Ayaw ko syang sundin at nagmatigas ako. Ano bang pakay niya at kakain pa kami ng sabay? Iniisip ba niyang lalasunin ko sya at para makasiguro sya, sabay naming kainin ang pagkaing niluto ko. “Sa taas na ako kakain tsaka sa bisita mo yan. Dalawa lang ang niluto ko gaya ng bilin mo.” paalala ko sa lalaki. “Sayo nga yang isa. Kumain ka dito sa tabi ko. Di yung puro noodles at itlog ang kinakain mo kaya ka namamayat. Napaka alagain mo tapos akong pagagalitan nila at di daw kita inaalagaan. Laki laki mo na aalagaan ka pa.” “Ako pa nga ang alagain. Hindi ako kakain dito. Magkakautang na loob pa ako sayo at walang lason yan kaya safe ka pa rin naman,” pagmamatigas ko. Tatalikod na sana ako at aalis. “Isay!” Galit na tawag nito sa akin. “Upo na.” Umupo na ako sa tabi ng lalaki pagkarinig ng