JONA POV Sakto naman at nag ring ang cellphone ko sa lamesa. Pag check ko, nakatanggap ako ng chat galing kay papa, kay Xander, at kay Ninong Jay. Siyempre, inuna ko muna ang chat galing kay Xander dahil kagabi ko pa hinihintay ang reply niya. "10 am sharp, nasa tapat ako ng school. Bibigyan lang kita ng 10 minutes para hintayin, kapag hindi ka sumipot, ibo blocked na kita. Alam mo na naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin, di ba?" Nag angry react ako sa message niya sa akin. Hindi ko pa nasisimulan ang araw pero ang init init na kaagad ng ulo ko sa kanya. Naiinis ako sa sinabi niyang ito. "Hoy Xander? Anong karapatan mong mag bigay sa akin ng deadline? Ako pa si darna para makalipad at makarating jan in less than 10 minutes?" Nag seen lamang ito at hindi na nagreply pa. Lalo