"MARIS, kumusta na ang bagong design natin?" tanong ni Ruby sa kanyang sample maker.
"I'm still working on it, Ma'am."
Tumingin siya rito. "Kailan 'yan matatapos?"
"By next week, ma'am."
"Okay."
Tungin naman siya kay Jason na siyang production manager. "Jayson, kumusta ang suppliers natin?"
Tipid siya nitong nginitian. "Good news po, mas naging in demand ho ang mga product natin."
"Ay oho, Ma'am Emily," sabat naman ni Ema na siyang designer.
Nangunot ang noo niya. Alam niyang hindi nahuhuli ang brand nila sa fashion industry. "Talaga? That's good news."
"Hindi ninyo ba maitatanong kung bakit?" tanong pa ni Ema.
"Bakit?" napilitan tuloy siyang itanong.
"Dahil isinuot ho ni Alvaro Fortalejo ang isa sa mga brand natin noong ininterview ho siya sa France nitong kailan lang."
Natigilan siya. Totoo ba ang sinasabi nito?
"Ito ho ang video oh." Agad nitong ipinakita ang video mula sa online interview.
Doon niya nakita na suot nga ni Alvaro ang polo na na siya mismo ang nag design. Kaya hindi niya mapigilan mapangiti.
"Hindi ho ba ikakasal kayo sa kakambal niyang kapatid na si Sir Aldrich? Nabasa ho namin sa tabloid, ma'am." tanong naman ni Haris na siyang market researcher.
Nawala ang ngiti niya sa mga labi. Hindi niya alam na ipapalabas iyun ng ama niya sa tabloid, pero hindi na dapat siya magulat pa. "Ahh... Yes," sagot na lang niya.
"Congratulations po, ma'am!" sabay-sabay na bati ng mga staff niyang nandoon sa loob ng conference room.
"Salamat," aniya na iniwasang tingin sa mga ito.
Nang matapos ang meeting ay agad na siyang bumalik sa opisina niya, pero hindi pa rin maalis sa isipan niya na sinuot ni Alvaro ang damit na siya mismo ang nag design. Bagay na bagay dito na lalong nagpapogi rito.
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi lang niya lubos akalain na isusuot iyon ni Alvaro, samantalang mas maraming magaganda at mamahaling damit ang pwede nitong suotin pero yung brand nila ang talagang sinuot nito. Samantalang si Aldrich never na sinuot ang brand ng damit niya na ibinibigay niya rito.
Nagbuntong-hininga siya. "Huwag kang papadala sa mga ganu'n, Ruby. Baka taktika niya lang 'yon para makuha ang loob mo," aniya sa sarili.
Doon naman bumukas ang pinto ng opisina niya. Napatitig siya roon dahil mukha ni Alvaro ang nakikita niya. Hindi kaya nagiimahinasyon na siya dahil iniisip niya ang binata?
"You look like you saw a ghost," anito sabay ngiti.
Nahihiyang napakurap-kurap siya. "Alvaro?"
"Yeah, it's me."
Iaalis na sana ni Ruby ang tingin kay Alvaro nang mapansin niya ang suot nito. Suot lang naman nito ang pinaka-latest model brand nila na siya rin mismo ang nag-design.
"Suot mo 'yan..." anas niya.
"Ang alin—oh, ito? Bagay ba?"
Inalis niya ang tingin dito. "Ang pangit sa'yo," pagsisinungaling niya pero ang totoo napaka gwapo nito.
"Pangit ba? Nakita ko lang to sa wardrobe ni Aldrich, mukhang hindi niya ginagamit kaya sinuot ko na."
Nagbuntong-hininga siya at muli itong tiningnan. "Why are you here?"
"Nandito ako para sa wedding ring natin."
Nangunot ang noo niya. "Wedding ring?"
"Yep. Nalaman ko kasi mula sa wedding organizer na wala pa kayong nabibili ni Aldrich na wedding ring, that's why I'm here."
Oo nga pala. Tanging wedding ring na lang ang kulang sa kanila. Minsan na niya iyong sinabi kay Aldrich pero hindi naman nito iyon inasikaso.
"But I have a lot to do right now. Kung yayayain mo 'ko bumili sa labas I can't come with you."
Ngumisi ito kaya lumabas ang biloy nito sa pisngi. "I know."
"You know what?"
"That you're busy. I already ask your secretary before I came here."
Napa 'oh' siya sa sinabi nito. Gusto niyang buskahan si Mona dahil hindi man lang nito sinasabi sa kanya.
"I have friend of mine who own a jewelry shop at isinama ko siya mismo rito," maya'y sabi nito.
Doon naman bumukas ang pinto at pumasok mula roon ang isang gwapong lalaki. He has a blond hair, makikita mo ang pinaghalong lahi nito.
"Meet my friend Timothy," pagpapakilala ni Alvaro sa kaibigan nito sa kanya.
Bilang professional, tumayo siya para batiin ito. "Hello," aniya na nakipagkamay dito, ganu'n din ito.
"And this is Ruby, my fiancee," pagpapakilala naman nito sa kanya.
"It's pleasure to meet you, Ruby. Totoo ngang mas maganda ka sa personal," sabi naman ni Timothy na hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.
Tumikhim si Alvaro. "Your hand, Tim. Baka mabali ko 'yan ng wala sa oras."
Natatawang binitawan naman ni Timothy ang kamay niya.
"Nakakahiya naman at inabala ka pa nitong si Alvaro." Tiatago niya ang inis kay Alvaro dahil nagdesisyon ito ng hindi man lang siya sinabihan.
"No worries. So, can we start?"
"Yes, of course." Iminuwestra niya ang kamay at dinala niya ang mga ito sa receiving ares sa loob ng opisina niya.
Inilapag naman ni Timothy ang itim na bag na dala nito na ngayon lang niya napansin. Naglatag muna ito ng itim na tela sa babasaging lamesa bago nito isa-isang nilabas ang iba't ibang disenyo ng mga sing-sing.
"Alvaro is your friend so, you know about our wedding?" wala sa loob na tanong niya nang makaupo silang lahat.
Nagkatinginan muna ang dalawa bago tumingin sa kanya si Timothy. "Yes."
"And that's okay with you?"
Nagkibit ito ng balikat. "Pinagsabihan ko na si Alvaro, but who am I to judge? Kahit pagsabihan ko ito ng ilang beses, desisyon pa rin niya ang masusunod. And don't worry your secret is safe with me."
Nakahinga siya roon ng maayos. Mabuti na iyong malinaw ang lahat. Pero wala pa nga siyang final na desisyon tungkol sa kasal na alok ni Alvaro pero heto gumagawa ito ng sarili nitong desisyon.
"Alvaro..."
"What? Don't tell me ngayon ka pa aatras kung kailan nasa tabloid na ang kasal natin?" kunot ang noong tanong nito.
"For your information, Alvaro, kasal namin ni Aldrich ang kumakalat ngayon sa publiko hindi ang kasal natin," pagtatama niya na ikinatawa ng kaibigan nitong si Timothy.
Sumiryoso ang mukha ni Alvaro. "Oo, sa mata ng mga tao kay Aldrich ka ikakasal, pero sa mata ng diyos at sa papeles pangalan ko ang gagamitin, Ruby. So, stop telling me na kay Aldrich ka ikakasal at hindi sa'kin," bakas sa boses nito ang inis.
Magsasalita pa sana siya nang mapatingin siya sa maliit na kahita na inabot nito sa kanya.
"Open it and wear it," utos nito.
Nagtataka man ay tinanggap niya iyon at agad na tiningnan ang nilalaman. Hindi niya mapigilang mamangha dahil sa ganda ng singsing. May malilit na bato sa mismong singsing pero ang lubos na naka pukas sa atensyon niya ay ang blue diamond stone na nasa tuktok ni'yon.
"What's this?" Tanong niya.
"Engagement ring. Hindi ka nabigyan ni Aldrich so, I think I should give you."
"That diamond stone is called... The deep blue sea or the heart of the ocean. Nakuha ang bato na 'yan sa ilalim ng karagatan kung saan lumubog ang pinakasikat na barko noon. Nag-iisa ang bato na 'yan, Ruby and it cost three hundred fifty million dollars," pagbibigay inpormasyon sa kanya ni Timothy.
Hindi naman makapaniwala na napatingin siya rito at pagkatapos ay kay Alvaro. "What? Alvaro, you don't have to go this far. Our marriage is not real."
"Not real? Sa simbahan tayo ikakasal, Ruby at totoong pari ang magkakasal sa atin. Hindi pa ba 'yon totoo?"
"What I mean is... we're just pretending."
"Pretending or not, ikakasal ka pa rin sa akin, Ruby."
Tumikhim si Timothy. "Alam mong hindi simpleng pamilya ang pinagmulan ni Alvaro at malaki rin ang kinikita niya bilang modelo. Kung tutuosin barya lang sa kanya ang halaga niyang sing-sing na hawak mo."
Mariin na napapikit si Ruby. Alam niyang mayaman ang pamilya ang mga Fortalejo, sa katunayan kasali ang angkan nito sa sampong pinakamayaman sa buong mundo. Pero para gumastos ng ganito kalaking halaga para sa pekeng kasal ay hindi kapanipaniwala.
It's not about your status, Alvaro. Ang point ko lang, you don't have to go this far. Maaari mo pa itong ibigay sa babaeng talagang mamahalin mo in the future."
"But I chose you, Ruby. You're the one I want," seryosong sagot ni Alvaro.
Ito na naman ang walang-hiya niyang puso, tumatahip ng malakas at dahil na naman iyon kay Alvaro.
"Okay, sige," sangayon na lang niya sa huli. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan tungkol sa sing-sing at baka saan pa iyon mapunta.
"Good." si Alvaro na ngumiti na ulit.
"So we can now proceed to your wedding ring," singit ni Timothy.
Napatingin siyang muli kay Alvaro dahil hinihintay niya na ito mismo ang pumili, pero sa huli ay nagkatitigan lang sila.
"So, magtititigan na lang ba kayo?" natatawang tanong ni Timothy.
Tumikhim siya at nagbaba ng tingin. "You choose."
"No. You choose, Ruby."
"So, magtuturuan pa rin ba kayo?" si Timothy.
"I want her to choose our wedding ring." si Alvaro.
"Ruby?" pukaw sa kanya ni Timothy.
Para hindi na magtagal ang pagpili ng sing-sing ay siya na mismo ang pumili. Isang simpleng wedding ring na lang sana ang ang pipiliin niya pero pinigilan siya ni Alvaro.
"I want the most expensive wedding ring, Timothy," sabi ni Alvaro.
"Okay. Here." Inabot ni Timothy ang ternong gold ring. Ang isang sing-sing ay napapalibutan ng maliit na diamond at ang isa naman ay merong white diamond na hugis puso sa gitna.
Gusto sana niya magprotesta nang iabot ni Timothy ang pares ng sing-sing kay Alvaro, pero ginusto na lang niyang manahimik para hindi na humaba pa ang usapan. Nang makapili na sila ay nagpaalam na rin si Timothy at agad itong umalis.
Akala ni Ruby aalis na rin si Alvaro pero nanatili lang itong nakatayo sa gilid niya.
"Bakit nandito ka pa?" tanong nia rito.
"I want to invite you out for dinner tonight," anito.
"I can't," mabilis niyang tanggi. "Marami akong gagawin ngayon na kailangan tapusi—"
"Okay," anito na hindi man lang pinatapos ang sasabihin niya at walang paalam na umalis ito.
Naloloka na bumalik siya sa pagkakaupos sa swivel chair niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang Alvaro Fortalejo?