Chapter Eleven

2064 Words
PAGKARATING nila Ruby at Alvaro sa mansion ng mga Fortalejo ay agad siyang dinala ni Alvaro sa may hardin kung saan naroon si Aldrich ng mga oras na 'yon. Ngayon lang niya nakita si Aldrich na nagtatanim ng mga halaman. Hindi niya akalain na mahilig pala itong mag-alaga ng halaman. "Hindi ba niya nasabi sa'yo na hilig niya ang magtanim ng halaman noong kabataan namin?" tanong ni Alvaro na nasa likuran niya. Marahan siyang umiling. "He never told me." "Now you know. He loves to plant specially he loves flowers. Simula nang gumaling siya dito siya parati naglalagi sa hardin at maghapon na ganyan ang ginagawa niya. Ang tanging natatandaan niya ten years ago." "Nilingon niya ito. "Ganu'n kalayo?" Nagkibit ito ng balikat. "Base sa mga sinasabi rin niya at naalala, mukhang ganu'n na nga." Muli niyang tiningnan si Aldrich. Kitang kita sa mga mata nito na gusto nito ang ginagawa. "Ipapakilala kita sa kanya," sabi ni Alvaro at nilagpasan siya. "Aldrich!" tawag panin nito sa kapatid na agad namang ikinalingon nito kay Alvaro. Mapalad na ngumiti si Aldrich at agad na sinalubong ang kapatid. "Alvaro! Akala ko hindi ka pupunta ngayon dito?" "Hindi ka ba pwedeng dalawin?" tanong ni Alvaro na inakbayan ang kapatid. Natatawang napatingin sa kanya si Aldrich at sa gulat niya ay matamis siya nitong nginitian na never nitong ginawa sa kanya noon. "May bisita ka?" Hindi nga nagsisinungaling si Alvaro. Hindi nga siya nito nakilala. "Oh, yeah. I want you to meet, Ruby. Ruby this is my twin brother Aldrich," pagpapakilala ni Alvaro na para bang hindi talaga sila nagkakilala noon. "H-hi..." Inilahad niya ang kamay sa harapan nito. "Sorry." Itinaas nito ang marumi nitong kamay. "Ayokong marumihan ang makay mo." "A-ayos lang." "Girlfriend mo?" tanong nito kay Alvaro. "Actually, she's my fiancee." Namilog ang mga mata ni Aldrich. "Really? Wow! Binata ka na talaga!" Ginulo nito ang buhok ni Alvaro. "Aldrich, marumi ang kamay mo!" reklamo naman ni Alvaro. "That's enough." Natigilan ang tawanan ng magkapatid at samay silang tatlong napatingin sa ama ng mga ito na si Alfonso. Walang emosyon nama itong tumingin sa kanya. "Let's eat," anito at nauna ng umalis. "Kahit kailan talaga masungit 'yang ama mo," bulong ni Aldrich kay Alvaro. "Ama ko lang? Ama nating dalawa." "Yeah, right." "Let's go, Ruby." Inakay siya ni Alvaro patungo sa dining room. Habang si Aldrich ay umakyat muna sa kwarto para magpalit at maglinis. "Long time no see, Ruby," bati sa kanya ni Veronica, ang ina nila Alvaro. "Long time no see rin ho, Tita," sagot niya. "Kumusta ka naman?" "I'm good po." "Paanong hindi bubuti? Magkapatid ang biningwit mo," sarkastikong sabat ni Don Alfonso. "Alfonso," saway naman ng asawa nito. "Bakit hindi ba totoo? Nagkaroon lang ng amnesia si Aldrich pumayag na agad siyang maikasal kay Alvaro. May mali ba sa sinabi ko?" "Napag-usapan na natin ito hindi ba? At pumayag ka." Napayuko na lang siya dahil sa hiyang nararamdaman. Hindi niya alam kung paano niya ipagtatanggol ang sarili laban sa sinasabi nito. May tama rin naman ito kaya hindi niya magawang magbigay ng rason. "Dad, please. Ako ang pumilit kay Ruby at hindi ba ginusto ninyo rin naman ito, ang mag-asawa ako? Ngayong mangyayari na ang gusto ninyo, hindi pa ba kayo masaya?" "Pero hindi sa-" Hindi na natapos ni Señor Alfonso ang iba pang sasabihin dahil bumukas ang pinto ng dining room at pumasok doon si Aldrich. "Sorry natagalan." "No, you're just in time," sagot ni Alvaro. Tumikhim ang si Señora Veronica. "Let's eat, bago pa lumamig ang pagkain." "GAANO na kayo katagal ni Alvaro?" Napatingin siya kay Aldrich nang papitan siya nito. Kasalukuyan siyang nasa portico nagpapahangin habang hinihintay si Alvaro. May kinausap lang kasi ito sa cellphone. Napatitig lang siya kay Aldrich at hindi agad nakasagot. Ano ba ang dapat niyang isagot? Nilingon siya nito at sabay ngiti. "Mahirap bang sagutin?" "No. Umh... Two years na kami," pagsisinungaling niya. Ang sinabi niya ay iyong sa kanila ni Aldrich. "Maybe you already know that I have an amnesia, right?" Marahan siyang tumango. "Nasabi sa'kin ni Alvaro ang nangyari sa'yo." "Kilala mo na ba ako noon? I mean, nagkakausap ba tayo or what?" "W-we know each other." "Really? How? Nakilala lang ba kita dahil kay Alvaro?" Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya pinaghandaan ang pagkakataong iyon. Pero mas mainam siguro kung sasabihin niya ang totoo. "Nagkakilala tayo dahil isa ako sa mga nagrerenta sa mall ninyo. Actually, mas nauna kitang nakilala kaysa kay Alvaro." "Talaga? Hindi ba kita niligawan noon?" "Ha?" Natigilan siya sa tanong na iyon ni Aldrich. "Bakit mo naman siya liligawan, Aldrich? Hindi ang tulad niya ang tipo mong babae." Sabay silang napalingon ni Aldrich kay Alvaro na papalapit sa kinaroroonan nila. Tinaasan naman itong kilay ni Aldrich. "How do you know?" "I just know." Inakbayan siya ni Alvaro. "Tsaka malabo kang magkaka-jowa dahil masungit ka. Ni hindi ka marunong ngumiti. Your life is boring, Aldrich." Parang hindi naman makapaniwala si Aldrich sa sinabing iyon ni Alvaro. Kaya mahina niya itong siniko sa sikmura. Masyado na itong maraming sinasabi. "What?" Sinenyasan niya ito na manahimik na lang at binabantaan niya itong huwag na magsabi ng kung anu-ano. "Anyway, masaya ako na nahanap mo na ang babaeng mamahalin mo." "Thank you." "Sige, maiwan ko na muna kayo," paalam nito bago sila tuluyang iniwanan. Inis na inalis niya ang braso nito na nasa kanyang balikat. "Aray naman," daing nito. Dinuro niya ito. "Kung minsan talaga walang preno 'yang bibig mo. Kulang na lang sabihin mo sa kanya ang totoo na siya talaga ang mapapangasawa ko at hindi ikaw!" Sumiryoso ang mukha nito. "Iyon ba ang gusto mo, Ruby? I can tell him the truth if you want." Natigilan siya. Gugustohin nga ba niya iyon? Mas pipiliin ba niyang kay Aldrich maikasal at hindi kay Alvaro? Pero sa huli ay hindi siya nakasagot. "Ngayong nakaharap mo na si Aldrich at napatunayan kong nagsasabi ako ng totoo, wala ng dahilan para umayaw ka sa usapan tulad ng napagkasunduan. Nagbuga siya ng hangin. Papayag akong maikasal sa'yo, pero sa isang kundisyon." "Anong kundisyon?" "Gusto kong sa ibang bansa tayo magpakasal." Saglit itong hindi nagsalita bago marahan na tumango. "Sure. If that what you want. Then let's seal the contract. "Contract?" taka niyang tanong. "Yes. This." Hindi inaasahan ni Ruby ang ginawa ni Alvaro sa kanya. Alvaro kissed her in her lips. "There," anito nang pakawalan ang mga labi niya. "WHAT?! Kay Alvaro ka ikakasal?" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha nang ipagtapat niya rito kung sino ang mapapangasawa niya talaga. "Shhh! Ang ingay mo naman!" sita niya rito. "Hindi lang ako makapaniwala na napapayag ka niya sa gusto niya. Look, kung gugustohin mo talaga na maitama 'yan, sasabihin ninyo talaga ang totoo kay Aldrich, pero sa nakikita ko gusto mo rin." Hindi niya itatanggi na mas gusto niya ang ideya na maikasal kay Alvaro kesa kay Aldrich. Kay Alvaro kasi kaya niyang maging malaya hindi tulad kay Aldrich na lahat na lang ng galaw niya ay minamando nito. "Sigurado ka na ba dyan?" Marahas siyang nagbuntong-hininga. "Wala naman akong pagpipilian. Kapag nalaman ni Dad ang nangyari kay Aldrich, siguradong ipatitigil niya ang kasal at ano? Ipagtutulakan niya akong magpakasal sa ibang lalaki? Alam kong mali itong ginagawa ko dahil kahit saan tingnan niloloko ko na si Aldrich. But I don't have any choice." Tumango-tango ito sabay higop sa hawak nitong baso. "Kahit man ako kapag nasa sitwasyon mo, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Isa pa, wala naman akong karapatan para husgahan ka. Pangalawa, hindi ko talaga gusto si Aldrich para sa'yo." "At si Alvaro gusto mo para sa'kin?" taas ang isang kilang na tanong niya. "Wala akong sinabing ganu'n. I don't like them both for you, pero mas gugustohin ko na si Alvaro ang pamangasawa mo kaysa kay Aldrich na kulang na lang ikulong ka." Natatawang umiling siya. "Magkaibigan nga talaga tayo. We have the same thoughts." "Anyway, kailan ang kasal?" maya'y tanong naman nito. "Actually, gusto kong huwag na magkaroon ng magarbong kasal. Simpleng kasal na lang sa ibang bansa." "Papayag kaya ang daddy mo?" "Wala akong balak na sabihin sa kanya. Gugulatin ko na lang siya na kasal na kami ni Aldrich—I mean ni Alvaro." Umiling ito. "Good luck talaga sa'yo, dai. Malaking gulo itong pinasok ninyo. Alam niya iyon, pero tska na lang niya iisipin ang tungkol doon kapag nandoon na siya sa sitwasyon na 'yon. "BAKIT ngayon ninyo lang sinabi sa'kin ang tungkol dito?" tanong niya kay Armon na siyang humahawak sa mga modelong magno-model para sa bagong brand na ilalabas nila. Ngayong araw kasi gaganapin ang photoshoot at nakahanda na ang lahat pero ang mga modelo nila ay wala. "Akala ho kasi namin mahahanapan namin ng paraan, pero hindi ho pala. Pasensya na ho, Ma'am," hinging paumanhin nito. Nasapo niya ang sentido. "May magagawa ba ang sorry mo? Nakakahiya sa photographer kanina pa sila naghihintay. Paano na ngayon 'yan? Ano ba ang nangyari sa kanila bakit bigla silang nag back out?" "Hindi ho sila nagsabi, Ma'am. Nalaman na lang ho namin na kinuha sila ng Black Luxe," sabi nito. Ang Black Luxe ay ang matinding kalaban ng Glamour Amore. "Halatang sinasabotahe nila tayo, Ma'am," sabi pa ni Armon. Nagbuntong-hininga siya. Hindi naman maaayos ang problema kung dadaanin niya sa init ng ulo. "Nandyan na 'yan. Nangyari na. 'Wag na natin sila patulan dahil wala rin naman tayo mapapala kung gagawin natin 'yon. Sa ngayon, kailangan natin i-cancel ang photoshoot—" "Ruby," Naputol ang iba pang sasabihin ni Ruby nang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa niyon si Alvaro na todo ang ngiti sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" She mouthed. "I here for this," anito na inabot sa kanya ang pumpon na kulay pulang rosas. Nagtataka naman ang mga empliyado niyng nandoon kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Pinaaabot ni kuya," pagsisinungaling nito. "Ahh...salamat." "Bakit parang mainit ang ulo mo? May problema ba?" pag-iiba nito. "'Yung mga modelo ho kasi namin, Sir Alvaro sinulot ng kabila," tila isang batang sumbong ni Armon. "Tapos?" "Ngayon kasi naka schedule ang photoshoot nila para sa new brand, kaso ayun nga nag-back out sila," aniya. Tumango-tango ito. "Ako na lang ang magmo-model," prisinta nito na ikinagulat nilang lahat. "Talaga ho, Sir Alvaro?" si Jacky, kasama ni Armon sa fashion department. "Naku, 'wag na Alvaro, maaabala ka pa namin," aniya. "It's okay. Free time ko naman ngayon kaya walang problema. Ilan pa ba ang kailangan ninyong modelo?" "Dalawa pa ho sana, Sir Alvaro," si Armon. "Okay, wait." Kinuha ni Alvaro ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan ito. "Problem solve," sabi nito pagkatapos nitong makipag-usap sa cellphone. "Salamat, Alvaro. Naabala ka pa." Dumukwang ito palapit sa kanya at bumulong. "This is not free, Ruby. Sisingilin kita mamaya," anito pagkatapos ay kinindatan siya na ikinamula ng kanyang mukha. Hindi nagtagal ay dumating ang dalawang modelong pinapunta ni Alvaro. Halatang may mga lahi ang mga ito dahil sa taglay ding kagwapuhan ng mga ito. "This is Ruby. Ruby, this is Lancelot and Vouge, my friends," pagpapakilala ni Alvaro sa dalawa. "We're not your friends," sabi ni Lancelot. "Yeah. We're not," sangayon naman ni Vouge. "Hi, Ruby, nice to meet you." Kinuha ni Lancelot ang kamay niya at hinalikan iyon. "Hello, beautiful." Inagaw naman ni Vouge ang kamay niya mula kay Lancelot at hinalikan din iyon. "Tanggalin mo ang kamay mo o puputulin ko 'yan?" Pagbabanta ni Alvaro kay Vouge. "Kung maka-react ka parang girlfriend mo," si Vouge. "She's my brother's fiancee. She's off limit." "Ohh... Your brother is lucky," si Lancelot. "But I can be your kabit if you want?" Malandi siya nitong kinindatan. "No thanks," naiilang niyang sagot. "Sir Alvaro, mag start na po ang photoshoot," si Armon na sumilip sa pinto. "Okay." Nilingon siya ni Alvaro. "Ill be back. Ihanda mo na ang bayad." Kinindatan muna siya nito bago ito sumunod sa dalawa . Naiiling na bumalik si Ruby sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Ano naman kaya ang kabayarang hihingiin ni Alvaro sa kanya? Ang labi kaya niya ulit? Natutop niya ang mga labi at hindi mapigilang makaramdam ng init sa mukha nang maalala niya ang ginawang paghalik sa kanya ni Alvaro noong isang araw. Muli siyang umiling. Hindi ito ang tamang oras para mag-isip ng kung anu-ano. Binuksan niya ang laptop at tinuon na lang ang sarili sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD