"KUNG hindi kita kilala, sasabihin kong nababaliw ka na, Ma'am Ruby."
Kurap-kurap na napatingin si Ruby kay Mona na nakapamaywang sa harapan ng office table niya.
Gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya makalimutan ang init na halik na pinagsaluhan nila ni Alvaro kagabi. Kung hindi ito mismo ang huminto ay alam niya kung saan iyon mauuwi.
Gosh! Hindi niya akalain na kaya niyang ibigay ang sarili ng ganu'n kadali.
"You need anything?" pinamumulahan ang mukhang tanong niya rito.
"Kanina ka pa ho kasi ngumingiti mag-isa, hindi mo rin naririnig na tinatawag kita. May nangyari ho bang maganda kagabi?" anito sabay ngisi.
"W-wala ah!" Mabilis niyang iniwas ang tingin sa sekretarya at kunway nagbisibisihan sa harap ng laptop.
"May kailangan ka ba?" tanong niya na hindi tumitingin dito.
"Gusto ko lang ho I-remind sa'yo na ngayon ho ang interview ninyo ni Sir Aldrich sa 'Late night talk with Alex Morques."
Natigilan siya sabay napa 'o' ang bibig niya. Naalala niya na si Aldrich mismo ang umoo sa guesting na iyon months ago.
"Anong oras?"
"Mamaya hong six pm ng gabi, Ma'am."
"Okay. Thank you, Mona."
Muli siya nitong binigyan ng makahulugang ngiti bago ito tuluyang lumabas sa opisina niya. Napailing na lang siya. Kung minsan talaga may kapilyahan si Mona.
Kinuha niya ang cellphone mula sa bag niya at agad na tinawagan si Alvaro. Naka ilang ring iyon bago nito sinagot ang tawag niya.
"Hello, Al—"
"Hello?"
Pero natigilan siya ng hindi si Alvaro ang sumagot kundi isang babae na ikinakunot ng noo niya.
"Hello?" muling nagsalita ang nasa kabilang linya.
"H-hi...si Alvaro nandyan ba?"
"Yes. But he's still sleeping. Gusto mo bang gisingin ko?"
"No!" mabilis niyang sagot. "No need. Wag mo na lang din sabihin na tumawag ako. Thank you." Hindi na niya pinagsalita ang babae dahil mabilis niyang pinutol ang linya.
Naguguluhang napatitig siya sa screen ng cellphone niya. May babae sa bahay ni Alvaro? Sino naman kaya 'yun at ano ang ginagawa niyo roon?
Great question!
Nakagat ni Ruby ang ibabang labi nang mabilis na tumibok ang puso niya, hindi dahil sa kinikilig kundi dahil sa selos?
"No way!" aniya sa hangin at mabilis na umiling.
"Me? Jealous? Bakit naman ako magseselos?" sabi pa niya.
Oo nga naman, bakit naman siya magseselos? Meron bang sila para mag selos siya? 'Yung kasal na meron sila ay kasama lang 'yun sa kasunduan nila ni Alvaro.
And what about the kiss? Tanong naman ng isip niya sa kanya.
Ano pa nga ba? Edi dahil lang iyon sa lust na nararamdaman nilang pareho. Siguro dala na rin ng nakakapagod na araw kaya paraho sila nakaramdam ng pangangailangan. At dahil sa si Alvaro mismo ang tumigil, nangangahulugan lang iyon na hindi ang tulad niya ang tipo nito.
"Oo nga naman..." anas niya.
Nagbuntong-hininga siya at tinawagan si Mona mula sa intercom.
"Yes, Ma'am?"
"Please tell Alex Morques that Aldrich can't come to the interview later. Kung ayos lang sa kanya na ako lang, pwede namin ituloy ang interview." Iyon lang at agad na niyang pinutol ang linya.
DAHIL sa pumayag si Alex Morques na siya lang ang mai-interview nito ay agad siyang humingi ng tulong kay Samantha na pilian siya nito ng masusuot na damit. She has lot of dress to wear, pero ang gusto niya ay mas magmukha siyang stunning mamayang gabi. Gusto niyang ipamukha kay Alvaro na kaya niyang tapatan ang mga babaeng nali-link sa binata.
"Wow! You look bold, Ruby," puno ng papuring sabi sa kanya ni Samantha.
Isang red turtleneck gown long sleeve ang suot niya na hanggang sakong ang haba. Meron iyong butas sa may bandang dibdib kaya lantad ang malulusog niyang dibdib. Meron din iyong mahabang slit sa kaliwa niyang binti na hanggang sa gitnang binti niya ang taas. Kapansin-pansin din ang maliliit na brilyantes na kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Nagbibigay lalo iyon ng dagdag sa kagandahan niya.
Kahit man si Ruby ay hindi makapaniwala sa nakikita niya mula sa harap ng salamin. Parang ibang tao ang nakikita niya mula sa reflection.
"It's so not you, Ruby," sabi pa ni Samantha.
"Is that bad?"
"Of course not! Look at you, you look so beautiful and stunning! Kung hindi ka lang pinagbabawalan noon ni Aldrich na mag-ayos ng ganito, ay dai! Siguradong may karibal na si Aldrich. No wonder kung bakit halos pasuotin ka na niya ng helmet," mahabang litanya nito.
Natatawang napapailing siya. Pero masaya siya sa resulta ng makeover sa kanya ni Samantha. Ultimo kasi buhok niya kinulayan nito ng ash blonde na bumagay naman sa maputi niyang balat.
"Teka, bakit bigla mo naman naisipan na baguhin ang style mo ng pananamit? Don't tell me, dahil kay Alvaro?" maya'y tanong nito.
"H-hindi no."
"Sus! Aminin mo na!" Pinaikot nito ang upuan na kinauupuan niya paharap dito. "Anong nangyari sa pag-uusap ninyo kagabi? Did something happened?"
"Wala!"
"Wala? Ruby, pagsisinungalingan mo na lahat wag lang ang best friend mo. Kilala na kita mula ulo hanggang paa."
Nagbuntong-hininga siya. Alam din naman niyang hindi niya kayang magsinungaling o maglihim kay Samantha.
"We kissed," pag-amin niya.
"Kiss lang?"
"Kiss lang."
Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. "As in kiss lang?"
"Kiss nga lang, ano ba!"
"At nanghihinayang ka kasi kiss lang ang nangyari sa inyo kagabi?"
"Syempre hindi!" pagsisinungaling niya.
"Weh?"
Ruby rolled her eye and sighed deeply. "Fine! Oo, nanghihinayang ako na 'yun lang. Okay na? Happy?"
"Kaya heto binabago mo ang style mo para sa kanya?"
"Hindi naman sa ganu'n. Naiinis lang kasi ako. Pagkatapos niya akong halikan kagabi malalaman ko na may kasa—nevermind."
"Na may ibang babaeng kasama si Alvaro?"
Marahan siyang tumango. "Tumawag ako sa kanya kaninang umaga at 'yung babae ang sumagot sa tawag ko."
Nakakalokong ngumiti si Samantha. "Nagseselos ka?"
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Of course not! Bakit naman ako magseselos? Walang dahilan para magselos ako."
"Okay. Sige. Convince your self, Ruby."
"Totoo naman ang sinasabi ko. Naiinis lang ako, okay?"
"Okay. Wala na akong sinabi." Pagsuko ni Samantha.
Nang masigurong maayos na ang itsura niya ay umalis na rin siya at agad ba nagtungo kung saan gaganapin ang interview niya kay Alex Morques.
Pagkapasok niya sa studio ni Alex ay natigilan siya dahil nakita niyang nandoon si Aldrich na halatang kanina pa naghihintay. Hindi naman siya late. Meron pang thirty minutes para magsimula ang interview.
Nang tawagin ng stuff ang pangalan niya, doon napalingon sa gawi niya si Alvaro. His eyes scanned her whole body na para bang isa siyang specimen na kailangan pag-aaralan. Ang tingin nito ay talagang nakakatunaw.
Pero mabilis na sinaway ni Ruby ang sarili. Hindi dapat siya magpatangay sa mga titig nito. Muling bumalik ang inis niya nang maalala ang babaeng sumagot sa tawag niya.
"Hi, beautiful," bati sa kanya ni Alvaro nang lapitan siya.
"Hi," walang gana naman niyang bati rito. "Why your here? How did you know that I'm here?"
"Nang pumunta ako sa opisina mo wala ka roon. Sinabi sa'kin ni Mona na may interview tayo ngayon dito. Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
"Correction, si Aldrich ang dapat kong kasama rito, hindi ikaw."
Nakita ni Ruby ang paggalaw ng panga ni Alvaro pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Nilagpasan niya ito at naupo sa sofa at hinintay na lang ang oras na magsimula ang interview sa kanila.
"HOW did you met?" unang tanong ni Alex kay Ruby.
"Siya kasi ang may ari ng mall kung saan nandoon yung shop ko. And after nun, sunod-sunod na kaming nagkikita sa mga party or events na pinupuntahan ko," sagot naman niya.
"Doon na kayo nagkapalagayan ng loob hanggang sa niligawan ka na niya?"
"Yes."
"Mr. Fortalejo, anong naramdaman mo noong una mong nakilala si Ms. Adelle?" baling naman ni Alex kay Alvaro.
"Hmmm...ano nga ba?" Seryosong tiningnan siya nito. "Noong una ko siyang nakita, nasabi ko sa sarili ko na... itong babae 'to gagawin kong asawa. Hindi pwedeng hindi."
"Bakit mo nasabi 'yon?" kinikilig na tanong ni Alex.
"There's something with her na wala sa iba. Hindi ko ma-explaine kung ano 'yun. But all I know, I want her to become mine."
Bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa mga sinabi ni Alvaro. Kahit na alam niyang pawang kasinungalingan lang ang mga sinabi nito ay hindi niya mapigilan ang pusong hindi kiligin.
Mabilis niyang iniwas ang tingin kay Alvaro dahil ayaw niyang makita nito ang pamumula ng mukha niya.
"Oh, my god! Nakakakilig naman!" tili ni Alex. "Hindi na mapigilan ng mga stuff ko ang kiligin," sabi pa nito.
Bumaling naman sa kanya si Alex. "How about you, Ms. Adelle. Anong naramdaman mo noong una mong nakilala si Mr. Fortalejo?"
"Umh..." Tiningnan niya si Alvaro na seryosong nakatingin sa kanya. Parang pinaparating ng mga mata nito sa kanya na tingnan niya ito bilang ito hindi bilang si Aldrich.
Muli niyang binaling ang tingin kay Alex. "Nasabi ko noon sa sarili ko na... Malabo akong magugustohan ng lalaking 'to kasi he's good to be true. Parang lahat nasa kanya niya. Pinapantasya rin siya ng mga kababaihan na alam ko naman na mas nakakahigit sa'kin. Honestly I tried not to fall in love with him, pero the more na umiiwas ako sa kanya the more akong nahuhulog sa kanya."
Muling kinilig si Alex pati na rin ang mga stuff nito sa mga sinabi niya.
"Paano ba ma-in love ang isang Fortalejo?" tanong ni Alex kay Alvaro.
"I can give my all. I can sacrifice everything for the person I love," serysong sagot ni Alvaro.
"How about you, Ms. Adelle?"
"Kaya kong gawin ang hindi ko inaakalang kaya ko pa lang gawin para lang sa taong mahal ko. Siguro isa na roon ang kaya kong tiisin ang sakit para lang sa kanya."
Lumipas pa ang ilang minutong pagtatanong sa kanila ni Alvaro bago natapos ang interview.
Pagkaiwan sa kanila ng stuff sa may parking are ay awtomatikong nawala ang ngiti ni Ruby sa mga labi. Sasakay na sana siya sa sasakyan niya nang pigilan siya ni Alvaro sa braso.
"Hey, wait."
Inis na tiningnan niya ito. "May kailangan ka? Oh! Gusto mo bang pasalamatan kita sa pagpunta mo rito? Okay. Thank you, Alvaro for coming here kahit na busy ka." Diniinan niya ang huling sinabi.
Nangunot ang noo nito. "Are you mad at me?"
"Ako galit sa'yo? Bakit naman ako magagalit sa'yo? May dahilan ba?"
"So, hindi ka galit?"
"Hindi."
"Then why are you acting like that?"
"Like what?"
"You are cold to me, Ruby."
"So?"
"Hindi ako sanay. If I did something to make you mad, tell me damn it! Wag lang 'yung ganito."
Nagbuntong-hininga siya. "Siguro pagod lang ako. That's all."
Hindi naniniwalang tinitigan siya nito. "Are you sure?"
Tumango siya. "Yes."
"Walang problema?"
"Wala. Are we good now? Can I leave now?"
Tumango ito kuway binitawan na ang pagkakahawak sa braso niya. "Mag-iingat ka sa pag-uwi. By the way, you look beautiful."
Ang inis na nararamdaman niya ay agad na napalitan ng kilig. At gusto niyang buskahan ang sarili dahil gad siyang bumigay dahil lang sa simpleng sinabi nito.
