Chapter Six

1738 Words
HINDI makuhang makakain ng maayos si Ruby dahil bukod sa presensya ni Alvaro, ang isip niya ay na kay Aldrich. Kahit naman hindi sila nito palaging okay ay nag-aalala pa rin siya rito. "Hey..." pukaw sa kanya ni Alvaro. Matalim ang tingin na nilingon niya ito. "What?" "Masyado kang natutulala. Mukhang malalim ang iniisip mo." At talaga naman nakuha pa nitong magtanong?! "This is because of you!" mahina pero may diin niyang sabi. Nangunot naman ito ng noo. "Dahil sa'kin? Anong ginawa ko?" Mahina niya itong hinampas sa braso. Naiinis siya sa pagiging in denial nito na akala mo talaga wala itong ginawang mali. "Aray!" natatawa nitong daing. "Nananakit ka na ngayon ha?" "Bwisit ka kasi!" "Ngayon naman bwisit ako? Kanina sinisisi mo 'ko tapos ngayon bwisit naman ako. Ano ba nagawa ko?" Inis na bahagya niya itong hinarap. "I want to see Aldrich," anas niya. "Hindi ka ba naniniwala sa sinabi kong may amnesia si Aldrich?" "No, not until ako mismo ang makakita at mapatunayan ko na hindi niya talaga ako nakikilala." "At kapag totoo ang mga sinabi ko? Papayag ka sa offer ko?" "Talagang bang nababaliw ka na, Alvaro? Nasaan ang tamang kaisipan mo para magpanggap na kapatid mo? Are you desperate to do that?" Sumiryoso ang mukha ni Alvaro. "Yes I am." Tumambol ng malakas ang puso niya. "Bakit?" Hinawakan nito ang baba niya. "Because I need you," anito na lalong ikinalakas at ikinabilis nang t***k ng puso niya. Meron talagang kakaiba sa lalaking ito na hindi maipaliwanag ni Ruby. At sa tuwing kaharap niya ito parang nawawala siya sa tamang katinuan at nalilimutan niya kung anong klaseng babae siya na pinalaki ng kanyang ama. Lumunok siya. "Kung kasal lang din naman ang gusto mo, hindi mo kailangan magpanggap na kapatid mo. I'm sure there's a lot of woman who are willing to marry you." "Pero hindi sila ikaw. Hindi ko alam but you have something that they don't have, Ruby. Kung ano man 'yon, iyon ang gusto kong alamin." "At kapag nalaman mo na at nakuha mo na ang gusto mo? Basta mo na lang akong iiwan?" Sasagot pa sana si Alvaro nang parehong mabaling ang atensyon nila sa may stage nang magsalita roon ng kanyang ama. "Good evening to everyone! First of all, I want to thank you all for being able to attend this special occasion. I know the rest of you are busy but you are still here to witness and celebrate my birthday," pag-uumpisa ng ama niya. "In fact, my birthday is not the only reason why I held such a celebration. Actually, this is a double celebration." Tiningnan siya ng kanyang ama. "May I call my Daughter Ruby and Aldrich Fortalejo to come up to the stage?" Anyaya nito. Nagkatitigan sila ni Alvaro, pero ito mismo ang unang tumayo at inilahad sa kanya ang kamay nito. "Let's go?" "Alvaro, this not right and you know that," anas niya. "Let's talk about that later. Gusto mo bang mapahiya ang ama mo ngayon?" Tiningnan niya ang ama na naghihintay sa stage at muling ibinalik kay Alvaro na naghihintay sa magiging sagot niya. Kahit nagtatalo ang isipan at puso niya, sa huli ay tinanggap niya ang kamay ng binata at sabay nilang tinungo ang entablado. Nanlalamig ang mga kamay niya habang naglalakad si Ruby papunta sa stage dahil sa sobrang kaba. Gusto niyang umatras pero hindi niya magawa. Gusto niyang aminin sa ama na hindi si Aldrich ang kasama niya kundi si Alvaro, pero hindi niya magawa dahil alam niyang mapapahiya na ito sa lahat ng bisita. "Hey, relax," anas ni Alvaro habang hawak nito ang nanlalamig niyang kamay. Tiningnan niya ito ng masama. Gusto niya itong batukan ng malakas. Hindi niya alam kung papaano nito nagagawang maging panatag lang kahit na nagsisinungaling na ito? Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya dahil bahagya iyong dumiin. Muling bumalik ang tingin niya sa mukha nito at eksakto namang tumingin din ito sa kanya at matamis siyang nginitian. Ang kabado niyang puso ay lalong tumambol dahil sa pisteng ngiti nito na napanlaglag ng panty. Nang makatungtong na sila sa entablado ay agad na inanunsyo ng ama niya ang tungkol sa pagpapakasal nilang dalawa ni Aldrich. At malakas namang nagpalakpakan ang lahat ng bisitang nandoon. Pagkatapos, agad na rin silang bumalik sa kinauupuan nila kanina. "I didn't know that you're going to marry Alvaro's brother," sabi ng isang babae na lumapit sa kanila para i-congratulate sila. "Hindi bat kapatid mo si Alvaro, Mr. Fortalejo? Kamukhang-kamukha mo talaga siya," sabi pa nito. "Yes, Alvaro is my twin," seryosong sagot ni Alvaro. Kuhang kuha nito kung paano makipag-usap ng seryoso si Aldrich kapag wala ito sa mood. "Oh my gosh! I hope he's here so I can have picture with him," maarte pang sabi ng babae "Where's your phone?" tanong ni Alvaro na ikinataka nilang dalawa. Nagtataka an ang babae ay nilabas nito ang cellphone at inabot kay Alvaro. Tumayo si Alvaro at tumabi sa babae at gamit ang cellphone ng babae ay kumuha ito ng litrato. "There. Isipin mo na lang ako si Alvaro," sabi ni Alvaro sa babae na ikinakilig naman nito. "Thank you!" sabi nito bago umalis. Naiilis na inirapan niya si Alvaro. Naiinis siya dahil sanay na sanay itong makipagsabayan sa mga babaeng nahuhumaling dito. "What?" nagtatakang tanong sa kanya ni Alvaro nang makita nito ang pag-irap niya. "Kung gusto mo pala ng atensyon sana sinabi mo na talaga na ikaw si Alvaro." Nakakaloko itong ngumisi. "Wait. Are you jealous?" Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Excuse me? Bakit naman ako magseselos?" "If not why are you acting like that?" "I'm acting what?" "Jealous." "Hoy, Mr. Fortalejo, for your information I'm not jealous! Naiinis ako kasi nakuha mo pang makipag-picture gamit ang pangalan ng kapatid mo! Aldrich is not like that." Pagak itong natawa. "Okay. Sabi mo eh." "So, what now?" pag-iiba niya. Kunot ang noong nilingon siya nito. "What do you mean?" "Itong pagpapanggap mo." "Ahh... Wala pa akong plano kundi ang ituloy ang preparation ng kasal tulad ng plano ninyo ni Aldrich." "'Yun lang?" "Yep." Inis na sinuntok ni Ruby si Alvaro sa braso. "Aray! Talaga bang mapanakit ka na ngayon?" "Talagang tatamaan ka sa'kin, Alvaro!" "Bakit ba nagagalit ka?" "Dahil pinapainit mo ang ulo ko! Lalo mo 'kong binigyan ng sakit ng ulo dahil sa pagpapanggap mo!" Lumingon ito sa paligid bago siya nito hinawakan sa kamay. "Let's talk about this somewhere. Hindi tamang dito natin 'yan pag-usapan," anito at hinila siya paalis sa lugar na iyon. "BAKIT dito tayo—" "Where's your room?" putol nito sa iba niyang sasabihin. Dinala siya nito sa loob ng mansion na akala niya ay sa ibang lugar sila mag-uusap. "Ha?" Nagulat siya sa tanong nito. "Where's your room?" muling tanong nito. Pero imbis na tanungin niya kung bakit nito hinahanap ang kwarto niya ay wala sa isip na tinuro niya ang kwarto rito at nagpatiunod naman siya nang dalhin siya nito sa kwarto niya. "T-teka anong ginagawa natin dito sa kwarto ko?" tanong niya nang i-lock nito ang pinto. "Mag-uusap?" "At dito talaga sa kwarto ko?" "Yes. No one's here kaya mas makakapagusap tayo ng maayos. Walang problema, right?" Walang problema? Gayong silang dalawa lang ang nandito at tiyak pag-iisipan sila ng kung ano kapag may nakaalam na nasa kwarto sila ng mga oras na iyon. Namaywang siya. "Sabihin mo na ang dapat mong sabihin." Nagbuntong-hininga ito. "I need this marriage, Ruby," "Bakit? At isa pa bakit kailangan mong magpanggap bilang kapatid mo?" "Mahalaga sa aking ang hacienda. Kahit iyon lang ang makuha ko sa ama ko ayos ang. At ang dahilan kung bakit pinili ko ang magpanggap... you know my career, hindi ako basta pwedeng ma-involve sa mga babae. Nasa kontrata 'yon." "Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol dito?" Marahan itong umiling. "Not yet. Sasabihin ko pa lang." "At sa tingin mo papayag sila sa gusto mo?" "You want a honest answer?" "Yes." Tumango-tango ito. "I don't want to say this but you said you want a honest answer so, I'll tell you. Hindi talaga sangayon si dad na maikasal sa'yo si Aldrich. Sa anong dahilan? Hindi ko alam." Medyo nakaramdam si Ruby na panliliit para sa sarili dahil sa sinabi ni Alvaro. Hindi niya alam ang tungkol doon, akala niya payag talaga ang ama ng mga ito tungkol sa kasal, ayun pala hindi. "Kung ayaw ng ama mo na maikasal si Aldrich sa'kin, bakit sa'yo hindi mangyayari 'yon?" Isinuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong slacks. "You know we are not in good terms. Mas concerned siya kay Aldrich at alam kong wala siyang magiging pakialam kung sino ang mapapangasawa ko as long as na maikakasal ako." "Paano naman kapag oras na maalala na ni Aldrich ang lahat?" "Ako na ang bahalang magsabi at magpaliwanag sa kanya." Nagbuntong-hininga siya. "I can't decide yet. I still want to see Aldrich. Tsaka ako ako magdedesisyon pagkatapos." Tumango ito. "Okay, I'll bring you to him." "Okay. Tapos na? Wala ka ng sasabihin?" "Wala na." "Goods. Mabuti pang lumabas na tay—" "Ruby, are you there?" Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ng mommy niya sa labas ng pinto ng kwarto niya. "s**t!" anas niya. "What should we do? Magtago ka kaya sa banyo?" Hinila niya ito papunta sa banyo. "Ay hindi. Dun na lang sa veranda." Hinila naman niya ito papunta sa veranda pero pinigilan siya nito. Nangunot ang noo niya nang tumawa pa ito. "Anong nakakatawa?" "Ikaw. Why you acting like a teenager?" "I'm not." "Yes, you are. Hindi ka na mapakali. You acting as if you're still a virgin." Natigilan siya at pinamulahan ng mukha. May problema ba kung virgin pa siya? Nawala ang ngiti ni Alvaro sa mga labi at mahinang tumikhim. "Are you?" Sasagot pa sana siya nang bumukas ang pinto, dahil sa gulat ay wala sa oras na napayakap siya kay Alvaro at hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa. Pero sa huli ay mabilis siyang lumayo mula kay Alvaro. "Oh! There you are. Ruby, hija, pinapatawag ka ng daddy mo." Nahihiyang tumingin siya sa kanyang ina. "Yes, Mom. Susunod ho ako." "Okay." Makahulugang pinalipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Alvaro bago ito humakbang palabas sa kwarto niya. Inis na tiningnan niya si Alvaro bago sumunod sa kanyang ina. Habang si Alvaro naman ay natatawang sumunod sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD