JONA POV Habang nakatitig ako sa mga mata niya, naisip ko ang sinabi sa akin ni Ninong na ayaw nito para sa kanya. Na bawal kaming dalawa maging magsyota. Pero gusto ko si Xander, ang sweet niya at nasa kanya na lahat ng qualifications ng ideal boyfriend ko. Tagaktak kaagad ang pawis ko. Ano bang mahalaga sa akin ngayon? Ang pag aaral ko o ang relasyon naming dalawa ni Xander? "Oh bakit para yatang ang lalim ng iniisp mo? Akala ko ba may pag asa ako sayo, Jona? Sabi mo sa akin nitong nakaraan, sasagutin mo ako pagkatapos ng sembreak. Tapos ngayon, parang naging malabo pang maging tayo? Sigurado ako na dahil ito sa sinabi ng Ninong mo noong nakaraang araw no?" "Eh kasi-" "Sus!" pagpuputol niya sa akin, "Wag ka nang magpaliwanag! Hindi ko naiintindihan kung bakit ka natatakot sa kanya?