Chapter 17

2203 Words
Dalawang buwan buhat ng umalis ng bansa ang pamilya ni Maam Antonia at ang asawa nito na si Sir Rodrigo kasama si Sir Lucas, ay ngayon naman ang nandito sa bansa ay si Sir Diesel. Ang bali, pinakapanganay na nilang anak. Nagulat pa siya ng makita ito ng personal, dahil masasabi niyang napakagwapo din nito. Katulad din ni Sir Lucas. Sa video call lang naman kasi niya ito nakita noong ipinakilala siya ni Maam Antonia na makakasama ni Manang Fe. Pero katulad din ni Sir Lucas, wala din siyang maramdaman na kilig kay Sir Diesel. Tamang masaya lang kasi ang gwapo ng mga boss niya. Kahit ang mga magulang ng mga ito, Kahit may edad na, Maganda si Maam Antonia at gwapo din si Sir Rodrigo. Pero may napapansin siyang kakaiba na hindii naman niya mapangalanan kung anong meron sa titig ni Sir Diesel kay Gia. Dahil ibang iba talaga ito kung titingnan, ayaw naman niyang lagyan ng kulay at mahirap na. Lalo na at binabaliwala lang naman ni Gia ang mga titig dito ni Sir Diesel. Sa ilang araw na na nakasama nila si Sir Diesel ay hindi niya maitatanggi ang nakikita nitong pagtitig kay Gia. Hindi naman mahahalata kay Gia na mayroon na itong anak. Swerte pa rin si Sir Diesel kung magiging sila ni Gia. Maganda si Gia, at mapapagkamalan mo talagang dalaga. Lalo na at mas bata pa ito sa kanya. Magkasing edad lang ito at si Anna. Kung hindi lang sana umalis si Anna. Magkakasama silang tatlo. Nang araw na iyon ay ipinilit naman ni Sir Diesel na ihatid si Gael sa pagpasok sa eskwelahan. Wala namang nagawa si Gia, ng magpumilit ito. Nasa kusina sila ni Manang ng biglang pumasok si Gia, na parang pagod na pagod at hingal na hingal. Inabutan muna niya ito ng tubig, para mahimasmasan kung ano man ang nangyari. "Anong nangyari Gia? Nasaan si Sir Diesel?" Nag-aalalang tanong ni Manang Fe. Dahil ang dalawa ang magkasama ng ihatid si Gael. Bumaling muna si Gia sa kanila ni Manang Fe, ng nakangiti, pero nagngingitngit ang mga mata. Pakiramdam ni Liza ay may kakaiba kay Gia. "Nasa labas pa Manang, wait lang po at babalikan ko." Wika ni Gia sa kanilang dalawa ni Manang Fe. Napatingin naman si Liza kay Manang Fe ng, makalabas ni Gia. "Manang sundan natin, iba ang kutob ko kay Gia, parang mananapak." Nakangiwing wika ni Liza, at hindi na hinayaang magsalita si Manang Fe at hinila na niya ito palabas ng kusina. Naabutan nila si Gia at Sir Diesel na magkaharap. Magsasalita sana si Sir Diesel, base sa pag bukas ng mga labi nito, ng tumama ang kamao ni Gia sa panga nito, kaya naman sumalampak si Sir Diesel sa lupa. Tatayo na sana si Sir Diesel ng sa kabilang panga naman nito tumama ang kamao ni Gia. Napangiwi naman si Liza sa ginawa ni Gia sa boss nila. Habang napasigaw naman si Manang Fe sa gulat. Hindi nila alam ni Manang Fe ang nangyari. Pero ng makaalis si Gia, tinulungan nilang makatayo si Sir Diesel. Ang weird lang dahil sa dalawang suntok na natanggap ni Sir Diesel mula kay Gia, ay masayang-masaya pa ito. Dinala nila si Sir Diesel sa my library. Hindi nila akalaing malakas palang sumuntok si Gia. Dahil sa maputing balat ni si Sir Diesel, pansin agad ang pasa nito sa panga. "Liza kumuha ka ng cold compress, ng mailagay natin sa pasa ni Sir Diesel." Utos sa kanya ni Manang Fe na agad naman niyang sinunod. Nang makabalik siya sa library ay mabilis naman niyang iniabot kay Manang Fe ang cold compress, at kinuha naman iyon ni Sir Diesel. "Okey lang ako Manang, wag kang mag-alala. Promise po 100%. Na ok na ok po ako." Wika ni Diesel. "Eh, paano si Gia? Ano bang naging problema at bigla ka na lang sinuntok sa panga, at dalawang beses pa. Naaawa ako kay Gia, paaalisin mo ba ang mag-ina?" Nag-aalalang wika ni Manang Fe habang nakikinig lang si Liza. "Hindi Manang ah, ngayon pa na nalaman kong anak ko si Gael. No. Kung pwede ko lang ikulong dito ang ina, para makasama ako ang anak ko. Gagawin ko Manang. I'm happy to know, that Gael is my son." Nakangiting wika ni Diesel na ikinasinghap naman ni Liza at Manang Fe. "Bakit po gulat na gulat kayo?" Nakangising tanong naman ni Diesel. "Epekto ba yan Sir ng sapak ni Gia?" Sabat naman si Liza. "Bakit po hindi kayo naniniwala, nakakapagtampo. O nga po, kanina ko lang po nalaman. Na anak ko po si Gael, mismong sa bibig po ni Gia nanggaling." Masayang wika pa ni Diesel, na ikinatawa na lang nilang dalawa ni Manang Fe. "Ay anong plano mo sa mag-ina kong ganoon? Kaya pala ang gaan ng kalooban ng mag-asawa, pati ni Sir Lucas sa mag-ina. Dahil anak mo pala Sir si Gael." Wika ni Manang Fe. "Sir, anong plano mo kay Gia Babe. Ngayon pa lang kung magugustuhan o nagugustuhan mo po si Gia Babe. Masasabi ko pong napakaswerte mo sa kanya. Kakaibang babae si Gia. Para sa isang single mother na nag-iisa talaga at walang kaagapay. Napakatapang ni Gia Babe para harapin ang bawat pagsubok sa buhay. Pero promise hindi ako tsismosa, dahil sayo ko naman Sir itatanong. Kaya po hindi tsismis iyon. May balak ka po bang mabuo ang pamilya ninyo?" Lakas loob na tanong ni Liza, na tila napansin nila ang malalim na pag-iisip ni Diesel "Sa totoo, buhat ng mangyari ang gabing iyon, hindi na nawala sa sistema ko ang babaeng nakasama ko sa club. Hindi ko s'ya nakilala, pero nakuha niya ang atensyon ko. Kaya hindi siya mawala sa isipan ko. Ngayong nakita ko na siya at kasama ko dito sa bahay, at nalaman kong may anak na pala ako. Sa tingin mo, anong gagawin ko?" Balik tanong ni Diesel, na ikinatuwa ni Manang Fe at ikinapalakpak ni Liza. "Hala Sir, support kita dyan. Good luck po. Ang swerte na po ninyo kay Gia, kahit po ganito lang po kami na katulong ay deserve din naman po siguro namin na maging masaya. Masaya din po ako kay Gael, dahil kayo po ang ama niya." Natutuwanag wika ni Liza, na ikinangiti na lang ni Diesel. Lumabas na sila ni Manang Fe ng library ng pumasok si Gia doon. Need na magkausap ang dalawa, kahit para lang muna kay Gael. Dahil alam nilang hindi pa handa si Gia sa biglaang rebelasyong, kanilang nalaman. Ilang araw ang lumipas, at bumalik mula, America si Sir Lucas. Nalaman din nilang nagpakita pala si Anna, atvsi Sir Diesel ang nakausap nito. Dahil sa perang ipinahiram daw ni Ms. Lyka pero iba ang sinabi nito sa mga boss niya. Na ninakaw ni Anna ang pero sana na para sa charity. Kaya naman nagalit ang mga ito kay Anna. Lalo silang naawa sa kalagayan ni Anna ng sabihin ni Sir Diesel na sobrang lungkot nito, noong nakausap nito si Anna. Nanghinayang din sila nina Manang Fe, dahil kung nakita at nakausap sana nila noon si Anna baka ngayon ay kasama pq rin nila ito, at maayos na sana lahat ng problema. Noon din nila nalaman na hindi kasama si Anna ng pamilya nito. Nalaman din nilang kinupkop ito ni Sir Andrew at inalagaan ng pinsan nito. Pero after ng pag-uusap ni Anna at Sir Diesel ay hindi na nila ito natunton pa. Hindi na nila alam kung nasaan si Anna. Nakakausap daw ng magulang ni Anna si Anna, dahil tumatawag ito, pero hindi daw madetect ang location ng tawag. Wala silang makuhang impormasyon. Naaawa din sila sa kanyang amo. Mabait si Sir Lucas at alam nilang mahal nito si Anna, kahit nagsimula sa hindi maganda ang love story ng mga ito. Nakakapanghinayang lang dahil hindi pa nagsisimula ay natapos na kaagad. Halos nasa dalawang taon na rin silang naghahanap kay Anna. Nasa dalawang taon na ring nanunuyo si Sir Diesel kay Gia. Kahit puro bangayan ang dalawa, minsan masasabi niyang napakaswerte ng dalawang babae na nakilala niya. Dahil may mga lalaking sobra-sobra kung magmahal, sa mga ito. 'Ako kaya? Dumating kaya, ang pagkakataon na makilala ko rin ang lalaking para sa akin? Makita ko pa kaya si Doraemon? Masilayan ko pa kaya si Damulag. Hay. Buhay, wala ka namang love life Liza.' Wika ni Liza sa sarili habang nasa pwesto niya, at naglalaba. "Problema mo Liza, at tulala ka dyan?" Tanong bigla ni Gia, na ikinaharap ni Liza sa kanya. "Oi Gia Babe, kanina ka pa?" Tanong pa ni Liza dito. "Hindi naman, nakita lang kitang nakatingin sa malayo. May problema ka?" Wika pa ni Gia. "Wala naman may naalala lang ako. Oi Gia Babe wala ka pa bang, balak sagutin si Sir Diesel. Tagal na ng panahong nanunuyo sayo. Sige ka pag iyon nakahanap ng iba." Pananakot pa ni Liza na ikinatawa lang ni Gia. "Pag naghanap ng iba. Ibig sabihin hindi ako ang gusto niyang makasama, habang buhay. Ganoon lang iyon. Hindi pa ako handa, natatakot pa ako Liza. Hindi ko pa rin nakikita muli ang pamilya ko." Malungkot na wika ni Gia. "Okey lang yan Gia Babe, magiging okey din ang lahat. Sa tingin ko naman ay, mahihintay ka ng Gasolina mo." Natatawa pang wika ni Liza na ikinatawa na lang din ni Gia. Kagagaling lang ni Sir Lucas, ng San Miguel para mangumusta sa pamilya ni Anna. Iniabot ni Liza ang isang backpack dito na ipinaayos ni Sir Diesel, dahil titingnan daw ni Sir Diesel ang site kung saan magpapatayo, ng isa bang branch ng Mall. Natuwa pa si Liza, dahil sa San Diego, ang lugar. Masaya siyang magkaroon ng De La Costa Mall sa lugar nila. Dahil pag napatayo ang Mall doon, pwede na niyang ipasyal ang pamilya niya pati ang pamilya ng kuya niya at mga pamangkin doon. Kahit naman papaano ay naging masaya si Liza sa plano ng kanyang boss. Dahil malayo ang pamilya hindi niya maipasyal sa mall ang mga ito. Mayroon namang mall sa San Diego maliit nga lang. Pero kung matatayo ang mall ng mga De La Costa sure na maganda. Wala pa man, pero sobrang excited na si Liza na mangyari iyon. Bago umalis ng magkasama si Sir Lucas at Sir Diesel, ay hindi nawala ang pagtatalo ni Gia Babe at ng Gasolina nito. Natatawa na lang sila ni Manang Fe sa mga ito. Iyong tipong, pag-amin na lang ang kulang, wala pang magsalita. Napatingin na lang si Liza sa nakaupong si Gia, na naiinis, pero ramdam niya ang concern nito kay Sir Diesel. 'Sana all na lang tayo self, sa mga namumukadkad ang love life.' Wika ni Liza sa sarili, na ikinangiti rin niya. Halos nasa ilang linggo na rin ang nakakalipas ng umalis si Sir Diesel at Sir Lucas. Ang alam nila ay tatlong araw lang ang mga ito ng San Diego, pero natagalan ang mga ito. Wala naman siyang balita kung ano ang dahilan, dahil hindi naman siya nagtatanong, dahil sa loob-loob niya, iyon na ang tsismis. Pero naririnig naman niyang tumatawag si Sir Diesel kay Gia, kaya alam niyang nasa maayos lang na kalagayan ang kanilang boss. Nasa may garden si Liza, Gia at Manang Fe ng mapansin nila ang pagdating ng kotse ni Sir Diesel. Nakatingin lang naman sila dahil si Sir Diesel at Sir Lucas lang naman ang inaasahan nila na dumating. Pero napatayo bigla si Liza, Gia at Manang Fe ng makitang si Anna ang nakitang bumaba ng sasakyan. Sobrang namiss nila si Anna, kaya ganoon na lang ang kanilang tuwa ng muling makita ito. Biglang tumakbo palapit si Liza ng makita si Anna, at napayakap pa siya dito ng mahigpit sa sobrang pagkamiss dito. Masaya silang lahat na nakita na ni Sir Lucas si Anna. Masaya ding okey na ang dalawa. Hindi man maganda ang mga nangyari, masaya silang, maayos na ang lahat. Nagulat pa sila ng may batang inilabas si Sir Lucas mula sa back seat ng kotse. Napakacute nito at maganda. Masasabi niyang kamukha ito ni Anna. Na ipinagtaka ni Liza. "Kaninong baby iyan Sir Lucas." Sabay-sabay nilang tanong ni Gia, pati si Manang Fe. "Baby po namin ni Anna." Nakangiting sagot ni Sir Lucas na ikinagulat nilang lahat. Nakakagulat man ay masaya silang okey na si Sir Lucas, may bonus pang napakagandang bata. Nakilala nila si Lucci, pero tahimik lang ito at ngumitingiti. Pero hindi na muna niya pinansin, dahil baka napapagod lang ang munting anghel sa byahe. Ilang sandali pa at may pumarada namang isang sports car sa tabi ng kotse ni Sir Diesel na dala ni Sir Lucas. Napatingin lang si Liza sa nakatigil na sasakyan. Nang lumabas ang driver nito kasabay ni Sir Diesel. Nakatayo ang driver ng sports car at nakatingin sa kanilang lahat, nang biglang maalala ni Liza ang itsura nito. 'Oh my gosh!' Pasighap na bulong ni Liza, habang nakatitig sa lalaking kasama ni Sir Diesel. Hindi niya malaman kung bakit ganoong kabilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya malaman kung dahil ba, nakita niyang muli si Damulag, o dahil may iba pang dahilan. Walang pinagbago ang epekto nito sa kanya. Ganoon pa ring kalakas ang dating nito, mula noon hanggang ngayon. Presensya pa lang ng lalaking ito, halos lumabas na ang puso niya, sa bilis ng pagtibok nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD