JONA POV Tinikman ko rin ang niluto kong pakbet at na confirm ko nga na ang pangit talaga ng lasa nito. Hindi ko gusto dahil sobrang alat dulot ng maraming nilagay ko na alamang. Kasi naman gusto ko ng maalat alat pero ang tanga tanga ko lamang kasi obviously, naparami ang lagay ko ngayon. Bumalik si Ninong at uminom ito ng maraming tubig kaagad. "Sorry po, gusto niyo bang magtimpla po ako ng juice?" tanong ko sa kanya, "Para lang mawala po ang lasa ng alamang." "No need!" sambit niya, "Just get my wine and do not serve me anymore of this dish. Ikuha mo ako ng ibang makakain sa ref. I am sorry, maalat kasi ang pinakbet na niluto mo and sobrang allergic ako sa maalat." Mabilis naman akong kumuna ng wine at cake sa ref. Nilapag ko ito sa mesa at napa upo ako ulit. Sa mukha ni Ninong,