Agad din namang naluto ang ulam. Nagpahain na si mommy sa maid tapos kumain na kami ng sabay-sabay. Wala akong nakitang kung anong inilagay niya sa ulam kaya safe kami at mabubuhay pa ng matagal. Sa living room kami nagdiretso pagkakain ng lunch. Pinahain ni mommy ang dala kong cake. Si Marco na katabi ko ay sobrang dikit sa akin. Nakaakbay sa akin at halos nakahilig na ako sa kanya. “Dalasan nyo ang pagdalaw dito. Nakaka-bored kasi busy ang daddy ninyo at busy rin si Mikee. Ako lang ang di busy at laging nandito sa bahay.” “Yes mom. Dadalasan namin. Miss ka rin ni Isay eh. Alam kong nalulungkot rin syang mag-isa sa bahay.” Pansin ko ang pagsulyap ni Mikee na may pagtataka at pagdududa ang mga tingin niya sa amin ni Marco. Di ba sya naniniwalang sweet na kmi. Malamang hindi dahil kila