JONA POV Dahan dahan akong lumingin. s**t! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko! Kumunot ang noo kong bigla. "Aha? Akala ko ba nangungupahan ka sa gil puyat? Tapos ngayon, magugulat na lang ako at nandito ka sa mamahaling condo unit? And guess what? Tinapon mo pa ang bulaklak na binigay ko sayo kanina, pupulutin ko sana kaya lang ang baho na!" "Xander? Anong ginagawa mo rito?" tanong na sagot ko sa kanya, nakakataranta na hindi ko man lang naisip na susundan niya ako rito sa apartment ni Ninong. Bukod doon, nakita niya rin na itinapon ko rin ang bulaklak. Mas lalong naging seryoso ang mukha niya habang yumayapak siya papalapit sa akin. Napasandal pa ako sa pintuan. "Umalis ka na rito, Xander, ano ba! Invasion of privacy ang ginagawa mo!" "Spell invasion?" tanong niya. "Eh basta!