“I need to go. Gagabihin na ako at baka wala na akong masakyan pauwi. Mukhang busy na rin si Mrs. Castillo,” paalam ng babae at natapos ang malalim kong pag-iisip habang umiinom ng alak. Set up nga pala namin na di magsasabay sa kotse pero I still want her here sa party. I want her beside me. Di ko na sya pinigilan pa. Umalis sya para magpaalam na sa magasawang kausap kanina. Nagdirediretso palabas at di na ako nilingon pa. Nagstay na lang ako sa party at nakipag-inuman pa pero after thirty minutes umalis na rin ako sa party at para umuwi na. Wala namang traffic at agad akong nakauwi sa bahay. Patay ang mga ilaw. Nakalock ang gate at front door pagdating ko. Di man lang nagsindi ng ilaw. Sinasadya nya talagang datnan kong madilim ang buong bahay. Nahiga na ako matapos kong makapagbihis