“Baliw ka rin pala. Limang buwan pa? Sukang-suka na ako tuwing nakikita kita at di na ako makatiis pa ng limang buwan.” “Maghati tayo. Tig 2.5 million kapag napaniwala natin si daddy.” ayokong linlangin si daddy pero wala na akong magagawa pa. Ito na lang ang naiisip kong gawin. Ang ipagtapat kay Marco ang plano ng ama niya dahil kailangang kailangan ko ang pera na iyon. “Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo. Never akong sasangayon sa gusto mo. Bahala ka. I will still make your life miserable. Wala kang makukuha kahit isang kusing tandaan mo. Ang kapal ng mukha mo. Babaeng mukhang pera.” “Para kay Emerald ito. Yung anak-anakan ko kasi sa bahay ampunan, kailangan niya ng operasyon sa puso.” paliwanang ko sa lalaki para naman maintindihan niya ako kahit papaano. “Bahala ka dyan. Gawan mo n