Chapter 15

1723 Words
Hapon na ng makarating si Sir Lucas ng bahay, mula sa pagbisita sa mall na pagmamay-ari ng mga ito. Nagtaka pa siya ng mapansing may kasama itong magandang dalaga, at isang bata. Base sa itsura ng bata, nasa edad apat o kaya naman ay lima pa lang ito. Ipinasama ni Sir Lucas kay Liza ang babae , sa kwartong, tutuluyan ng dalawa. Hindi kasi ipinasama ni Sir Lucas, sa kanila ang mga ito. Para daw maging komportable ang bata na kasama nito. Pagkarating nila sa kwarto, ay kita niya sa mukha ng dalaga ang pagkamangha. "Nanay dito po tayo matutulog? Dito na po ba tayo titira?" Wika bata na ikinamangha ni Liza. "Anak mo?" Tanong ni Liza, na ikinagulat niya, ng tumango ito. "Hindi nga?" Manghang tanong pa ni Liza dito. "Oo nga. Anak ko nga pala si Gael. Ako nga pala si Gia." Pakilala nito sa kanya. "Totoo?" Hindi pa rin makapaniwala si Liza. Na biglang ikinatungo ni Gia. Wala namang ibang ibig sabihin si Liza. Masyado kasing bata pa si Gia, kung anak talaga ito si Gael, noong ipinagbuntis nito ang anak. Napansin niya ang biglang pagtungo ni Gia, na ramdam mong biglang nahiya. "Wag kang maiilang sa tanong ko ha. Hindi kita hinuhusgahan. Sa totoo, natanong ko lang naman, kasi nakakahanga ang tapang mo, para harapin ang buhay, na mag-isa at isang gwapong anghel lang lang kasama. Kaya relax ka lang, walang mapanghusga dito. Matanong meron. Ako. Nakalimutan ko ng magpakilala. Ako nga pala si Lizariabeth, Liza lang itawag mo sa akin. Nasa kusina si Manang Fe. May isa pa tayong kasama dito, katulong din siya na mahaba na ang buhok. Si Anna. Mabait iyon promise. Nagkasakit lang iyon, dahil inubos ang lakas sa paglilinis ng bodega. Palaging kaaway ni Sir Lucas si Anna. Kaya lang iba pakiramdam ko sa dalawang iyon. Mukhang nakuha ni Anna ang atensyon ni Sir Lucas ng hindi nila namamalayan. So ayon nga, hindi ko naman ikakalat sa iba sa iyo lang. Kaya hindi tsismis yon." Wika ni Liza na ikinatawa ni Gia. "Bakit?" Tanong bigla ni Liza dahil natawa si Gia. "Natuwa lang ako sayo. Doon sa dahil sa akin mo lang sinabi, hindi tsismis yon." Sagot ni Gia. "Ikaw talaga, pero totoo naman di ba? Tapos ito na tuloy ko na sinasabi ko, si Maam Antonia ang mother earth ni Sir Lucas. Tapos si Sir Rodrigo na wala dito, nagpapayaman pang lalo sa ibang bansa, ang father earth ni Sir Lucas. Hindi ko pa iyon nakikita ng personal, pero, mabait din iyon. May isa pa silang anak. Pero hindi tunay na anak. Pero anak nila. Basta ganoon. Si Sir Diesel, kasama ni Sir Rodrigo sa ibang bansa." Wika ni Liza, na ikinatigil ni Gia. "May problema ba Gia?" Tanong ni Liza. "Wala naman." Nakangiting sagot ni Gia. Nagkakwentuhan pa sila ng matagal bago sila nagtuloy sa kusina. Buhat-buhat ni Liza si Gael, at tuwang tuwa naman siyang laruin ito. Pumasok din si Anna, ng kusina. Dahil kagagaling lang nito sa sakit. Hindi muna ito lumapit kay Gael. Nagkakilala na rin si Gia at Anna at Manang Fe. Pumasok din si Ginang Antonia ng kusina, na nakilala din ni Gia. Kinuha pa ni Ginang Antonia si Gael sa pagkakabuhat ni Liza, at ito pa ang nagbuhat sa anak ni Gia. Naging masaya ang kwentuhan nila sa may kusina habang masayang kinakausap ng mga ito si Gael. Habang lumilipas ang mga araw, ay napapansin nila ang palaging pagsunod ni Sir Lucas kay Anna. Sila namang dalawa ni Gia, ay natutuwa sa pagbabago ng kanilang boss, mula sa masungit ay naging sweet ito kay Anna. Umuwi si Sir Rodrigo, kasama ang anak ng isa sa kasama nito sa negosyo. Alam nilang gusto na ni Sir Lucas si Anna, pero may kasama si Sir Rodrigo na nais na ipapakasal kay Sir Lucas. Pero natutuwa talaga si Liza, ng ipaliwanag ni Sir Lucas sa ama ang nararamdaman nito para kay Anna. Kaya naman, ngayon, walang nagawa si Ms. Lyka, para sa kasal na gustong-gusto nito. Nagawang makansela ang kasal na magaganap dapat sa mga susunod na buwan. Pero hindi pa rin umalis si Ms. Lyka na hinayaan lang ng pamilya ni Sir Rodrigo, dahil magbabakasyon na lang daw ito. Lalo namang nagiging sweet si Sir Lucas kay Anna, kahit minsan ay may pagtatalo pa rin. Hindi naman kasi pagtatalo talaga ang dating pag nagsasagutan ang dalawa, kundi napakasweet tingnan. Kaya naman, napapasana all na lang sila ni Gia. 'Kailan kaya may darating para sa akin.' Wika ni Liza sa sarili, pero binaliwala na lang din niya ng pumasok sa isipan niya si Damulag. 'Naku naman. Bakit ba pagnaiisip kong sana magkalove life ako, pagmumukha ng lalaking iyon ang naiisip ko? Erase-erase. Hindi makakabuti iyon sa kalusugan. Mas importante pa itong mga damit na lalabhan ko, at isasampay ko. Kay sa isipin ang lalaking dumaan lang ng saglit sa balintataw ng aking mga mata. Kaya naman, laba lang Liza. May-asawa na iyon. Tandaan mo meron na iyong love.' Saway pa ni Liza sa sarili bago ipinagpatuloy ang paglalaba. Maganda naman ang mga sumunod na mga araw. Umalis ang mag-asawang De La Costa, para sana sa quality time nilang dalawa. Ang sanang masayang bakasyon ni Sir Rodrigo at Maam Antonia ay napalitan ng galit at pag-aalala. May isang pangyayari ang ikinagimbal ng lahat, ng sabihin ni Ms. Lyka na ninakaw ni Anna ang pera na dapat sana ay pangdonate sa charity. Tapos ay nag-alsabalutan na ito. Wala silang tatlo noon sa bahay, nasa palengke sila ni Manang Fe, habang sinusundo ni Gia si Gael. Nasa trabaho si Sir Lucas, habang nasa bakasyon nga ang mag-asawa. Si Anna at Ms. Lyka lang ang naiwan sa bahay. Pagbalik nila, wala na ang ilang gamit ni Anna. Wala na rin si Anna. Silang tatlo ni Manang Fe at Gia ay hindi talaga naniniwala na kayang gawin iyon ni Anna. Kung tutuusin nga, ay mas naniniwala silang tatlo na may ginawang magic si Ms. Lyka. Pero mahirap namang mangbintang kung walang ebidensya. Pero hindi nila maiipagkaila na sobrang saya ni Ms. Lyka ng misang uminom si Sir Lucas at hindi na makagulapay pa. Dahil sa galit ito kay Anna, dahil sa ginawa nitong pagnanakaw na sinasabi ni Ms. Lyka. Na hindi talaga nila mapaniwalaan. Ilang linggo buhat ng umalis si Anna ng walang paalam ay nakita pa daw ito ni Manang Fe, palabas ng bahay. Tinawag pa daw nito si Anna. Pero hindi naman pinakinggan ni Anna, at tuloy-tuloy na itong umalis. Buhat noon hindi na nila nakita si Anna. Naaawa man sila kay Sir Lucas wala namang silang magawa. Lumipas ang isang buwan at lumipad ng America ang mag-anak. Kasama din nila si Ms. Lyka. Habang si Anna ay hindi na nila nakita pa. Nasa garden si Liza at Gia, wala naman silang boss, dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Sila lang tatlo nina Manang Fe ang nasa bahay. "Kumusta na kaya si Anna?" Tanong ni Gia kay Liza. "Ewan ko ba? Hindi ko din alam ang sagot sa tanong mo. Pero sana ok lang si Anna. Sayang noh. Kung hindi nawala si Anna. Mas masaya sana tayong tatlo. Madami pang makukulit si Gael. Miss na rin ni Gael si Anna. Minsan kasi, tinanong din ako ng bata, kung kailan daw uuwi ang tita Anna niya. Kasi sagot mo daw hindi mo alam. Ganoon din sagot ko. Kaya nalungkot naman ako para kay Gael." Mahabang wika ni Liza. "Pero sana talaga, makita nating muli si Anna. Gusto ko talagang malaman ang totoo." Sagot pa ni Gia, na ikinatango lang ni Liza. Nagpaalam ni rin si Gia kay Liza dahil susunduin na nito si Gael sa eskwelahan. Nakangiti lang si Liza habang nakatingin kay Gia na papalabas ng gate. Hindi niya, lubos maisip kung ano ang kapalaran na meron sa kanya, kay Anna at Gia. Si Anna, na hindi nila alam kung okey lang ba ngayon. Dahil noong huli itong nakita ni Manang Fe, Hindi nito pinansin ang tawag ni Manang Fe. Na sa tingin niya ay hindi normal. Si Gia, na hanggang ngayon hindi kilala ang ama ni Gael. Pero masasabi niyang napakabuti ni Gia. Dahil sa lahat ng pinagdaanan nito, pinili pa rin nitong mahalain at alagaang mabuti si Gael. Habang siya ay naghihintay sa, 'Ano bang hihintayin ko? Patak ng ulan, sa tag-araw, at init ng araw sa tag-ulan? Makita ko pa po kaya, ang lalaking yon?' Wika pa ni Liza sa sarili, na ikinabuntong hininga niya. "Parang ang unfair naman ng mundo, bakit ba hindi mabura sa utak ko, ang lalaking iyon!" Inis na wika ni Liza ng makarinig siya ng isang tikhim. Napabaling naman si Liza sa likuran niya at nakita niya si Manang Fe, na wari mo ay sinusuri siyang maigi. "May boyfriend ka ba Liza?" Tanong ni Manang Fe na ikinailing niya. "Wala po Manang Fe. May hinangaan po akong lalaki, na hindi mabura sa puso at isipan ko. Ilang beses ko lang pong nakita. Pero hindi talaga mawala. Hindi ko po magawang tumanggap ng manliligaw. Dahil pakiramdam ko, pahihirapan ko lang ang sarili ko." Wika ni Liza kay Manang Fe na ikinatabi nito sa upuang kanyang inuukopa. "Baka naman kaya hindi mawala sa sistema mo, kasi, siya ang nakalaan sayo. Baka hindi pa lang talaga ito ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Hayaan mo lang ang lumilipas na araw na dumaan. Baka tadhana pa mismo talaga ang maglapit sa inyong dalawa." Wika ni Manang Fe na ikimangha pa ni Liza. "Si Manang talag minsan ang talinhaga." Biro pa ni Liza kay Manang Fe. "Sumunod ka na lang sa kusina, dahil magtatanghalian na. Darating na rin ang mag-ina." Saad pa ni Manang Fe na ikinatango na lang ni Liza. Dahil bumalik na ito sa kusina. Tinawag lang siya ni Manang Fe dahil luto na daw ang pananghalian, darating na rin si Gael at Gia. Alam niyang malabo ang sinasabi ni Manang Fe. Pero hinayaan na lang niya. Baka naman nga kasi may tamang panahon, para sa kanya. Pwedeng hindi nga ngayon. Baka naman sa mga susunod pang mga panahon. "Hindi naman siguro masamang umasa at maghintay ng tamang panahon at pagkakaton. Lalo na kung wala naman akong balak sumubok sa iba." Wika ni Liza sa sarili, na hinayon na ang papasok sa kusina, para matulugan si Manang Fe sa ginagawa nito. Bago dumating ang mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD