Naglalakad pauwi ng bahay si Beth, galing eskwelahan. Panay ang sipa niya sa bato na kanyang nadaraanan. Sa huling sipa niya ay may isang lalaking siguro ay nasa edad labing dalawa hanggang labing apat na siyang natamaan sa ulo, ng batong sinipa niya.
"What's wrong with you!?" Singhal na tanong nito sa kanya. Galit siguro, dahil nasaktan. Sa ulo kasi nito tumama ang bato. Alam niyang kasalanan niya. Pero may kapilyuhang taglay ang batang si Beth.
"Don't English me kuya ha. You're not in the United States of America. You are here in the Pilipinas. Este Philippines pala. Speaking tagalog is only allowed. So please. Don't English me. If you do that, my nose is bleeding." Sagot ni Beth na ikinangisi din ni Beth sa sarili.
'Anong akala nito, siya lang ang magaling sa salitang Ingles? Nag-aaral din ako ng mabuti, kahit masunog na ng ilawang di gaas ang aking kilay noh.' Bulong ni Beth sa sarili na kita niyang ikinataas ng kilay ng lalaki.
Hindi naman pinansin ni Beth ang lalaki, ng hindi na ito nagsalita. Nilampasan na lamang niya ito. Pero hindi pa siya nakakalampas ng tuluyan nang mapatigil siya at mapatingin sa lalaki. Mahigpit nitong hinawak ang kanyang braso kaya naman hindi siya makaalis sa tabi nito.
"Aalis ka na bata ng hindi man lang nagsosorry? Hindi sa lahat ng bagay ay tama ka. Kung alam mong nakakasakit ka. matuto kang magpakumbaba, at humingi ng tawad." Inis na wika ng lalaki sa kanya, na ikina mangha ni Beth.
Gwapo kasi ito, at sa tingin niya ay may lahing banyaga. Hindi ito purong Pilipino na tulad niya. Kaya naman namangha siya ng magsalita ito ng tagalog.
"Nagtatagalog ka naman pala eh. Gusto mo pang paduguin ang ilong ko. Yawa ka naman. Aba! Hoy! Higpit mong makahawak ah. Tuko ka ba?" Bigla tanong ni Beth ng diinan lalo ng lalaki ang paghawak sa braso niya.
"Tapos ngayon, tinawag mo pa akong tuko. Anong problema mong babae ka? Nakakasakit ka na nga. Hindi ka pa nagsosory!" Inis na wika ng lalaki ng mapansin niyang iba ang uniform nito sa uniform niya.
Napatingin si Beth sa mukha ng lalaki, at nakita niya ang munting pag-agos ng dugo mula sa ulo nito.
Gumapang naman ang kaba sa puso ni Beth dahil, hindi pala ito nag-iinarte lang na nasaktan. Kasi nasaktan talaga. Napansin din niya ang medyo may kalakihang bato na nasipa niya na tumama sa ulo nito ay may bahid na dugo.
"Hala, hindi ko sinasadya. Sorry talaga. Gagamutin ko ang sugat mo." Nag-aalalang wika ni Beth at agad kinuha aa bulsa ang kulay puting panyo. Binitawan naman ng lalaki ang braso niya.
Nakatingin lang ito sa panyong hawak niya na wari mo ay sinusuri.
"Hindi ko pa ito nagagamit, promise. Wag kang mag-alala, malinis ito. Pupunasan ko lang dugo na tumulo sa mukha mo, at ipapatong natin itong panyo sa sugat mo sa ulo." Wika ni Beth na ikinatango ng lalaki.
Pinunasan lang ni Beth ang parte ng mukha na naagusan ng dugo. Bago dinala ang panyo sa parte ng ulo na may sugat. Maliit lang naman iyon. Pero dahil medyo malaki at patusok ang batong nasipa niya na tumama sa ulo nito kaya nagkasugat.
Habang hawak ni Beth ang, panyo sa may parte ng ulo ng lalaki ay napatingin siyang muli sa mukha nito. Nagulat pa siya ng mapansing nakatingin din ito sa kanya. Ilang segundo din silang nagkatitigan, bago, basagin ni Beth ang katahimikan.
"Sorry ulit kung nasaktan kita. Ang boring kasing maglakad ng nag-iisa. Malayo kasi ang bahay namin. Doon pa sa may dulo. Sanay kasi akong solo lang na naglalakad dito. Hindi ko akalain, may maliligaw dito na iba." Paliwanag ni Beth na ikinabuntong hininga lang ng lalaki.
"Okey lang gusto ko lang namang marinig ang sorry mo. First time ko lang magawi dito. Iyong driver kasi na kinuha ni lolo ay pupuntahan daw iyong kapatid doon nga sa may padulo, siguro ay sa sinasabi mo. Buntis daw kasi ang kapatid niya. Hindi naman makaalis sa trabaho ang asawa noon babae dahil, hindi dumating ang kapalitan. Humihingi ng balut. Kaya iyong driver na ni lolo ang nagpresinta. Nagpaiwan na lang ako dito sa daan. Dahil mabilis lang naman daw siya." Paliwanag ng lalaki na ikinatango ni Beth.
"Ah ganoon pala, sorry ulit ha. Hindi ko naman sinasadya." Paghinging paumanhin ulit si Beth na ikinatango ng lalaki.
Kinapa naman ng lalaki ang parte ng ulo niya na may nakalagay na panyo para siya na ang maghawak. Hindi malaman ni Beth kung bakit bigla siyang nakuryete ng biglang magtama ang kanilang mga kamay.
"Human electricity ka ba?!" Sabay nilang sigaw sa isa't-isa. Napatawa naman silang pareho dahil sa kakaibang nararamdaman.
"Sorry nagulat lang ako. Para kasing may kuryente na dumaloy sa kamay ko ng mahawakan kita." Hinging paumanhin ng lalaki.
"Ako din. Sorry din. Nagulat din ako. Meron pa lang taong pag nahawakan mo. Pwede kang makuryente. Makakapagpaandar ka na ba ng electric fan pag ganoon?" Inosenteng wika ng Beth na ikinatawa ni Beth.
"Hindi iyon ganoon. Wala din akong idea. Kung bakit may ganoong pakiramdam. Kahit nasa kolehiyo na ako. Wala akong alam sa mga bagay na ganyan. Bata pa naman ako. Medyo naadvance lang talaga ako ng pasok." Wika ng lalaki na ikinatango ni Beth.
"Ilang taon ka ba?" Tanong pa ni Beth.
"Fourteen na ako, second year college." Sagot ng lalaki na ikinamangha lalo ni Beth.
"Grabe ang bata mo pa, pero college ka na. Ako nga ten pa lang ako, pero grade five pa lang ako." Halos manlaki ang mata ni Beth sa paghanga sa lalaking kaharap.
"Sa nga pala may tanong ako." Wika ng lalaki na ikinatango ni Beth.
"Anong pangalan mo? Malay mo may pagkakataon na magkita tayong muli." Tanong ng lalaki na ikinangiti ni Beth.
"Beth. Iyon ang tawag sa akin ng aking mga kaklase. Pati sina inang at amang ay iyon ang tawag sa akin. " Masayang wika ni Beth.
"Ako nga pala si Di---." Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin ng dumating ang driver ng lolo niya. Napatingin naman sila ni Beth sa sasakyan na bagong dating.
Namangha pa si Beth, dahil hindi man niya alam ang presyo ng sasakyan na iyon. Masasabi niyang mamahalin ito, at sure siya na mayaman ang lalaking kaharap niya.
"Sir, sorry kong medyo natagalan, iyong balut na gusto ng kapatid ko. Ipinaadobo pa sa akin. Hindi ko naman matanggihan dahil wala doon ang asawa niya." Wika ng driver na ikinatango naman ng lalaki.
"Okey lang po kuya Jun. Tara na po." Wika ng lalaki na ikinasakay na nito sa kotse. Naiwan namang nakatingin si Beth sa kotseng aandar pa lang.
Hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng lalaking iyon. Tatalikod na sana siya ng maalala ang letter na sinabi ng lalaki. Letter D iyon kaya sumigaw siya bago pa man makaalis ang sasakyan.
"Damulag. Iyan ang tatandaan kong pangalan mo kasi hindi mo sinabi ang pangalan mo! Mahilig kasi akong manood ng Doraemon. Pwede din pa lang Doraemon kasi letter D din pala iyon!" Sigaw ni Beth na biglang ikinabukas ng bintana ng kotse. Narinig pa ng lalaki ang tawa ni Kuya Jun.
"Basta kung magkita tayong muli, ako si Beth, Doraemon. Tandaan mo yan ha." Natatawang wika ni Beth at kumaripas na ng takbo.
Hindi naman mapigilan ni Kuya Jun ang pagtawa sa narinig.
"Kasalanan mo iyon kuya eh. Tinanong niya ang pangalan ko. Di, pa lang nasasabi ko ng dumating ka. Nagkaroon tuloy ako ng petname na Damulag. Mas mabuti na rin at napalitan ng Doraemon." Reklamo pa ng lalaki kay kuya Jun, na ikinatawa naman nito.
"Sir Dimitri, hindi ko kasalanan iyon. Ay pwede mo naman isigaw pabalik na Dimitri pangalan mo at hindi Damulag o Doraemon, pero hinayaan mo lang tumakbo. Masyadong mabibo ang batang babae na iyon Sir. Paglaki n'yo siguro bagay kayo." Tukso pa sa kanya ni Kuya Jun na ikinailing na lang ni Dimitri.
"Walang ganoon kuya, kasi alam mo kung bakit nandito kami ni Love sa Pilipinas. Dahil nasabi na sayo ni lolo at lola. Ayaw kong makasama si mommy at daddy dahil sa plano nila sa akin, pagdating ng araw." Malungkot na wika ni Dimitri, dahil kahit papano ay namimiss niya ang mga magulang. Pero ayaw pa rin talaga niyang makasama ang mga ito. Dahil hindi niya gusto ang nais ng kanyang ama, para sa kanya.
"Bata ka pa kasi ngayon Sir. Pero pagdating ng panahon, at kaya mo ng ipaglaban ang sarili mo, basta sa tama lang ha. Makakaya mo ding ipaglaban ang mararamdaman mong pagmamahal sa isang tao pag dumating iyon sa tamang panahon. Maniwala ka Sir." Nakangiting wika ni kuya Jun, ng mapansin ang panyo na hawak ni Dimitri na nakapatong sa may ulo niya.
"Napaano ka Sir? Kaninong panyo ang hawak mo?" Takang tanong ni Kuya Jun, ng ibaba ni Dimitri ang panyo na hawak niya.
Napangiti pa siya dahil naka burda pala doon ang pangalan ni Beth gamit ang pulang sinulid.
"Kay Beth kuya. Sinisipa niya kasi ang mga bato sa daan tapos tumama sa ulo ko iyong isa tapos dumugo." Nakangiting wika ni Dimitri, na ikinasilay naman ng ngisi ni kuya Jun.
"Alam mo Sir Dimitri, ngayon lang ako nakakita ng tulad mo." Wika ni kuya Jun na ikinakunot ng noo ni Dimitri na may halong pagtataka. Pero bago pa siya nakapagtanong ay nagsalita ng muli si Kuya Jun.
"Ikaw lang kasi Sir Dimitri, ang nakita ko na nasaktan na, pero nakangiti pa rin. Binata ka na nga sir." Tudyo pa ni Kuya Jun na ikinatawa na lang nila pareho.
Sa halip na, dumeritso, sa bahay para magamot na kaagad ang sugat niya sa ulo. Ay nagpaderitso siya sa school kung saan nag-aaral si Love, para hindi na magpabalik-balik pa si Kuya Jun sa pagmamaneho, na alam niyang pagod na rin ito.