"MA'AM?" Nakatatlong katok si Mona sa pinto bago nito iyon tinulak pabukas. Habang si Ruby nakatutok ang mga mata sa harap ng monitor ng laptop niya at hindi namalayan ang pagpasok ng kanyang sekretarya.
"Ma'am Ruby?" muling tawag sa kanya ni Mona.
"Yes, Mona?" tanong niya na hindi tumingin dito.
"Nakailang tawag na ho si Miss Francis mula pa kahapon. Tinatanong niya ho kung kailan kayo available para raw ho sa pagsusukat ng wedding gown mo," anito. Si Francis ay ang gagawa ng wedding gown niya.
Napahinto siya sa ganagawa. Kailangan pa nga ba niya 'yon? Mukha namang hindi na matutuloy ang kasal. Mag-iisang Lingo na rin mula noong huli kita nila ni Alvaro. Ni wala nga rin itong chat sa kanya para kumustahin siya.
Bakit pa magcha-chat kung meron na ito ibang babaeng kalandian? Sigurado iyon na ang pakakasalan nito at hindi na siya.
Nakaramdam siya ng pagkalungkot sa isipin niyang iyon.
Eh bakit ka naman malulungkot aber, Ruby? Huwag mong sabihin sa'kin na nahuhulog ka na sa Alvaro na 'yon? Tanong ng isip niya sa kanya.
"Ma'am?" muling pukaw sa kanya ni Mona.
Kurap-kurap na nilingon niya ito. "A-ano ulit 'yon?"
"Si Miss Francis po, ilang beses nang tumawag mula kahapon, tinatanong ho niya kung kailan ho kayo available para sa pagsukat sa wedding gown mo?" ulit nito na halatang nagtataka na sa inaakto niya.
"Ahh... Yes... Tell her I'll contact her if I have available time."
Nangunot ang noo ni Mona. Nasabi na kasi nito sa kanya kanina na wala siyang kahit na anong schedule ngayong araw hanggang sa susunod na araw.
"I-I mean I'll call her later. Tatapusin ko lang 'to," bawi niya.
"Are you okay, Ma'am?" concern nitong tanong.
Tipid niya itong nginitian. "Oo naman. Why can't I be okay?"
"You look not fine this past few days."
"Is that so?"
Ganu'n ba siya ka-transparent? Talaga bang malaking ipekto sa kanya ang hindi nila pagpapansinan ni Alvaro?
"You want coffee?" maya'y tanong nito.
"Yes, please."
"Right away, Ma'am."
"Thank you."
Nang makalabas na ito ng opisina niya ay doon niya pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Mariin niyang hinilamos ang sariling mukha at muling malalim na nagbuntong-hininga na para bang nandoon lahat ng problema niya.
Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito. She needs to know kung matutuloy pa ba ang kasal o kung interisado pa ba si Alvaro na pakasalan siya. Dahil kung hindi...
Dahil kung hindi, ano?
Hindi niya magawang sagutin ang sariling katanungan. Kung hindi na nga interisado si Alvaro na pakasalan siya, anong gagawin niya?
Ano nga ba?
She needs to talk to Alvaro. If he doesn't want to come to her to talk, she will be the one to come to him so they can talk.
She will go to Alvaro right now. Kailangan na niya itong makausap, ngayon ora-mismo.
Kinuha niya ang bag niya at agad na naglakad palabas ng opisina niya. "Mona, ikaw muna ang bahala rito. May pupuntahan lang ako," aniya na agad sumakay sa elevator.
NAKA ILANG doorbell na si Ruby sa bahay ni Alvaro pero hindi pa rin siya pinagbuksan ng pinto. Siguro wala ito rito?
Buntong hiningang hininto na lang niya ang pag-doorbell. Siguro babalik na lang siya bukas para kausapin ito. Pasakay na sana siya sa sasakyan nang bumukas ang gate ng bahay nito at ang antok na antok pang mukha ni Alvaro ang bumungad sa kanya.
"Ruby?"
"Mukhang naistorbo kita, pasensya na."
Baka may kasama na naman itong babae kaya puyat at pagod?
Ngayon lang niya napansin na hubad-baro ito at tanging boxer short lang ang suot nito kaya lantad sa mga mata niya ang matipuno nitong katawan.
Ano kaya ang pakiramdam na makulong sa mga bisig nito?
Pinamulahan siya sa isiping iyon. Ano ba itong pinag-iisip niya?
"S-siguro balik na lang ako sa ibang araw. Pasensya na-"
"Come inside," putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
"Pero mukhang nagpapahinga ka? Nakakahiya naman kung-"
"It's okay." Nilakihan nito ang bukas sa gate para bigyan siya ng daan.
Kahit nakakaramdam ng hiya, walan ng nagawa si Ruby kundi ang ihakbang ang mga paa papasok sa kabahayan nito.
"Sit down. I'll make you a coffee," anito na dumiretso sa kusina at siya naman ay naupos sa malambot at mahabang sofa na nandoon sa sala.
Inilibot niya ang tingin sa paligid ng bahay. Simple lang ang bawat disenyo ng straktura pero malakas ang dating. Ang bawat kagamitan na nandoon ay naglalaro sa kulay itim at puti. Ang higit na nakakuha ng atensyon niya ay ang kulay itim na Chandelier. May mga diamond ang naka lawit sa paligid niyon na tingin niya ay mga totoong brilyantes.
Napatingin siya sa coffee mug na inilapag ni Alvaro sa centers table na nasa harapan niya. Ito naman ay naupo sa pang-isahang upuan.
"Thanks," aniya na agad iyong sinimsim. Hindi niya akalain na marunong palang gumawa sa espresso si Alvaro.
"Kanina ka pa ba?" tanong nito. Bakas sa boses nito ang pagod dahil namamaos iyon.
"Hindi naman,"
"Pasensya na kung hindi kita agad napagbuksan. Kakarating ko lang galing sa Dubai for photoshoot at halos kakatulog ko lang noong nag-doorbell ka."
Pagod pala talaga ito at mali ang mga iniisip niya rito. Nakaramdam tuloy siya ng guilty.
"I'm sorry. I should have chatted with you first before coming here."
"May problema ba?" walang emosyong tanong nito at hindi siya sanay sa ganitong pakikipag-usap nito sa kanya. Pakiramdam niya si Aldrich ang kaharap niya ngayon hindi si Alvaro.
Pero nandito na siya kaya dapat niyang lakasan ang loob niya na tanungin ito.
"May problema ba tayo, Alvaro?"
Nangunot ang noo nito. "I should the one who ask you that. May problema ba tayo, Ruby?"
"W-wala naman..."
"Wala? Pero kung paano mo 'ko pakitunguhan doon sa interview ganu'n na lang? Akala ko ba nakapag-usap na tayo ng maayos tungkol sa pagpapakasal nating dalawa at sa pagpapanggap ko bilang si Aldrich, pero pinagdikdikan mo pa rin sa'kin na si Aldrich sana ang kasama mo ng araw na 'yon at hindi ako."
Napalunok siya. Paano nga ba niya maipapaliwanag kung bakit nga ba siya nainis dito?
"Correction, I'm not mad, I'm just irritated with you," aniya.
"Sa'kin? Bakit?" Lalong lumalim ang guhit nito sa noo.
Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya talaga alam kung paano sasabihin. Nakakahiya.
"Ruby, tell me."
"K-kasi... a-ano..."
"Kasi ano?"
"Nung tumawag kasi ko sa'yo may babaeng sumagot! Alam mo 'yon, magpapakasal ka sa'kin pero may ibang babar kang ikinakama!"
Ang kunot nitong noo ay nawala at malawak itong ngumiti at nauwi iyon sa pagtawa. May nakakatawa ba sa sinabi niya?
"Anong nakakatawa?"
"That's what Alana was saying when someone called me and it was you," pigil ang tawag na sabi nito.
So, Alana pala ang pangalan ng babaeng iyon.
"Iniisip mo na babae ko si Alana at nakipag-s*x ako sa kanya? Iyon ba ang dahilan ng ikinagagalit mo?"
"Hindi ako sabi galit. Naiinis lang ako."
"Okay, naiinis ka lang," anito na muling natawa.
"Ano ba kasing nakakatawa?" naiinis na niyang tanong.
"I'm sorry, I can't help it. Alana is my cousin. At nandito siya dahil inutusan siya ni mommy na pagdalhan ako ng miryenda. Eksakto naman na tumawag ka at siya ang pinasagot ko."
So, pinsan pala niya 'yun? Nakakahiya!
"I-I'm sorry," nahihiya niyang sabi.
"It's fine, but I'm sure matatawa si Alana kapag nalaman niyang pinagkamalan mo siyang babae ko."
"Malay ko ba kasi!" irap niya rito. "Kilala kang babaero at kung sinu-sinong babae ang kinakama mo."
Sumiryoso ang mukha nitong tumitig sa kanya. "You don't want me to have s*x with another woman when I marry you?"
Umiwas siya ng tingin dito. "H-hindi naman sa ganu'n. Ang pangit lang kasi tingnan-" nahigit niya ang hininga nang bigla na lang dumukwang sa harapan niya si Alvaro.
His back was pin in the backrest of the sofa, and his face was only a span away from hers. Halos ramdam na niya ang init ng hininga nito na tumatama sa mukha niya. Too stunned to move.
"I want to kiss you, Ruby," anas nito.
Sa mga oras na iyon ang tila naglaho agad ang inis na nararamdaman niya kay Alvaro. Pero ipokrita siya kung hindi siya papayag na halikan nito gayong nami-miss din niya ang init ng mga labi nito.
Ruby wholeheartedly nodded and responded in a seductive voice. "All yours."
"I can't promise that I can control myself when I kiss you. Maybe that will end up in having s*x with you. I always wanted to f**k you. So, if you don't want that stop me now, Ruby."
Napalunok siya na tila naaakit siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Alvaro. "I'm not stopping you."
Alvaro then claimed Ruby's lips. Hidi mapigilan ni Ruby ang mapaungol nang ipinasok ni Alvaro ang dila sa loob ng bibig niya at tila ginalugad ang bawat parte niyon. Hindi naman niya napigilang kumapit sa leeg nito nang mas lalong lumalim ang halik nito sa kanya.
Puno ng pagnanasa ang bawat halik na binibigy sa kanya ni Alvaro and she was kissing Alvaro back with the same intensity.
Alvaro grabbed Ruby by the waist, pulled her closer while claiming her lips for deep kiss.
Alam ni Ruby na sa mga oras na ito ay maibibigay niya kay Alvaro ang sarili. Sinasabi ng isip niya na hindi dapat, pero mas malakas ang kagustuhan ng puso niya at ng katawan niya na ibigay ang sarili sa binata.
Hindi niya tuloy maiwasang nakaramdam ng guilty. Dahil noong nakapag-solo sila ni Aldrich sa iisang hotel room noong nagpunta sila sa Davao para sa isang event, Aldrich try to make love to her but she refused. Pero pagdating kay Alvaro ni hindi niya magawang tanggihan ito.
Naimulat niya ang mga mata nang huminto si Alvaro sa ginagawa at napatitig sa kanyang mukha.
"Tell me you don't want this. I don't want you to regret after this," anito.
"No. Kilala ko ang sarili ko, Alvaro. Alam kong gusto ko rin 'to."
"Then what bothering you?"
Nakagat niya ang ibabang labi. "Hindi ko ang mapigilang makaramdam ng guilty para kay Aldrich," pag-amin niya.
"Bakit? Dahil bukod sa kanya may ibang lalaki ng makakaangkin sa'yo? At ang kakambal pa niya?"
Kung sasabihin ba niyang wala pang namagitan sa kanila ni Aldrich maniniwala ba ito? O mas magandang patunayan na lang niya sa paraan na isuko niya ang sarili rito.
Sinapo niya niya ang pisngi ni Alvaro at saka ito kinintalan ng halik sa mga labi. "I want you to have me right now, Alvaro."
Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Alvaro bago ito mahinang tumawa ng pagak.
"Nag-lunch ka na ba?"
Really? May gana pa itong magtanong ng ganu'n sa oras na iyon?
"Actually, hindi pa."
"Great. Maybe we should eat first. Baka pareho lang tayong gutom kaya kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip natin. After we eat, you decide if we will continue what we started," anito na tuluyan nang lumayo sa kanya.
"What do you want to eat? I'll cook," sabi a nito.
"Anything is okay. Ikaw na ang bahala."
Tumango ito. "Feel at home," sabi nito bago siya tuluyang iniwan.
Muli niyang inilibot ang mga mata sa paligid ng bahay nito. Kapag ikinasal na ba sila dito na sila titira? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
Tumayo siya at nagpasyang sundan si Alvaro sa kusina para panoorin na lang itong magluto.