NAGMAMADALING ipinarada ni Ruby ang sasakyan sa parking lot ng pulis station. Tumawag kasi sa kanya si Aldrich at nakikisuyo ito na puntahan si Alvaro sa pulis station gawa ng hindi nito mapuntahan ang kapatid dahil nasa America ito sa mga oras na iyon.
Eksakto rin ang pagdating ng abogado niya para ito ang makipag-areglo sa mga pulis. Halos takbuhin na niya ang daan papasok sa loob ng pulis station. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang nakita si Alvaro na nasa loob ng rehas, tulog at halatang lasing ito.
Nang tingnan niya ang lalaking nakaupo sa harap ng lamesa ay simple siyang napangiwi dahil bugbog na bugbog ang mukha nito. Agad naman nakipag-usap ang abogado niya sa pulis sa lalaking binanatan ni Alvaro.
Humakbang siya palapit sa rehas at mahinang ginising si Alvaro "Alvaro," tawag niya rito.
Marahan naman itong nagmulat ng mga mata at tila hindi ito nasiyahan nang siya ang mabungaran nito.
"Where's Aldrich?" kunot ang noong tanong nito.
"Nasa America ang Si Aldrich kaya ako ang pinapunta niya rito. Ano ba ang nangyari sa'yo at umabot ka pa rito sa kulungan?" Kinuha niya ang kamay nitong may sugat at bahid ng dugo.
"Tingnan mo 'yan nagkasugat ka pa, pati na 'yang mukha mo!"
Inis nitong inalis ang tingin sa kanya. "Don't lecture me because you're not my mother."
Imbis na makaramdam ng inis si Ruby kay Alvaro ay nakaramdam siya ng awa rito. Hindi kasi lingid sa kaalaman niya kung ano ang sitwasyon ng mga magulang nito rito.
"Nakikipag-alegro na ni Attorney Sandoval sa lalaking binugbog mo para maiuwi na kita," aniya. "Ano ba ginawa mo 'dun sa tao? Parang tinakpan mo na ng sapak ang mukha nun," dagdag pa niya.
"He deserves that."
"Alvaro..."
Inis nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya at walang emosyong tiningnan siya nito.
"He started it. Nag-iinom lang ako sa bar. Hinamon niya ako ng away-"
"Edi sana ikaw na lang ang umiwas. Hindi mo ba magawa 'yun?"
"Kung sesermonan mo lang ako mabuti pang umalis ka na lang," pagtataboy nito sa kanya.
Napa buntong-hininga na lang siya at hindi na ulit nagsalita pa. Dala ng alak kaya marahil sarado pa ang isip nito. Nang matapos makipag alegro ang abodago ay agad na nilang inilabas si Alvaro at nagmungkahi siyang siya na ang maghatid sa binata sa penthouse ni Aldrich.
Pagkapasok pa lang nila sa penthouse ay agad na ibinagsak ni Alvaro ang katawan sa kulay itim na sofa at mariin nitong ipinikit ang mga mata.
"Alvaro, magpalit ka muna ng damit mo-"
"I don't want. Just leave me alone," mariin nitong sabi.
Inilapag niya ang shoulder bag sa center table. "Hindi pwede. Halika, tutulungan kitang magpalit ng damit." Pinipilit niyang hilain si Alvaro pero mabigat ito.
"Alvaro...I can't carry you. Help your self."
Imbis na kumilos ito, nagmulat ito ng mga mata at pungay ang mga matang tinitigan siya nito. "Why are you doing this to me? Why you're so kind to me? Dahil ba mapapangasawa mo si Aldrin?"
Tila pagod na naupo siya sa tabi nito habang hawak pa rin niya ito sa kamay. "Hindi dahil 'dun. Ginagawa ko 'to dahil gusto ko lang."
Tipid siyang nginitian ni Alvaro at sa gulat niya ay sinapo nito ang kanyang pisngi. "You're so beautiful, Ruby." At higit na gumulat sa kanya at ang hindi niya inaasahang gagawin nito. Alvaro kissed her on her lips!
Nanlalaki ang mga matang napatitig lang siya sa binata dahil sa pagkabigla. Pero ang hindi maintindihan ni Ruby ay kung bakit tila may mumunting bultahe ang dumaloy sa kanyang buong katawan at kasabay ni'yon ay ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Gusto niya ang halik na ibinigay nito pero mali kung titingnan at dala lang ng alak kung bakit nagawa iyon ni Alvaro.
Itinaas niya ang mga kamay sa dibdib ni Alvaro to push him away, pero hinawakan siya nito sa batok para mas lalo pang ipagdikit ang mga labi nila. And to her more surprise, Alvaro's lips slowly move passionately.
Ang kagustuhan ni Ruby na itulak ito palayo ay sa isang iglap naglaho na lang na parang isang bula. Napagtanto na lang niya na tinutugon na niya ang bawat paghalik nito sa kanya.
Mahina siyang napaungol nang gumapang ang isang kamay nito sa kanyang tiyan paakyat sa kanyang malulusog na dibdib. Sa sensasyong nararamdaman niya sa mga oras na 'yon tila daig pa niya ang nasa impluwensya ng alak. Nagpapakatangay na lang siya sa bawat halik at paghawak na ginagawa sa kanya ni Alvaro.
Handa na sana siyang ipaubaya ang sarili nang marinig niya ang galit na boses ni Aldrich mula sa pintuan.
"Alvaro!"
Tila nahimasmasan si Ruby sa kahibangan at mabilis pa sa alas-kwatro na itinulak niya palayo si Alvaro bago pa man sila makita ni Aldrich.
"Aldrich," aniya na mabilis tumayo. "Mabuti naman at dumating ka na."
Kunot ang noong tumingin si Aldrich sa kapatid at bumalik sa kanya. "Pasensya na, Ruby. Naabala pa kita."
Marahan siyang umiling. "H-hindi naman. Paalis na rin sana ako, eksato naman ang dating mo."
"Ganu'n ba? Ihatid na kita-"
"No! I-I mean kaya ko na umuwi mag-isa. Ikaw na lang ang bahalang kumausap sa kapatid mo." Dinampot na niya ang shoulder bag.
"Are you sure?"
"Yes." Mabilis niya itong kinintalan ng halik sa pisngi. "Bye!" Nagmamadaling hinakbang niya ang mga paa palabas ng penthouse nito.
"I-message mo 'ko pagkarating mo sa bahay," pahabol nito.
"I will!"
MALAPAD na napangiti si Alvaro pagka-alis ni Ruby. The kiss they shared was incredible. Gusto niya ulit maranasan na mahalikan ito at gusto niya ulit matikman ang malalambot na mga labi ni Ruby.
It's not his intention to kiss her. Pero tila meron sa bahagi ng pagkatao niya ang nag-uutos sa kanya na gawin iyon, at hindi naman siya nagsisisi na hinalikan niya ito. Kung hindi lang dumating ang kapatid niya, alam niya kung saan iyon hahantong.
"Why the hell are you smiling, Alvaro?" Nahihimigan niya ang galit sa boses ng kapatid.
Marahan siyang umiling. Mahina siyang napamura nang sumakit ang ulo niya kaya muli niyang inihiga ang ulo sa sofa.
"Ano na naman ba itong ginawa mo? You're allover the news!" maya'y sikmat sa kanya ni Aldrich.
"So what?" walang pakialam niyang tanong.
"So what? Alam mong makakarating ito kila Dad! Parang pinatototo mo ang sinasabi nila tungkol sa'yo!"
Galit na tiningnan niya ang kapatid. "Ganu'n naman ang tingin nila sa akin. Kahit anong pagkasanto ang gawin ko at kahit ilang beses kong patunayan sarili ko sa kanila, wala pa rin magbabago!"
Hinilamos nito ang sariling mukha. "Then prove them wrong! Hindi 'yung mas binibigyan mo lang sila ng dahilan para maliitin ka nila!" Naupo ito sa tabi niya. "Alvaro, hindi ka na bata. Act your age."
Inalis niya ang tingin kay Aldrich. Alam niyang tama ang kapatid kaya hindi na lang siya nagsalita pa. Ayaw na lang din niya pahabain pa ang usapan at gusto na lang niya ang magpahinga.
"I want her, Aldrich," bigla niyang sabi.
"What?"
Tuningnan niya ulit ito. "I want Ruby," sabi niya na ikinabigla nito.
"What the hell, Alvaro! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?!"
"Hindi mo naman siya mahal diba? Akin na lang siya."
Galit siyang kinuwelyuhan ng kapatid. "Ginagago mo ba 'ko? Nobyo ko ang hinihinhi mo. Tigilan mo na 'tong kalokohan mo, Alvaro!"
"I'm serious. Ako na lang ang magpapakasal sa kanya at sa ganu'ng paraan hindi ka na mahihirapan pang magpanggap na mahal mo siya sa harap ng maraming tao."
"Leave her alone kung ayaw mong pati ako ay magalit sa'yo!" Galit siya nitong binitawn at walang paalam na iniwansia nitong nag-iisa.