Chapter One

1470 Words
"MUKHANG masaya ang araw ng reyna ha? Mukhang hindi kayo magkaaway ni Sir Aldrich?" pabirong sabi sa kanya ng sekretarya niyang si Mona. Si Mona ang naging sekretarya niya simula nang magtrabaho siya sa kumpanya ng kanyang ama bilang CEO. Halos kaedaran niya rin ito kaya hindi malayong naging malapit siya rito. Kunway masama niya itong tiningnan. "Tigil-tigilan mo 'ko, Mona. But answer to your question, yes, himala hindi kami magkaaway ngayon ni Aldrich." Parang hindi na bago sa kanya kung magkaawayan sila ni Aldrich. Parang araw-araw na lang silang nag-aaway. Himala na lang talaga kung hindi. Nasanay na lang din ang mga taong nasa paligid nila dahil parang iyon na rin kasi ang bonding nila mag-boyfriend, ang mag-away. Malapit na silang ikasal ni Aldrich at kahit nagdadalawang isip siya kung pakakasalan ba niya ito ay hindi niya magawang humindi para na rin sa ikatatahimik ng mga pamilya nila. Pareho silang trenta anyos na kaya pareho silang pinipilit na mag pakasal na. "Malay mo naman, Ma'am, hindi na kayo mag-aaway ni Sir Aldrich kapag ikinasal na kayo? Kasi alam niyang sa kanya ka na." Napailing siya. "Kung anu-ano na 'yang mga sinasabi mo, Mona. Iyan ang napupulot mo sa pagbabasa ng mga pocketbook." "Pero usapang kasal, sigurado ka na ba talaga na pakakasalan mo si Sir Aldrich? O dahil gusto lang ng pamilya mo, Ma'am?" Nagbuntong-hininga siya. "May pagpipilian pa ba ako?" "Meron? Ikaw lang ang makakaalam kung ano ang higit na makakabuti sa'yo, Ma'am Ruby." Pumalatak siya. "Alam mo naman kapag ginawa ko 'yan lalo lang magugulo ang mundo ko. You know my dad, Mona. Gusto niya lahat nakaayon sa gusto niya. "Pero ikaw kasi ang makikisama hindi naman sila. Pero kailan na ba ang kasal?" "Bago matapos ang taon na ito," walang gana niyang sagot. "Mukhang minaadali ninyo na talaga ang kasal." Muli siyang nagbuntong-hininga. Para tuloy lalo siyang na-stress sa tuwing naririnig niya ang kasal. Ganito ba talaga kapag ikakasal na? "Kung wala ka na kailangan, pwede ka ng lumabas. Shooo!" pabiro niyang pagtaboy dito. Natatawang tumayo ito tska humakbang palabas ng opisina niya. Nang lumapat pasara ang pinto, buntong ang hiningang isinandal niya ang likod sa backrest ng executive chair niya tsaka ipinikit ang mga mata. Yes, she'll get married soon, but she's not happy. Sino ba ang sasaya kung ikakasal ka sa taong hindi mo naman talaga mahal? Oo, nobyo niya si Aldrich ng ilang taon, pero lubusang nagbago ang ugali nito. Palaging pinapakialam ang mga gingawa niya, ultimo mga sinusuot niya dapat ayon sa gusto nito. Dahil 'dun unti-onting nababawasan ang pagmamahal niya rito. Ngayon siya lubos na nagsisisi kung bakit masyado niyang itinuon ng husto ang sarili sa kagustuhan ng ama niya. Ngayon, hindi niya magawang magdesisyon ayon sa kagustuhan niya. Tapos ngayon aapurahin siyang mag-asawa ng mga magulang niya kesyo matatanda na ang mga ito at gusto na nila na magkaroon ng apo at magiging tagapagmana. Binuksan niya ang app na Face friend niya mula sa kanya laptop at doon nakita niya ang post na picture ni Aldrich na kasama nito ang kakambal nitong kapatid na si Alvaro. Nakauwi na pala si Alvaro galing America. Hindi niya mapigilan na pagkumparahin ang dalawa kahit pa parang wala naman pagkakaiba sa mukha ng mga ito. Alvaro is much taller than Aldrich at higit din na malaki ang pangangatawan ni Alvaro kaysa kapatid nito. Mesyo mas pumuti lang si Alvaro, marahil dahil laki ito sa ibang bansa. Parehong gwapo ang dalawa pero para sa kanya mas malakas ang dating ni Alvaro. Isa rin sa napansin niya ay ang mapupulang mga labi ni Alvaro na para bang kaysarap na humalik. Natigilan si Ruby at mabilis na pinilig ang ulo. Ano ba itong pumapasok sa isipan niya? Ikakasal na siya kay Aldrich bakit pa siya nagkakaroon ng ganitong isipin? At sa kapatid pa talaga nito? Napapitlag siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Si Aldrich ang tumatawag kaya agad niya iyong sinagot. "Napatawag ka?" "Masama bang tawagan ang fince ko? Are you busy?" anito. "Hindi. Natanong ko lang." "Me and Alvaro will have dinner tonight. He wants to invite you." Napakunot noo siya. "Have you told him about the wedding?" "Yes, may masama ba 'dun?" maikli nitong sagot. Hindi niya alam kung bakit parang nadismaya siya na ipinaalam nito kay Alvaro ang tungkol sa kasal. Pero alam din naman niya na malalaman nito ang tungkol 'dun. Pero ano naman ngayon kung malaman ni Alvaro ang tungkol 'dun? "Gusto kong pumunta ka. Sinabi ko na pupunta ka." Nagbuntong-hininga siya. "Okay. Just send me the time and place." "Good." iyon lang at pinutol na nito ang linya. SINIPAT ni Ruby ang sarili mula sa review mirror at nang makitang bahagyang nabura ang make up niya ay muli siyang naglagay. Nang masigurong maayos na amg mukha niya, tsaka siya bumaba ng sasakyan. Hindi na siya nag-aksaya pang magpalit ng damit dahil para sa kanya hindi naman especial ang mangyayaring dinner. Pagkapasok niya exclusive restaurant ay agad siyang hinatid sa lamesa kung saan nandoon na ang magkapatid. "Sorry if I'm late. Meron kasing biglaang meeting," aniya ng makaupo. "Next time sabihan mo 'ko kapag male-late ka para hindi naman kami nagmumukhang tanga kakahintay sa'yo," mahinang sabi sa kanya ni Aldrich. "Pasensya na talaga," muling hinging paumanhin niya. Nang tingnan niya si Alvaro ay nakatingin din ito sa kanya. Higit itong mas gwapo sa personal. Tipid siya nitong nginitian. "It's nice to see you again, Ruby," sabi sa kanya ni Alvaro. "Same here." "It's been ten years since the last time I saw you. But nothing has changed. You're still beautiful." Natigilan si Ruby at bahagyang bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa sinabi ni Alvaro. Is he joking or he's just teasing her? Pero bakit ganito na lang kung maapektuhan ang puso niya dahil lang sa simpleng sinabi nito? Tumaas ang sulok ng labi niya. "Kung hindi ko lang alam kung ano ang reputasyon mo sa mga babae baka maniwala pa ako sa pambobola mo, Alvaro. You're all over in the tabloids. Kalat ang balita na isa kang womanizer." "Is that a compliment or not?" "It's not. Ayoko ng mga katulad mong babaero." Natawa lang ito sa sinabi niya. Simpatiko itong ngumiti. "Don't worry, hindi ko rin naman gusto ang katulad mo so, we're even." Tumikhim si Aldrich at nang tingnan niya ito ay nababakas sa mukha nito ang pagkainis. Alam niyang ayaw nito na makipagbiruan siya lalo na sa mga lalaki. "Let's just eat," anito. Tahimik silang kumain at nagpapasalamat si Ruby dahil hindi na ulit nagsalita pa si Alvaro. Simula noon wala itong ginawa kundi asarin siya o hindi kaya bwisitin siya sa tuwing pumupunta siya sa bahay ng mga ito. Kaya wala ng bago kung ganu'n pa rin ito hanggang ngayon. "Ihahatid na kita," sabi ni Aldrich nang makapagpahinga na sila. "No need, I can drive," tanggi niya. "Alam ko rin naman na gusto ninyong mag-bonding magkapatid kaya huwag mo na akong ihatid." "Okay. Siguraduhin mo lang na didiretso ka ng uwi, hindi 'yung kung saan-saan ka pa pupunta." "Saan naman ako pupunta sige nga?" "Sinasabi ko lang, Ruby." Pinagbuksan na siya nito ng pinto. "Mag iingat ka." "Kayo rin. Don't drink too much," aniya na sumakay na. "Tawagan mo 'ko pagkarating mo sa bahay ninyo." "I will. Bye." Isang malalim na buntong-hininga ang iniwan niya bago niya minaniobra ang sasakyan. NAPANGISI si Alvaro nang masama siyang tiningnan ni Aldrich pagkabalik nito. "What's that for?" "Ruby is my fiance. Sa susunod ayokong niloloko mo siya ng ganu'n. Hindi tama 'yon. Ano na lang ang sasabihin ng ibang makakarinig ni'yon?" Natawa siya. "Ako ba ang mali? Kasalanan ko ba kung minasama niya 'yung ginawa kong pagpuri sa kanya?" "Tumigil ka, Alvaro. Hindi rin kita pagbabawalan kung hindi ko alam ang karakas mo." "Bakit hindi ba siya maganda? Masama na palang magsabi ng totoo ngayon?" Nangunot ang noo nito. "Did you like my fiance or what?" Lalo siyang natawa. "What? I'm not! Isa pa, Bakit mo ko tinatanong ng ganyan? Parang hindi kayo ikakasal." Napansin niya ang biglang pagbago ng mood nito sa sinabi niya. Kilala niya ang kakambal sa ugali nitong territorial. Pero nakikita naman niya na hindi nito ganu'n kamahal si Ruby dahil na rin sa pagtrato nito sa babae. Inakbayan niya ito. "Let's just drink." "Mabuti pa nga." "Alam mo, wag ka masyadong seryoso sa buhay. Sige ka, mabilis kang tatanda niyan." Tinanggal nito ang braso niya sa balikan nito. "Ewan ko sa'yo. Puro ka kalokohan. Palibhasa kasi hindi mo kargo ang kumpanya." "There we go again. Alam mo naman na wala akong interest na patakbuhin ang kumpanya. Masaya ako sa kung ano ko ngayon." "Yeah, right." "Alam mo, uminom na lang tayo para mawala ang init ng ulo mo." Inakay na niya ito. Sakay ng sasakyan ay nagtungo na sila sa bar napupuntahan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD