Chapter Nine

2045 Words
PAGKAPASOK nila Ruby at Samantha sa isang high class bar ay hindi niya maiwasang pisilin ang ilong dahil hindi siya sanay sa amoy ng pinaghalong sigarilyo at alak. Dahil naging mabuti siyang anak ay never niyang sinubukan na pumunta o pumasok sa ganitong lugar para uminom at magsaya. Sa katunayan kay Samantha lang niya nararanasan ang ganito sa tuwing kasama niya ito. Napahinto siya sa paglalakad nang matuon ang mga mata niya sa mag-jowa na nasa sulok at grabe kung maghalikan ang mga ito. "Ruby?" pukaw sa kanya ni Samantha kaya agad na rin siyang sumunod dito at naupo sila kung saan malapit sila sa counter bar. "Hindi ka pa rin ba sanay makakita ng ganyan?" Hindi niya alam kung natatawa ba ito o ano. "Alam mo naman na opisina-bahay lang ako at wala akong panahon para pumunta sa mga ganitong klase ng lugar." sagot niya. "Sus! Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga. Masyado mong kinukulong ang sarili mo sa reyalidad. Kung titingnan para ka tuloy ignorante. Mabebenta ka, gurl." Nagtawag ng waiter si Samantha at agad itong nag-order ng iinumin at ng makakain nila o pulutan kung tawagin. "Hindi ako iinom," sabi niya nang ilapag ng waiter ang alak na inorder nito sa lamesa para sa kanilang dalawa. "Don't be so kill joy, Ruby. Minsan lang 'to kaa pagbigyan mo na ako," naglalambing na sabi nito. Ruby rolled her eyes. "Mahina ang tolerance ko sa alak." "Akong bahala sa'yo. Hindi naman kita pababayaan." Kinindatan siya nito. Naiiling na sumimsim siya ng alak. Agad siyang napangiwi dahil sa tapang ni'yon. "My gosh, Ruby! Tequila 'yan, you need this and this." Tinuro nito ang asin at lemon. "Whatever!" Tinungga na rin nito ang alak na nasa shot glass nito, kasabay ni'yon ay sinipsip nito ang asin na nasa braso tsaka sumipsip sa lemon. "Uhh! I miss this!" bulalas nito. Alam kasi niya base sa propesyon nito pinagbabawal din itong uminom ng alak kapag on-going ang proyekto nila. "Hinay-hinay lang baka malasing ka," paalala niya. "Ano 'ko bata? Relax, okay? I'll be fine. Sisiw lang 'to." Sinabayan niya ang bawat paglagok nito ng alak, hanggang sa unti-onti na niyang nakakasanayan ang tapang ng tequila. "Holy s**t!" narinig niyang mura nito dahilan para matigil sa era ang hawak niyang shot glass. "Bakit?" Pero hindi ito sumagot. Sinundan na lang niya ng tingin kung saan man ito nakatingin. Ganu'n din ang gulat niya nang makita niya si Alvaro sa bandang sulok kasama ng apat na lalaki. 'Yung isang lalaki nakilala na niya kanina. Kung hindi siya nagkakamali Timothy ang pangalan nito. "Holy s**t talaga," sambit naman niya. Kunway mabilis niyang iniwas ang tingin mula sa grupo nila Alvaro. "You know Alvaro?" tanong niya kay Samantha. Ito ba ang dahilan ng ikinamura nito? "Of course, I do." Kunot ang noong tumingin ito sa kanya. "You know him?" balik tanong nito. "Of course. Siya lang naman ang pakakasalan ko—" "What?" "I mean...kapatid siya ni Aldrich," mabilis niyang bawi. "Kapatid ni Aldrich si Alvaro? Oh god! Ngayon ko lang napagtanto na pareho pala silang Fortalejo. No wonder kung bakit pareho silang mga asshole. Anyway, hindi ko aklain na kaibigan pala ni Alvaro ang hudas na lalaking 'yon." Nangunot ang noo niya at saglit na tumingin sa gawi nila Alvaro. "Hudas? Sinong hudas?" "Sino pa ba? Edi ang anak ng gold digger." "Anak ng gold digger—oh! You're stepmom. Sino naman sa apat na kasama ni Alvaro?" "Nakikita mo 'yung lalaking naka white long sleeve?" tumuro ito kaya sinundan niya iyon ng tingin. Agad na tumuon ang mga mata niya sa lalaking katabi ni Alvaro. Gwapo rin ito, kayumanggi ang kulay at halos hindi ito marunong ngumiti dahil sa lima tanging ito lang ang hindi tumatawa. "That's Dave Franco," sabi ni Samantha. Bigla siyang napatingin kay Samantha na nanlilisik ang mga mata. "That's Dave?" ito marahil 'yung tinitukoy ni Alvaro na may-ari ng restaurant. Nangunot namanang noo nito. "You know him? How?" "H-hindi naman sa ganu'n. Narinig ko lang ang pangalan niya from Alvaro." Lalong nangunot ang noo nito. "Nagkakausap kayo ni Alvaro?" "Bakit hindi? He's my Fiance's twin brother." "Oo nga pala. Pero hindi ko akalain na magkaibigan ang dalawang 'yan. Sabagay pareho ang mga budhi nila," anito na parang kilalang-kilala nito si Alvaro. "Bakit pati kay Alvaro galit ka?" Umismid ito. "Hindi naman sa galit ako sa kanya. I just hate him for being a playboy. Alam mo ba na Casanova ang bansag sa kanya sa Paris dahil hindi mabilang ang babaeng kasama nito araw-araw?" Oo nga pala iisang industriya nga pala ang iniikutan ng mga ito kaya hindi malayong malaman ni Samantha ang mga ginagawa ni Alvaro sa ibang bansa. "No wonder kung bakit pinipilit na siya ng ama niya na magpakasal," wala sa loob na sabi niya. "Magpapakasal na si Alvaro?" hindi makapaniwalang bulalas ni Samantha. Mariin na napapikit si Ruby. Bakit kasi kung minsan padalos-dalos siyang magsalita. "Please don't tell to anyone. Isa lamang iyong sikreto," aniya. "Bakit ko naman gagawin 'yon? May mapapala ba 'ko kapag pinagkalat ko? Don't worry his secret is safe with me. Isa pa, hindi naman siya ang dahilan ng pag-uwi ko rito." "Talaga bang galit ka pa rin sa kanila? Matagal na ang lumipas, Sam." "Kahit gaano katagal pa 'yan, hinding-hindi mawawala ang galit ko sa mag-inang 'yon. They stole everything that belonged to me." Nagsalin ito ng alak sa shot glass nito at mabilis nito iyong tinungga. "I'll make him pay!" anito at nagmartsa papunta sa kinaroroon ng grupo nila Alvaro. Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy, Sam! Saan ka pupunta?" habol niya rito. NAHINTO sa tawanan sila Alvaro nang walang abog na inagaw ni Samantha ang baso mula sa kamay ni Dave at tinungga nito ang laman ni'yon. "Hello, gentleman," "Ohhh... Hi, miss beautiful," bati ng isang lalaki na may suot na eye glasses. "Want me to join you?" "Sure why not?" sagot naman ng isa pang lalaki. "That's good. By the way, this is my friend, Ruby." Doon na tumingin sa gawi niya ang limang lalaki at awtomatikong nangunot ang noo ni Alvaro nang makita siya nito. "But she's off limits, ikakasal na kasi siya." "Ruby, why are you here?" mahinang tanong sa kanya ni Alvaro. "Hindi ba ang lugar na 'to ay para sa gustong magsaya?" aniya. Oo nga naman. Ito lang ba ang may karapatan na pumunta sa ganitong lugar? "So, pwede ba kaming maki-join sa inyo?" maya'y tanong ni Samantha. "No." mabilis at mariin na sagot ni Dave. "We don't need a company, Samantha." "You know her?" tanong ni Alvaro kay Dave. "Yes. She's my stepsister." "The hell? I don't consider you as my stepbrother, Dave." Galit na tiningnan ni Dave si Samantha. "You should go home." "And who are you for telling me what to do?" sagot ni Samantha. "Don't mind him, Sam. You can join us," sabi naman ng lalaking kanina pa kumakausap sa kaibigan niya. "By the way, I'm Symon, Malcolm, And Timothy, and this one is Alvaro," pagpapakilala ni Symon sa mga kaibigan nito. "Hi! Nice knowing you all." "You can sit here, beside me," alok pa ni Symon. "Sure!" Agad namang kumilos si Samantha para umupo sa tabi ni Symon. Pinaghila naman siya ni Alvaro ng upuan at pinaupo siya sa tabi nito. "Pasensya na, medyo nakainom na si Sam," mahina kong sabi kay Alvaro. "Akala ko ba busy ka? They why are you here?" "Hindi ko mahindian si Sam. Minsan lang kami magkita kaya bakit 'di ko pagbigan?" "Sana sinabi mo na pupunta ka rito," sabi nito na ikinakunot ng noo niya. "Kailan pa 'ko dapat mag-update sa'yo, Alvaro?" "Hindi ba dapat?" Marahan siyang umiling. "Walang rason para magsabi ako sa'yo. Unless, you are Aldrich." Nakita ni Ruby ang paggalaw ng panga ni Alvaro. "Want to drink?" Napatingin siya kay Timothy na inabutan siya ng basong naglalaman ng alak. "Thank you," aniya na tinanggap iyon. Pero inagaw ni Alvaro ang baso mula sa kamay niya. "Hindi ka na iinom, Ruby," sabi ni Alvaro. "Bakit hindi?" "Kasi hindi ka naman talaga umiinom ng alak." "Who told you?" "I just knew it." "Masyado ka naman mahigpit, Alvaro," sabi ni Malcolm. Ano ka ba niya para pagbawalan mo siya?" natatawa pang tanong nito. "She's my brother's fiancee," sagot naman ni Alvaro. "Ayun naman pala. Pero kung makabawal ka daig ka pa ng kapatid mo—don't tell me siya 'yung—" "Shut the f**k up!" pigil ni Alvaro sa iba pang sasabihin sana ni Malcolm. Kinuha niya ang basong inagaw sa kanya ni Alvaro mula sa kamay nito. Nginitian niya muna ito bago mabilis na tinungga ang baso. "See, I can drink—" "f**k!" napatingin silang lahat kay Dave nang galit itong tumayo at umikot sa gawi ni Samantha. Hinawakan nito sa braso at galit nitong hinila patayo ang kaibigan niya. "Ano ba?!" "Iuuwi na kita." "No! Sinong nagsabing uuwi ako?!" "Me. And that's final!" at galit na kinaladkad ni Dave si Samantha palabas ng bar. "Let me go. Ano ba?!" Nagpumiglas si Samantha pero wala ito nagaw sa huli. "What happened to them?" naguguluhang tanong ni Symon. Sabay tingin ito sa kanya. "Family matters. I think." Paano ngayon siya uuwi nito? Iniwan pa naman niya ang sasakyan sa opisina dahil ang sabi ni Samantha ihahatid siya nito pauwi. "I should go too," sabi niya kay Alvaro. "Ihahatid na kita—" "No. I can manage." Tumayo siya at nang akmang ihahakbang na niya ang mga paa ay umikot ang paningin niya. Mabuti na lang nasa tabi lang niya si Alvaro kaya agad siya nitong naalalayan. "See. I can't let you go home alone, Ruby," sabi ni Alvaro. Namumungay ang mga matang tiningnan niya si Alvaro. "Alam mo, ang gwapo mo," ania. May ipekto na sa kanya ang alak pero malinaw pa ang kaisipan niya. "Para sa'kin ba 'yan o para sa kakambal ko?" "Sino ba ang kaharap ko? Diba ikaw si Alvaro? Oh, edi para sa'yo 'yon." Umangat ang kamay niya sa dibdib nito at pagkatapos ay inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. "Nahihilo ako, Alvaro." Narinig niyang pumalatak si Alvaro. "Sinabi ko na sa'yong huwag ka ng uminom eh. Nagpumilit ka pa kasi." "Now you're preaching me," natatawa niyang sabi. "Ihahatid na kita," anito na pinangko siya. At walang paalam sa mga kaibigan nito na nilisan nila ang lugar na iyon. "I CAN'T go home like this," aniya habang nakapikit ang mga mata niya. Dahil pakiramdam niya sa tuwing imumulat niya ang mga mata ay umiikot ang paningin at sumasakit ang ulo niya. "Saan kita ihahatid?" "I-book mo na lang ako sa isang hotel. Pwede mo na 'kong iwan 'dun." Hindi na nagsalita pa si Alvaro at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Naramdaman na lang niyang humintoa ang sasakyan at namatay ang makina ni'yon. "We're here," anito na umibis ng sasakyan. Bumukas ang pinto sa gawi niya. "Let's go, Ruby." Inalalayan siya nitong tumayo at inakay maglakad papasok sa loob ng hotel. "Good evening, Sir Aldrich?" nahimigan kong bati ng isang babae. Hindi sumagot si Alvaro at maingat siya nitong pinangko at isinakay sa elevator. Hindi na niya lubos na nasusundan ang mga nangyayari. Naramdaman na lang niya na lumapat ang katawan niya sa malambot na kama. Mahina siyang umungol nang makaramdam siya ng kaginhawaan. Walang pakialam na isa-isa niyang hinuhubad ang suot niyang damit. Tila nakalimutan na niya na nandoon pa sa loob ng kwartong iyon si Alvaro. Iminulat niya ang mga mata at awtomatikong nagtama ang mga tingin nilang dalawa ni Alvaro. Pilya siyang ngumiti. "Love what you saw?" "f**k, Ruby. I'm not saint." "Pero alam kong hindi mo magagawang pakialaman ang mapapangasawa ng kapatid mo." Muli niyang narinig na nagmura si Alvaro. Kinuha nito ang kumot at ibinalot iyon sa halos hubad na niyang katawan. "Just sleep. Ipahinga mo 'yang malikot mong isipan. And next time don't drink again." Iyon lang at lumabas na ito ng hotel room na kinaroroonan niya sa mga oras na iyon. Samantala, pagkasakaybnaman ni Alvaro sa sasakyan niya, paulit-ulit niyang iniuuntog ang ulo sa headrest ng kinauupuan niya at napatingin sa ibabang katawan niya na buhay na buhay ngayon. "Calm down, buddy. Not now but soon. We will going to have her no matter what," salitang binitawan niya bago minaniobra ang sasakyan palayo sa lugar na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD