Chapter 3

1644 Words
Habang busy pagmamaneho si Kuya Jun, ay hindi naman napapansin ni Dimitri na sumusulyap ito sakanya. Hindi kasi maiwasan ni Dimitri ang mapangiti. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Alam naman niyang bata pa rin naman siya, para sa mga bagay na iyon. Pero hindi niya mapigilang hindi maging masaya. Napatingin naman siyang bigla sa unahan at nakita pa niya ang pagsilip ni Kuya Jun sa may rare view mirror. Kaya naman, mas lalo niyang isiniksik ang ulo sa may bintana, dahil baka tuksuhin pa siya nito. Alam kasi niyang nakita nito ang paggiti niya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi na nagsalita si Kuya Jun, kaya naman tumingin na lang ulit siya sa labas ng bintana. Pagkarating nila ng paaralan na pinapasukan nina Love at Gia ay naghintay pa sila ng ilang minuto. Masyado kasing hapon na ang labas na ang mga ito. Kahit kasi papaano ay sobrang tutok ang mga guro doon sa mga estudyante ng mga ito. Kaya naman hinati sa dalawang batch ang pagtuturo, sa umaga at sa hapon. Bumaba naman ng sasakyan si Dimitri habang hinihintay ang kapatid. Hindi rin nagtagal, at nakita na niya si Gia akay-akay si Love. Masasabi niyang sobrang sulit na makasama ni Love si Gia. Ni minsan ay hindi nito pinabayaan ang kapatid niya. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng isa pang kapatid sa katauhan ni Gia. Sa may paradahan ng sasakyan ay hinihintay nito palagi si Love, sa tanghali. Sa hapon naman ay inihahatid nito ito, kaya naman sobrang lapit ni Love at Gia sa isa't-isa. Kahit naman sa kanya ay sobrang bait nito, kaya napamahal na rin sa kanya si Gia. "Dimi anong nangyari sa ulo mo?" Nag-aalalang tanong ni Gia, ng makalapit ito sa kanya. Bumitaw naman sa pagkakahawak ni Gia si Love at pilit ibinaba ang ulo niya, para makita ang sugat dito. "Hala kuya, bakit may natuyong dugo d'yan sa ulo mo? Nadala mo na ba iyan sa doktor? Baka iyan ay maimpeksyon." Nag-aalalang wika ni Love. "Kuya Jun, dapat po ipinagamot mo muna si Kuya. Hindi naman po ako iiwan dito ni Gia, pag wala pa po akong sundo, eh." Wika pa ni Love na ikinailing ni Dimitri. Na ikinatingin din kay Kuya Jun na nagkibit balikat na lang. "I'm fine Love. Malayo ito sa bituka." Natatawang wika pa nito, na ikinasama ng tingin ni Love sa kanya. "Kuya naman eh. Kahit nga si Gia nag-aalala din sayo. Tapos tatawanan mo lang kami." Inis na wika ni Love na ikinagulo ni Dimitri sa buhok ni Love. "Wag kang mag-alala, maliit na sugat lang ito. Hindi ito nakakamatay." Paninigurado pa ni Dimitri, na ikinatawa ni kuya Jun. "Bakit ka meron n'yan kuya? Napaaway ka ba sa school ninyo? Mag-aalala si Lolo at Lola pag nakita ka nilang may sugat sa ulo." Wika pa ni Love na ikinabuhat ni Dimitri sa kapatid. "Okey lang si Kuya. Promise, at hindi ako nakikipag-away, kaya. May isang batang babae kasi na sinisipa sipa ang bato sa daan, habang naglalakad, noong nakaupo ako sa may tabing kalsada. Ang problema sa lakas ng sipa niya doon tumama sa ulo ko, ang bato. Hindi naman niya iyon sinasadya." Paliwanag ni Dimitri na ikinatango ni Love. "Sa susunod kuya mag-ingat ka. Pero hindi ka ba nagalit sa babae." Tanong ni Love. "Hindi naman. Noong una, oo, pero nagsorry din naman. Medyo matapang at malakas ang dating noong babae, mukhang madaming kalokohan sa katawan. Isa pa tinawag pa akong Damulag tapos pinalitan ng Doraemon, dahil hindi daw niya alam ang pangalan ko." Natatawang wika ni Dimitri, na ikinahagikhik naman ni Love at Gia. Pati na rin si Kuya Jun na nasa loob ng sasakyan ay natawa. "Kuya, baka naman, siya ang babaeng nakatadhana para sayo." Tudyo pa ni Love, sa kapatid. "Naku, ikaw na bata ka. Umuwi na nga tayo. Kabata bata mo pa. Alam mo na agad iyang mga bagay na iyan. Magtapos ka muna ng elementary, tapos maghigh school, at mag college, ka muna bago mo subukang magmahal. Hmmmm. Ikaw din Gia magtapos muna ng pag-aaral bago magkagusto sa iba ha." Malambing na wika ni Dimitri at isinakay na si Love sa back seat. "Kow Dimi, kung makakain iyang pagmamahal, ay hindi mo ako mapipigilan. Kaso sa tingin ko naman, hindi naman iyon pagkain kaya wag na lang." Inosenteng wika ni Gia na ikinatawa ni Love, narinig din nila ang pagtawa ni kuya Jun. "Mas matanda pa sa akin si Gia kuya. Pero parang baby pa." Wika ni Love na ikinasimangot ni Dimitri. "Ako din naman ay taka kasi ka bata, bata mo pa ay ang dami mong alam?" Nakataas na kilay na tanong ni Dimitri. "Natatandaan mo ba si Ms. Emary, iyong tutor ko sa tagalog na salita? Palagi iyong may katawagan, pag nabibigyan na ako ng gawain ay kakausapin lang daw ang boyfriend niya. Para tuloy binudburan ng asin pag kausap na. Sabi pa niya, i love honey, i miss you. Your lips, your touch, i missing making lo---." Hindi na natapos ni Love ang sasabihin ng takpan ni Dimitri ang bibig nito. "Okey na Love, enough na. Mabuti na lang sinama kita pauwi dito, baka mamaya seven years old ka pa lang may boyfriend ka na. Ano ba iyong natutunan mo kay Ms. Emary?" Wika ni Dimitri na ikinatawa ni Love. "Ang conservative ni kuya. Tara na nga. Hatid na rin natin si Gia kuya." Wika ni Love na ikinailing na lang ni Dimitri sa dami ng naiintindihan ni Love tungkol sa pag-ibig. "Hayaan mo na Ms. Love, baka naman kasi ang nakatadhana kay Sir Dimitri ay iyong si Be---." Hindi natapos ni Kuya Jun ang sasabihin ng mabilis si Dimitri na pumasok sa passenger seat, at tinakpan ang bibig ni kuya Jun. "Ikaw Gia, hatid ka na namin. Baka mamaya pababain ako ni Sir Dimitri, at siya na magdrive. Tatahimik na ako promise, Sir." Wika pa ni Kuya Jun, na ikinatawa naman ni Dimitri, na ikinailing ni Gia. "Oo nga Gia, hatid ka na namin, di ba, ok lang kuya Jun." Sabat pa ni Love, na ikina thumbs up pa ni Kuya Jun. "Yes Ms. Love, baka talaga pababain na ako ni Sir Dimitri pag hindi pa sumakay si Gia." Wika pa ni Kuya. "Hindi iyon mangyayari Kuya Jun. Wala pa akong lisensya para makapagdrive dito. Sakay na Gia." Sabi pa ni Dimitri. "Salamat na lang, kuya Jun, Love, Dimi. Daan pa ako doon sa may talipapa. Bibili ako ng mga pinabibili ni nanay, para sa hapunan." Sagot ni Gia n ikinasang-ayon na lang nina Dimitri, dahil hindi na nila ito mapilit pa. Nakatingin lang sina Love sa papalayong bulto ni Gia. Masaya silang naging kaibigan niya ito. Pagkarating ng bahay ay mabilis na nagtungo ng kwarto niya si Dimitri. Napangiti pa siya ng makita ang panyo na galing kay Beth. Hindi din niya maiwasan na hindi mapangiti, pag naaalala ito. Siya na ang naglaba ng panyo, at isinampay niya iyon sa loob ng kwarto niya na nakatapat sa aircon, para mabilis matuyo. Hindi niya alam kung bakit may part sa puso niyang gusto niyang itago ang panyo na iyon. Parang iyon lang ang isang bagay na mag-uugnay sa kanya at sa batang si Beth. Matapos malabhan ang panyo, ay naligo na rin si Dimitri. Nais niyang palagyan ng gamot ang ulo niya, na nasugatan, para naman, mas mabilis na itong gumaling. Nang makapagbihis siya ay kaagad niyang hinanap ang kanyang lola. Doon niya ito natagpuan sa may garden. Kasama ang kanyang lolo, at umiinom ng tsaa. "La." Tawag niya dito na ikinalingon pati ng lolo niya. "Hi, La, Lo. Mano po." Wika ni Dimitri ng makalapit sa mga ito at nagmano. "Anong kailangan mo apo?" Tanong ng lola niya ng mapansin na may hawak siyang first aid kit. "Si Love apo nasaan?" Tanong naman ng kanyang lolo. "Nasa kwarto po niya siguro si Love." Sagot niya. "Si Jun nasaan?" Dagdag pa ng kanyang lolo. "Nasa kusina po, nagmemeryenda na." Sagot ni Dimitri na ikinatango ng kanyang lolo. "Kayo ba apo, hindi pa magmemeryenda? Ano nga ba ang gagawin mo diyan sa hawak mo?" Tanong pang muli ng kanyang lola, sabay turo sa first aid kit na hawak niya. "Ipapagamot ko La itong sugat ko sa ulo. May batang babae po kasi kanina, na sipa ng sipa mga bato sa daan. Tapos iyong isang malakas na sipa, isang tulis na bato ang nasipa niya sakto po sa ulo ko. Kaya po ayon, dumugo." Natatawang pagkukwento ni Dimitri na ikinailing ng kanyang lola na ikinatawa ng lolo niya. "Binata na talaga ang aking apo. Akalain mong nasaktan ka na, nakatawa ka pa. Pero alalahanin mo ang balak ng mga magulang mo, ayaw kong masaktan ka apo." Seryosong wika ng lolo niya, habang pinapahiran naman ng lola niya ng gamot ang kanyang ulo. "Lo, wala naman po iyon, hindi ko naman pati kilala ang batang babae na iyon, maliban sa Beth daw po ang pangalan niya. Iyon lang po iyon. Kayo po talaga." Sagot ni Dimitri na ikinatawa lang muli ng lolo niya. "Basta apo, masasabi ko lang sa iyo, lahat ng bagay na makakapagpasaya sayo, iyon ang sundin mo. Kung ano ang tinitibok ng puso iyon dapat ang masusunod. Hindi lahat ng kasiyahan nabibili ng pera. Minsan ang pinakamasayang bagay na matatanggap at mararanasan mo ay pagmamahal. Pag-ibig na wagas. Magulo pa iyan sa ngayon apo. Pero maiintindihan mo rin iyan pagdating ng tamang panahon." Wika ng lolo ni Dimitri na ikinatango na lang niya. Matapos magamot ng lola niya ang sugat niya sa ulo, ay narinig nila ang pagsigaw ni Love. Tinawag na siya nito dahil nagluto daw ang cook nila sa bahay ng lolo at lola niya ng maja blanca. Inaya din naman niya ang lolo at lola niya pero tapos na daw ang mga ito. Lumapit lang si Love para nagmano, tapos ay sabay na silang nagtungo sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD