Chapter 14

1516 Words
Masasabi ni Liza, na magaan lang ang trabaho niya sa bahay ng mga De La Costa. Kahit masungit naman ang anak nitong si Sir Lucas ay masasabi niyang may kabaitan itong tinataglay. Marunong itong makisama, kahit sa tulad niya na katulong lang. Naririnig lang naman niya ang pagsusungit nito, pag may problema sa trabaho. Pero kung kay Liza naman ay hindi pa niya nararanasan ang pagsusungit nito. Halos ilang buwan na rin siyang nagtatrabaho kina Ginang Antonia, at doon nakilala niya si Ginoong Rodrigo na asawa ni Ginang Antonia via video call at si Sir Diesel. Mababait din ang mga ito. Sa ilang buwan na pagtatrabaho niya, ay nakaipon na siya kahit papano ng kaunting, pambawas na pambayad sa pagkakasangla ng kanilang sakahan. Nabibigyan di niya ng kaunting panggastos pa ang kanyang inang at amang, pati ang pamilya ng kanyang kuya Elirio. Nahihiya man ang kanyang kuya at ate Marie sa kanya, ay wala naman itong magawa, dahil, kahit panay ang tanggi ng mga ito, ipinapadala naman talaga niya, ang pambigay sa mga ito kaya naman, walang magawa ang mga ito, kundi kunin at tanggapin, para na rin sa dalawang bata. Wala naman siyang ibang gastos, kundi ang mga personal na gamit lang niya. Lahat naman kasi ay libre sa bahay nina Ginang Antonia. Kahit ang mga shampoo at sabong pampaligo, ay wala siyang gastos. At ang isa pa, kung ano ang pagkain ng mga ito, ay iyon din ang pagkain nila. Hindi tulad ng iba, na iba ang pagkain ng amo, at katulong. Minsan nga binibigyan pa silang dalawa ni Manang Fe ng kung anu-ano. Okey lang si Manang Fe, at matagal na ito kina Maam Antonia. Pero siya na baguhan, halos kapantay lang din ng tingin kay Manang Fe. Kaya naman lalo pang pinagbubuti ni Liza ang pagtatrabaho, at buong pusong magiging tapat sa pamilya ng mga ito. Sobra din siyang natutuwa dahil dito lang siya nakakita na ang kanilang boss ay isinasabay sa pagkain sa hapag ang mga katulong. Ibang-iba ang pakikitungo ng pamilya ni Mrs. De La Costa. Hindi katulong ang turing sa kanila, kundi isang kapamilya. Na sobra naman niyang hinangaan. Isang gabing galing ng mall, na pagmamay-ari ng mga ito si Maam Antonia ng umuwi itong may kasamang, magandang dalaga. Mas bata ito sa kanya, iyon ang tingin niya dito. Mukha din itong hindi papasa sa pagiging katulong kung sa mukha niya titingnan. Maganda ito at napakasimple. Masasabi niyang, isang tingin pa lang ay mabait ito. At mukhang masayahin. Mabilis namang nakapagpalagayan niya ng loob si Anna. Kung ganda ang titingnan, parang wala itong alam sa buhay. Pero natawa pa siya, ng malamang halos lahat ng trabaho ay kaya nitong pasukin, basta sa maayos at legal na paraan. Inalis na rin sa kanya ni Maam Antonia ang trabaho para sa paglilinis ng mga kwarto at ibinigay iyon kay Anna. Hindi alam ni Liza kung matatawa ba siya kay Anna o maaawa. Unang araw pa lang nito, ay sinubok na kaagad ito ng kasungitan ng kanilang boss. Natatawa pa siya minsan, lalo na at naririnig niyang Sir Dragon ang tawag ni Anna kay Sir Lucas. Makulit si Anna, ng minsang makakwentuhan niya. Natutuwa siyang pareho lang sila ni Anna, na gagawin ang lahat para sa pamilya. Kaya siguro hindi na siya nagtaka kung paano sila ganoong kabilis nagkapalagayan ng loob ni Anna. Isang beses, na pinalinis pa ni Sir Lucas kay Anna ang bodega, na noon ay pinagbabalakan na niyang linisin. Pero pinigilan siya noon ni Sir Lucas, pero parang sa tingin niya, ay gumaganti ito kay Anna, dahil sa pananagot ni Anna. Si Anna ang pinaglinis nito. Gusto man niyang tulungan si Anna, baka naman siya ang kagalitan ng masungit nilang boss. Kaya wala siyang nagawa hanggang sa hayaan na lang. Kinagabihan, dahil na rin sa sobrang pagod, nagkasakit pa si Anna. Isang dahilan sa maghapon na iyon, hindi man lang nito nagawang kumain, o magmeryenda man lang, sa halip ay tinapos ang ginagawa. Nakita niya, kung paano mataranta si Sir Lucas, na hindi naman nito ginagawa, para sa ibang tao. Sa halip na sa maids quarter si Anna magpahinga, sa sariling kwarto pa nito ito dinala. Kukuha pa sana siya ng pamalit ni Anna na damit, pero damit pa mismo ni Sir Lucas, ang ibinigay nito sa kanya, para lang mapalitan niya ng damit si Anna. Doon, biglang naintindihan ni Liza, kung bakit hindi magkasundo si Anna at ang boss nila. Mayroong something na hindi pa niya maunawaan. Kaya ayaw niyang pangalanan. Mahirap na tsismis iyon. Kinaumagahan naman ay umalis si Sir Lucas, kasama ng kaibigan nitong si Andrew. Nakilala niya si Sir Andrew noong unang dating pa lang niya, gwapo ito at hindi naman nalalayo sa itsura ni Sir Lucas. Kaya lang, 'Hay Damulag, lumayas ka sa isipan ko. Wala na akong care sa'yo noh.' Singhal ni Liza sa sarili. Nakita niyang nagdidilig ng halaman si Manang Fe, kaya siya na muna ang nagpresintang, gumawa noon. Tapos na rin naman siya sa ginagawa niyang paglalaba. Namamahinga pa kasi si Anna sa kwarto ni Sir Lucas. Kinilig naman siya talaga ng slight. Para sa dalawa. Pero hindi naman, niya pinapahalata. Habang nagdidilig ng halaman, ay hindi maiwasan ni Liza na malungkot. Ewan ba niya sa sarili niya. Wala naman talagang, dapat ikalungkot, pero ang puso niya, may hinahanap talaga. Napatingin na lang si Liza sa kalangitan, at umusal ng panalangin. Na sana, dumating din ang panahon na mapunan ang kahungkagan na nadarama ng kanyang puso. Habang sa isang banda, ay nandoon naman si Dimitri sa gitna ng kanyang garden at nakahiga sa damuhan. Hindi siya nagtungo, sa sakahan, hinayaan na muna niya ang kanyang pinagkakatiwalaang tauhan, ang mamahala ng lahat. Nakatingin lang si Dimitri sa asul na langit, habang hawak ang box, kung saan nakalagay ang kwintas na galing kay Love at ang panyo na galing kay Beth. Tapos ay ipinatong niya iyon, sa kanyang dibdib. "Love, I miss you na kapatid ko. Gusto mo ba talagang mahanap ko si Beth? Pero paano ko naman gagawin iyon, kung bata pa naman kami ng makita ko s'ya, habang ngayon, sure na dalagang-dalaga na iyon. Pati hindi ko naman, sure na pag makikita ko s'ya ay makikilala ko pa siya. Pwedeng medyo nabago ang itsura n'ya, habang nagdadalaga. Pati sa tagal ng panahon. Hindi ko na rin maalala ang mukha niya." Wika ni Dimitri habang nakatanaw, sa malawak na kalangitan. Bigla naman dumiklom ang langit na wari mo ay uulan. Natabunan ng makapal at maitim na ulap, ang asul na langit. Pati ang haring araw ay nagtago sa likod ng mga ulap. Natawa pa si Dimitri, dahil sa nangyari sa magandang panahon. "Grabe ka naman Love. Oo na hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano. Galit naman kaagad eh. Hahanapin ko si Beth at ibibigay ko itong kwintas na galing sayo. May asawa man siya o wala. Promise, ibibigay ko ito sa kanya, tulungan mo lang akong mahanap ko s'ya, kaagad ha. Wag ka ng magtampo." Saad pa ni Dimitri, na medyo pumapatak na nga ang ambon. Nararamdaman na rin niya ang, lamig ng ihip ng hangin. Pero wala pa rin siyang balak, umalis sa gitna ng parang. Gustong-gusto niya ang patak ng ulan. Ang nasa isip niya sana ay magkasakit siya at sunduin na lang ni Love. Kahit alam niyang hindi naman iyon mangyayari, ng dahil lang sa kauting babad sa ulanan. Hindi na naman, napigilan ni Dimitri ang sarili na hindi tumulo ang mga luha. Namimiss niya si Love, pati na rin ang kanyang lolo at lola, kasama pa ang dapat niyang pamangkin na hindi man lang niya nakita. Hanggang ngayon, hindi pa rin, niya matanggap na wala na siyang kasama, sa malaking bahay, na ipinagawa niya, na dapat sana ay ireregalo niya kay Love, pagdating ng araw. Hindi naman tumuloy ang akala niya ay malakas na ulan. Biglang nawala ang dilim ng kalangitan, na ikinabuntong hininga naman niya. "Ganoon mo talaga kamahal si Kuya? Ha? Love? Ayaw mo ba talagang isama si kuya kung nasaan ka man ngayon, Love? Masaya ba kayo ni lolo at lola dyan? Ang pamangkin ko ba? Magkakasama kayo? Nakita na ba s'ya nina lolo at lola? Masaya ba kayong magkakasama?" Tanong ni Dimitri, habang nakatingin sa kalangitan. Habang ang mga luha sa kanyang mga mata ay hindi niya mapigilan. "Ako kasi dito, hindi ko alam. Isa lang ang sigurado ko ngayon, mag-isa lang ako sa buhay, dito sa malaking bahay. Dahil maaga mo akong iniwan. Miss na miss na kita, Love. Kayo ni Lolo at Lola. Sana isinama mo na lang din ako Love. Hindi man lang ako naiisipang kumustahin ni Daddy. Minsan tumatawag si Mommy. Kinausap lang ako ni Daddy noong sinabi niya sa akin na mag-enjoy lang daw ako, sa buhay ko ngayon, dahil sa tamang panahon, itutuloy daw nila ang napagkasunduan nila ng kaibigan niya. Love, hahayaan ko na ba si Daddy sa kagustuhan niya? Susunod na lang ba ako sa mga plano nila. Give me a sign Love. Gabayan mo si Kuya." Umiiyak pang tanong ni Dimitri, sa kawalan kahit alam naman niyang wala namang sasagot sa kanyang katanungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD