HINDI mapigilang titigan ni Ruby si Alvaro habang nagpo-pose ito sa harap ng camera. Hindi mo maitangging magaling talaga ito sa larangang iyon. Alam nito kung paano dalhin ang sarili sa harap ng camera.
Nakagat ni Ruby ang ibabang labi nang bumaba ang tingin niya sa matipunong dibdib ni Alvaro. Hindi maitatanggi na alaga ito sa paggi-gym dahil sa magandang hubog ni'yon.
Talaga ba, Ruby, sa oras ng trabaho? Habang ang iba abala ikaw kung anu-ano ang iniisip mo! Saway ng sarili niya sa kanya.
"Ma'am Ruby?"
Napatingin siya kay Armon nang tawagin siya nito. "Yes, Armon?"
"Tinatawag na ho kayo ng photographer," anito na ikinalaki ng mga mata niya.
"Ako? Bakit? Para saan?"
"Hindi ba ho, napag-usapan na makakasama kayo ng mga modelo na pi-picture-an para po sa gagawing billboard?"
Napangiwi siya. Oo nga pala, pati iyun ay muntikan na niyang makalimutan dahil sa malikot niyang pag-iisip.
Napatingin siya sa damit na inabot sa kanya ni Armon. "Magbihis na ho kayo, Ma'am."
Tumango siya at agad na nagtungo sa dressing room para magpalit. Ang damit na binigay sa kanya ay isang dress na bagong design din nila na siya rin mismo ang nagdisenyo. Nag-retouch lang siya at nang matapos ay agad na siyang bumalik sa studio.
"Pumuwesto na ho kayo sa gitna, Miss Adelle," sabi sa kanya ng photographer.
Agad naman siyang tumalima at pumuwesto sa gitna ng tatlong modelo, sa tabi mismo ni Alvaro.
"Okay, one, two, three, smile!" sigaw ng photographer.
May lumapit na stuff sa kanila para baguhin ang tema. Naglagay ang mga ito nga swing at siya ang pinaupo roon.
"Okay, Alvaro sa likod ka ni Miss Adelle. Lancelot and Vouge, sa magkabilang gilid kayo ni Miss Adelle at humawak kayo sa lubid. Give me your best look. Okay, One, two, three!" Sigaw ng photographer.
"Alvaro, pwede bang lumipat ka sa harap ni Miss Adelle?" tanong ng photographer sa binata.
"Sure." Agad namang lumipat si Alvaro sa harap niya at naupo.
"Humarap ka rito sa camera, and Miss Adelle humawak ka sa dibdib ni Alvaro," sabi naman sa kanya ng photographer.
"H-ha? Ganito ba?" Naiilang na hinawakan niya ang dibdib ni Alvaro mula sa likod.
"Yes. And give me your seductive look. Okay, one, two, three!"
Walang ibang marinig marinig si Ruby bukod sa flash ng camera ay ang malakas na pagtahip ng puso niya.
"Next, 'yung kayong dalawa naman ni Alvaro," maya'y sabi nito.
Natigilan siya. Kailangan pa ba talaga iyon?
Muling lumapit sa kanila ang mga stuff para baguhin ulit ang teme ng background. Naglagay naman doon ng puti at malapad na upuan.
"Alvaro maupo ka roon and Miss Adelle mahiga ka at unanin mo ang hita ni Alvaro."
Pinaghiwalay ni Alvaro ang mga hita. Ang isa at nakataas at habang ang isa ay nakababa lang para iyon ang hihigaan niya. Naiilang na ginawa niya iyon, pero iniisip na lang niya na ginagawa niya ito para sa promotion ng bagong design brand nila.
"Miss Adelle, ilagay mo ang kamay mo sa ilalim ng baba mo. Alvaro, iyong kamay mo ilagay mo naman sa bewang ni Miss Adelle," utos ng photographer.
"Like this?" si Alvaro.
"Yes. And give me your seductive look. Okay, one, two, three!"
Akala niya doon na matatapos pero hindi pa.
"Miss Adelle, sumandal ka sa dibdib ni Alvaro. Alvaro, alam mo na siguro ang dapat mong gawin."
Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ni Ruby ang mainit na hininga ni Alvaro sa batok niya at ang pagdampi ng kamay nito sa strap ng suot niyang dress at bahagya nito iyong ibinaba sa may bandang braso niya.
"That's good. Give me your best seductive look. One, two, three!"
"You're so sexy, Ruby," bulong ni Alvaro sa tainga niya.
Nagtaasan ang mga balahibo niya at dahil doon ay hindi niya napigilang mapapikit at kagatin ang ibabang labi.
"Okay, good job, everyone!" sigaw ni Armon na ikinamulat ng mga mata niya.
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa hiyang nararamdaman. Mabilis siyang tumayo at walang paalam na lumabas sa studio at dumiretso pabalik sa pribadong opisina niya.
Hindi na niya hinintay na puntahan pa siya ni Alvaro dahil dali-dali na siyang umuwi.
