Chapter 18

2715 Words
Mula ng makasama ni Dimitri si Anastacia sa bahay nito kahit papano ay naging masaya ang buhay niya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na alagaan ito. Kahit hindi naman gaanong nagsasalita. Nakatingin lang ito sa paligid, na wari mo ay nagmamasid, pero makikita mo na lang na umiiyak na pala ito. Hindi talaga niya alam ang pinagdaanan nito, ni ang pamilya nito ay hindi naman niya kilala, kaya alam niyang sa lagay ni Anastacia ay nag-aalala na ang pamilya nito. Sa isang buwan nilang magkasama, doon lang niya narinig na kung pwedeng humiram ng telepono ito, para lang daw masabi sa pamilya, na wag mag-alala dahil nasa maayos siyang kalagayan. Akala niya ay kakausapin nito ng matagal ang pamilya, hindi man sinasadya ay napindot ni Anastacia ang loudspeaker kaya naman narinig niya ang usapan ng mga ito. (Hello. Sino po sila?) Tanong ng isang lalaki sa kabilang linyan. "Noriel si ate ito." Tipid na wika ni Anastacia. (Hala, ate nasaan ka ba? Sandali lang tatawagin ko sina inay at itay pati si Aira. Siguradong matutuwa ang sina inay dahil tumawag ka. Sobra na kaming nag-aalala sayo.) Wika ng lalaki sa kabilang linya. Maririnig mo ang boses ng pag-aalala dito. Rinig din ni Dimitri, ang pagtawag nito sa mga magulang. (Anna, nasaan ka anak? Bakit ka umalis sa poder ng kaibigan mo? Alam naming umalis ka dahil hinahanap ka nila sa amin.) Wika ng sa tingin niya ay ang ina ni Anastacia. (Anak, umuwi ka na dito sa bahay, kami na ang mag-aalaga sayo.) Wika naman ng ama ni Anastacia. (Ate miss na miss na kita, ayaw mo bang alagaan kita? Kami ni kuya Noriel. Promise mag-aaral akong mabuti, tapos aalagaan kita, pag-uwi ko ng bahay. Uwi ka na ate.) Sabi pa ng kapatid nito na babae. "Maayos lang po ako. Uuwi din po ako, hindi lang po sa ngayon. Wag po sana ninyong sasabihin kahit kanino na nakausap po ninyo ako." Wika ni Anastacia. (Anak, hinahanap ka ni Sir Lucas sa amin.) Wika ng kanyang itay. "Tatawag na lang po ulit ako. Basta po, maayos po ang kalagayan ko. Wag po kayong mag-alala." Sagot ni Anastacia, ng bigla nitong pinatay ang tawag, at mabilis na hinayon ang kwartong, ipinagamit niya dito. Sinundan naman ni Dimitri si Anastacia at nakita na naman niya itong nakabalot ng kumot at umiiyak na naman. "Love, okey ka lang ba?" Malambing na tanong ni Dimitri dito. "Tri, wag mong sasabihin sa kanila kong nasaan ako. Gawan mo ng paraan na hindi nila ako makita kahit mga magulang ko. Pakiusap Tri." Umiiyak na wika ni Anastacia sa kanya. Nag-aalala na naman siya dito, dahil nagsisimula na naman na manginig ang katawan nito. Kaya naman niyakap lang ito ni Dimitri. Love ang naging tawag niya dito, ng ikwento niya ang nangyari sa nag-iisang kapatid. Masaya namang tinanggap ni Anna ang pangalang iyon. Para doon man lang daw makabawi sa pagliligtas sa kanilang dalawa ng anak nito, at sa pag-aalalaga at pagpapatuloy dito. "Magpahinga ka na muna, pangako, hindi nila malalaman kung nasaan ka, hanggat wala kang sinasabi na gusto mo ng malaman kung saan ka nakatira. Ako ng bahala sayo, at sa baby mo. Ako muna ang mag-aalaga sa inyo, bilang kuya mo. Tahan na Love. Makakasama yan sa baby." Sambit pa ni Dimitri na ikinatigil na kahit papano ng pag-iyak ni Anastacia. Paglabas ng kwarto ay tinawagan naman ni Dimitri ang numero na tinawagan ni Anastacia. Doon niya nalaman ang tunay nitong pangalan. Natawa pa si Dimitri lalo na ng nagpakilala ang mga magulang nito sa kanya at ang dalawang kapatid. Aira Noel Noriel Anastacia ang tunay na pangalan ni Anastacia. Kaya pala nabuo ang pangalan na Anna na siyang tawag ng pamilya nito sa kanya. Habang ang itay ni Anna ay si Noel, at ang inay nito ay Anastacia ang pangalan. Ang kapatid nitong lalaki ay si Noriel, habang si Aira ang bunso. Matagal pa rin siyang nakipagkwentuhan sa mga ito, na ikinagaan naman ng kalooban ng pamilya ni Anna na nasa mabuting kamay, ang kanilang anak. "Inay, Itay." Wika pa ni Dimitri dahil iyon na lang daw ang itawag nito sa mga magulang ni Anna. "Wag n'yo na lang po munang alamin kung nasaan po si Anna. Pero sisiguraduhin ko pong ligtas po ang inyong anak at apo. Ako na po muna ang bahala. Ayaw po talagang ipaalam ni Love kung nasaan siya. Intindihin na lang po natin." Saad pa ni Dimitri, sa pamilya nito. Okey lang naman sa mga magulang ni Anna na Love ang itawag dito ni Dimitri. Lalo na at naikwento na rin ni Dimitri sa mga ito ang nangyari sa kanyang nag-iisang kapatid. (Salamat sa iyo hijo. Ibibigay namin sa iyo ang tiwala, sa pag-aalaga sa panganay namin. Sana pag nagkita tayo, makabawi man lang ako sa kabutihang loob mo para sa aming anak.) Wika pa ni itay Noel. "Wala po iyon itay, inay, masaya po ako ngayon dahil pakiramdam ko, kasama ko pa rin ang kapatid ko. Oo nga po at magkaiba sila, pero kahit papano, napupunuan po ni Love ang pangungulila ko sa kapatid ko. Ang saya pong nararamdaman ko ngayon, dahil parang nandito lang ang kapatid ko, ay sapat na pong kabayaran, sa pagtulong at pagkupkop ko sa inyong anak. Ang saya pong may kasama ako dito sa bahay, ay hindi po matutumbasan ng kahit na anong bagay." Mahabang paliwanag ni Dimitri sa pamilya ni Anna, na lalong ipinagpasalamat ng mga ito sa kanya. Naging maayos ang mga dumaraan na mga araw buwan at taon. Nag-iba na rin ang ugali ni Anna, mula ng dumating si Lucci ang anak nito. Kung noon ay iimik lang pagkakausapin mo, o kaya naman ay ngiti lang ang sagot sayo. Ngayon naman ay nagiging madaldal na ito at masayahin. Nakatulong din ang magandang paligid para, malampasan ni Anna ang pinagdaanan nito. Lalo na ng dumating ang napakaganda nitong anak na si Lucci Dimitri. Nalaman ni Dimitri na ang pangalan ng ama ni Lucci ay Lucas Dimitri ang pangalan, kaya naman pala Tri lang ang tawag nito sa kanya, noong una. Pero dahil nasanay na rin siya, hinayaan na lang niya. Masaya din siya na Lucci Dimitri ang pangalan ng anak nito, alam niyang hindi siya iyon. Masaya pa rin na kapangalan niya si Lucci. Habang tumatagal napapansin nilang hindi ito nagsasalita. Doon nila nalaman na epekto iyon, ng trauma at depression na naranasan ni Anna. Pero sinabi naman ng doktor na magiging maayos din si Lucci, habang lumalaki. Sinabi din ng doktor na wag ng ibaby talk si Lucci, para mas mabilis, maintindihan ng bata, ang mga salita. Kaya naman kahit puro ngiti lang sa kanila ni Lucci ay masaya na sila doon, basta maayos ang kalagayan nito. Tumuntong na ng isang taon si Lucci at wala pa ring pagbabago sa development ng pagsasalita nito, pero hindi sila nawawalan ng pag-asa. Hanggang sa isang beses ay narinig nila ang pagsasalita nito ng 'Di' na ikinatuwa nila ni Anna. Noong araw ding iyon ay nagtuloy na sila sa pagsimba. Pagkatapos ay tumuloy sila ng mall. Matapos nilang mag-order ay masaya nilang hinitay ang pagkain. Masaya sila, dahil naiipagrequest nila ng pagkain si Lucci doon at niluluto naman ng chef ng resto ang request nilang, steamed carrots at mashed potato. Sinusubuan ni Anna si Lucci, habang si Dimitri naman ang nagsusubo kay Anna. Hindi na naman naiilang si Anna sa ginagawa sa kanya ni Dimitri, dahil nasanay na rin ito sa tagal nilang magkasama. Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanilang lalaki, masasabi niyang gwapo ito, at mukhang hindi naman gagawa ng masama. Pero kakaiba ang nakita niya sa mga mata nito, pangungulila, selos, at kalungkutan. Hindi naman niya iyon gaanong pinahalata na nakita niya iyon sa mga mata ng lalaki, pero ng mapansin niya si Anna. Doon niya nakumpirma, na kilala ni Anna ito. Napansin din niya ang takot kay Anna. Patunay ang pangingig ng katawan nito, na pilit niyang kinakalma ng patago. Nagpapakilala pa ang lalaki, pero hindi niya pinansin, dahil nagslita si Lucci, 'Di.' Nakita niya ang pagbagsak ng lalaki sa sahig ng mapansin si Lucci. Kinuha niya ang pagkakataon para maitayo si Anna, at mabuhat si Lucci. Inalalayan niya si Anna, para hindi ito mabuwal, dahil kaunting kaunti na lang ramdam niyang bibigay na ang katawan nito. Pagkasakay ni Anna sa sasakyan dala niya, ay iniayos lang din niya ang pwesto ni Lucci sa back seat. Nakaupo ito sa baby chair para sa safety nito. Mabilis namang pinasibad ni Dimitri ang sasakyang dala nila, ng makakuha siya ng bwelo, hindi naman kasi basta-basta ang sasakyang meron siya. Sports car iyon, kaya naman, kahit papano alam niyang hindi sila maaabutan kung may hahabol sa kanila. Pangarap din niyang maging car racer noon, pero dahil sa nangyari kay Love, hindi na lang niya tinuloy. Mabilis silang nakarating ng bahay. Nakatulog na noon si Lucci, si Anna naman ay pilit niyang kinakalma. Nang kahit papaano ay nakalma na niya si Anna, doon niya ito kinausap ng masinsinan. Tinawagan din ni Dimitri ang pamilya ni Anna na matagal na nitong hindi nakakausap. Pero naging masaya si Anna ng malaman na hindi pinutol ni Dimitri ang koneksyon sa pamilya niya. Masaya silang nagkwentuhan, hanggang sa sinabi ni Anna, na uuwi din ito, sa lalong madaling panahon para makilala ng pamilya nito, ang anak nito na si Lucci. Habang masayang naghahabulan si Anna at Dimitri sa labas ng bahay, ay naagaw ng pansin nila ang pagtawag ni Lucci ng Dada. Doon nila nakita ang dalawang lalaki, na nasa labas ng tarangkahan. Nakalapit na si Lucci doon kaya naman lumapit din si Dimitri para mabigyan ng daan si Lucci sa nais nito. Bigla na lang umiyak ng malakas si Lucci, habang sinasambit ang salitang 'Dada.' Hindi man maipaliwanag, pero masaya si Dimitri sa nararamdaman niyang saya, ng batang nangugulila sa isang tunay na ama. Alam niyang magiging maayos din ang lahat para kay Anna at sa ama ni Lucci, lalo na at hanggang ngayon, alam niyang mahal pa rin naman talaga ni Anna ang ama ni Lucci. Doon din sila nagkakilanlan. Nakilala niya ang magkapatid na De La Costa. Si Diesel at si Lucas na ama ni Lucci. Kahit papaano ay magaan naman ang loob niya sa mga ito. Lalo na at kahit nagkaroon ng problema, nagkaayos na si Anna at Lucas. Wala naman siyang ibang mahihiling pa kundi ang kasiyahan ni Anna. Ilang araw ding nag-stay sa bahay niya si Lucas at Diesel, lalo na at ayaw namang sumama ni Anna sa mga ito ng hindi siya kasama. Kaya naman napilitan na rin siyang ihatid muna ito, ng Maynila, bago muli bumalik ng San Diego. Inaayos ni Dimitri ang kanyang mga dadalahin na gamit. Kaunti lang iyon, na para lang sa ilang araw na ipag-stay niya ng Maynila. Hindi pa rin niya kinakalimutan ang kahon na kinalalagyan ng panyo ni Beth at ang kwintas ni Love, na ibibigay daw niya pag nakilala na niya si Beth. Inilalagay niya sa bulsa palagi ang panyo ni Beth. Habang naiiwan sa kahon ang kwintas na galing kay Love. Sakay ng kotse ni Diesel ang mag-anak, habang si Diesel ay kasama ni Dimitri sa kotse. Hindi talaga siya nito hiniwalayan, dahil baka daw magback out at umuwi ng bahay niya. "Naku De La Costa, baka madevelop ka n'yan sa akin mahirap na." Birong wika ni Dimitri habang sakay sila ng kotse niya. "F*ck! You! Sandoval! Hindi ko pa pinangarap na mag-iba ng landas. Masaya ako sa buhay ko ngayon, habang hinihintay ang babaeng aking minamahal." Wika ni Diesel na ikinaingos lang ni Dimitri. "Congrats may pumatol sayo." Saad ni Dimitri na ikinatawa pa niya, sa reaksyon ni Diesel. "Naku, Sandoval, may-araw ka din. Makakaganti din ako sayo, pagnahirapan ka sa babaeng, mamahalin mo." Nakangising wika ni Diesel na biglang ikinatahimik ni Dimitri. Hindi na lang muli, nagsalita si Diesel, dahil pakiramdam niya, may malalim na iniisip si Dimitri, tungkol sa usaping pagmamahal, dahil sa pananahimik nito. Nag-stop over muna sila sa isang hotel, dahil ayaw din nilang, sobrang mapagod sa byahe si Lucci. Natawa pa sila ng kakain na sila dahil sa pangugulit ni Diesel kay Lucci na pagsalitain ang bata. Pero hindi nila inaasahan ng magsalita ito ng, 'Dada, para kay Lucas. Mi, para kay Anna. Dada Non, para sa kanya. Dada Gi, para kay Diesel na assuming sa pagiging pogi. At Ci, dahil sa pangalan mismo ni Lucci.' Simpleng salita sa iba, pero sa nakakakilala kay Lucci na hindi pa nagsasalita, sobrang saya niya na marinig iyon, sa batang itinuring niyang pamangkin. Kinaumagahan ay nagbyahe na ulit sila, papuntang Maynila. Ganoon pa rin ang set-up. Ang mag-anak sa kotse ni Diesel at silang dalawa ni Diesel sa sasakyan niya. "Oi, Sandoval, daan naman tayo ng convenience store, may bibilhin lang ako." Saad ni Diesel. "Ano bang bibilihin mo? Para kang may anak na papasalubungan ah." Nakangising wika pa ni Dimitri. "Malay mo." Sagot ni Diesel na ikinailing na lang ni Dimitri. Tumiligil muna sila ng convenience store tulad ng nais ni Diesel kaya sure na, nauna na sina Anna sa bahay ng mga De La Costa. Nang makabalik si Diesel ng sasakyan, ay mabilis namang pinatakbo ni Dimitri ang sasakyang dala nito. "T*ngna ka Sandoval! Nagmamadali? Wala ka racing field, nasa Maynila kang t*ngna ka! Pagnahuli ka ng traffic officer dahil over speeding! Hoy! Sandoval! T*ngna! Hindi mo ba nakikita? Puno ng sasakyan ang bawat daan?!." Singhal ni Diesel na napakapit na lang. Hindi naman agad nagsalita si Dimitri, pero ng mapansin ni Diesel na malapit na sila sa bahay nila, ay nginisian lang siya ni Dimitri. "Ehh? Totoo? Hindi nga." Wika pa ni Dimitri ng bigla nitong ipinarada ang sasakyan, sa tabi ng sasakyan ni Diesel na dala ni Lucas. "F*ck you! Ka Sandoval, salamat talaga buhay pa ako." Inis na saad ni Diesel na ikinatawa lang ni Dimitri. "Mabubuhay ka namang talagang t*ngna ka. Dami kong natanggap sayo ha. Wag kang mag-alala buhay ka pa. Buhay pa din ako eh." Nakangising wika ni Dimitri, na sinabayan na lang ang paglabas ni Diesel dahil hindi na ito nagsalita. Nakita niya ang mga tao sa bahay na iyon na sobrang natutuwa na makitang muli si Anna. Sino ba naman ang hindi matutuwa na makitang muli sa tagal ng panahon ang taong naging malapit sayo. Doon niya napansin ang isang babaeng nakatingin sa kanya na ikinagulat niya. "Dimi? Dimi ikaw nga, anong ginagawa mo dito? Bakit kasama ka ng Gasolina na iyan?" Tanong nito na ikinatuwa niya, kahit kita niya ang pagtataka ng mga tao doon. Hindi nga siya nagkamali, si Gia ito, ang kaibigan ni Love. Akmang yayakap si Gia sa kanya, ng iharang ni Diesel ang sarili, para dito bumagsak ang yakap ni Gia. Hindi man siya nag-iisip pero mukhang may kakaiba tungkol kay Diesel at Gia. Ramdam din niya ang inis ni Diesel sa kanya dahil kakilala siya ni Gia. Hindi na lang niya, itatanong hahayaan na lang niyang malaman niya ng kusa kung ano ang meron sa dalawa. Habang natatawa ay doon lang niya napansin ang babaeng nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil iniisip niya kung saan niya ito nakita, pero hindi niya maalala. Bigla naman itong tumalikod ng mapansing nakatingin din siya dito. Hindi niya malaman, pero may kung anong, nararamdaman ang kanyang puso ng mapatitig siya sa mga mata nito kahit saglit lang. Pero gusto niyang baliwalain kung ano man iyon. Lalo na at hindi pa niya nakikita si Beth. 'Ano yan Dimitri? Kada lugar na mapupuntahan mo may magpapatibok ng puso mo? Epekto ba yan ng pagtatakdang pagpapakasal sayo, sa babaeng hindi mo pa nakikilala? Kaya naman kada pagkakataon, na may makita ka, masasabi mong may kakaiba? Tumigil ka na Sandoval, masakit na nga ulo mo dahil sa paghahanap ng hindi mo alam kung paano hahanapin. Tapos ngayon, nakakita ka lang ng maganda, may kakaiba pa rin?" Sighal pa ni Dimitri sa sarili, na ikinailing na lang niya. Napabuntong hininga naman si Dimitri ng maalala na naman ang kapatid. 'Hindi na ako titingin sa iba, promise kapatid. Hahanapin ko lang muna si Beth. Tama ng kay Ria at kay Beth na lang may kakaiba, ayaw ko ng magdagdag pa ng isa.' Wika pa ni Dimitri, bago siya sumunod sa mga ito, dahil kinawayan na rin siya ni Anna, para pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD