CHAPTER 2 - SINFULLY GORGEOUS

1481 Words
ARYNN Nakita ko kaagad si Youji sa loob ng library. Inayos ko ang aking buhok at uniform para siguraduhin na presentable ang itsura ko. Sinikop ko lahat ng aking gamit at inilapag iyon sa ibabaw ng table kung saan naroon siya. Umangat ang ulo nito at sumilay ang nakakapang-akit na ngiti sa kanyang labi. "You're Arynn, right?" "Y-You remembered." "Of course." Nagbaba na ito ng tingin sa librong binabasa. Binasa ko ang aking ibabang labi. "Madalas ka ba dito?" Nangingiting napailing ito at sumandal sa kinauupuan. "Minsan, kapag gusto ko ng tahimik na lugar." "I-I'm sorry. Naiistorbo yata kita." Umayos ito ng upo at isinandal ang likod sa kanyang upuan. Finally, I have his full attention. That is what I like. "Bakit ka tumakas sa orientation kahapon, Arynn?" "Nakakaantok kasing magsalita 'yong panot nating president," nakangiti kong saad. "Lahat na lang ng orientation speech niya ay ganoon. It's my last year in college at pang-ilang beses mo na iyon naririnig. Dapat nire-record na lang niya iyon para pwedeng i-fast-forward." "He's my father." "H-Huh?" "The university president is my father." Parang nalunok ko yata ang dila ko sa sobrang pagkapahiya. Alanganin akong ngumiti. "Uh... Uhm…" Ano ba ang pwede kong idahilan? s**t! Sassy, help me! "Wait lang, Youji. Medyo sumama kasi 'yong pakiramdam ko, pupunta lang ako sa clinic sandali." He chuckled. "Take your time." Pinuntahan ko kaagad si Sassy at sa kanya ko nilabas ang lahat ng kahihiyang nadarama. Kung pwede lang sana akong kainin ng lupa n'ung oras na iyon. "Ano'ng mukha pa ba ang maihaharap ko kay Youji?" "Napakadaldalita mo kasi. Ayaw mong maghinay-hinay, 'yan tuloy ang napala mo." "Kailangan kong makalimutan ang araw na ito. Let's go to Uphill after class." "Okay. Your treat." "No problem." I opened the car door after my driver parked the car. We got inside Uphill and loud noise welcomed us. "Wow. Full house." Nagsimula kaming sumayaw ni Sassy sa gitna at nakarami na rin ng inom. Hindi ko na namamalayan kung sino ang aking mga kasayaw at kung nasaan ang kaibigan ko. I can't remember how I got inside someone's car and making out with a man. "Youji..." I moaned. "My name's Damian, darling." I held his jaw. "I can call you whatever I want, got it?" He smiled and kissed my neck. "Is he your lover who can't satisfy you?" Naging seryoso ang aking ekspresyon. How dare he? "You're boring and a bad kisser." Nagmamadali akong lumabas sa sasakyan niya at kinuha ang phone sa loob ng aking bag. I called Sassy's phone para yayain na itong umuwi. "H-Hello?" She said after picking up the phone. "Sassy, let's go home." Hindi ako lasing dahil puro light drinks naman ang ininom ko. "I... I c-can't… I'm busy." I heard her moaned. "Mauna ka na." "Okay. Enjoy," sarkastiko kong sabi. Binuksan ng aking driver ang pinto para makapasok ako. Walang traffic sa daan kaya nakauwi rin kami agad. Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sa akin si Maricris. "Bakit ngayon ka lang nakauwi? Ano'ng oras na?" "Ano ba ang pakialam mo? You're not my mother," malamig kong saad bago ko ito lagpasan. Hinawakan niya ang aking braso para mapigilan ako sa pag-akyat ng hagdan. "I'm not done talking to you, young lady. And don't disrespect me or I'll—" Binawi ko ang aking braso mula sa pagkakahawak nito. "What? You're going to tell Papa? Wala ka namang ibang alam gawin kundi magsumbong, 'di ba?" Hindi ito nakaimik sa sinabi ko. Malamang ay pinipigilan rin nito ang inis sa akin. "Hon, your daughter is a pain in the ass. And the most horrible person I've ever met. Blah, blah, blah," nang-iinis kong sabi habang ginagaya ang way ng pagsasalita nito. Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. Okay, I win! Buti na lang ay may magandang nangyari sa araw na ito. "Arynn, kailan mo ba ako tatratuhin ng tama? I did everything I can." She said sadly. "Leave this house. Leave us." Nagbuntonghininga ito. "Arynn, I really love your father. Hindi ko siya pinakasalan para lang sa pera. I'm not a gold digger." Nilapit ko ang aking mukha sa kanya. "You're a good actress, do you know that? But you can't fool me." Pagkabitaw ko sa mga salita na iyon ay tinalikuran ko na ito at pumasok sa kuwarto. Ibinagsak ko ang aking sarili sa ibabaw ng malambot na kama. When I closed my eyes, I saw Youji smiling at me. Nagbuntonghininga ako at ngumiti. I've never felt this way to any man before. Kimabukasan ay maaga akong nagising at nagbihis. Excited na ako na pumasok dahil alam kong magkikita kami ni Youji. "Papa, aalis na ko. Dadalhin ko 'yong Montero." Tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa sabitan ng susi. "Kumain ka muna, Arynn. And we need to talk," saad ni Papa habang nakaupo sa harap ng hapag kainan at pinagsisilbihan ni Maricris. "Okay," I said after I rolled my eyes. Umupo ako sa upuan na nasa gilid niya. "Nasabi sa akin ng Mama mo—" "She isn't my mother. My mother is dead few years ago." I sighed. "Kung ito lang ang pag-uusapan natin, dapat siguro ay umalis na ko." Pagkasabi ko no’n ay tumayo na ako at nagmamadaling maglakad. "Wait, Arynn! Come back here. Don't be such a spoiled brat!" Ni lingon ay hindi ko ginawa nang tawagin ni Papa ang aking pangalan. Pagka-park ko ng Montero ay dali-dali akong pumunta sa meeting place namin ni Sassy. Naabutan ko itong nakangiti habang tumitipa sa kanyang phone. Napakislot ito nang malakas kong ibagsak ang aking bag sa kanyang harapan. Kumunot ang noo nito habang pinapanuod akong umaayos ng upo. "Bakit bad mood ka? Si Maricris na naman ba?" "May iba pa bang dahilan? I really hate that b*tch. Anyway, how's your partner last night?" "Uhm, his name is Tyron from England. He's so good and I got his cellphone number. Magkikita ulit kami pagkatapos ng klase ko." "You already know the limits, Sass." Pagkasabi ko ay sinuklay ko ang aking buhok at pinusod iyon. It's summer and I couldn't take the heat anymore. It's burning me. Kahit nasa lilim kami ng malaking puno ay ramdam ko pa rin na tirik ang araw. Habang nag papaypay ay nagmasid ako sa paligid. Hanggang sa may nakakuha ng aking atensyon. It was Youji. I had the strongest urge to run my fingers over every inch of ink just to see if his muscles felt as hard as it looked. He stood straight and paused. I sucked in a breath. Could he actually feel me staring? His slow turn made it seem like he could. I tried to be cool, but my breath was stuck in my throat, and it felt like I was about to choke. Hot did not cover this guy's looks. He was sinfully gorgeous, with a tanned complexion, beautiful hazel brown eyes, and a jawline that would be the envy of any billboard underwear model. I was so busy cataloging every inch of the washboard abs outlined by the ribbed fabric of his shirt that I failed to realize he'd started smirking at her. I felt my cheeks burned. Mas lalong lumakas ang t***k ng aking puso nang magsimula itong lumapit sa akin. He stopped when he is in front of me. "Hey." "Y-Youji…” I cleared my throat. “Hi." "You forgot this yesterday." Pinasok nito ang kamay sa bulsa na kanyang pantalon at nilabas ang puting panyo. "T-Thanks." Inabot ko iyon habang kagat ang ibabang labi. Hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako sa mga nasabi ko kahapon. "Pwede ba nating kalimutan lahat ng sinabi ko tungkol sa Daddy mo kahapon?" Umupo sa aking tabi at nilagay ang braso sa ibabaw ng mesa habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Bakit naman?" Hindi ako nakaimik. "Don't worry about it. We share the same thought about his speech," he chuckled. "Seriously?!" "I told him that half of the student population already memorized it. Pero pinanindigan niyang hindi magbago ng speech." "And I also mentioned his baldness. Really, I didn't mean to—" "He's proud to show it to everyone. He shines it every morning. Binili siya ni Mommy ng wig dati pero hindi naman niya sinusuot. He said that it is his personal crown." "Thank you for... understanding." "Yeah." Ilang segundo na walang salita sa amin at nanatili lang na nakatitig sa isa't-isa. "Youji!" Napakislot siya at nilingon ang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. "What are you doing there? Male-late ka na sa klase natin." Tumango siya at tumayo. "Let's see each other again, Arynn." Pagkaalis ni Youji ay napabuntong-hininga ako habang pinapanuod itong maglakad papalayo. Nagulat na lamang ako nang may tumikhim sa aking likuran. "Nakalimutan niyo atang kasama niyo ko sa table. Muntik na akong masuka," biro nito. "He is so... gentle." Tumango ito. "Yup. Definitely out of your league.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD