya. "Umh... ma-late lang po siya, Dad. Meron lang ho tinatapos na trabaho," pagsisinungaling ko. "Make sure na makakarating siya." "Yes, Dad." Pagkasabi niya ni'yon ay tumalikod na ito at muling bumalik sa loob ng mansion. Pagkatapos niyang salubungin at batiin ang ilang bisitang bagong dating ay nagtungo siya sa sulok para subukan ulit na tawagan si Aldrich. Pero tulad ng una ay out of coverage ito. Kaya nag-message na siya rito para tanungin kung nasaan na ito. Pinaalala rin niya rito na hindi pwedeng hindi ito sumipot dahil napag-usapan na nila ang tungkol dito. Mula sa screen ng cellphone ni Ruby, nabaling ang atensyon niya sa may entrada nang may maingay a sasakyan ang pumarada sa labas ng mansion nila. Sino naman kaya 'yon? tanong niya sa sarili. Lalong nangunot ang noo niya nang makita niya kung sino ang bagong dating. Magkamukhang magkamukha ang dalawa pero alam niya na hindi ito ang lalaking kanina pa niya hinihintay. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito rito? Pero sa hindi niya mawari ay awtomatikong bumilis ang tahip ng puso niya nang tuluyan niyang masilayan ang gwapo nitong mukha. Bagay na bagay dito ang suot nito Tuxedo. Lumapad ang ngiti nito nang makita siya. "Hi," bati nito sa kanya nang tuluyan itong makalapit sa kinaroroonan niya. "Alvaro...w-what are you doing here?" gusto niyang batukan ang sarili dahil bakit nga ba siya nauutal? "Akala ko hindi ko ko mamumukhaan eh. Anyway, I came here to tell you na hindi makakapunta si Aldrich." "Bakit daw? Hindi pwedeng hindi siya sisipot dahil pinag-uusapan na namin ito at nangako siya sa'kin na pupunta siya ngayong gabi." "Naaksidnte siya habang nasa America siya. Kakatapos lang ng surgery niya kahapon," anito na ikinabigla niya. "What? Bakit ngayon mo lang sinabi? Nasaan siya ngayon? Kumusta ang lagay niya?" "He's fine now. But the problem is...he has amnesia. Wala siyang maalala. Hindi niya ako kilala at lalo ka na." Tila huminto sa pagtibok ang puso ni Ruby sa natanggap na balita. Gusto niyang matuwa dahil sa nangyari hindi na niya kailangan pang maikasal sa lalaking alam niyang hindi siya magiging masaya. Pero hindi ito ang tamang oras para maging masaya. She needs to think kung paano niya masasabi sa ama niya ang tungkol dito. Kinakabahang nagpalakad-lakad siya. Ano na lang ang sasabihin niya sa kanyang ama? Siguradong ikakagalit nito ang hindi pagsipot ni Aldrich kahit pa sabihin niyang isang aksidente ang nangyari. "What should I do?" anas niya. "I can replace him," sabi ni Alvaro. "Yes, you can—" natigilan siya at hindi makapaniwalang napatingin sa binata. "What did you just say?" "I can replace Aldrich." Natawa siya. "Nagbibiro ka ba, Alvaro? Akala mo ba joke-joke lang 'to? Kung nagbibiro ka pwes hindi nakakatawa." "Mukha ba akong nagbibiro, Ruby?" Nagbuntong-hininga si Ruby at seryosong humarap kay Alvaro. "Look. Hindi ko alam kung ano ang dahilan o kung ano ang pumasok dyan sa isip mo para gusto mong palitan si Aldrich na pakasalan ako. My answer is a no. Hindi ako papayag. Ayokong magpakasal sa kapatid ng fiance ko dahil lang sa wala siyang maalala." "As if you have a choice?" "Nasaan ang kapatid mo? I want to see him." "Kahit na puntahan mo siya at kausapin, hindi ka niya maaalala. Nandoon na sila dad para asikasuhin siya. Walang mangyayari kahit puntahan mo pa siya roon." Sasagot pa sana siya nang magsalita ang ama niya mula sa kanyang likuran. "Ruby, dumating na ba ang nobyo mo?" Pinanlakihan niya ng mata si Alvaro at sinisenyasan na niya itong umalis. Pero hindi tumitinag ang loko. "Aldrich, masaya akong nandito ka na," sabi ng kanyang ama na hindi man lang namukhaan na hindi si Aldrich ang kaharap. "Good evening, Sir Adelle," singit ni Alvaro at nakipagkamay pa nga ito sa ama niya. Naloko na! "Cut the formality, Aldrich. Sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong daddy dahil ikakasal ka na sa anak ko." "Yes, sir— I mean, Dad." "That's good." "I'm sorry if I'm late. Meron lang ho kasi akong inasikaso," sabi pa ni Alvaro. "That's okay. Ang mahalaga nandito ka na." Magsasalita pa sana ang ama niya nang lumapit sa kanila ang event organiser para sabihin na uumpisahan na ang party. "Mag-usap tayo mamaya... we have a lot to talk about and preferred your self for the announcement. I know you know what I mean," sabi ng ama niya kay Alvaro. "Yes, Sir— I mean, Dad." Nang tuluyang makalayo sa kanila ang ama niya at malakas niya itong tinulak sa dibdib at galit na tiningnan. "What was that for?!" mahina pero may diin niyang tanong. "I'm just saving you from embarrassment, Ruby. Ano sasabihin mo sa ama mo, na hindi ka na sinipot ng fiance mo dahil may amnesia ito?" "Mas magandang nagsabi ka na lang ng totoo!" "Tapos ano? Ipapakasal ka niya sa iba? You know your father, Ruby. Kapag gusto niya, gusto niya." "Kung ano man ang mangyari, wala ka nang pakialam pa roon! This is my life so I'll decide what will I do! Masyado kang pakialamero!" "But it's too late, honey," anito na tinalikuran siya para maupo sa lamesang naka reserba sa kanila kasama ang mga magulang niya. "This is crazy! Bakit ngayon pa nangyari ang ganito?!" sabi niya sa hangin bago sumunod kay Alvaro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD