ARYNN DELA ROSA Nakatingin lang sa kawalan habang si Sassy ay nagsasagot ng modules. Dalawang araw na ang nakakaraan at wala pa rin akong balita kay Youji. Nag-text lang ito upang humingi ng tawad sa akin sa kanyang nagawa. Hindi ko na iyon sinagot at simula noon ay hindi na siya ulit nagparamdam. "Arynn, focus. Malapit na ang finals, tandaan mo ito na ang huling exam natin para maka-graduate.” “Oo na, Sassy.” Inalis nito ang tingin sa libro. “Hindi ba at sinabi ko na hindi na dapat kayo maglapit pa ni Miguel.” “Hindi ko na siya kinakausap.” Tumaas ang isang kilay nito. “Eh, bakit palapit siya sa puwesto natin?” Lumingon ako upang sundan ang gawi na kanyang tinitingnan. Nagtagpo ang aming mga mata at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Ang mga babae sa loob ng library ay hindi mapig