ISAY Sabi ni Mikee lalo daw sumasarap ang luto ko. Nainspire tuloy akong lalong galingan tapos yung mga pabaon ko kay Marco, kinukuha naman nito. Inuuwi nya ang lalagyan na wala nang laman. Di ko rin sure kung kinakain nya ba o pinamimigay lang. Baka naman sa pusa nya lang pinapakain o sa aso. Pero wala akong magagawa kundi lutuan sya dahil nagdedemand sya ng pagkain. Baka gusto lang talaga akong pahirapan. Bahala syang di matikman ang masarap kong luto. Pero sayang kung di nya kakainin ang mga iyon. “Anong gagawin mo sa weekend? Labas tayo,” anyaya sa akin ni Mikee nang dumalaw ito sa bahay “Wala naman. Saan tayo pupunta?” tanong ko sa lalaking gusto akong makasama ng matagal. Gusto ko rin naman syang makasama at para makalabas din ng bahay. “Ikaw? Saan ang gusto mo?” “I’m planning