"KAILAN ninyo ba balak ianunsyoang kasal ninyo ni Aldrich, Ruby?" tanong kay Ruby ng kanyang ama habang nasa hapagkainan sila at pinagsasaluhan ang umagahan.
Nilunok muna niya ang pagkain na nasa bibig niya bago sinagot ang ama. "Sa mismong araw ho ng birthday ninyo, Dad."
Nangunot ang noo nito. "Bakit sa araw pa ng birthday ko? Bakit hindi pa ngayon?" Nahihimigan niya ang kawalan ng pasensya nito.
Tipid niya itong nginitian. "Dad, I want it to become special. Relax, malalaman din ho ng lahat ang tungkol sa kasal."
"Kuu! Hayaan mo na ang anak mo, Rodolfo, kung saan siya magiging panatag. Nasisiguro ko naman na matutuloy ang asal nila Aldrich. Wala akong nakikitang dahilan para hindi iyon matuloy." singit ng kanyang ina na si Belinda.
"Abay dapat lang! Ayokong mapahiya sa mga amigo ko kapag hindi natuloy ang kasal nilang dalawa."
Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya. "Naiayos ninyo na ba ang kasal?"
Ayaw pa sana niyang pag-uusapan ang tungko dito pero alam niyang hindi matitigil ang usapan na ito hanggat hindi niya nasasagot ang mga magulang.
"Yes, Mom. Inaasikaso na ho namin ang tungkol sa kasal."
"See, Rodolfo, alam na ni Ruby kung ano ang dapat niyang gagawin. Tingnan mo na. Alam kong hindi ka bibigyan ng kahihiyan nitong anak mo, Rodolfo," sabi ng kanyang ina sa kanyang ama.
"Kung ganu'n dapat magarbo ang maging selebrasyon ng kaarawan ko sa susunod na buwan. Gusto kong maging especial iyon at maging usap-usapan."
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Yes, Dad. Aasikasuhin ko po iyon. Sisiguraduhin ko po na magugustohan ninyo ang selebrasyon ng kaarawan mo."
Tumango-tango ito. "That's good. Hindi ka na bumabata kaya kailangan mabigyan mo na kami ng mga apo."
Lihim na nailing si Ruby saka niya pinagpatuloy ang pagkain. Nagpapasalamat siya nang hindi na ulit nagtanong ang mga ito. Pagkatapos niyang maubos ang laman ng pinggan niya ay nagpaalam na rin siya para pumasok.
Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang sinalubong ni Mona. "Bakit parang pagod na pagod ka na, Ma'am?"
Pabagsak siyang naupo sa executive chair niya. "Sino hindi mapapagod kapag nagkaroon ka ng mga magulang na katulad sa'kin?"
"May nangyari ba?"
Marahan siyang umiling. "Wala naman. Nagsisimula na silang magtanong tungkol sa kasal namin ni Aldrich. Inaapura na talaga nila akong mag-asawa."
"Parang wala naman bago roon, Ma'am."
"Hindi man lang nila ako tinanung kung ayos lang ba ako? Kung maayos ba ang pakitungo sa akin ni Aldrich? Wala na silang ibang inisip kundi ang reputasyon nila at ang sasabihin ng mga amigo, amiga nila. Nkakaiirita na."
"Bakit hindi mo subukang sabihin, Ma'am? Baka naman maintindihan nila."
She rolled her eyes. "Sila maiintindihan 'yon? I doubt it. Kilalang kilala ko na sila, Mona."
"Malay mo naman po?"
Marahan siyang umiling. Hinding-hindi maiintindihan ng mga ito kung sasabihin niya ang totoo. Bakit pa sila tututol sa kasal gayong sang kilala ang pamilyang kinabibilangan ni Aldrich. Kilala ang mga ito sa iba't ibang larangan ng negosyo at nangunguna ang mga ito sa oil industry.
"Sabagay, isang Fortalejo si Sir Aldrich. Halos lahat ng kababaihan hinihiling na makabingwit ng isang Fortalejo, kaya iniisip nila na maswerte ka, Ma'am Ruby dahil isang Fortalejo ang mapapangasawa mo. Pero ang totoo pwedeng maging masalimuot ang buhay mo sa kanya.
Nagbuntong-hininga siya. "Tatawagin na lang kita, Mona, kapag kailangan kita," aniya rito.
"Sige ho, Ma'am." Humakbang na ito palabas ng opisina niya.
NATIGIL sa pagpasok sa kusina si Alvaro nang mabungaran niya ang kapatid doon na tila may malalim na iniisip. Kasalukuyan kasi siyang nakikituloy sa Penthouse nito habang nandirito siya sa Pilipinas.
"You look so down, Bro," aniya na humakbang papasok at agad na nagtimpla ng kape sa tasa.
Narinig niya ang marahas nitong pagbuntong hininga. "I'm just thinking."
"About?"
Tiningnan siya nito. "I don't know if I should tell you this. You know, you never been in a serious relationship."
Nilapag ni Alvaro ang hawak na tasa. "Just try. Malay mo mabigyan kita ng advice sa problema mo," aniya.
Tinaasan siya nito ng kilay. "okay."
Umayos siya sa pagkakatayo at hinanda ang sarili na pakinggan kung ano man ang sasabihin nito.
"It's about me and Ruby. Well...you know...-"
"I know you don't love Ruby Adelle," putol niya sa iba nitong sasabihin.
Gulat naman na tumitig sa kanya ang kapatid. "You know?"
"It's obvious. Iba ang pagtrato mo sa kaniya. You talk to her like she's just your employee. At tinatrato mo siya na parang kung sino lang."
"f**k," anas nito.
"Do you really love her?" tanong niya rito.
"I do. But not like before."
"What about her? Mahal ka ba niya?"
Nangunot ang noo nito. "Anong malay ko? Hawak ko ba ang puso't isipan niya para malaman ko kung ano ang iniisip niya at kung ano ang nararamdaman niya?"
Nagbuntong-hininga siya. "Mahirap 'yan, gago. Sa tingin ko tungkol din sa kasal kung bakit ako pinauwi ni Dad,"
Sinamaan siya nito ng tingin. "Sino ba naman ang hindi maeeskandalo kapag nalaman na kabi-kabilang babae ang nauugnay sa anak nila? Ikaw din ang may kasalanan nito kung bakit inaapura na akong mag-asawa ng dalawang matanda."
Nginisian niya ito. "Kasalanan na bang maging gwapo?"
"Ang yabang. Baka nakakalimutan mo na halos magkamukha lang tayong dalawa."
"FYI, mas lamang ang kagwapuhan ko sa'yo."
Natatawang umiling ito. "Huwag kang magpakampante. You know our parents. Gagawin nila ang lahat makuha lang nila ang gusto nila."
He knew already. Siguradong pahihintuin na siya ng mga ito sa pagmo-model at pipiliting mag-focus na lang sa negosyo ng pamilya nila.
Humigop siya ng kape. "Itutuloy mo pa rin ba ang kasal kahit hindi mo na talaga mahal si Ruby?" maya'y tanong niya.
Nagkibit ito ng balikat. "I don't know yet. Hindi ko gustong malagay sa kahihiyan."
"Kaya handa mong pahirapan si Ruby wag ka lang malagay sa kahihiyan?"
Hindi agad ito nakasagot sa tanong niya. "Dapat ko bang sagutin ang tanong mo? Si Ruby nga hindi nagrereklamo, why bother?"
Nagkibit siya ng balikat. "Wala lang."
Umiling ito. "Alam mo kung minsan napaka pakialamero mo. Sarili mo ngang problema nahihirapan ka na tapos gustong-gusto mo pang pinapakialaman ang buhay ko? Ano ngayon kung maikasal ako kay Ruby kahit hindi ko siya mahal?— wait! Are you interested with her?"
"What? No f*****g way! Alam mo naman na hindi ang uri niyang babae ang tipo ko. Ayoko 'yung painosente look at hindi makabasag pinggan. She's a boring woman."
"Syempre gago ka eh. Kaya gusto mo rin yung mga ghong babae."
"f**k you!"
"f**k you too!"
"I KNOW you already know why I called you here, Alvaro," pag-uumpisa ng ama niya.
"If it's about my modeling, I'm sorry, but I have no plans to quit my job right now."
His father's face hardened. "Hanggang kailan? Tandaan mo hindi na ako bumabata para ako pa rin ang mamahala ng mga negosyo natin!"
Matapang na sinalubong niya ang galit nitong tingin sa kanya. "Nandyan naman si kuya at nilinaw ko na noon sa inyo na wala akong balak na hawakan ang isa sa mga negosyo natin."
Galit nitong hinampas ang lamesa nito. "Hinayaan kita ng ilang taon sa gusto mong gawin sa buhay mo. Hanggang kailan mo kami susuwayin ng mommy mo?!"
"Dad, this is all what I want," matapang niyang sabi.
Nagtagis ang mga bagang nito. "Then there's no reason for me to leave you an inheritance. Pati na ang Queen's manor ay hindi mapapasaiyo."
Natigilan siya sa huling sinabi nito. "Ipinamana sa akin iyon ni lolo hindi pwedeng-"
"Baka nakakalimutan mo na inilipat niya muna iyon sa pangalan ko at walang nangyaring agreement tungkol doon."
Nakuyom niya ang kamao. Maraming ala-ala sa kanya ang Queen's manor kaya at alam din nito na mahalaga sa kanya ang lugar na 'yon kaya gagamitin iyon ng ama niya para mapapayag lang siya sa mga gusto nito.
"What do you want?"
Ngumisi ito. "I know you'll change your mind in no time."
"Because you know how to turn people around," mariin niyang sabi.
"Ayoko lang masayang ang lahat ng mga pinaghirapan ko, Alvaro. Ginagawa ko rin ito para matigil na ang mga kahangalan mo sa buhay."
Patuya niya itong nginitian. "Just tell me what you f*****g want."
"Gusto kong maikasal ka bago matapos ang taong ito at mabigyan kami ng apo."
"Are you joking? Anong akala mo sa pag-aasawa ganu'n-ganu'n lang? Na basta na lang dadampot ng babae para pakasalan ko at anakan?"
"Nasasa'yo na iyon. Kung hindi mo magagawa ang kundisyon ko, ako mismo ang pipili ng babaeng mapapangasawa mo."
"This is unfair!"
"Buo na ang desisyon ko. Nasayo iyan kung gagawin mo o hindi."
Kuyom ang kamaong tumayo siya at walang paalam na lumabas sa opisina nito.
Ang pagmamando ng ama nila ni Aldrich ang dahilan kung bakit mas pinili niyang lumayo sa pamilya. Ayaw niyang may kumokontrol sa buhay niya. Ayaw niyang maging katulad sa kapatid niya na sumasangayon na lang sa lahat ng gustohin ng ama nila. He wants to live the life he chose and be happy.
Puno ng sama ng loob na sumakay siya sa sasakyan at pinaharurot iyon palayo sa lugar na halos ayaw na niyang balikan pa.