"ANO ito, Alvaro?!" Galit na nilapag ni Ogie ang dyaryo sa lamesang kaharap ni Alvaro.
"Photoshoot?"
"Alam kong photoshoot 'yan! Pero bakit hindi ka man lang nagsabi sa'kin?! Dinamay mo pa sila Lancelot at Vouge!" sikmat nito.
Bawal kasi ang ginawa niya dahil labag iyon sa management lalo pa't kapag walang pahintulot.
Mula sa pagkakadekwatro ay umayos siya sa pagkakaupo. "Masama bang tulungan ko ang sister-in-law ko?"
"Walang masama na tumulong, pero alam mong hindi pwedeng mag promote ka ng ibang clothes brands hanggat di pa tapos ang kontrata mo sa isa!"
"Then end it."
"Ano?"
"End the contract, Ogie," walang takot niyang sabi.
"Are you serious? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Maaari kang magbayad ng penalty kapag ginawa mo 'yon."
"Then pay them. I don't care how much it cost."
Hinilamos nito ang sariling mukha. "I don't know what to do with you anymore. Masyado mong pinapasakit ang ulo ko! Alam kong kaya mong bayaran ang penalty, but this is not just about the money, Alvaro. Paano kapag kumalat ang ginawa mong ito? Wala ng kliyente ang kukuha pa sa'yo."
Nagbuntong-hininga siya. "I know it's my fault. Don't worry, ako mismo ang kakausap sa kanila para humingi ng tawad."
Natigilan ito sa sinabi niya. Sino hindi magugulat dahil sa unang pagkakataon ay hihingi siya ng pasensya.
"What?!" kunot ang noong tanong niya.
"Nothing. Siguraduhin mong gagawin mo 'yan. And please lang, wag mo na akong bigyan nang sakit ng ulo. But I need to talk to Ruby Adelle about this matter."
"Okay. No problemo."
KINABUKASAN, pagpasok ni Ruby sa opisina ay agad siyang sinalubong ni Mona. Tinulungan siya nitong bitbitin ang mga gamit niya.
"What is my schedule for today?"
"Wala naman ho, Ma'am. Pero nasa opisina ninyo ho si Sir Alvaro at ang manager niya," pagbibigay alam nito.
Kunot ang noong tiningnan niya ito. "Bakit daw?"
Nagkibit ito ng balikat. "Ikaw daw ho ang gusto niyang makausap mismo."
"Okay."
Nilakihan niya ang mga hakbang para aad na makarating sa opisina niya. Pagpasok biya ay agad na tumingin sa kanya ang dalawa. Binigyan niya ng simpleng ngiti ang mga ito.
"Sorry for waiting. Kung alam ko lang na nandito kayo inagahan ko pa sana ang pagpunta," aniya.
Tumayo ang manager ni Alvaro. Minsan na niya itong nakita sa interview ni Alvaro. "No it's okay, Miss Adelle. I'm Ogie, Alvaro's manager." Nakipagkamay ito sa kanya. Pero si Alvaro tahimik lang na nakaupo.
"Sit down. Ano ang ipinunta ninyo rito?" tanong niya nang maupo sa harap ng mga ito.
"About this." Inilapag nito ang dyaryo sa lamesa.
"Oh..." Namilog ang bibig niya pagkakita niya sa balitang pinag-model ni Alvaro ang brand niya.
"Ang ginawa niyang iyan at paglabag sa kontrata ng ibang clothing brand."
Napatingin siya kay Alvaro na wala pa ring imik. "I see... Umh...kung alam ko lang hindi ako hihingiin ang tulong ni Alvaro-"
"Kusa kong ginawa 'yon, Ruby," si Alvaro mula sa pananahimik.
"Don't worry, ipapahinto ko ang paglabas ng litrato nila sa publiko. If you want, kakausapin ko mismo ang ibang brand company para humingi ng pasensya-"
"You don't have to do that," muling putol ni Alvaro sa kanya.
"No, it's okay. Para hindi na lumaki pa to-"
"Sinabi nang hindi mo na kailangang gawin iyon!" tumaas ang boses nito.
Kinunotan niya ito ng noo. "Hindi mo kailangang sumigaw, Alvaro," mahinahon niyang sabi.
Nagbuntong-hininga ito at galit na tumingin sa manager nito. "I already told you, I'll fix this. Huwag mong subukan na iharap si Ruby sa kanila kundi ako ang makakalaban mo." Iyon lang at tumayo na ito at walang paalam na lumabas sa opisina niya.
LUMIPAS ang dalawang araw na walang balita si Ruby kay Alvaro. At ang issue tungkol sa pagmodelo nito sa kumpanya niya ay tila lalong lumaki.
"Ma'am, sinasabi ho ng Crow company na kinakalaban ninyo sila dahil sa pagkuha ninyo kay Sir Alvaro para ipag-model ang bagong design natin," sabi sa kanya ni Mona.
Kasalukuyan silang nagmi-meeting tungkol sa issue.
"Alam ninyong hindi totoo 'yan. At hindi ako hibang para kalabanin ang kumpanyang 'yon dahil alam kong walang laban ang kumpanya ko," aniya.
"Ano ho ang plano ninyo, Ma'am?" Si Armon.
"Siguro maghanap na ulit kayo ng bagong model para makaiwas na tayo sa issue. Kapag hindi pa rin ito tumigil, ako na mismo ang kakausap sa kanila para magkalinawan na."
Tumango-tango ang mga ito at tinapos na niya ang pagpupulong.
Nang siya na lang ang mag-isa doon may tumawag sa kanya. Nang makita niyang si Samantha ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot.
"Sam."
"Nabalitaan ko ang nangyari," anito.
Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ko naman ginusto 'yon. Kung alam ko lang talaga hindi ako papayag na ipag-model kami ni Alvaro at nung dalawa niyang kaibigan. Gusto ko na matapos to, dahil ayoko rin talaga ng gulo."
"Hindi talaga to matatapos, Gurl."
Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"
"Because Alvaro ended his contract with the Crown Company! At pinili niyang magbayad ng isang milyon para sa penalty."
"Ano?! Bakit niya ginawa 'yon?"
"Ang nakarating sa'kin, nagalit si Alvaro nang sabihin ng kumpanya na sinulot mo siya sa kabila ng paghingi niya ng tawad sa mga ito. Imagine, Alvaro Fortalejo apologize for the first time in history! Ginawa niya iyon para protektahan ka."
Nagalit si Alvaro para sa kanya? Handa nitong isakripisyo ang career para sa kanya?
Doon bumukas ang pinto at mahulusdiling pumasok si Mona sa opisina niya. "Ma'am Ruby, panuorin ninyo 'to." Binigay nito sa kanya ang tablet para ipanood ang interview ni Alvaro.
Ang sabi ni Alvaro sa interview na wala raw siya kinalaman at ito mismo ang nagprisinta na maging modelo niya. Inamin ni Alvaro na may mali ito pero hindi raw ito papayag na batuhin siya ng iba't ibang paratang at hindi magagandang salita. Inaako raw nito ang buong responsibilidad kaya itigil na raw ang paninira sa kanya at sa kumpanya niya.
Habang nagsasalita si Alvaro kitang-kita niya ang galit sa mukha nito at ramdam niya ang galit sa boses nito. Lahat ng iyon ay dahil sa kanya. To protect her.
She needs to see him right now. Gusto niya ito makausap ngayon mismo.
"SIGURADO ka bang nandito si Alvaro?" tanong niya kay Samantha nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang bahay.
"Sinungaling si Dave kung hindi," anito.
Humingi kasi siya ng tulong dito para makita at makausap niya si Alvaro. Tinatawagan niya kasi ito pero hindi nito sinasagot ang tawag at hindi rin ito nagre-reply sa mga message niya.
"Salamat, Sam," aniya.
"No worries. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo 'ko. Sigurado ka ba na hindi na kita sasamahan sa loob?"
"I'll be fine."
Tumango ito. "Okay. Just call me if you need me."
Niyakap niya ito. "Thanks again." Bago siya bumaba sa sasakyan nito.
Pinagmasdan niya ang bahay na nasa kanyang harapan sa mga oras na iyon. It was a modern house. Hindi malaki, lalong hindi maliit, pero malaki iyon para kay Alvaro kung siya lang mag-isa ang nakatira rito. Kay Alvaro nga kaya ang bahay na ito?
Ilang doorbell ang ginawa niya bago bumukas ang front door. Hindi makapaniwalang mukha ni Alvaro ang sumalubong sa kanya nang mapagbuksan siya.
"Ruby? How did you—"
Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay niyakap niya ito. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa pero iyon ang dinidikta ng puso niya at iyon ang gusto niyang gawin.
"Ruby..."
Pinakawalan niya ito pagkatapos ay kunway masama niya itong tiningnan. "Why did you do that?"
"Do what?"
"The interview and about your contract with Crown Company."
Nagbuntong-hininga ito. "Iyan lang ba ang ipinunta mo rito? Huwag mo ng intindihin 'yon."
"Hindi pwedeng hindi. I know how your career important to you, kaya ayokong masira ang career mo ng dahil sa akin. Kung gusto mo ako mismo ang kakausap sa kanila para maayos na ang lahat."
"You don't have to do that."
"Pero kasi..."
Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "You want to know why I did that?"
"Why?"
"It's because of you. Ayokong may mananakit sa'yo, Ruby. Hindi ako makakapayag."
"P-pero bakit? I'm just a nobody—"
"You're not nobody, Ruby. I like you."
Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Alvaro dahil sa sinabi nito. Totoo bang gusto siya nito?
"You should leave, dahil kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan ka, Ruby."
"Then don't."
Walang salitang hinila siya ni Alvaro papasok sa loob ng bahay at isinandal siya nito sa pinto pagkatapos ay puno ng kasabikang hinalikan nito ang mga labi niya.