MASAKIT ang katawan ni Ruby nang magising kinabukasan. Para siyang sumabak sa bugbugan dahil sa pananakit ng ilanh parte ng katawan niya, lalo na ang p********e niya.
Paanong hindi sasakit? Pinagsawaan ba naman nito ang katawan niya buong magdamag. Kung hindi lang talaga siya nawalan ng malay siguradong hindi pa rin ito titigil. Ngayon niya nalaman na halimaw si Alvaro it comes to s*x.
Nang lingunin niya ang katabing espasyo ay wala sa tabi niya si Alvaro. Marahan siyang bumangon at umalis sa ibabaw ng lamesa. Naka isang hakbang pa lang siya nang mapangiwi siya dahil nakaramdam siya ng kirot sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Ganito ba talaga kasakit pagkatapos ng ilang pakikipagtalik?
Sinubukan niya ulit humakbang pero muli siyang napatigil dahil muli na namang kumirot ang p********e niya.
"Shit..." daing niya.
Doon bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Alvaro. Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil wala siyang suot ni isang saplot sa katawan. Mabilis niyang hinila ang kumot para takpan ang hubad niyang katawan.
"Nakita ko na kahit ang kasuluksulukan ng katawan mo, Ruby," anito na lalong ikinapula ng mukha niya.
Ngayon lang niya naalala ang mga sinabi at ginawa niya sa nagdaang gabi. Kung pwede lang hilingin na lamunin na sana siya ng lupa ginawa na niya.
"What's wrong?" kunot ang noong tanong nito.
"Pupunta lang sana ako sa banyo."
"Okay. Pagkatapos mo lumabas ka agad para makakain na tayo ng breakfast."
"Sige." Nang muli niyang inihakbang ang mga paa ay muli siyang napadaing sa sakit.
"May problema ba, Ruby?"
Hindi niya maiwasang tingnan ng masama si Alvaro dahil sa sakit. Buti pa ito walang sakit na nararamdaman samantalang siya lahat ata mahapdi at kumikirot.
"Anong sa tingin mo?"
Kita niyang pinipigilan lang ni Alvaro ang pangiti. "You need help?"
"Do I need to ask you?"
Humakbang ito palapit sa kanya. "You can ask me in a nice way, Ruby," anito na pinangko siya at dinala sa loob ng banyo.
"Thank you."
"I'll wait you outside." Pagkasabi ni'yon ay lumabas na ito at sinara ang pinto.
Nang makaupo si Ruby sa bowl para umihi ay hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang paulit-ulit na napamura.
Ang sakit ng p********e niya!
Pero kahit na nananakit ang katawan niya, pinilit niyang matapos maligo. Wala siyang dalang damit kaya nangialam na lang siya sa kabinet ni Alvaro at kumuha ng damit doon tsaka boxer short na hindi pa nagagamit bago ika-ikang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan naghihintay si Alvaro.
"Nangialam na ako sa kabinet mo. Hope you don't mind," aniya nang makaupo sa stool.
"No, I don't mind. Do you feel okay?" Nahimigan niya ang sinsiridad sa boses nito.
"No."
"Oh... I'm sorry. I should be gentle more last night."
She rolled her eyes. "Sabi ng ayaw magpaawat kagabi."
"I can't get enough of you because you taste good, Ruby."
Mabilis na tumahip ang dibdib niya hindi lang dahil sa mga sinabi ni Alvaro kundi dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"Don't look at me as if you want to eat me again," anito.
Tumawa ito ng pagak. "I won't deny that. I want to f**k you again, Ruby. Right here. Right now."
Napunok siya at mabilis na umiwas sa malagkit na tingin sa kanya ng binata. "I still sore. So, you can't."
Ngumisi ito. "I'm Just kidding. Kain na tayo bago pa lumamig ang pagkain," anito na nilagyan siya nito ng pagkain sa pinggan niya.
"Oo nga pala, kailan mo gustong ikasal?" maya'y tanong nito sa kanya.
"Kailan ka ba available?"
"This week. Next week kasi kinakailangan kong pumunta sa Paris para sa photoshoot, baka hindi ko maasikaso pagnagkataon."
Tumango siya. "This week then."
"Saan mo ba gusto ganapin ang kasal?"
"Sa America."
"Okay. Ako na ang bahalang mag-asikaso ng flight natin papunta sa America."
"Okay," simple niyang sagot.
Kung pag-usapan nila ang kasal ay para bang hindi iyon big deal. Pagkatapos nilang pag-usapan ang tungkol sa plano nilang kasal ay tahimik na lang silang kumain. Eksaktong katatapos lang nilang kumain nang biglang bumukas ang pinto ng bahay ni Alvaro at pumasok ang dalawang kaibigan ni Alvaro na para bang pagmamay-ari ng mga ito ang bahay.
"Hey fucker—" natigilan si Dave sa paglalakad nang makita siya nitong tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Hi, Ruby!" Masiglang bati sa kanya ni Symon.
Tipid niya itong nginitian. "Hi."
"Bakit kayo nandito? Hindi ba kayo marunong kumatok? Hindi porket alam niyo ang password ng pinto ko basta na lang kayong papasok." si Alvaro mula sa likuran niya.
"Kailan ka pa nagrereklamo samin tungkol dyan, Alvaro?" natatawang tanong ni Symon.
"We're sorry. We didn't know that she's here," sabi ni Dave ng makabawi.
"Ngayon lang kasi nagdala ng ibang babae si Alvaro rito sa bahay niya," si Symon.
Wala pang ibang babaeng dinala rito si Alvaro maliban sa kanya? Hindi niya mapigilang makaramdam ng saya sa nalaman.
"May problema ba?" tanong ni Alvaro.
"Ito kasing kaibigan mo nakabuo," si Symon.
Nangunot ang noo ni Alvaro. "Nakabuo?"
"Nakabuntis,"
Malakas na siniko ni Dave sa sikmura si Symon dahilan para mapangiwi ito.
"Who's the lucky girl?" si Alvaro.
"Lucky girl my ass..." anas ni Dave.
"Sino pa ba edi 'yung modelong babae— aray! Bakit ka ba nananakit?!" reklamo ni Symon kay Dave.
"Si Samantha buntis?" hindi makapaniwalang tanong ni Ruby. Wala naman kasi siyang ibang maisip na modelo kundi si Samantha. Lalo pat nakita niya ang mga ito sa hotel isang buwan na ang nakalilipas.
"Nandito kayo dahil?" si Alvaro.
"Gusto makipag-inuman nitong kaibigan natin. Broken hearted eh," si Symon.
"Gago," si Dave.
"Pero dahil may bisita ka, next time na lang. Puntahan na lang namin si Malcolm o kaya si Timothy—"
"No. It's okay. I can stay in the room and rest," aniya.
"Are you sure?" tanong ni Alvaro sa kanya.
"Oo naman, bakit hindi? This is you house and they're your friends. Pwede mong gawin ang gusto mo, Alvaro," aniya.
Muli niyang hinarap ang dalawa. "Maiwan ko muna kayo."
Nang makita ni Alvaro ang pagngiwi niya nang ihakbang niya ang mga paa ay pinangko siya nito at dinala sa kwarto nito. Pagkalapag nito sa kanya sa kamay ay sinapo nito ang noo niya.
"May lagnat ka." Nakita niya ang pag-aalala sa ma mata nito.
"I have?" Nangunot ang noo niya at kinapa ang sariling leeg at tama nga ito. Hindi niya dama na nilalagnat pala siya.
"Wait me here ikukuha kita ng gamot." Lumabas ito at hindi nagtagal ay bumalik ito at inabot sa anya ang gamot at isang basong tubig.
"Drink it and rest. Kapag hindi pa rin nawala ang lagnat mo at lalong lumala ang pananakita ng katawan mo, dadalhin na kita bukas sa hospital para ipa-check up ka."
"I'm fine. Malayo ito sa bituka. Huwag kang o.a, Alvaro."
Masaya siya na worried sa kanya si Alvaro, pero hindi ba ito masyadong overreacting dahil lang sa lagnat niya ay dadalhin pa siya nito sa hospital para ipa-check up?
"I insist." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya at inilagay iyon sa likod ng kanyang tainga.
"Pagpahinga ka lang dito ok? I'll just deal with my lunatic friends," napangiti ito sa huling sinabi.
Pero hindi inaasahan ni Ruby ang sunod nitong ginawa. Alvaro kissed her on her forehead before leaving.
Kurap-kurap namang napatitig si Ruby sa pinto kung saan lumabas si Alvaro habang naguguluhan pa rin sa inaakto ng binata.
"SHE want to abort the child," puno ng galit na sabi ni Dave nang tanungin niya ito kung bakit nito gustong uninom. Now she know why.
"Why?" tanong niya.
Hinahayaan lang niyang uminom ito habang siya nakaupo lang habang nakikinig sa mga rant nitonpatungkol kay Samantha.
Kilala niya si Samantha dahil parehong mundo ang ginagalawan nilang dalawa. At base sa pagkakakilanlan niya rito ay sadyang may katigasan ang ulo nito. She really stubborn and selfish sometimes. Nagkaroon din ito ng scandal kasama ang director ng isang sikat na movie kung saan muntikan ng maging dahilan para matapos ang career nito bilang isang modelo. Never din naman sila nagkausap kaya wala siyang ideya sa totoong buhay at pagkatao ng dalaga.
"Because she's mad to me."
"Dahil sa mommy mo at sa stepfather mo?" si Symon.
"Yeah. Because of that."
"Hindi ko akalain na siya pala 'yung stepsister mo na tinutukoy mo noon. What a small world," si Symon ulit.
"Anong plano mo? Sigurado na ba siya sa desisyon niya?"
Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Dave. "He offered me one condition. She said she would not abort the child, but on the condition that we return to her all the property his father bequeathed to me and mom."
"Pumayag ka?" tanong niya.
"I'm not decided yet. Hindi ganu'n kadaling bitawan lahat. She doesn't know how to run a company. I'm not afraid to lose everything, and mom can give up the mansion para lang sa bata. Ayoko lang mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ni Tito George. Ayokong madamay 'yun ng dahil lang sa galit niya sa amin." Nagbuntong-hininga ito. "I don't know what to do with her."
"Mukhang mahirap na desisyon nga 'yan, bud. Kaya nag-iingat talaga ako. Love is sucks," naiiling na sabi ni Symon.
"Love is not involved in this matter. I'm just concerned with Tito George's company. And of course with our baby. Walang kinalaman ang bata para ipagkait sa kanya ang mabuhay," si Dave. Bakas sa mukha nito ang pinagsamang pagod at stress.
Hindi ganu'n kadaling magdesisyon sa problemang meron ito ngayon. Alam din niyang kahit man siya ay mapupunta sa problemang mahihirapan siyang labasan dahil sa pinasok niya ngayon. Pero sisiguraduhin niyang wala siyang pagsisisihan sa huli. Ipinako na niya sa isipan niya kung ano ang talagang gusto niya at pakay niya kung bakit ginusto niyang pakasalan si Ruby. He has a strong reason why she wanted to marry Ruby.
Pagkatapos ng ilang oras na pakikinig sa mga rant ni Dave ay nalasing ito kaya pinahatid na niya ito kay Symon pauwi sa bahay nito. Kilala niya si Dave, alam niyang maaayos nito kung ano man ang kinahaharap nitong problema.
Pagkatapos niyang magligpit ng pinag-inuman nila ay agad na rin siyang pumasok sa kwarto to check Ruby's temperature.
Mahina siyang napamura nang makapa niyang mainit pa rin ito. Nasobrahan yata niya ang pag-angkin sa dalaga.
Muli siyang lumabas para ipagluto ng lugaw si Ruby at nang mapainom niya ito ng gamot.
NAGISING si Ruby nang may malamig na dumampi sa noo niya. Pagmulat niya ng mga mata ang gwapong mukha ni Alvaro ang bumungad sa kanya.
"Hi, sorry to wake you up, but you need to eat so you can drink your medicine."
Marahan siyang bumangon at inalalayan naman siya nito. "May sakit pa rin ba 'ko?" Kinapa niya ang sariling leeg at mas higit nga siyang mainit ngayon kaysa kanina.
"Pinagluto kita ng lugaw. I'll feed you." Sumandok ito ng lugaw, hinipan at pagkatapos ay isinubo sa kanya.
"Masarap," aniya. "I can feed my self—"
"Let me," giit nito.
"Dahil nakokonsensya ka?"
Mapait itong ngumiti. "Yes. Kaya hayaan mo nang gawin ko 'to."
Marahan siyang tumango. "Okay, kung dyan mapapanatag ang loob mo."
"Thank you," anito na muli siyang sinubuan ng lugaw.
"Oo nga pala, kumusta ang pag-uusap ninyo ni Dave? Totoo bang buntis si Sam?" maya'y tanong niya.
"Yes."
"Tapos? Anong plano ni Dave? Pananagutan ba niya ang kaibigan ko?"
"Why don't you ask your friend?"
Base sa sagot ni Alvaro mukhang hindi. Mukhang may ibang gusto si Samantha na mangyari.
"Your friend is difficult to handle," sabi pa nito.
Totoo naman ang sinabi nito. Kung minsan talaga mahirap din espilengin ang pag-uugali ni Samantha. Paiba-iba rin ang desisyon nito sa buhay.
"Sam is a nice person."
"Wala akong sinabi na masama siyang tao, Ruby. Well, pareho lang din naman sila ni Dave na mahirap intindihin. Wala naman talagang perpekto sa mundo."
Nagbuntong-hininga siya. "Sana magkasundo sila para sa bata."
Pinisil ni Alvaro ang tungki ng ilong niya. "Huwag mo muna silang intindihin. Nasa tapang pag-iisip na sila para magdesisyon sa buhay. Ang intindihin mo ngayon ay ang paggaling mo. Bukas na bukas dadalhin kita sa hospital para magpacheck up."
Inabot nito sa kanya ang gamot at isang basong tubig matapos siyang pakainin. "Inumin mo na para makapagpahinga ka na ulit."
"Opo, boss," nakangiti niyang sabi. Hindi niya kasi akalain na marunong din pala mag-alaga ng may sakit si Alvaro.
"Silly..." Tumayo na ito bitbit ang pinggan na pinagkainan niya.
"Hindi mo pa ba ako sasabayang matulog?" tanong niya.
"Huhugasan ko lang ito then tatabihan na kita."
"Okay. I'll wait you."
Pero hindi pa man nagtatagal na nawala si Alvaro at dahil masama pa rin ang pakiramdam niya ay muli siyang dinalaw ng antok.