Halos ilang taon na rin mula ng mawala si Love sa piling ni Dimitri. Masakit man, pero pinipilit niyang makabangon, sa labis na kalungkutan na nadarama. Pinipilit niyang sanayin ang sarili na hindi na ito babalik pa, para makasama n'ya.
Pero hindi niya maintindihan ang sarili, kung bakit hanggang ngayon, gustong-gusto pa rin niya ang ginagawa niyang, pagmamasid at pagtambay sa terminal, kahit na hindi tulad noon na tuwing gabi, dahil ngayon, minsan na lang. Pero bumabalik at bumabalik pa rin siya, para gawin iyon.
Pag may, pagkakataon, palagi pa rin niyang ginagawa ang, pagpunta sa terminal, at nag-aabang sa wala. Gusto lang niyang magpalipas ng oras doon, habang nakatingin sa mga umaalis at dumarating na pasahero.
Tulad ngayong gabi, nandito na naman si Dimitri sa may terminal, sa palagi niyang pwesto, nakaharap sa dumadating at umaalis na mga bus. Pati sa mga pasahero na dumarating at naghihintay ng byahe, paalis.
Napatingin naman si Dimitri sa tindahan kung saan niya nakita ang dalagang si Ria. Noong nakaraan, sinubukan niyang pumunta ng maagap, alas sais pa lang ng hapon ng magtungo siya doon. Pero wala na ang dalagang si Ria doon.
Hindi niya gaanong maalala ang itsura nito, dahil saglit lang naman niyang natitigan ito. Pero ang hindi pa rin niya makalimutan ang init ng palad nito na humaplos sa kanyang puso, na katulad din ng kay Beth.
Hindi naman niya nagawang magtanong kung nasaan na si Ria, dahil nahihiya naman siya, at baka hindi na naman siya kilala ng mga ito, at baka pagtakhan pa siya.
Dahil ilang beses lang naman silang bumili sa tindahan na iyon noon ni Love. Tapos nito lang ulit, makalipas ang ilang taon. Kaya naman, hindi na lang siya nagsalita at nagtanong pa.
Habang malungkot na nakatingin sa tindahan, ay napangiti na lang din si Dimitri ng may pait na nararamdaman sa kanyang puso. Tapos ay tumingala naman siya sa madilim na kalangitan, na punong-puno ng mga bituin.
'Makita ko pa kaya maalin man sa inyong dalawa? Ha? Beth? Ria? Alam kong pagnakita kong muli kahit sino man sa inyong dalawa, alam kong matutuwa si Love. Lalo na ikaw Beth. Sana maibigay ko sayo ang kwintas na ipinagawa ng kapatid ko para sayo. Kung may asawa ka na. Wag kang mag-alala. Ibibigay ko lang naman sayo. Wala akong ibang intensyon. Makilala lang kita." Wika pa ni Dimitri sa sarili, habang nakatingin pa rin sa madilim na kalangitan ng, walang anu-ano ay parang may humila kay Dimitri para tingnan ang isang direksyon.
Halos, manlaki ang mata ni Dimitri ng makita niya ang isang babaeng itinulak ng isang lalaki. Kaya naman mula sa kinauupuan ay napatakbo si Dimitri, palapit sa babae.
Laking gulat ni Dimitri ng makitang nanghihina na ang babae. Binalot ng matinding kaba ang puso ni Dimitri. Hindi niya malaman ang gagawin. Kaya naman una niyang kinuha sa mga kamay nito ang dala nitong backpack. Bago ito binuhat.
Halos nataranta naman si Dimitri, dahil pakiramdam niya ay mawawalan na ito ng malay, lalo na at pakiramdam niyang, bumibigay na ang kamalayan nito. Hanggang sa bigla niyang makita ang dugo sa binti nito.
"Hold on Miss! Your bleeding! Sh*t! Dadalhin kita sa ospital. Tatagan mo ang loob mo. Please, kayanin mo." Wika ni Dimitri, sa babaeng buhat niya ngayon, na lalo niyang ikinataranta ng mawalan na talaga ito ng malay.
Mabilis namang pinasibad ni Dimitri ang sasakyan niya. Nang maisakay niya ng maayos ang walang malay na babae. Mabilis ang t***k ng kanyang puso, hanggang ngayon. Hindi niya alam kung anong klaseng takot ang nararamdaman niya ngayon.
Naalala niya si Love, sa sitwasyon ng babaeng kasama niya ngayon. Nakita din niya ang malaking hiwa ng patalim sa braso nito. Alam niyang kahit papano ay mapapagaling ang hiwa na iyon. Ang malaking inaalala niya ay ang dugong umaagos sa binti nito. Kaya alam niyang nagdadalangtao ito. Umusal pa siya ng panalangin sa Maykapal, na sana ay wag pabayaan ang mag-ina.
Pagdating ng ospital, ay mabilis namang inasikaso ng mga doktor ang babaeng dinala niya. Hindi niya alam kung bakit, pakiramdam niya ay ayaw niya itong iwan. Nasa labas lang siya, ng emergency room. Hindi na daw kasi kailanganng tahiin ang sugat ng babae sa braso kaya naman sa emergency room pa lang ay ginamot na ito.
Nilagyan ng steri-strips ang sugat nito sa braso para matigil ang pagdurugo. Naampat naman pagdugo nito at nilagyan ng gasa, para iwas na rin na rin na makapitan ng mikrobyo at sa impeksyon.
Sinabi din ng doktor na ligtas na ito sa kapahamakan, pati ang sanggol na nasa sinapupunan ng babae na ikinahinga niya ng maluwag. Mabuti daw at hindi gaanong masama ang pagbagsak nito. Dahil kung medyo napalakas ang pagbagsak nito, baka daw talagang mawala dito ang anak.
Inilipat na rin sa isang private room ang babae. Nasa labas lang ng kwartong pinagdalhan sa babae si Dimitri at kinausap ito ng doktor.
Kahit papano ay mas lalong, gumaan ang pakiramdam niya ng malaman, na wala namang magiging epekto sa bata ang pagbagsak ng babae, at ang pagdurugo nito. Kailangan lang nito ng maayos na pahinga, at uminom ng mga vitamins, at kumain ng maayos.
Ipinaalala din ng doktor na iwasan ang stress. Hindi niya alam ang dahilan, pero sabi ng doktor ay stress palagi ang babaeng dinala niya, na pwedeng makaapekto sa sanggol na nasa sinapupunan nito. Bigla siyang naawa sa babae kung ano man ang pinagdaraanan nito.
Ilang sandali pa at nagpaalam na rin ang doktor. Dahan-dahan namang pumasok si Dimitri sa loob ng kwarto at nakita na niyang gising na nag babae. Nginitian niya ito para iparating na wala itong dapat ipag-alala.
Pero hindi ganoon ang nangyari, dahil bigla nitong hinawakan ang sariling tiyan at halos magwala sa takot. Sabagay, sino ba namang hindi matatakot na mawalan ng anak.
"Kumusta ang anak ko? Anong nangyari sa baby ko? Tanong ng babae sa kanya, na bigla na lang umiyak.
Naawa siya sa babae, naalala na naman niya si Love. Kung sana ay maagap siyang nakarating, maaaring kasama pa niya ngayon ang kapatid, at malaki na rin ang pamangkin niya.
Nilapitan niya ito at naupo siya sa isang monoblock chair. Hinawakan din niya ang kamay nito, para kahit papano ay kumalma ito.
"Relax Miss, your baby is fine. Wag kang mag-alala. Walang masamang nangyari sa baby mo. Hmm." Malambing na wika ni Dimitri sa babae, na ikinahinga ng maluwag ni Dimitri, ng maramdaman niya ang paghinahon nito sa sinabi niya.
Nagpakilala siya dito, at nakilala niya ang babae na si Anastacia. Maganda ito, kung tutuusin. Pero hindi niya nararamdaman dito ang nararamdaman niya noon kay Beth man o kay Ria. Ang nararamdaman niya dito ay parang si Love lang o si Gia.
Naalala na naman ni Dimitri ang kapatid, pati na ang kaibigan nitong si Gia. 'Nasaan ka na kaya Gia? Sa tagal ninyong nagkawalay ni Love, hindi mo lang nalaman ang nangyari sa kanya. Sana makita din kita. Tulad ng hiling din ni Love na makita ko din si Beth.' Wika pa ni Dimitri sa isipan, bago muling binalingan si Anastacia.
Tinanong niya ng tinanong ito tungkol kung. Bago lang ba ito ng San Diego. Kung may kamag-anak na pupuntahan, para mapapunta sa ospital, kung nasaan ito ngayon. Kung may tutuluyan ba ito. O kaya naman ay kung saan nito balak pumunta. Pero puro iling at tango lang ang sagot ni Anastacia sa kanya na ikinabuntong hininga na lang ni Dimitri.
"Wala kang kamag-anak dito. Wala kang matutuluyan. Wala kang sure na pupuntahan. Anong ginagawa mo dito? Tapos muntik ka pang mapahamak kanina. Mabuti na lang nakita kita kaagad." Dagdag pang tanong ni Dimitri, na ikinatitig lang ni Anastacia sa kanya. Napahawak pa si Dimitri sa sariling braso ng mapansin ang malamig na pagtitig ni Anastacia sa kanya.
Sumagot lang ito ng wala. Na ikinabuntong hininga niya. Na ikinangiti nito sa kanya ng tipid, na ikinakunot ng noo niya.
Dahil sa lamig ng ngiti at titig ni Anastacia at wala siyang ibang nagawa kundi alukin ito kung nais nitong tumuloy sa bahay niya, total naman ay mag-isa lang naman siya. Ramdam niyang may malaki itong problema, na nais nitong takasan, kaya sa ngayon wala siyang makuhang matinong sagot dito.
Kaya naman laking tuwa ni Dimitri na pumayag itong sa bahay na lang muna niya ito tumuloy. Alam din niyang matutuwa ang kapatid niya sa kanyang ginawa.
Ninais din nitong, lumabas dahil wala daw itong pambayad, dahil nakuha daw ng magnanakaw ang pera nito. Pero hindi naman siya pumayag. Siya naman ang babayad sa lahat ng gastos nito sa ospital kaya naman. Pinagpahinga na lang muna niya ito.
Nagpaalam muna si Dimitri kay Anastacia na lalabas muna siya, para maibili niya ito ng pagkain. Alam niyang nagugutom na rin ito, lalo na at ilang oras din itong nakatulog kanina, buhat ng dinala niya sa ospital.
Tapos ngayon ay madaling araw na rin, na kahit nakakaramdam si Dimitri ng pagod, ay hindi man lang siya makaramdam ng antok.
Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari. Parang natuwa pa ang puso niya, na pumayag si Anastacia na sumama sa kanya sa bahay nito. Pakiramdam niya, bumalik ang kapatid niya, ng makilala si Anastacia.
Pakiramdam lang naman ang bumalik, dahil kahit kailan hindi naman mapapalitan ang kapatid niya sa puso niya. Sa ngayon ienjoy muna niya ang sarili na makasama si Anastacia, lalo na at nagdadalangtao ito.
Pakiramdam ni Dimitri, kasi, kahit hindi niya ito kadugo, magkakaroon siya ng pamangkin.
Nagpatuloy ng lumabas ng ospital si Dimitri para maibili ng pagkain si Anastacia. Bilang isang taong nagmagandang loob lang. Na excite siya sa isiping, may batang tatakbo sa bakuran ng bahay niya pagdating ng panahon, kahit hindi kanya, masaya na siyang tawaging tito, ng magiging anak ni Anastacia.
Ang lungkot na nadarama ni Dimitri kanina, ay napalitan ng saya at excitement sa pagdating ng mag-ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi niya inaasahang sitwasyon. Parang nagbalik si Love sa buhay niya, sa katauhan ng iba.