Chapter Eighteen

2039 Words
NAGISING si Ruby nang maramdaman niyang may humahaplos sa pisngi niya. Nagisingan niya ang gwapong mukha ni Alvaro. Nakaupo ito sa lapag habang nakaharap ito sa kanya habang hinahaplos nito ang buhok niya. "Hey, sleeping beauty..." Tipid niya itong nginitian. "Hi." Hindi niya akalain na nakatulog pala siya sa panonood. "Umiiyak ka ba? You have tears in your eyes when I got home." Lihim siyang napa ngiwi. Ilang drama movie ba ang napanood niya at sa bawat palabas ay hindi pwedeng hindi tutulonang mga luha niya. "Nanood kasi ako ng drama movies." Nakita ni Ruby ang amusement sa mga mata ni Alvaro. "I don't know you love drama movies." "Now you know." Marahan siyang bumangon at naupo kaya ngayon nasa pagitan na ng mga hita niya si Alvaro. "Oo nga pala, kumusta ang meeting mo?" pag-iiba niya para mawala ang atensyon niyasa posisyon nila ngayon ng binata. "Ayos naman," tipid nitong sagot. "Paanong ayos naman?" Ngumiti ito. "What do you think?" "Na-closed mo 'yung deal?" Marahan itong tumango. "I told you. Ako pa ba?" Sa sobrang galak ay napayakap siya kay Alvaro ng wala sa oras. "Thank you, Al!" "Masaya ka?" "Oo naman. Sino ang hindi sasaya? Isa ang King's Group of Company na kilala hindi lang sa Pilipinas tapos mag-i-invest sila sa maliit ko pang kumpanya." "Bakit hindi? Ilang taon pa lang mula nang itinayo mo ang Queen's Wardrobe pero nakikilala na hindi lang sa Pilipinas kundi sa labas na rin ng bansa." Natuwa sa galak ang puso niya dahil sa mga sinabi ni Alvaro. Si Aldrich never na kinompliment ang mga paghihirap niya mapalago lang niya ang negosyo. "Thank you," aniya. "You're always welcome, Rubs." Nagkatitigan sila ni Alvaro at alam niya na may laman ang bawat tingin na ibinibigay nito sa kanya. Pero tulad ng sinabi ni Dr. Thalia, no s*x for two weeks. Tumikhim siya at umiwas ng tingin dito. "Nakita mo ba si Mr. King?" tanong niya. "Nope. Tanging sekretarya lang niya ang nandoon, pero nakausap ko naman siya through video call." "Anong itsura niya? Bata pa ba siya? Gwapo ba?" Nangunot ang noo ni Alvaro. Nakaramdam siya ng inis dahil nakikita niyang masyadong interisado si Ruby sa Mr. King na iyon. "Bakit parang interisadong interisado ka sa lalaking 'yon?" "Bakit hindi? Investor siya ng kumapanya ko. Isa pa, masyadong misteryoso ang pagkatao ni Mr. King. Kahit sino gustong malaman kung sino ang may-ari ng Kings Group of Company." Alvaro tsked. "Matanda na siya at pangit." Nahimigan ni Ruby ang pagkairita ni Alvaro sa boses nito na ipinagtaka niya. Meron ba siyang nasabing hindi nito nagustohan? "So, nakita mo na talaga si Mr. King?" "Oo. Wala siyang balak na magpakita kahit na kanino, maliban na lang sa mga taong talagang lubos na pinagkakatiwalaan niya. Kaya wag ka ng umasang makikita mo siya kasi mas malabo pa sa sabaw ng pusit na magpapakita siya sa'yo." Nginusuan niya ito. "Sus! Ang yabang mo! Porket nakita mo lang siya eh." Umingos ito. "Enough with that man. Ang mahalaga napa-oo ko siya." Napangiti siya dahil ang cute lang ni Alvaro. Kung nakikita lang nito sana ang reaksyon nito ngayon. "Dahil dyan, ililibre kita. Saan mo gustong pumunta, kumain o mamasyal?" Nawala ang nararamdamang inis ni Alvaro. "Ilalabas mo 'ko?" "Oo." "Kahit saan ko gustong pumunta?" "Oo nga!" "Talagang talaga?" parang batang namilog ang mga mata nito. Ngayon lang din niya nakita ang ganitong side ni Alvaro. "Oo nga. Ang kulit mo!" natatawa niyang pinisil ang tungki ng ilong nito. "Saan mo ba gustong pumunta?" "I want to go to Batangas. Gusto kong tikman ang lugaw nila doon. Nasabi kasi nila na may masarap daw na lugawan doon. I want to try it." Pinipigilan niya ang matawa. Gusto lang pala nito maglugaw talagang sa Batangas pa. "Okay. We'll go there." "Kailan?" "Ngayon na. Ayaw mo ba?" "Gusto syempre!" Nang akmang tatayo na siya ay napatili siya nang buhatin siya ni Alvaro na parang isang sako at tinampal pa nito ang puwitan niya. "Alvaro!" natatawa at natitilo niyang sugaw. ANG Inaasahan lang ni Ruby ay talagang kakain lang sila ni Alvaro ng lugaw sa Batangas, pero wala sa usapan nila ang mag-check in sa hotel malapit sa beach, wala tuloy siyang dalang damit o swimsuit man lang. "You like the view?" Nilingon niya si Alvaro at masama itong tiningnan. "Kung alam ko lang na ganito ang balak mo edi sana nagdala ako ng mga damit." Natawa ito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "Syempre napaghandaan ko na 'yan." Nangunot ang noo niya. "Paano ano?" "May inutusan akong bumili ng mga damit mo at dadalhin niya rito." "Sino? Doon nag-ring ang cellphone ni Alvaro at agad naman nito iyong sinagot at ni-loudspeaker nito iyon para marinig niya. "Malcolm, nasaan ka na?" "Tang-na mo ka! Nandito na 'ko sa baba ng hotel. Hindi na 'to mauulit, Alvaro." Matatawa si Alvaro. "Mahal mo naman ako kaya ayos lang 'yan." "Sino nagsabing mahal kita? Napilitan lang ako dahil may utang ako sayong bente!" "Sa susunod kasi bayaran mo nang hindi kita nauutusan. Isa pa, maliban sa'yo ikaw lang ang available." "Hinihiling ko na sana lumihis ang pana ni kupido nang matuwa naman ako. Bumaba ka na rito ng makaalis na ako. Masyado mo na akobg inaabala." Iyon lang at naputol na ang linya. "Babaan ko lang si Malcolm nang makalayas na siya," anito na humakbang na palabas ng kwarto. Napailing naman siya habang nakatingin sa nilabasan nitong pinto. Nakakaloka lang. Alam niyang may sinabi sa buhay ang mga kaibigan ni Alvaro pero sa halagang bente pesos hindi nito mabayaran? Kung minsan hindi niya maiwasang hindi isipin na may mga sapak din sa ulo si Alvaro ganu'n din ang mga kaibigan nito. Pero nasisiguro niyang ganu'n lang magbiruan ang mga ito pero maaasahan sa oras ng problema. Hindi nga nagtagal ay bumalik si Alvaro sa hotel room nila bitbit ang ilang supot ng mga damit. Napakurap-kurap pa siya nang makita niya ang damit na para sa kanya. Isang pang malakasang swimwear ang ibinili ni Malcolm sa kanya. Ilang mga nighties na animo sasabak siya sa isang honeymoon at ang natira ay mga dress na. Meron din maikling short at mga croptop na damit. Hindi siya ang uri ng babae na mahilig magsuot ng mga ganito. "Siraulo talaga," rinig niyang sabi ni Alvaro na nakatingin din pala sa mga damit na ibinili sa kanya. "Pagtyatyagaan ko na lang," aniya. "Alam kasi niyang ayoko ng mga ganyang klase ng damit kaya sinadya niya yang bilhin para asarin ako." "Uuwi rin naman tayo bukas diba? Hayaan mo na." "Ano pa nga ba." "Tara kumain na lang tayo ng lugaw. Iyon naman talaga ang ipinunta natin dito diba?" Tumango ito. "I deal with him later," anito na nauna ng lumabas ng kwarto. DINALA siya nito sa sikat na mamihan at lugawan na hindi kalayuan sa hotel na tinutuluyan nila at agad nilang inorder ang special lugaw na sikat na sikat daw sa lugar na iyon ng Batangas. Nang matikman niya ang lugaw ay hindi nga dapat magsisi dahil napakasarap ni'yon. Umorder din si Alvaro ng mami para matikman din nila at tulad ng lugaw ay masarap din iyon. "Nabusog ako 'dun," aniya na hinimas-himas ang tyan niya na piling niya ay lumaki sa kabusugan. "Busog ka na agad? Dadalhin pa sana kita sa floating buffet," nakangiting sabi ni Alvaro. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Anong akala mo sa'kin masibang kumain? Sana sinabi mo para hindi ako masyadong nagpakabusog." "Kung ganu'n ikaw na lang ang kakainin ko?" Natigilan si Ruby at pinamulahan ng muka. "Hindi pwede." Alvaro leaned closer. "But I want you, Ruby." Inungusan niya ito. "Puro ka kalokohan, Alvaro. Baka nakakalimutan mo 'yung sinabi ni Thalia. No s*x for two weeks," diniinan niya ang huling sinabi. Ngumuso ito. "Sa tingin ko iniinis lang ako ni Thalia kaya niya sinabi 'yon." Hindi naman na masakit ang p********e niya at ramdam naman niya na okay na siya at wala ng kahit na anong masakit sa kanya. "Mamasyal na lang tayo rito habang maliwanag pa," pag-iiba niya. Hindi nila inaksayanang oras ay pinuntahan nila ni Alvaro ang mga tourist spot sa Batangas at tsaka lang bumalik sa hotel room ng dumilim na. Napagpasyahan din nila na sa hotel room na lang kumain ng hapunan kapag nagutom sila pareho. Samantala maingay sa gc ng "Poging baliw" nang mag online si Alvaro sa isang message app. Symon: Mga busy kayo porket pumapag-ibig na 'yung dalawa dyan. Malcolm: Sinabi mo pa. Gusto ko na magtampo. Ito ang kauna-unahang monthsary natin wala kayo. Lumbay malala. Timothy: Manahimik ka, @Malcolm, kunwari ayaw mo pero pumayag kang utusan ni Alvaro. Ang tyaga mo rin dude. Malcolm: Napilitan lang ako no! Kung wala lang akong utang sa kanya na bente hindi ako magpapaalipin. Timothy: May utang ka rin sakin baka nakakalimutan mo? Malcolm: Utang? Sayo? Gago wala! Kay Alvaro lang ako may utang. Symon: Tang-na mo, pati sa'kin may utang ka kinse! Barya na lang potangina hindi p mabayaran! Malcolm: Tanginang 'yan! Napagtulungan pa nga! Tantanan niyo akong dalawa. Badtrip pa rin ako sa pagod. Lalaot pa ko." Symon: saan ang punta mo?" Malcolm: You'll die if I tell you. Symon: f**k you! Timothy: Nawawala na rin si @Dave Symon: Good luck na lang sa heartache mga lover boy! Malcolm: Seen ka lang @Alvaro. Tangina mo mabulag ka sana. Napapailing na lang si Alvaro habang binabasa ang mga chat sa group chat nilang magkakaibigan. Alvaro: Goodnight @everyone Tanging chat ni Alvaro bago pinatay ang data niya. Eksaktong pagbaba niya sa cellphone ay siyang paglabas ni Ruby mula sa banyo. Nakatapi lang ito ng twalya, bukod doon ay wala na itong ibang saplot sa katawan. Fuck! Delikado 'to. Nararamdaman niya ang pagkabuhay ng p*********i niya. Kailangan niyang pigilan ang sarili dahil mahigpit na bilin ni Thalia ay kailangan muna magpagaling ni Ruby. Sinundan niya lang ito ng tingin sa bawat ginagawa nito. Kumuha ito ng damit mula sa nga pinamili ni Malcolm at muling bumalik sa banyo para siguro magbihis. Bago pa man din tuluyang matangay sa init ng katawan si Alvaro ay itinuon na lang niya ang tingin sa palabas sa television. Pero lumipas na ang higit tatlumpung minuto ay hindi pa rin ulit lumalabas sa banyo si Ruby. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala. Kunot ang noong umalis siya sa ibabaw ng kama at kinatok si Ruby sa banyo. "Ruby? Ayos ka lang?" Hindi agad ito sumagot. "Ruby?" inatake na siya ng kaba. Kapag hindi pa rin sumagot si Ruby tatawag na siya sa receptionist para humingi ng susi para sa banyo. "Ruby?" Malakas niya na itong kinatok sa pinto. Nang wala pa ring sagot mula kay Ruby ay nakaramdam na siya ng pag-alala. Nang akmang tatawag na siya sa telepono doon ay marahan na bumukas ang pinto. "Ruby, bakit ba hindi ka sumasagot? Alam mo bang nag-alala ako? Ano ba nangyari sayo?—" Natigilan siya nang makita ang kabuohan ni Ruby. Halos lantad na ang katawan nito dahil sa suot nitong nighties. Ngayon parang nahuhulaan na niya kung bakit hindi nito magawang lumabas sa banyo. Nakayuko ito habang yakap ang sariling katawan. "If you're not comfortable, you can use my t-shirt. Or I can book another room." Marahan itong umiling. "Ngayong gabi lang naman. Kapag ginamit ko ang damit mo wala kang susuotin bukas pag-uwi." "Ayos lang. Pwede namang sa bahay na lang ako maligo." "Ayos lang talaga, Alvaro. Mahihiga na rin naman ako." Pwes hindi ayos sa kanya. Parang lalo siyang hindi makakalma dahil alam niyang ganito ang ayos ni Ruby. Humanda talaga amg kaibigan niyang si Malcolm. Mumurahin niya ito ng malala. "S-sige mahihiga na ako..." Umiwas siya ng tingin kay Ruby para hindi ito mailang. Minabuti na rin niyang maligo para mawala ang pag-iinit ng katawan niya. Nang makapasok siya sa banyo ay agad siyang nagchat kay Malcolm. Alvaro: f**k you for buying Ruby's clothes! I know you did this in purpose." Agad namang nagreply si Malcolm. Malcolm: torture malala? Good luck, bud. Hahaha! Alvaro: f**k you ka rin malala! Pagkatapos itong ichat ay agad na siyang naghubad at tumapat sa tubig. Sinigurafo niyang nasa mababang temperatura iyon para mahimasmasan ang nagbabaga niyang pagnanasa sa dalaga. Sana lang malagasan niya ang gabing ito na hindi natutukso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD