PAGKAALIS ni Alvaro, agad na sinabihan ni Ruby ang sekretarya niya na hindi muna siya tatanggap ng bisita. Gusto na muna niya mag-focus sa bagong design ng damit na ginagawa niya.
Bata pa lang siya, pinangarap na niyang maging isang designer, pero ang gusto ng ama niya ay ibang kurso ang kunin niya. Dahil sa nag-iisang anak lang daw siya walang ibang pwedeng mag-manage ng business nila kundi siya lang.
Isa ang business nila na namamayagpag sa fashion industries. Laking saya rin niya dahil napapakinabangan niya ang talento niya sa pagdidisenyo ng mga damit. At ang ilan sa mga disenyo niya ay pumatok at naging trending. Kaya kahit pagod siya sa trabaho ay masaya siya sa kanyang ginagawa.
Napahinto siya sa ginagawa nang may kumatok sa pinto. Inis na pinatirik niya ang mga mata. Binilinan niya na kasi si Mona na ayaw niya ng istorbo.
"Mona, I told you, ayoko muna maistorbo!" aniya pero patuloy pa rin itong kumakatok.
"Jesus!" inis na umalis siya mula sa swivel chair para pagbuksan ito.
"Diba sinabi ko nang—" Pero hindi si Mona ang napagbuksan niya kundi si Alvaro. "Why you're here again?" Alam niyang mababakas sa boses niya ang pagkairita.
"Sorry, Ma'am Ruby, sinabihan ko na po si Sir Aldrich, pero nagpumilit ho siya," sabi ni Mona.
So, inaakala nito na si Aldrich ang lalaking nasa harapan nila ngayon?
"Sige, Mona, ako na ang bahala rito," sabi niya na nilakihan ang bukas ng pinto para malayang makapasok si Alvaro sa loob ng opisina niya.
"Bakit ka na naman ba nandito?" tanong niya nang maisara ang pinto.
"Didn't I invite you to join me for dinner?"
"And I refuse. Bakit ba ang kulit mo?"
Imbis na matakot ito sa pagsusungit niya, malapad pa na ngumiti ang mokong na tila nangaasar pa talaga.
"May dapat bang ikangiti sa sinabi ko?"
"Ang cute mo palang mainis, Ruby."
"Hindi ka nakakatuwa, Alvaro. Sinisira mo ang oras ko. Kung wala ka rin gagawing maganda, please leave."
"Masyado ka namang seryoso sa buhay, Ruby. Nahahawa ka na kay Aldrich?"
"Seryoso ako, Alvaro. I'm busy so, you should—"
Napahinto si Ruby sa iba pa niyang sasabihin nang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa niyon ang mga kalalakihan na may bitbit na food warmer at isa-isang pinasok.
"Dahil sabi mo nga busy ka kaya 'yung restaurant na lang ang dinala ko rito para masaluhan mo 'ko mag-dinner," sabi ni Alvaro sabay abot nito sa kanya ng isang pirasong red roses.
"Have dinner with me, Ruby," seryoso nitong sabi habang titig na titig sa mga mata niya.
"Al—"
"Please?"
Napatingin naman siya kay Mona na kilig na kilig sa gilid ganu'n din 'yung ang iba niyang empliyado na nakikiusisa na rin. How can I reject Alvaro in front of people? Isa pa, alam ng mga ito na si Aldrich ang nandito at alam din ng mga ito na ikakasal sila, kaya ano na lang ang iisipin ng mga ito kung tatanggihan niya si Alvaro at paaalisin.
Humugot si Ruby ng isang malalim na buntong-hininga. "Okay."
Nagtilian ang mga taong nandoon.
"Yes! Thank you! I swear hindi ka magsisisi sa sarap ng mga pagkain nila," sabi ni Alvaro na kunway pinaghila pa siya ng upuan.
Nang makaupo siya, hindi niya akalain na may magtutugtog ng violin sa kanila. Napatitig siya kay Alvaro. Kailangan ba talaga umabot sa ganito? Pero aminin man niya sa hindi ay kinikilig siya. Aldrich never did this to her sa tatlong taon na pinagsamahan nila.
"Hindi ka rin makulit eh, no?" aniya rito.
Seryosong tumitig sa kanya si Alvaro. "I have this attitude that I'll never stop until I get what I want, Ruby."
"At inaasahan mo na makukuha mo 'ko sa ginagawa mong ito?"
"I'll do anything to make you say yes and marry me."
"Paano kung ayoko?"
Nagbuntong-hininga ito. "Let's not talk about that. Masamang pinaghihintay ang grasya. Isa pa, mas masarap kumain habang mainit pa ang pagkain," anito na nilalagyan siya ng pagkain sa plato niya.
"Paano mo nagawa 'to sa loob lang ng trenta minutos?" maya'y tanong niya.
"Kaibigan ko ang may-ari ng restaurant na piagbilhan ko nitong mga pagkain. And I'm a VIP so, he can't say no to me."
She tsked. "Ang yabang."
"No, I'm not. Sinasabi ko lang ang totoo."
"Okay, sabi mo eh."
"You really don't me, don't you? Kung iniisip mo na si Aldrich lang ang merong connections, think again. Mukha lang akong happy go lucky but I'm more independent than to Aldrich," seryosong sabi nito.
Ang alam talaga ni Ruby sa magkambal si Alvaro ang hindi seryoso sa buhay. Na parang ayaw nito sa seryosong buhay at ayaw ng mabigat na responsibilidad. Unlike kay Aldrich na lumaking may mabigat na responsibilidad sa negosyo ng pamilya ng mga ito.
Ang mga Fortalejo ay isa sa mayamamg pamilya sa bansa. Hindi lang isa, dalawa, tatlo o apat na negosyong meron amg mga ito. Kaya masasabi niyang hindi basta-bastang pamilya lang ang mga ito.
*Let's eat," anito na napahinto sa naglalakbay niyang isipan.
Nang akma nang susubo si Ruby at napatigil siya nang magdasal si Alvaro. Nahihiyang binitawan niya ang kutsara at kunway pumikit. Pero hindi niya mapigilang lihim na ngumiti dahil hindi niya ma-imagine na may ganitong side si Alvaro. Masaya rin siya dahil sa tagal na niyang hindi nagdadasal tuwing kakain ay may isang tao na muling nagpaalala sa kanya na dapat magpasalamat sa biyayang natatanggap at hindi niya lubos akalain na si Alvaro ang taong iyon.
Pagkatapos magdasal ay agad na nilang pinagsaluhan ang pagkain.
"Do you like it?" tanong nito.
Marahan siyang tumango. "Masarap nga.."
Ngumiti ito. "I told you. Pagsisisihan mo talaga kapag hindi mo matitikman ang mga pagkain na 'to."
"Oo na! But this doesn't mean na pumapayag na ako sa kasunduan na inaalok mo sa'kin."
"I know. I won't force you. Pero hayaan mong ipakita ko muna sa'yo na seryoso ako sa gusto kong mangyari na ikaw ang gusto kong mapangasawa, Ruby."
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na isagot. Impokrita naman siya kung sasabihin niya na hindi siya attracted kay Alvaro. Pero hindi lang naman kasi iyon ang inaalala niya. Inaalala rin kasi niya ang pwedeng mangyari once na bumalik na ang ala-ala ni Aldrich.
"Hey, don't think anything. I told you I'm not forcing you. Kung ayaw mo talaga, you can say no. Just give me a week to prove my self to you, Ruby."
Tango lang ang naging sagot niya sa sinabi nito at pinagpatuloy na ang pagkain.
"MUKANG masaya ang kaibigan natin ha," sabi ni Timothy.
"Paanong hindi sasaya 'yan, nakabulahaw ng kaibigan para lang sa kapritsohan niya," sangayon naman ni Dave na siyang may-ari ng restaurant na pinagbilhan ni Alvaro ng pagkain.
"Talaga, nangbulahaw si Alvaro? Kanino?" Kunot anong noong tanong ni Symon. Ito naman ay may-ari ng malaking shipping company.
"Kanino pa, edi sa'kin," sagot ni Dave.
"Ikaw lang ba? Ako nga kinaladkad pa sa mismong opisina nung babae," reklamo naman ni Timothy.
"Really? And because of a woman?" Natatawa at hindi makapaniwalang tanong naman ni Malcolm na siyang may ari ng kilalang airlines sa bansa.
Simimangot si Alvaro. "Kung makapagsalita kayo parang may mali sa ginawa ko."
"Talagang may mali!" duet ng apat.
"At anong mali?" nagtataka niyang tanong.
"Because you never involve us it comes to your woman, Al. Pero ibang-iba ngayon," si Timothy.
"And you never make an effort for just a woman," segunda naman ni Dave.
"Ruby is not just a woman, bud," aniya.
"See that? You also defending her," si Dave ulit.
"I'm not defending her." Umayos siya sa pagkakaupo at seryosong humarap sa apat. "I'm interested with her but not like what you think. Gumagawa lang ako ng effort para lang mapapayag ko siya sa gusto ko."
"Like?" si Symon.
"Na magpakasal sa'kin,"
"Kasal?" hindi makapaniwalang tanong ni Symon at Malcolm. Sila lang kasi ang hindi pa nakakaalam.
"Pero fiancee ng kapatid mo ang gusto mong alukin ng kasal, Alvaro," si Timothy.
"What?"
"What the hell!"
"What the f**k!"
Sabay-sabay na bulalas ng tatlo.
"Totoo ba?" Si Malcolm.
Tumango si Alvaro. Wala naman siyang dapat na ilihim sa mga ito, dahil higit kanino man ang apat na ito ang tangi niyang napapagkatiwalaan.
"Teka! Bakit mo nga ba kailangan na magpakasal?" si Symon.
"Dahil sa ama ko. He gave me condition kapalit ng bagay na gusto ko."
"'Yung Hacienda?" si Dave.
"Yes. Alam niyo naman kung gaano kahalaga sa'kin ng Hacienda. I can't give up that place."
Hindi talaga niya magagawang i-give up ang lugar na 'yon dahil doon niya naranasan na maging malaya at maging masaya higit sa lahat; ang lugar na 'yon ang naging talagang tahanan niya.
"Pero bakit sa fiancee pa ng kakambal mo? There's a lot of woman out there na siguradong papayag na pakasalan ka," si Timothy.
"Exactly. Maraming papayag sa gusto kong kasal, pero hindi sila katulad ni Ruby. I'm sure hindi sila papayag na makipaghiwalay sa akin."
"Paano ka nakakasiguro na papayag si Ruby na makipag-divorce sa'yo?"
"Because she don't love me, at hindi niya tipo ang katulad kong lalaki."
Symon snorted. "Hindi sapat na dahilan 'yan para siya ang alukin mo ng kasal. Paano kapag nalaman 'to ng kapatid mo? Paano kung bumalik na ang ala-ala niya?"
Alam na kasi ng mga ito ang nangyari sa kakambal niya.
"Tsaka ko na iisipin 'yan kapag nandyan na. Ang main goal ko ngayon ay mapapayag si Ruby sa kasal na inaalok ko."
"Paano ang career mo?" si Malcolm. "Handa mo bang i-give up ang pagiging modelo mo?"
"I don't need to give up my career. Magpapanggap ako bilang si Aldrich."
Umiiling-iling ang apat.
"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo dyan sa isip mo para pumasok ka sa kumplikadong sitwasyon," si Timothy.
"Ang tanong kaya mo kayang panindigan 'yan hanggang sa huli? Hindi biro 'yang papasukin mo," si Dave.
"I'll be fine. I'm not Alvaro for nothing," puno ng kumpyansang sabi niya.
"Bakit hindi ninyo na lang kaya ako tulungan na gumawa ng paraan para mapapayag ko si Ruby," maya'y sabi niya.
Imbis na sumagot ang apat ay isa-isang lumabas ang mga ito sa opisina niya.
"YOU ARE working like a dog, Ruby," sabi ng kaibigan niyang si Samantha. Humakbang ito palapit sa kanya. Samantha is a model. La tigresa kung tawagin ito dahil sa ganda at galing nito sa pagrampa.
"I'm not," aniya.
"Yes you are." Kinuha nito ang papel na pinagdo-drowingan niya. "Maganda, very fascinated."
"You think so?"
Makahulugan siya nitong tiningnan. "Mukhang inspired ka ata ngayon?"
Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. "I'm not."
"Hmmm... Nabalitaan ko na ikakasal ka na kaya sinadya ko talagang makauwi. Congrats, frenny. But are you really sure na magpapakasal ka kay Aldrich Fortalejo?"
Muli niya itong tiningnan. "Ano naman ang problema 'dun? Three years ko na rin naman nang boyfriend si Aldrich."
"Three years nga, pero sa tatlong taon na 'yun naging masaya ka ba?"
"Sam..."
"Ni wala ka ngang peace of mind sa kanya. Wala siyang ibang alam gawin kundi ang kontrolin ka sa mga bagay na gusto mong gawin."
"I'll be fine."
Samantha rolled her eyes. "You can lied to everyone but not to me. Dahil ba 'to sa Daddy mo na wala rin ibang ginawa kundi manduhin ang buhay mo?"
"Sam..."
"Russell Biyanca, don't make your life miserable. Hindi biro ang kasal kaya huwag kang magpapakasal sa lalaking hindi mo naman mahal!"
"I love, Aldrich," pagsisinungaling niya.
"Yeah, tell that to the marines."
Gusto niyang matawa sa nagiging reaksyon ngayon ngayon ng kaibigan niya. Halos alam na kasi ni Samantha ang buhay niya. Ito rin din ang naging saksi sa mga paghihirap niya noon pa mang magkaklase sila.
Nangunot ang noo nito nang makita siya nitong napapangiti.
"Anong nakakatawa?"
Umiling siya. "Umuwi ka lang dito sa Pilipinas para sabihin sa'kin ang mga bagay na 'yan. How sweet. Mahal mo talaga ako."
"Of course! You are my only best friend! Pero hindi lang naman talaga 'yan ang reason ng pag-uwi ko rito."
"Ano?"
"Umuwi ako para kunin ang dapat na sa'kin," seryosong sabi nito.
Nag-asawa kasi ulit ten years ago ang ama nito nang mamatay ang ina nito. At noong namatay naman ang ama niya ay hindi ito nakauwi dahil hindi ito pinayagan ng management dahil ang kontrata niya sa Paris ay isang taon bago siya pwedeng makauwi.
"Samahan mo 'ko," maya'y sabi nito.
"Saan naman?"
"Sa bar. I need to drink. Kailangan may lakas ako ng loob para harapin ang babae na 'yon pati ang anak nito."