"Thank you. S-sige alis na ako." Mabilis siyang sumakay sa sasakyan para hindi na makita nito ang kilig na nararamdaman niya.
"Ano ka ba, Ruby! Para kang teenager kung umakto," aniya sa sarili.
Bago pa siya tuluyang malunod sa nararamdaman niya ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at pinaniobra iyon palayo sa lugar na iyon.
"NAPANOOD namin ang live interview ninyo kay Alex. Dude, ikaw ba yung bilang si Aldrich o bilang si Alvaro?" si Malcolm.
Kasalukuyan silang nasa bahay ni Timothy kung saan merong malaking kubo sa rooftop ng bahay nito at dun sila nag-iinuman.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong niya pagkatungga sa boteng hawak.
"Ang ibig-sabihin ni Malcolm, kung sinagot mo ba 'yung tanong bilang ikaw o bilang si Aldrich?" si Timothy.
"Sinagot ko lang 'yung tanong. May problema ba dun?" sagot niya na hindi makuha ang ibig-sabihin ng mga ito.
"Hindi niya kayo maintindihan," si Dave.
"Mukha nga," si Timothy.
"Ang bobo mo naman, Alvaro," si Symon. "Simpleng tanong hindi mo maintindihan. Ganyan na ba talaga kapag nai-in love?"
Nangunot ang noo niya. "Sinong in love?"
"Ikaw sino pa ba?" duet ng apat.
Lalong lumalim ang guhit sa noo niya. "Ako? In love? Kanino naman?"
"So, hindi ka in love kay Ruby?"
"Hindi," mabilis niyang sagot.
Doon lang nagproseso sa isip niya ang tanong ni Malcolm sa kanya kanina.
"Sinagot ko lang yung tanong na sa tingin ko 'yun ang dapat na sabihin. Isa pa, kung anong meron kami ni Ruby ay dahil lang sa kasunduan naming dalawa."
"Pero hindi 'yon ang nakikita namin," si Dave.
"In denial ka lang," segunda ni Malcolm.
Nagbuntong-hininga siya. "Wala akong gusto kay Ruby. Yes, I kissed her last night but it's because of lust."
"did you bedded her?" Si Symon.
"Hindi," mabilis niyang sagot.
"Bakit?" Si Timothy.
"Anong bakit?"
"Bakit hindi mo siya ginalaw?" si Timothy.
"Ano bang klaseng tanong 'yan? How can I have s*x with my brother's girlfriend?"
"Pero kaya mo siyang pakasalan kahit girlfriend siya ng kapatid mo?" si Symon.
"Magkaiba 'yon."
"Walang magkaiba 'dun, Alvaro. Dahil mali pa ring pakasalan mo ang girlfriend ng kapatid mo. Unless, meron ka talagang damdamin para sa kanya."
Muli niyang tinungga ang hawak na bote. "Wala nga," giit niya. Dahil nasisiguro niyang wala talaga.
"Okay, sabi mo. Pero siguraduhin mo lang na, you will not have s*x with Ruby when you two are married," si Malcolm.
"I want to bet," si Dave.
"Me too," si Symon.
"Okay, let's bet," si Timothy.
"Sali ako dyan," segunda ni Malcolm.
"Teka anong pustahan natin?" si Symon.
"That Alvaro will have s*x with Ruby," si Dave.
"Okay. I bet ten pesos for agree," si Malcolm.
"Tang'nang 'yan! Napakakuripot mo naman! Wala a ang ibababa pa yan?!" si Dave.
"I bet twenty pesos for disagree," si Timothy.
"I bet five twenty five pesos for agree," si Dave.
"I bet my life for agree," si Symon.
"Gago walang interisado sa buhay mo rito!" si Malcolm.
"Wow! Nagsalita ang may halaga ang buhay," ganti ni Symon.
"Langya, pumusta ka na lang, Symon. Dami mo pang sinasabi!" si Dave.
"I bet five pesos for agree," si Symon.
"Ayan ha, ihanda ninyo na ang mga pusta ninyo para walang dayaan," si Dave.
Napailing na lang si Alvaro sa mga kaibigan. Kung pagpustahan siya ng mga ito para bang wala siya sa paligid.
Tumayo siya at nagtungo sa may railing Muli niyang tinungga ang hawak na bote bago pinagmasdan ang tahimik na paligid ng Heiress Village.