Chapter Ten

2126 Words
MASAKIT ang ulo ni Ruby nang magising ng umagang iyon. Bukod sa masakit ang ulo niya ay tila siya nababalutan ng yelo sa sobrang ginaw. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ganu'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang magisingan ang hindi pamilyar na kwarto, kaya pabalikwas siyang napabangon. Base sa itsura at disenyo ng kwarto nasisiguro niya na nasa isang hotel room siya. "s**t!" Hindi niya napigilang mapamura nang makita ang sarili na halos hubad na. Paano ba naman tanging bra at panty lang ang suot niya, kaya paanong hindi siya lalamigin? Nasapo niya ang sentido nang bahagyang kumirot ang bahagi iyon sa ulo niya nang alalahanin niya ang mga nangyari kagabi at kung paano siya napadpad sa kwartong iyon. Naalala niya na sinamahan niya si Samantha sa bar. Nagkita sila roon ni Alvaro at ng mga kaibigan nito. Nagkainuman. Nalasing siya. And she tried to seduce Alvaro! "s**t!" Muling mura niya nang maalala na si Alvaro ang nagdala sa kanya sa kwartong kinaroroonan niya sa oras na iyon. Kinapa niya ang katawan. Pinakikirandaman niya kung meron ba nagbago o kung meron ba masakit sa katawan niya lalong-lalo na sa p********e niya, pero wala. Doon siya nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang hindi nagpadala si Alvaro sa kalokohan niya kung nagkataon uuwi siyang luhaan ngayon. Mabilis siyang umalis sa ibabaw ng kama at agad na sinuot ang mga hinubad niyang damit kahapon. Hinagilap niya ang bag niya sa loob ng kwarto at laking pasalamat niya na nasa ibabaw lang iyon ng upuan. Inayos niya muna ang sarili bago magpasyang lumabas ng kwarto. Pero natigilan siya sa paglabas nang eksaktong bumukas din ang pinto ng kaharap na kwarto at iniluwa ni'yon si Samantha at si Dave na walang saplot sa pangitaas nitong katawan. "Sam!" pinigilan ito ni Dave mula sa braso. "What?!" "Let's talk." "There's nothing to talk about. I told you this is nothing for me." "Sam—" "I'm not those woman na iiyak kapag na-virginan sila ng lalaki. You took my virginity and now what? Ano akala mo iiyakan kita at magmamakaawa na panagutan mo? But sorry to tell you, I'm not like that. What happened last night is nothing to me. Are we good now? Pwede na akong umalis?" Imbis na sumagot si Dave ay napatingin ito sa kanya kaya napatingin din si Samantha sa gawi niya at nangunot ang noo. "Ruby?" "Oh... hi, Sam. Hi, Dave..." gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niyang pagbati o dapat ba? "Umh... mauuna na ko," aniya na humakbang na palayo sa mga ito. "Wait! Sasabay na 'ko sa'yo," habol sa kanya ni Samantha. "Sam!" tawag rito ni Dave. "Go to hell!" sigaw naman dito ni Samantha bago ito sumunod na sumakay sa elevator. "Okay, what was that?" hindi niya mapigilang itanong sa kaibigan pagkasara ng pinto ng elevator. "We had s*x," sagot naman nito na para bang walang nangyaring ganu'n. Nagbuntong-hininga ito. "Let's not talk about that. How about you, bakit ka nandun sa hotel at sino ang kasama mo?" balik tanong nito sa kanya. "Itigil mo kung ano man ang iniisip mo. Dinala lang ako ni Alvaro 'dun at pagkatapos iniwan." Tila hindi naman naniwala si Samantha sa sinabi niya. "What? I'm telling the truth," aniya. "Hindi lang ako makapaniwala na walang ginawa si Alvaro." "May nakakapagtaka ba 'dun?" "Knowing Alvaro wala siyang pinapalagpas na babae na hindi ikinakama. Kilala siya sa Paris bilang isang casanova, Ruby. Kung sinu-sinong babae ang nahuhuling kasama niya sa hotel. That's why I hate him." "But he didn't do anything to me." "Lucky you." Tama nga ito. Maswerte nga siya na hindi sinamantala ni Alvaro ang kalasingan niya at kagagahan niya kagabi. "May dala kang sasakyan? hatid na kita," maya'y sabi nito. "Okay. Salamat, Sam." "MUKHANG hindi ka nakauwi kagabi base sa suot mo ngayon, Ma'am Ruby," sabi sa kanya ni Mona matapos nitong basahin ang magiging schedule niya ngayon araw. "Don't ask, please. Pakihanapan na lang ako ng maaari kong isuot pamalit. Maliligo muna ako at pakidala na lang sa kwarto ko," aniya na naglakad na papunta sa personal room niya na nasa loob ng opisina niya, na pinasadya talaga niya para sa mga ganitong sitwasyon. "Yes, ma'am Ruby." Nagpatuloy na siya sa personal room niya at dumiretso sa banyo para maligo. Hindi na siya masyadong nagbabad sa tubig dahil may meeting pa siyang pupuntahan. Inabot niya ang roba at agad iyong sinuot at lumabas na sa banyo. Natigilan si Ruby nang mabungaran sa loob ng kwarto si Alvaro na awtomatikong nginitian siya pagkakita sa kanya. Gustong matunaw ni Ruby dahil sa kagwapuhang taglay nito lalo na kapag ngumingiti ito, no wonder kung bakit maraming babae ang patay na patay sa binata. "Anong ginagawa mo rito?" Sinadya niyang maging malamig ang boses para na rin pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman dahil sa ginawa niya kagabi. "Now you're cold to me, Ruby. Samantalang kagabi, you're willing to give your self to me—" "Stop! Hindi ko iyon ginusto. Nagawa ko lang iyon dahil sa espirito ng alak." "And?" "Anong and?" kunot-noong tanong niya. Humakbang si Alvaro palapit sa kanya kaya napa-atras siya pero pader na ang nasa likod niya. Huminto ito isang dangkal ang layo sa kanya. "You seduced me, Ruby. Kung hindi ko pinigilan ang sarili ko kagabi alam mo kung saan tayo hahantong." "Alvaro..." "Hmm, Ruby?" Titig na titig ang magandang kulay ng mga mata nito sa kanya. His deep blue eyes become darker. Parang may kung anong magnet ang humahatak sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Marahan siyang napapikit nang unti-onting bumababa ang mukha nito sa kanya para halikan siya. Handa na sana niyang tanggapin ang mga labi nito nang magsalita ito. "Not yet, Ruby." Nahihiyang iminulat niya ang mga mata at galit itong tinulak palayo pero hinuli nito ang kamay niya at hinalikan. "Just say the magic word, Ruby. Kapag pumayag ka sa inaalok kong kasal sa'yo, hindi lang labi ko ang matitikman mo kundi pati ang—" "Stop!" Inis na inagaw niya ang kamay mula rito. "Who you think you are para gustohin kong mahalikan mo at maikama mo, Alvaro? Hindi pa ako nababaliw!" Nakakalokong ngumiti ito. "Say that to the marines, Ruby. Kung hinalikan kita ngayon alam mo kung saan tayo hahantong." "Bakit ka ba nandito?" pagliliko niya sa usapan. "Checking on you." "Ngayong nakita mo na okay ako, you can leave now, kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard palabas ng building na 'to." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Magagawa mo 'yan sa mapapangasawa mo?" "Correction, hindi ikaw ang mapapangasawa ko. You are Alvaro Fortalejo not Aldrich." "Pero lahat ng nandito alam na ako si Aldrich. Pero kung gusto mo ipagsigawan go ahead, no one will stop you. Sa ganu'n malaman na nila na hindi matutuloy ang kasal dahil hindi ka man lang maalala ng sinasabi mong mapapangasawa mo," paghahamon nito sa kanya. Napipi si Ruby sa kinatatayuan niya at hindi na nakasagot pa. Wala siyang mailalaban sa sinabi nito. Doon bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Ma'am Ruby ito na ho ang damit—opps! Sorry. I didn't know," si Mona. "It's okay, Mona. Paalis na rin naman na si Aldrich. Right, Hon?" Tumango-tango si Alvaro. "See you later, Hon." Mabilis na hinalikan siya nito sa noo bago lumabas ng kwarto niya. Nang tingnan niya si Mona, may nakita siyang kapilyahan sa mga labi nito. "Bakit ganyan ka maka tingin?" "Mukhang napapadalas ang pagbisita sa'yo ni Sir Aldrich, ma'am. Hindi na ho ata makapaghintay na maikasal sa inyo." Noon kasi dalawang beses lang sa isang buwan kung magpunta si Aldrich dito sa opisina niya. Kung minsan nga hindi ito dumadalaw, panay tawag lang o di kaya ay text. Minsan magpapakita lang ito sa kanya kapag meron siyang nagawa na hindi nito ngustohan. "Sige na, Mona, magbibihis na 'ko baka mahuli pa ako sa meeting ko," pagtataboy na niya rito para hindi na humaba pa ang usapan. "ANONG SABI mo, Alvaro? Si Ruby Adelle ang gusto mong pakasalan? Are you out of your mind?!" sikmat kay Alvaro ng ama niya nang kausapin niya ang nga magulang niya para sabihin ang tungkol doon. "The last time I check I'm not, nasa maayos pa ang pag-iisip ko, Dad," Alvaro said sarcastically. "Alvaro, hijo, sa dinami-rami ng babae bakit si Ruby pa? Bakit ang nobya pa ng kapatid mo?" Bakit nga ba? Iyan din ang malakaing katanungan sa kanya na gusto niyang mahanapan ng sagot. Bukod sa madali niyang magagawang makipaghiwalay dito ay alam niyang meron pang ibang dahilan kung bakit si Ruby ang gusto niyang pakasalan. "Bakit hindi? Nasaan ba si Aldrich ngayon? He's not in his right mind. Ni hindi nga niya maalala kung sino si Ruby sa buhay niya," aniya. Merong amnesia ang kakambal niyang si Aldrich dahil sa car accident na nangyari sa ibang bansa at ang tanging naaalala nito ay ten years ago pa. "Pero hindi sapat na dahilan 'yan para gustohin mong pakasalan si Ruby, hijo." "Bakit? Hindi ba ayaw ninyo rin naman maikasal si Aldrich kay Ruby dahil sa ina niya?" Natigilan ang mga magulang niya sa kanyang sinabi. Marahil hindi inaasahan ng mga ito na alam niya ang tungkol sa matagal ng tinatago ng mga ito. Na dating karelasyon ng kanyang ama ang ina ni Ruby. "Hindi naman siguro kami magkadugo ni Ruby diba, Dad?" "Alvaro!" saway ng kanyang ina. "You—" dinuro siya ng kanyang ama habang namumula ang mukha nito sa galit. "Payagan niyo akong maikasal kay Ruby, walang makakalabas tungkol sa usaping 'yan." "Pinagbabantaan mo ba ako, Alvaro?" ang kanyang ama. "I'm not." Nagtagisan sila ng tingin ng kanyang ama hanggang sa huli ay ito ang unang nagsalita. "Fine. I let you marry that woman, but I have conditions." Inaasahan na niya iyon. "Ano 'yon? Tell me." "Papayagan kitang maikasal kay Ruby bilang sa pangalan ng kapatid mo, pero bilang si Aldrich ikaw din ang hahalili sa kanya sa naiwan niyang trabaho sa kumpaniya." "Alfonso..." ang kanyang ina. Natigilan si Alvaro. Hindi niya inaasaan na ganitong kundisyon ang ibibigay sa kanya ng kanyang ama. "Huwag mong sabihin sa akin na wala kang alam sa pagpapatakbo ng negosyo dahil alam kong may alam ka," sabi pa ng kanyang ama nang hindi siya makasagot. "Kung ayaw mong gawin ang gusto ko, wala na tayong dapat pag-usapan pa." Akmang tatayo na ito ay mabilis siyang sumagot. "Pumapayag ako." Pagak na natawa ang kanyang ama. "You'll do everything just to marry that woman?" "I don't need to explain why." Tumayo na siya. "Sa susunod na araw, dadalhin ko si Ruby dito para mapag-usapan ng maayos ang tungkol sa kasal and I want you to treat her nicely." Iyon lang at umalis na siyang walang paalam. "BAKIT ka na namaj nandito? Wala ka bang ibang pagkakaabalahan kaya ako ang inaabala mo?" inis na tanong ni Ruby kay Alvaro nang bigla na lang itong pumasok sa opisina niya. "Hindi ka ba masaya na pinagdalhan kita ng miryenda?" kunway tanong nito. Napatingin siya sa iba't ibang pagkain na nasa lamesa. Merong Jollibee, McDonalds at iba pa. "Hindi kita sinabihan na gawin mo 'yan." "Exactly! Dahil gusto kong pagsaluhan natin 'yan bilang celebration." Nangunot ang noo niya. "Celebration for what?" "My parents agreed for me to marry you," anito. "What? Sinabi mo sa kanila 'yon?" "Bakit hindi? I told you, Ruby. I want to marry you and I'm serious about it." Nahilamos niya ang mukha. Ano na lang ang sasabihin ng mga ito sa kanya? "Isa pa, gusto mong makita si Aldrich diba? Dadalhin kita sa kanya para malaman mo na totoo ang sinasabi ko sa'yo." Napaupo siya ng tuwid. "Dadalhin mo 'ko sa kanya? Kailan?" Dumukwang ito palapit sa kanya. "Bago ko sagutin ang tanong mo, gusto kong sagutin mo muna ang tanong ko." "A-ano 'yun?" "Papayag ka na maikasal sa'kin once na mapatotoo ko ang sinasabi ko na hindi ka man lang maalala ng kapatid ko?" "Dipende." "Oo o hindi lang, Ruby." "Hindi madaling sagutin ang tanong mo, Alvaro." "Oo o hindi, Ruby?" ulit nito. "Walang mahirap 'dun." "Kapag hindi ang sagot ko?" "Dadalhin pa rin kita kay Aldrich, pero itatama ko ang kasinungalingan na sinabi ko sa ama mo at sasabihin ko sa kanya ang totoo tungkol sa sitwasyon ngayon ng kapatid ko." "Damn you!" "What is your answer, Ruby? Are you going to marry me or not?" Nakuyom niya ang kamao. Alam nito ang mangyayari kapag nalaman na ng ama niya ang tungkol sa nangyari kay Aldrich. Ipatitigil na nito ang kasal nila at tiyak hahanapan siya nito ng bagong mapapangasawa ay iyon ang ayaw niyang mangyari. Mariin siyang pumikit at lapag sa loob na sinagot ang tanong nito. "My answer is yes. I'll marry you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD