KINABUKASAN nga ay dinala siya ni Alvaro sa hospital para ipa-check up siya sa kakilala nitong babaeng ob-gyne. Sinabi ng doctor na kailangan muna niya magpahinga for two weeks, kasama na doon ang no s*x.
"Masyado mo naman pinahiran ang girlfriend mo, Alvaro," anito sa binata.
Napakamot naman sa ulo si Alvaro. Hindi rin nito itinama ang maling akala ng doctor.
"Anyway, tamang pahinga at tamang pag-inom lang ng gamot, gagaling ka rin, Ruby," baling naman ng doktora sa kanya.
"Salamat, doc."
"You can call me Thalia. And your welcome. Gamitin mo ang ointment para mawala na ang pamamaga okay?"
Marahan siyang tumango. "Okay."
"Alvaro, no s*x for two weeks. Pakiusap lang. Kung kaya mong magtiis, magtiis ka para tuluyang gumaling si Ruby."
"Dully noted, Doc."
"Siguraduhin mo. Ayokong babalik dito si Ruby dahil nawasak mo na naman ang p********e niya."
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi ni Thalia. Ganito ba talaga ang mga doktor, walang filter ang bibig?
"Alam mo ba na ngayon lang may pinakilalang babae si Alvaro sa'kin at talagang dinala pa niya rito?" baling sa kanya ni Thalia.
Marahan siyang umiling.
"Ngayon alam mo na. Alam kong babaero itong si Alvaro kaya hindi ko akalain na may ipapakilala siyang babae sa akin ngayon."
"Thalia, itigil mo 'yan," saway ni Alvaro sa doktora.
"Girlfriend ka ba niya?" tanong nito sa kanya imbis na pansinin si Alvaro.
"She's not my girlfriend," mabilis na sagot ni Dave.
Natigilan si Ruby. Alam naman niyang wala silang relasyon ni Alvaro pero hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa sagot na iyon ng binata.
"Hindi?" hindi makapaniwalang tanong ni Thalia.
"Y-yeah, I'm not.
"Kung ganu'n..."
"Kung tapos ka ng i-check up siya, aalis na kami," sabi ni Alvaro na inalalayan na siyang tumayo.
"Salamat ho, doc," aniya na sumunod na rin kay Alvaro.
"Don't mind, Thalia. Ganu'n lang talaga ang babaeng 'yon, masyadong madaldal at kung minsan wala ng preno ang bibig," sabi ni Alvaro.
"Is she your friend?"
"Nope. She's my cousin, sa side ni mommy."
Napatango na lang siya. Alam din ni Ruby na ang hospital na ito ay pagmamay-ari ng Mga Fortalejo.
"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" tanong nito nang makasakay sila sa sasakyan.
"Parang gusto ko kumain ngayon ng pasta."
"Okay. Sa restaurant tayo ni Dave kumain para maka-discount tayo."
Hindi nia mapigilang mapailing. Ang yaman-yaman pero may pagkakuripot din minsan.
Pagkarating nila sa restaurant ni Dave ay agad silang inasikaso ng stuff at inorder na ni Alvaro ang pagkain na gusto niyang kainin. Talaga namang sulit ang kain niya dahil napakasarap ng mga pagkain doon. Ayon kay Alvaro si Dave mismo ang nag-imbento ng ilang pagkain na ngayon lang niya natikman. Sa mga oras na iyon ay wala raw si Dave kaya hindi nila nakita roon.
Pagkatapos nilang kumain ay agad na rin silang umalis. Ang buong akala ni Ruby ay ihahatid na siya nito sa bahay, pero laking pagtataka nia na ibang daan ang tinatahak nila. Ang daan pabalik sa bahay ni Alvaro sa Majesty Village.
"Bakit dito?" hindi niya mapigilang tanungin.
Nangunot ang noo nito. "Bakit hindi dito?"
"Dahil may sarili akong bahay?"
"Walang mag-aasikaso sa'yo roon, kaya it's better for you to stay in my house hanggang maging maayos na ang pakiramdam mo."
"Pero kailangan kong pumasok bukas. May mga meeting na kailangan kong atenan bukas."
"Ako na ang pupunta."
Natigilan siya. "What do you mean?"
"Ako na ang pupunta sa meeting para sa'yo."
"Pero bakit?" Naguguluhan niyang tanong.
"Kasi hindi ka pa okay."
"Okay na 'ko. Kaya ko naman na bukas—"
"I insist."
Hindi sia nakasagot. Kaya ba nitong pumunta sa mga meeting? May alam ba ito sa negosyo? Ni minsan kasi hindi niya pa nabalitaan na may alam ito sa mga ganu'ng bagay. Paano ba naman, si Aldrich lang kasi ang tanging nagpapatakbo ng kumpanya ng mga ito.
Saglit siya nitong tiningnan at muling ibinalik ang tingin sa daan. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"Wala," diretsa at prangkang sagot niya.
"Ouch ha? Grabe ka sa'kin."
Natawa siya. "Bakit hindi? Kailan ka ba nangialam sa kumpanya ninyo? Pinagtatrabaho ka 'dun noon ayaw mo."
"You underestimate me, Ruby," seryosong sabi nito.
"I'm not. Totoo naman ang mga sinabi ko ha? Hindi biro ang meeting na kailangan kong puntahan bukas. Kailangan kong ma-close ang deal ng King's group of company para mag-invest sila sa kumpanya ko. Pumayag na nga sila na sa inbitasyon ko, sasayangin ko pa ba?"
Napakunot ang noo nito. "Tinanggap nila ang inbitasyon mo?"
"Oo."
Nasisiguro ni Ruby na kilala ni Alvaro ang kumpanyang iyon dahil isa ang King's Group of Company na nangunguna sa retail industry.
"May problema ba?"
Umiling ito. "Kilala ko ang may-ari ng kumpanyang 'yon. He's my friend."
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Really? How?"
"It's a long story. Kaya walang problema kung ako ang haharap sa meeting bukas para sa'yo."
Nag-aalangan siya. Ayaw niyang masayang lang sa wala ang magaganap na meeting bukas.
"Trust me on this, Ruby."
Noong una ay nag-aalangan pa siya pero nang makita niya ang diterminasyon ni Alvaro sa mga mata nito ay napapayag na rin siya.
"Okay."
"Great! Mapapapayag ko siya ng walang kahirap-hirap. Trust me." puno ng tiwala sa sariling sabi nito.
KINABUKASAN ay hindi namalayan ni Ruby na napasarap siya ng tulog kaya tinangali siya ng gising.
Pabalikwas siyang bumangon nang makita niyang alas-diyes na ng umaga. Kaninag ala-siete pa nagsimula ang meeting at hindi man lang nag-abala si Alvaro na gisingin siya bago man lang ito umalis.
Nabaling ang mga mata niya sa papel na nasa bedside table. Kinuha niya iyon at binasa kung ano ang nakasulat doon.
Ruby,
Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo. Sino ba naman ako para putulin ko ang masarap mong tulog. Merong almusal sa kusina, nagluto ako bago umalis. Initin mo na lang kung gusto mo, just don't burn my house please. Pagbalik ko dala ko ang magandang balita I assure you that.
Alvaro.
Hindi mapigilan ni Ruby ang mapangiti. Hindi niya kasi ma-imagine na may ganitong side rin pala si Alvaro. At natutuwa siya dahil talagang pinagluto pa talaga siya nito ng umagahan bago ito umalis. How thoughtful.
Umalis siya sa ibabaw ng kama at dumiretso sa banyo para maghilamos bago siya lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Dahil wala siyang damit ay damit pa rin ni Alvaro ang suot-suot niya.
Habang kumakain, hindi niya mapigilang isipin kung ano na ba ang nangyari sa meeting? Marahil sa mga oras na ito ay tapos na iyon. Wala man lang update sa kanya ang binata kaya hindi niya maiwasang mag-alala.
Tinapos na lang niya ang pagkain at pagkatapos ay niligpit ang pinagkainan. Minabuti na lang niyang manood sa tv habang hinihintay ng pagdating ni Alvaro.
"SIR ALVARO?" hindi makapaniwala si Anton nang makita siya sa loob ng conference room.
"Bakit hindi mo pinaalam sa'kin?"
"Sir, sinabi ko ho sa inyo noong isang araw pa, pero ang sabi niyo lang sa'kin ako na ang bahala dahil kamo busy ka," anito.
"So, it's my fault?"
"Yes, Sir."
Si Anton ay ang sekretarya niya. And yes, Alvaro owns the King's Groups of Company. Maliban sa mga kaibigan niya ay wala ng nakakaalam na siya ang nagmamay-ari ng kumpanyang iyon.
Kapag abala siya sa pagmomodelo, si Anton ang humahawag sa trabaho niya. Ito ang dumadalo sa mga meeting, party, at kung ano mang okasyon.
"Pero bakit ho kayo ang nandito? Where's Ms. Adelle?"
"Ako ang pumunta para sa kanya."
Nangunot ang noo nito. "You know her?"
"She's my fiance."
"What? Kailan ka pa nagkaroon ng nobya para magkaroon ng fiance?"
"Hindi mo na kailangang malaman kung paano. It's a long story."
"So, kailangan pa ba natin pagmitingan ito? O alam na ni Ms. Adelle na ikaw ang may-ari ng KGC?"
"She's doesn't know, and she don't need to know."
"So, what's your decision, sir?"
"Napag-aralan ko na rin naman na ang proposal ni Ruby, wala namang problema. And I trust her it comes to running a businesses. Let's close this deal."
Hindi makapaniwalang napatitig lang sa kanya si Anton. Alam kasi nito kung gaano siya kahigpit pagdating sa trabaho pero ngayon basta na lang siyang umoo.
"Don't look at me like that," aniya.
"Nagiging-bias ka, Sir."
"I'm not.
Nagkibit ito ng balikat. "Okay sabi mo eh."
Doon bumukas ang pinto ng conference room at pumasok doon si Mona na may dalang tray ng makakain.
"Kumain ka muna," yaya niya kay Anton.
"No, thanks. Marami pa akong meeting na pupuntahan. Pasarap kasi sa buhay 'yung boss ko kaya ako ang napapagod sa trabaho sana taas naman niya ang sahod ko," anito na tumayo na.
Siya rin ay tumayo na. Kailangan niya ngayong magpanggap dahil nandoon si Mona.
"Maraming salamat, Mr. Fernandez. Pakisabi rin sa boss mo, salamat sa pagtitiwala."
"No worries, Mr. Fortalejo." Pagkasabi ni'yon ay humakbang na ito palabas ng kwarto.
"Natapos na ho agad ang pag-uusap ninyo, Sir Aldrich?" tanong ni Mona. Ang alam kasi nito siya si Aldrich.
"Yes. I closed the deal ng walang kahirap-hirap."
"Magaling lang ho talaga kayo, Sir."
"I know. Anyway, kailangan ko na ring umalis. Ikaw na muna ang bahala rito habang nagpapagaling pa si Ruby."
"Yes, Sir."
May ngiti sa mga labi ni Alvaro na lumabas sa building na 'yon dahil dahil dala niya ang balitang ikatutuwa ni Ruby.