Chapter 13

1555 Words
Pagkarating nina Liza at Ms. Rowella ng Maynila ay idinaan muna siya ni Ms. Rowella sa isang agency. Doon kasi pwedeng mag-apply para maging katulong ka dito sa Maynila. Matapos ang ilang paalala ni Ms. Rowella ay umalis na rin ito. Sinabihan siya nito na palaging mag-iingat at wag magtitiwala kaagad sa iba. Lalo na kung pakiramdam niya ay hindi ito gagawa ng maganda. Nagpasa na rin si Liza ng resume sa agency. Sinabi naman sa kanya, tatawagan na lang daw siya, pag may tumawag sa kanila na nangangailangan ng katulog, at kung pasok si Liza sa criteria, na hanap ng mga ito. Mahirap daw kasing makahanap ng trabaho kahit katulong lang sa ibang mayayaman. Kahit katulong ka lang ang gusto ng ibang mayayaman, ay nakapagtapos ka, kahit dalawang taon sa college. Maswerte pa rin kung, walang credentials na hanap. Iyong basta lang need ng taga linis ng bahay, taga laba, at taga hugas ng pinggan. Minsan kasi may chef ang ibang mayayaman. Karamihan daw kasi, ay may mga batang maliliit na dapat alagaan, kaya naman ang gusto ng iba ay nakapagtapos ng college. Kahit nga dalawang taon. O kaya naman daw ay nakatungtong ng college, kahit papaano. Bagay na walang wala sa kanya. Bagay na nakakapanghina minsan kung iisipin niya at didib-dibin. Pero alam naman niyang kahit ang paggiging katulong ay mahirap gawin at hanapin. Kaya nag-ipon siya ng isang truck ng lakas ng loob, bago nagtungo ng Maynila. Nang makaalis ng agency, ay naisipan na niyang maghanap, at magtanong-tanong, kung saan siya pwedeng tumuloy. Kailangan niya ng matitirahan, habang wala pang tawag sa kanya ang agency. Meron naman siyang naipon. Kaya naman, kahit papano ay kaya niyang kumuha ng bed spacer muna habang wala pa siyang trabaho. Hindi kasi pwedeng kumuha ng apartment, at baka, hindi na siya makakain pag ganoon ang hinanap niya. Habang naglalakad si Liza, sa paghahanap ng nagpaparent ng bed spacer ay hindi niya napansin ang paparating na kotse, kaya naman nabundol siya nito. Hindi naman siya napuruhan, dahil dinig na dinig niya ang pagkaskas ng gulong ng kotse, tanda na biglang pag preno ang nagmamaneho nito. Bigla namang, bumaba ang isang napakagandang Ginang sa kotse iyon na kita mo ang pag-aalala, lalong lalo na sa mga mata nito. "Okey ka lang ba hija? Hindi kasi kita napansin, mas una kong nakita iyong maliit na kuting sa daan. Kaya iniwasan ko. Huli na ng mapansin kita. Dadalahin kita sa ospital." Nag-aalalang wika ng Ginang sa kanya. "Naku, Maam hindi na po. Gastos lang po iyon. hindi naman po ako gaanong nasaktan. Gasgas lang po ito." Wika pa ni Liza. "Hindi naman pwedeng wala akong gawin para sa iyon. Sige ito na lang saan ka ba tumutuloy at ng ikaw ay maihatid ko." Wika pa ng Ginang at inalalayan si Liza na makatayo. "Naku Maam, wag na po. Wala pa po akong matutuluyan, naghahanap pa lang po ako ng bed spacer, pansamantala. Naghahanap pa po kasi ako ng trabaho, kahit po katulong lang, sana. Wala po kasi akong natapos, kaya po sana kahit ganoon sana ay matanggap po ako. Kaso hindi ko po alam kung may tatawag sa agency na in-apply-an ko. Lalo na po kahit po pala katulong dapat nakatapos ng college kahit dalawang taon. O kaya ay nakatungtong po ng college." Nahihiyang wika ni Liza na ikinapalakpak bigla ng Ginang. "Ganoon ba hija. Naku tamang-tama. Ako na lang ang kukuha sayo. Kung nais mong maging katulong sa bahay namin. Medyo malawak lang ang mga lilinisan, pero may kasama ka naman. Ako nga pala si Antonia De La Costa. Gusto mo bang maging katulong sa bahay ko, para naman may kasama na si Fe." Wika ng Ginang na biglang ikinatuwa ni Liza. "Talaga po? Kukunin po ninyo akong katulong sa bahay ninyo? Promise po sisipagan ko po. Hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ibibigay po ninyo sa akin. Pero paano po iyon, nakapagbigay na po ako ng resume sa agency. Baka po mamaya may tumawag po sa kanila, at sabihing pwede po ako. Tapos baka po magkaproblema." Malungkot na tugon ni Liza, dahil nanghihinayang siya sa pagkakataon. "Walang problema, ipacancel na lang natin ang apply mo para naman, hindi ka magkaroon ng pangit na record. Ako na lang tatawag sa kanila. Ibigay mo sa akin ang number ng agency. Ako ang bahala." Wika pa ng Ginang. "Ano ngang pangalan mo hija." Tanong ng Ginang. "Lizariabeth Agustin po Maam." Magalang na wika ni Liza at tinawagan na ni Ginang Antonia, ang agency kung saan nag-apply si Liza. Narinig ni Liza na nagpakilala ang Ginang, sa agency kung saan siya nagpasa ng resume. Nakaloudspeaker kasi ang Ginang sa ginawa nitong pagtawag. Kinausap lang din siya saglit ng tauhan sa agency, na pinapacancel na nga ang apply niya. Hanggang sa natapos ang tawag ay napahanga si Liza, dahil pakiramdam niya ay, mahalagang tao ang Ginang. Nang matapos makausap ng Ginang ay sinabi nito sa kanya, na okey ng talaga at wala ng problema. Nilagay na ng Ginang ang dalang gamit ni Liza sa trunk ng kotse. Pinasakay na rin ng Ginang si Liza sa passenger seat. Tapos ay sumakay na rin ang Ginang sa driver seat. "Yang, Liza na lang itawag ko sayo hija, ang haba ng pangalan mo eh." Wika ng Ginang na ikinatawa ni Liza. "No problem Maam. Mas okey po iyon sa akin. Hindi ko nga po alam bakit ganoon ang pangalan ko. Combination daw ng pangalan ni Inang at Amang." Natatawang wika pa ni Liza. "At isa pa Maam, thank you po at hindi kayo nagdalawang isip na kunin ako bilang katulong, lalo na at hindi pa naman po ninyo ako nakikilala ng lubusan." Nahihiyang wika ni Liza. "Ano ka bang bata ka. Nakikita ko naman, na napakabuti mong tao. Kung hindi, siguradong marami ka nang hiningi sa aking danyos, dahil sa nangyari kanina. Pero ikaw pa itong tumanggi, sa nais kong dalahin ka ng ospital. Kaya nasisigurado kong mabuti kang tao." Paliwanag ng Ginang na ikinatuwa ni Liza. "Sa nga pala Liza, kasama ko lang sa bahay si Fe. Siya lang ang katulong ko sa bahay na makakasama mo. Mabait iyon, at si Fe na ang halos katuwang ko sa pagpapalaki kay Lucas. Nandoon sa ibang bansa kasi ang aking asawa. Kasama ng panganay namin bale. Ganito kasi iyon, hindi namin itatago ang sitwasyon ni Diesel, dahil, ayaw naming may mabuong, tsismis sa aking mga anak. Si Lucas lang ang tunay naming anak, pero mahal na mahal namin si Diesel bilang kuya ni Lucas. Pero hindi si Diesel naiiba sa amin. Anak si Diesel ni Kuya Rodel na kapatid ng aking asawa na si Rodrigo. Sana ay naiintindihan mo kahit wala dito si Diesel. Iyon lang naman." Wika ng Ginang na ikinamangha ni Liza. "Hindi naman po need itsismiss iyon Maam. Napakabuti po ninyo, ng pamilya po ninyo. At tungkol po kay Sir Diesel, masasabi ko pong, napakabuti po ninyong tao. Dahil sa pagmamahal po na ibinibigay po ninyo kay Sir Diesel. Hindi ko man po siya kilala pa. Sigurado po akong, mahal na mahal po niya kayo. Pati na rin po si Sir Rodrigo at Sir Lucas. Maswerte po akong kinuha po ninyo akong katulong. Masasabi ko rin pong napakaswerte ng pagtungtong ko dito sa Maynila at nakilala ko po kayo. Salamat po sa pagtanggap sa akin ng walang pag-aalinlangan. Pangako po, pagbubutihin ko po ang trabaho ko. Thank you po ng sobra-sobra." Wikang pasasalamat ni Liza, na nginitian naman siya ng Ginang. Halos nasa isang oras din ang byahe nila, ng makarating sa bahay nina Ginang Antonia. Walang tulak kabigin si Liza, sa laki at ganda ng bahay ng mga ito. Sumalubong sa kanila ang isang medyo may edad na babae na hindi naman, nalalayo sa edad ni Ginang Antonia. Masaya siya nitong binati. Nakilala niya itong si Manang Fe. Mabait si Manang Fe, ito ang makakasama niya sa kwarto. Mas mabuti naman para sa kanya, lalo na at nahihiya naman siyang, solo lang sa iisang kwarto. Hindi pa sila nakakapasok sa loob ng bahay ng dumating ang anak ni Ginang Antonia. Namagha siya sa angking kagwapuhan nito, at nakilala niya itong si Sir Lucas. Medyo may pagkamasungit ito. Pero mukha namang mabait. 'Pero walang dating si Sir Lucas para sa akin, kahit ang gwapo niya, kung ikukumpara ko si Damulag. Iba pa rin ang dating ni Damulag sa akin. Titig pa lang napapakabog na ang puso ko. Teka lang, bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Ilang taon ko na ngang hindi ko siya nakita. Wala pa akong naging balita. Baka nga nag-asawa na. Eh ano naman sayo Lizariabeth, kung nag-asawa na? Piling mo naman? Ay ano?' Nagtatalong wika pa ni Liza sa sarili, na ikinatawa niya ng lihim. 'Nababaliw na yata ako.' Dagdag pang ani ni Liza sa isipan ng marinig na lang niya ang paalam ni Sir Lucas na mauna na daw itong pumasok sa loob ng bahay, sa kanila. Na kita niyang ikinatango ni Maam Antonia. Sinabihan naman muna siya ni Maam Antonia bukas na magsimulang magtrabaho. Magpahinga na lang daw muna siya ngayong araw, at ayusin ang mga gamit niyang dala. Pwede din naman daw niyang libutin, muna ang buong kabahayan, para maging pamilyar siya sa bawat parte ng bahay. Sasamahan naman daw siya ni Manang Fe, para makita niya ang kabuoan ng bahay, na ikinatuwa naman ni Liza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD